CHAPTER 11

1307 Words
CHAPTER 11 Kiray's PoV Nang sinabi ni Alex na he likes me… parang tumalon ang puso ko sa pagkabigla at pagkatuwa. Pero as a friend lang pala. Akala ko ay gusto niya na ako for real as a woman. Sabagay, aasa pa ba ako? Kontrata lang ang lahat. Ganu'n pala ang nangyari sa past niya kaya siya naging juding. Sayang talaga kasi ang gwapo niya, mabait, mayaman, faithful. Hindi gaya ng ex ko. Pero may one thing in common pala kami ni Alex, at yun ay pareho kaming may ex na gym instructor. Gusto ko pa sanang makinig sa mga kwento niya pero antok na antok na talaga ako. Tanghali na ako nagising. Para akong lasing. Hilo pa kasi ako at parang nananaginip pa rin. Naalala kong nasa bahay nga pala ako ni Alex at tabi kami matulog. Bumangon na ako at naglinis ng sarili. Bumaba sa hagdan at hinanap ang kitchen. Pagbukas ko ng pinto sa kusina, agad akong napahinto. Napasinghap. Parang gusto kong umatras at isara ulit ang pinto. Kinakabahan ako at nahihiya. Lalo pa at nakita ko na naroon din si Mamang Adel. Nahimasmasan na ako dahil nakatulog na ako. Ngayon ko naisip ang mga nakakahiyang bagay kagabi. Totoo nga ang lahat at hindi panaginip lang. Si Congressman Alex Catacutan, isang kapita-pitagang mambabatas, magkatabi kaming natulog, Hinalikan niya pa ako. Ang laki ng katawan niya at nakakagulat dahil marunong pala siyang mag bake. Nasa harap ng kitchen counter. May hawak na piping bag, abalang nagde-decorate ng cake. Pero hindi ‘yun ang unang napansin ko kundi ang kabuuan niya. Hubad ang pang-itaas, tanging apron at boxer shorts lang ang suot. Napakagat ako sa labi ko. Hindi dahil gutom ako, kundi dahil… grabe. Grabe talaga. Hindi ko alam na ganito kaganda ang tanawin sa sariling bahay ni Congressman. Yung muscles niya, saktong sakto lang ang laki, hindi ka matatakot . Lalo na yung balikat niya, broad at matigas, parang kaya akong buhatin. At ‘yung likod niya? Parang pader, ang sarap akyatin. “Uy,” tawag ko, trying to sound casual kahit gusto ko na sanang magtago sa ref para lang lumamig ang katawan ko. Napalingon siya at napangiti. “Oh, gising ka na pala. Perfect timing. I’m making you something sweet,” sabi niya habang patuloy sa pag-pipe ng white frosting sa ibabaw ng chocolate cake. “Puuuurfeeect!” sabi niya… with feelings. Hays, nawawala ang pantasya ko sa kanya dahil sa sumusundot sundot niyang kabaklaan. Pero sabi naman niya kasi sa akin kahapon, masayang masaya siya dahil natagpuan niya ako. He doesn't have to pretend o itago ang tunay niyang nararamdaman. Napangiti na lang ako. Kuntento na ako sa pagiging beshy niya. For now. Dahil hindi magtatagal ay patatayuin ko rin ang kanyang junjun. Pagkatapos niyang tapusin ang design ng cake, nagpaalam siya na aakyat muna sa taas at magbibihis. Naiwan kami ni Mamang Adel sa kusina. Kakaiba ang ngiti niya sa akin. “Bakit po, Mamang Adel? May dumi po ba ako sa mukha?” “Ala eh, wala naman. Pero alam mo ba ga, ngayon lang nakitang ganyan si Alex." “Na ano po?” “Na ano ba ga, in love, blooming, ganyan. Simula kasi ng binusted siya ay nagbago na talaga siya ng tingin sa mga babae. Parang may allergy. Hindi siya dumidikit. Kung kani-kanino. Walang hiya naman kasi itong—” “Yes po Mamang, nanggigigil din ako sa purekat na ‘yon!” “Pukerat, hija, pukerat.” “Ay oo nga po pala, Mamang.” “O chill ka lang. Past na ‘yon ni Alex, huwag ka na ma-insecure.” Grabe naman si Mamang, insecure agad. Sa gitna ng tawanan namin, bumalik na rin si Alex at nagulat ako dahil nakapang porma siya na damit. Mag aalmusal lang naman kami. “Happy birthday pala hija,” bati ni Mamang Adel at nagpasalamat ako. “Saan ka pupunta? tanong ko kay Alex. “Tayo, Kiray. Dalawa tayong aalis. Doon na tayo mag breakfast.” “Ha? Saan?” “Basta. Trust me.” “Pero wala na akong susuotin dahil wala naman akong damit.” “Edi yung damit mo kahapon.” Ok lang naman sana na ulitin ang damit ko kahapon pero… “paano yung panloob ko? Wala akong panty! Nakasampay doon sa bathroom mo, nilabhan ko.” Sumagot si Mamang. “May bago akong panty, hindi ko pa nasusuot.” “Eh Mamang naman, ang laki laki no'n.” “Eh ‘di perdiblehan mo ba ga—” “Kiray…” sa wakas sumabat si Alex siguradong may solusyon siya. “Kiray, huwag ka na magpanty. Huhubarin mo rin naman mamaya pag uwi natin.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. The way he said it, was so sensual, feeling ko, nalaglag panty ko kahit wala akong suot. “Ayyy pukerat ‘tong alaga ko. Ang landeee!” Pero sumeryoso si Alex. “Mamang, may dryer naman tayo. I-drier mo na lang.” “Ay oo nga pala ba ga. Meron nga pala.” At iyon nga, saglit lang at natuyo na ang panty ko at handa na kaming umalis. Maya-maya, nasa loob na kami ng kotse niya. Pagdating namin sa mall, binilhan niya ako ng kung anu-ano. Unang-una na ang panty. At ang kinuha niya pa talaga ay yung may design na Hello Kitty. Sabi niya yun daw uso ngayon. Kahit sa congress, pinag usapan ng kapwa niya kongresista na si Cong. Vito, ang suot daw na panty ng girlfriend nito ay Hello Kitty, Mas nakaka-bata raw kapag Hello Kitty ang panty sabi naman daw ni Cong. Conrad. Edi ok. Trending pala ‘yon. Ivo-vlog ko nga. Binilhan rin ako ni Alex ng damit, sapatos, bags, halos lahat ng mahawakan ko at matagal kong tinignan ay binili niya. Nahihiya nga ako dahil ang daming nakatingin. Sigurado akong kilala nila si Cong. Bumulong siya sa akin. “Bawas yan sa sweldo mo.” Nanlaki ang mga mata ko, agad kong ibabalik ang mga kinuha ko pero pinigilan niya ako. “I'm just kidding, ano ka ba,” sabi niya at humagikgik. Tapos ay muling bumulong. “Don't worry, it's my birthday gift. Kung noon nga gumagastos ako sa ex ko ng hundred thousands na niloloko lang ako, ikaw pa kaya na beshy ko at nagkutkot ng ingrown ko.” Nanlaki ulit ang mga mata ko. Grabe, ang galante niya. Nakaka-inggit ang pukerot niyang ex. “Love!” Hiyaw ko at nagtinginan ang mga kasabayan naming mamimili kaya hininaan ko ang boses ko. “Love, bili mo ko kotse, o kaya bagong salon, pwede rin iPhone na latest para pang vlog ko. Pwede rin house and lot. Ayaw ko sa condo, gusto ko sariling bahay.” Tinawanan niya lang. “Ikaw talaga, Barbie doll, galing mo talaga mag joke. Nakakatawa ka talaga.” Tapos ay naglakad na. Hala, hindi naman ako nagbibiro, totoo talaga na gusto ko bilhin niya kahit isa man lang doon. Pero hindi niya ako sineryoso. Gusto ko sana magtampo pero baka magtampo rin. Hindi pa naman ako sanay manuyo ng juding. Kaya in-enjoy ko na lang ang bonggang shopping spree niya sa akin at higit sa lahat, habang naglalakad kami sa mall, magka holding hands kami. Parang proud na proud sa akin. At habang hawak ko ‘yung bagong bag na binili niya, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Hindi dahil sa material na bagay. Kundi dahil, kahit kailan, hindi ko inasahan na may lalaking tulad niya na magbibigay sa akin ng ganitong klaseng atensyon. Kahit pa sabihin na pagpapanggap lang ang lahat… Pagkatapos namin mamili sa mall ay akala ko, ihahatid niya na ako sa bahay na salon ko rin. iyon pala ay may iba pa siyang plano sa birthday ko. Hindi pa pala siya tapos sa pa surprise niya sa akin. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD