FRANCHESKA POV “MS. QUEZON, magpapapirma ka ba?” Napapitlag ako nang sikuin ako ni Rosy. “Iyong clearance mo? Papirmahan mo na,” mahinang sabi niya sa akin. Napatingin ako sa aking harapan at nakita ko ang head teacher namin sa Filipino. “Um, ah, opo! Magpapapirma po ako!” mabilis kong sabi at binigay iyon sa kanya. “Akala ko ay ayaw mo sa pirma ko. Ako ang head ninyo.” Ngumiti ako sa kanya. “Sorry po, Prof.” Binalik na rin niya ang clearance paper ko at nagpasalamat kami sa kanya. “Huy, ano bang nangyayari sa iyo? Kanina pa lumilipad ang isipan mo, Cheska. May problema ka ba?” tanong ni Rosy sa akin. Naupo kami sa isang bench at tinignan niya ako. “Cheska, pʼwede mo kong sabihan ng sikreto mo. May problema ka ba? Tungkol ba sa Ninong Xeron mo? Hindi ka ba niya muli nire—reply—an?

