CHAPTER 10

1088 Words
CHAPTER 10 Alex's Pov “Ah ok. Ganun pala ang nangyari,” iyon lang ang sinabi ni Kiray nang marinig niya ang story of my life kung bakit ako naging bi. Wala naman siyang imik. I don't know kung inaantok na kasi siya o sadyang hindi lang interesting ang kwento ko. “Let's sleep, Kiray.” “Ah pero Alex… nasaan na si Rio?” “I don't know. Haven't heard of him since he left me.” “Naging kayo ba? Hanggang saan… Paano kayo—” “Kiray…” I cut her off baka kasi kung ano ano ang iniisip niya. “We have never been intimate.” “Ah… as in kiss wala?” “Ikaw nga first kiss ko ‘di ba? Matulog na nga tayo.” Nahiya ako bigla nang naangkat na naman ang first kiss. Kaya siguro hindi kami makatulog. Sobrang daming nangyari sa araw na ito. Pesteng ingrown kasi ito. Pero kung hindi naman dahil do’n, hindi ko makikilala si Kiray kaya salamat sa ingrown. Blessing in disguise din pala. Hindi na rin umimik si Kiray at lumuwag na ang kanyang yakap. Mukhang nakatulog na siya. Ako naman ay nakatitig lang sa kisame. Nakakalungkot pala magbalik tanaw sa nakaraan. Pero mas nakakalungkot yung butiki sa kisame. Nakakainggit makita silang tatlo sa itaas, yung isa maliit pa, anak yata nila. Buti pa mga butiki sa kisame ko buo ang pamilya. Sa totoo lang, gusto ko na magka anak. Thirty years old na ako pero mag-isa pa rin. Hindi naman counted si Mamang Adel. I mean, iyon bang may bubuhating baby, yung pag uwi mo sasalubungin ka ng maliliit na bisig para magpakarga. Isasama ko sana iyon sa kontrata ko kay Kiray pero sino naman kayang matinong babae na papayag sa ganu'n? Na aanakan lang? Gusto ko anak lang talaga. Ayaw kong mag asawa. Napaka unfair naman sa mapapangasawa ko na hindi buo ang pagka lalaki ko. Pero kanina sa kotse, habang naghahalikan kami, sa unang pagkakataon, tinigasan ako. Tapos sinabayan niya ang aking halik. Kung hindi ko lang sana nabitiwan ang cake baka kung saan na rin kami nakarating. Kaya, baka pwede. Baka may pag-asang magka anak din ako. Baka mag work out ang iniisip ko. Pumikit na ako habang may malawak na ngiti sa labi. Unang araw pa lang naman namin ni Kiray, hindi ako nagmamadali. We all have the time in the world para mag enjoy. Sa ngayon, paninindigan ko muna ang panliligaw. Pero kahit anong gawin ko, hindi pa rin mawala sina Julie at Mario sa isip ko. Meron kasing unfinished business sa dalawang iyon. Una, si Julie. After so many years pagkatapos namin mag usap sa parking lot, nakita ko siya sa isang hospital. Isa na siyang OB at ganu'n pa rin, single mom. Hindi naman kami nakapag usap ng matagal dahil hectic ang schedule ko. Basta ang alam ko lang ay single mom pa rin siya at lahat ng nanligaw sa kanya ay tinurn down niya. Sa totoo lang, parang nagpaparamdam siya sa akin. Parang may gusto siyang sabihin. Parang gusto niyang ligawan ko siya. Ewan, ganu'n ‘yung pakiramdam ko sa mga titig at kilos niya towards me. I don't want to assume anything, nadala at nasaktan na ako sa pag papa-asa niya, na misinterpret ko ang special treatment niya sa akin. Akala ko kasi ay mutual ang feelings namin. Puro akala kaya, hindi ulit mauulit pa. Niyaya niya ako na mag dinner noon, manood ng sine, mag mall kasama ang anak niya. Pero tinanggihan ko. Natatakot akong masayang na naman ang oras ko at masaktan ang puso ko. Pangalawa, si Rio. Hindi ko alam kung minahal niya ba talaga ako o ginamit lang. Siya talaga ang nag iwan ng sugat sa puso ko. Pina-fall niya ako. Dahil lalaki naman kami pareho, sabay kami nag hohot shower after gym. Noong una eh, wala naman malisya. Nagpapalakihan pa nga kami ng junjun. Mas malaki nga ang akin, mas mataba, maugat, mas matigas. “Pare, kahit anong laki at tigas niyan, kung wala pang nabebembang, anong silbi? Kaya mas masarap pa rin ang junjun ko. Nasa performance ‘yan.” “Sample nga pre, ng performance?” At ang pukerot ay biglang nag labas ng etits at nag jack en poy ng alaga niya sa harap ko. Doon nagsimula ang kakaibang pakiramdam. Binuhay niya si Eba sa kaloob-looban ko. Matapos niya akong akitin, niligawan niya ako. Sinagot ko naman siya. Naging masaya. Binigay ko kasi ang luho niya. Isa lang ang hindi ko kayang ibigay, ang intimacy. Ok lang naman daw. Makakapag hintay kung ready na ako. Malaman laman ko, meron pala siyang girlfriend. Hindi pa siya aamin kung hindi ko siya nahuli na may katext na iba. Matapos ng isang matinding away namin, biglang isang araw ay hindi na siya nagpakita at nagparamdam sa akin. Ang laki ng nagastos ko sa kanya. Bigay-luho dahil mahal ko siya. Kahit hindi niya na ibalik ang lahat ng binigay ko ay ok lang. Kikitain ko naman ulit iyon. Binigay ko naman iyon ng buong pagmamahal. Ang masakit lang ay matapos niya akong gawing bakla, iiwan niya ako sa ere. Kaya itinulog ko na lang ang sakit. Tutal, nakaraan na iyon at masamang alaala ng kahapon. Ang mahalaga ay ngayon. Naging matagumpay naman akong congressman na wala sila. Pagmulat ng mata ko, agad akong napangiti. Maaliwalas ang umaga, malamig ang buga ng aircon, at higit sa lahat, katabi ko si Kiray buong gabi. Natulog kaming magkadikit, cuddle sa ilalim ng kumot. First time ko. Tumayo ako nang dahan-dahan para hindi siya magising. Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na bumalot sa mukha niya, sabay bulong ng, “Good morning, Kiray, Barbie doll.” “Hmmm…” iyon lang ang tugon niya. Tulog pa talaga. Birthday naman niya ngayon kaya deserve niya ang magpahinga. Tahimik akong lumabas ng room at naglakad papunta sa kusina. Gusto kong makausap si Mamang Adel. May binabalak kasi akong surpresa para kay Kiray. Pagdating ko sa kusina, naamoy ko agad ang nilulutong champorado. Naka-backless duster si Mamang, nakatalikod habang hinahalo ang tsokolateng umaalsa sa palayok. “Mamang,” bati ko. Napalingon siya, medyo nagulat. “Ay, Alex! Maaga ka ata.” “May hihingin sana akong tulong…” “Para saan?” tanong niya, sabay takip ng palayok. “Para kay Kiray. Gusto ko siyang sorpresahin.” Napangiti si Mamang. “Sige lang, ano bang maitutulong ko?” Ngumiti lang ako ng ubod ng tamis. Excited sa surprise ko kay Kiray. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD