FRANCHESKA POV “WHATʼS your name and your license ID!” Nakita ko kung paano namilog ang kanyang mga mata nang may narinig kaming baritonong boses. Napalingon ako at doon ko nakita sina kuya Harry, Queen and Dr. Javier — uncle namin sa malayo, magpinsan sina grandpa and grandpa niya. Nakita ko ang pamumutla ng dalawang nurse na kumausap sa akin. “Dr. Javier!” malakas nilang sabi. “Whatʼs your name and your license ID?” ulit niyang tanong sa amin. “Uncle Javier, m—my mom... N—nakahiga pa rin siya sa bed without anyone to check her. Tinignan lang nila kung humihingi pa si mom sabi nila ate Pola and after that ay wala na silang ginawa. Ilang beses din sinabi nila ate Pola na Lazaro siya and daughter siya nina grandpa and grandma pero hindi siya naniwala. Pinagtawanan pa nila ang mom ko!”

