"Hoy Valerie! Bilisan mo nga malapit ng lumubog ang araw! Mapag iiwanan na naman tayo e tingnan mo ang bagal mo kasi kumilos" umiirap na sigaw sa akin ni jacob habang nagtatatakbo sya papuntang dagat. "Ito na ho master nagmamadali na nga diba? hindi mo ba nakikita? kakaasar kana!" umirap din ako syempre, ano ba kasing magagawa ko kung maliliit yung hakbang na nagagawa ng mga paa ko!
"Hindi ba sabi mo saken noon sabay natin palaging panonoorin ang paglubong ng araw? Pero bakit tila hindi mo na ako hinihintay?" sabi ko ng mapansing hindi na sya naghihintay sa labas ng classroom ko "Ah e kasi ang bagal mo e, tsaka kasama ko mga tropa ko ano kaba! babawi nalang ako sayo sa susunod pwede naman diba?" tila ba parang hirap na hirap syang bigkasin ang mga salitang iyon, parang may tinatago "Bakit parang kinakabahan ka? may tinatago ka ba saken?" tiningnan ko sya ng punong puno ng pagdududa "Ha? hakdog syempre wala no! tara na nga HAHAHAHA" sabi nya pero hindi ako mapalagay kasi alam kong yung tawa nya hindi totoo.
"Jacob? bulagaaaaa HAHAHA" pero tila ako yata ang nagulat "Va-valerie" aniya, katulad ko siya din ay nabigla pero mas nabigla ako sa naabutan ko "U-uy sino yan? Aba may jowa ka na yata ah ba-bakit di mo sinasabi?" unti unti na yata akong nadudurog totoo ba to? Baka panaginip lang pakigising naman.
"Salamat sa lahat ng masasayang pinagsamahan nating dalawa, pinapalaya na kita" unti unting pumatak ang mga luha ko habang nakatingin sa mga mata nyang walang emosyon, pagkabigkas ko ng mga salita sya namang pag alis nya sa harapan ko