CHAPTER TWO

1016 Words
*kringgg* *kringgg* Naalimpungatan ako sa lakas ng tunog ng alarm ko, Teka anong oras na ba? Sumikat na ba ang araw? sabay baling ko sa bintang nakasarado pa pala hay nako Valerie shunga shunga ka na naman. Bumangon muna ako para bumaba at magluto ng umagahan, habang pababa ako nakasalubong ko si Aleng Marga "Magluluto lamang po ako, may trabaho po ba kayo?" sabi ko ng mapansing nakabihis na siya "Nakapagluto na ako, kumain ka na lamang doon, nakatakip ang pagkain sa lamesa" aniya ng nagmamadaling pumasok sa kwarto nila ni Mang Kanor. Pagkatapos kong kumain ay dali dali akong umakyat sa kwarto upang maligo, ginising ko na din si Ate Ann dahil ito ay may trabaho din, ng matapos akong maligo ay dali dali na akong nagbihis at malapit ng sumikat ang araw gusto ko kasing habang naglalakad ako ay nakatanaw ako ulit sa pagtaas ng araw. Nagpaalam na ako kay ate para mauna baka kasi pag sinabayan ko na naman sya at mapagalitan ako at mabagal ako maglakad "Ate una na ako ha? Ingat ka sa trabaho bye" sigaw ko ng makalabas ako ng bahay "hoy teka abat-" hindi na natapos ni ate ang sasabihin nya dahil tumakbo na ako hahaha syempre para paraan to! "Hoy Valerie" "Pst" habang nagmumuni muni ako at dinadama ang sikat ng araw biglang may tumawag sa pangalan ko "Hoy bingi" Abat inulit pa nga, napatingin ako sa kaliwa ko "Booooo" panggugulat nya "Ay unggoy ka" dahil sa pang gugulat nya ay napasabi ako ng ganun "Aba't hoy hindi ako unggoy!" sabi ni Jacob, sya si Jacob Evans ang lalaking mahilig ring manood ng paglubog at pagsikat ng araw tulad ko "E bakit ka ba naman kasi nanggugulat ha?" sabay irap kong tingin sa kanya, nakakainis naman kasi talaga e "Hoy ang arte mo alam mo yun? halika na nga baka malate pa tayo" sabay akbay at hila nya para magmadali ako. Hanggang natanaw ko na nga ang paaralang papasukan naming dalawa. "EASTERN UNIVERSITY, Wow Jacob parang pang mayaman ang tunog ng school natin ah" pagkamanghang sabi ko sa kanya "Baliw tunog lang pero hindi talaga HAHAHAHA, Tara na balita ko kasi maraming chixx dyan e" sabi nya ng may nakakalokong tingin. "Babaero ka kasi jusko, pupusta ako mamaya may bebe kana!" sabi ko ng may masamang tingin sa kanya "Uy joke lang ano ka ba HAHAHA tara na nga sa room hanapin natin" naglakad kami ng naglakad hanggang sa nakita na namin ang hinahanap naming section "Hoy valerie tabi tayo ha!" sabay bangga nya saken, wala naman akong choice e "Oo nalang as if namang may choice ako diba?" pairap na tugon ko sa kanya "Tara tara doon tayo" turo nya ng magkita sya ng bakanteng upuan sa likudan *kringg * *kringg* Hudyat na time na kaya lahat ng estudyante ay pumasok na sa kani kanilang room, Sabay ng pagtunog ng mga bell na ito ay ang pagdating ng aming Prof "Good morning students, I am Prof Edward Gutierrez, your prof for this subject" aniya ng may ngiti sa mukha, "Today we will not be having our class yet, For this day you will be introducing your self" pagpapatuloy niya, nakikinig ako ng may kumulbit na naman sa tagiliran ko "Parang nakakatakot naman tong Prof natin, parang mangangain ng tao" salubong na kilay na sabi sa aken ni jacob "Baliw ang gwapo gwapo nga e, tsaka feel ko mabait" sabi ko sa kanya ng hindi tumitingin "Psh mas gwapo ako sa kanya ulol" napabaling tuloy ako sa kanya dahil sa sinabi nya "Yabang" sabi ko at nakinig na lamang ulit kay Prof Edward "So okey we will start first on the back, Go start" sabi ni prof kaya bigla akong kinabahan kasi kami yung nasa likudan. Tumayo naman kaagad si Jacob at nagpakilala sa unahan "Jacob Evans single and ready to mingle. Thank you" sabay kindat ng kupal edi tilian nga naman ang mga kaklase ko, napatawa naman si prof jusko, ako naman sunod kaya tumayo na ako at pumuntang unahan "Valerie Cruz, 19, Thank you" ngumiti naman ako pagkatapos pero biglang may umimik galing sa gitna "Uy single ka ba daw?" nagulat naman ako sa tanong na yun kaya hindi ako kaagad nakasagot. Iimik na sana ako ng naunahan ako "Strict parents nyan bawal" gulat akong napatingin kay Jacob ng siya ang sumagot pero mas nagulat ako ng masama ang tingin nya sa lalaking nagtanong nun, kaya dali dali akong umupo sa upuan ko at hindi na pinansin pa ang bulungan ng iba. Nagpatuloy ang introduce yourself na iyon hanggang sa naubos na ang magsasalita "Okay students that's all for today. Dismiss" sabay ng pagsabi ni Prof ng Dismiss ay syang pagtunog din ng bell sa buong University. Kaya niyaya ko na si jacob palabas ng room na iyon "Jacob tara na, samahan mo muna sa library magbabasa lang ako" sabi ko ng hinihila na sya "Magbabasa? e ang tali talino mo na nga, baka mamaya hindi na kita matalo sa ranking nyan?" sabi niya ng may pagbibiro sa boses "Baliw konti lang naman babasahin ko, mag aadvance reading lang sana" sabi ko kaya hindi na sya nakapalag. Nakarating kami sa library kaya dali dali kong hinanap ang librong naglalaman ng mga aralin namin sa susunod na linggo at nagsimula ng basahin ang mga ito "Ang dami naman nyan, akala ko ba saglit lang?" inip na sabi saken ni jacob "Nakakainis ka namang kasama e, magbasa ka nalang wag ka ng magreklamo" sabi ko ng nakatuon pa din ang atensyon ko sa librong binabasa ko. Nang matapos ako sa binabasa ko ay nagmadaling tumayo si jacob para tulungan akong ibalik ang mga libro sa kinuhanan ko ng mga ito "Oh tara na, gutom na ako" sabi nya ng nagrereklamo pa din "Oo na, napaka mainipin mo naman e" sabi ko ng sa naiiritang tono. Habang hila hila ako ni Jacob napansin kong may mga matang nakatingin sakin ngunit pinagwalang bahala ko nalang iyon, Agad agad kaming kumain sa kadahilanang gutom na gutom na daw si Jacob kaya ng matapos kami ay sabay na kaming naglakad palabas ng Unibersidad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD