"Valerie halika na, tama na yang pagtingin tingin mo sa lumulubog na araw at mahuhuli na tayo sa hapunan" kulbit ni Ate Ann habang nakatulala ako sa dagat kung saan tanaw na tanaw ang paglubog ng araw, "Teka ate saglit nalang po ito patapos na naman po oh" sabi ko habang ang mga mata ko ay tila ba kumikislap sa ganda ng tanawin na aking nasasaksihan sa ngayon "Hala sige pag nagtagal pa tayo ay malalagot na tayo kina aling marga, alam mo naman yung mga yuon akala ata ay tayo ay humahada! bilis na tara na" habang nagmamadaling inayos ni ate ang mga pinamili namin at binitbit na, kaasar naman e "sige po tara na ate" wala na naman akong nagawa kundi sumunod, nabitin na naman ang panonood ko sa paglubog ng araw, para akong batang inagawan ng candy habang naglalakad.
Pagkarating namin sa bahay ay sigawan ang bumungad sa aming dalawa ni ate ann, tila ba nagtatalo na naman ang mag-asawa "Ano ba naman yan Kanor! Nasabi ko na sayong wag kang magsusugal e, nakita mo na ngang wala na tayong pera!" sumisigaw na sabi ni aling marga sa harap ni mang kanor na busy'ng busy naman sa panonood ng tv "E kung ang pinuputak mo dyan ay dumidiskarte ka! Aba marga wag na wag mo akong sisimulan at talagang makakatikim ka! Pag trabahuhin mo yang mga pamangkin mo ng may malamon tayo rito!" biglang tumayo si mang kanor na tila ba galit na galit na naman at parang maya maya ay magwawala na naman "Hay nako ang buhay nga naman, Malilintikan na naman tayo nito Valerie" umiirap na bulong sa akin ni ate ann "Paanong gagawin natin ate? hindi pa sila kumakalma" kabadong bulong ko pabalik sa kanya "Hayaan na natin sila hala sige tara na pumasok at maghanda ng mga ito" sabay turo nya sa mga pinamili naming nasa harapan lang.
Pagkapasok na pagkapasok palang namin sa pinto ay bigla na namang umimik si mang kanor at tumingin sa amin dalawa ni ate "Oh ayan naman na pala ang mga magagaling mong pamangkin e" sabay sigaw ni mang kanor habang tinuturo kami kay aleng Marga "Siguradong humada na naman ang mga iyan Marga!" walang prenong imik na naman ng matanda, "Ano ka ba kanor! wag mong pagsalitaan ang mga bata ng ganyan! Hala tara doon sa kwarto! doon tayo mag usap!" nagmamadaling lumakad si Aling Marga habang sumunod naman si Mang kanor na tila galit na galit parin habang nakatingin sa amin ni Ate Ann.
"Tsk tsk, ito na naman tayo, hayaan na natin sila, away mag asawa lang yan. Mamaya'y aayos rin ang mga iyan" sabi ni ate ann habang inaayos na ang mga binili namin sa ref.
Pagkakain namin ng hapunan ay umakyat na ako sa kwarto, hinayaan ko na si Ate Ann sa baba dahil sya naman ang nakatoka sa ngayon at kailangan ko paring maghanda para sa eskwela ko bukas. Dahan dahan akong humiga at hinintay na lamunin ng antok hanggang sa unti unti ng pumikit ang mga mata ko.