CHAPTER 12

1555 Words
CHAPTER 12 Alex’s PoV Pagkatapos ng halos tatlong oras na pag-iikot sa mall kasama si Kiray sa pagpili niya ng mga bagong kagamitan sa salon at pangkutkot, napagod din ako. Yung Dior Manicure Set ko raw na gift sa kanya ay exclusive lang para sa amin. Nakakapagod at heto na naman ako sa sakit ko na bigay-luho, walang ka-dala dala. I live a lowkey life pero kapag ako ay nagmahal, I give a lot. Pero sa totoo lang, hindi ako nagsisisi. There's something that Kiray is giving me. Yung saya na hatid ng simpleng pagbabantay sa kanya habang masaya siyang tumitingin-tingin sa mga gamit na parang bata sa toy store. Ngayon, nasa kotse na kami. Ayoko pa matapos ang pa surprise ko sa birthday niya. Papauwi na sana kami, pero hindi ko napigilan ang sarili kong magsimula ng bagong plano. “Kiray,” sabi ko bago namin baybayin ang daan, “may tanong ako.” Tumigil siya sa kakakagat ng pearls sa milkshake niya at lumingon sa akin, “Ano 'yon, Cong?” “May gusto ka bang concert na puntahan?” Napanganga siya. Literal. Para siyang hindi makapaniwala. “Concert? Gusto ko ‘yan! Pero… wait, seryoso ka ba? Gusto mo manood ng concert?” Para siyang bata na niyayaya sa perya. “Hindi ko in-expect na mahilig ka sa mga ganon!” Ngumiti ako. “Well, OPM fan din naman ako. Hindi lang halata.” “Wala kang vibe na gano'n. Akala ko ang trip mo classical, ‘yung tipong pang-senador na Beethoven, Picasso, mga gano'n.” Tumawa ako. “Hindi ako gano'n ka boring, noh. And also painter si Picasso.” “Alam ko naman, tinitignan ko lang kung alam mo,” palusot niya at humagikgik kami pareho. “Eh sinong artist ang gusto mo?” tanong niya. Sabay kaming nagsalita. “BINI!” sigaw ko. “SB19!” sigaw niya. Nagkatinginan kami. “Ugh, Bini?” Umirap siya. “Pass.” “SB19? Overrated,” sagot ko, sabay irap din. Nagkatawanan kami pero may halong inis. Yung fandom talaga namin ay contra-fellow. “Edi ikaw na lang manood ng concert!” sabi niya, sabay higop sa milkshake niya na nakakairita ang tunog. “Talaga! Ako na lang mag-isa,” biro ko rin pero sineryoso niya. “Oo! Ikaw ba may birthday? Ikaw yung nanliligaw ‘di ba?” Oo nga pala. Nakalimutan ko. Muntik na kami mag friendship over dahil sa SB at Bini. Kaya pumunta na ako sa site ng ticket selling. Habang patuloy siya sa pagpapabebe, pinakita ko sa kanya ang confirmation ng ticket sa phone ko. Dalawang VIP tickets ng SB19 concert. Naputol ang inis niya. Nanlaki ang mata at napatakip ng bibig. “Oh my gosh, Alex!” Tumili siya na parang mawawalan ng oxygen. Ang OA. “VIP! Paano mo nakuha ‘to? Sold out ‘to, ilang minuto pa lang nung nilabas!” “Naghanap ako ng contact, bumili ako agad. Alam kong gusto mong manood.” “Grabe ka… Naiiyak ako. As in. Kahit hindi tayo magkasundo, nag compromise ka para sa akin. Sobrang mahalaga ‘to para sa’kin. Thank you, Cong beshy…” Ngumiti ako. “Eh kahit SB19 yan, at hindi Bini, ang mahalaga masaya ka. Sa world tour na lang ako ng Bini manonood.” Last minute ang pag bili ko ng ticket kaya wala kaming preparation. I'm so worried sa mga crowded places. Baka ma headline ako bukas. Buti sana kung dahil sa Bini pero SB19? Nagdisguise kami. Nag jacket ako na may hoodie, then face mask, at shades. Parang holdupper. Si Kiray naman naka-black na overall, one piece jumper at naka pang mask ng pang motor, para kaming mang hoholdup ng banko kaysa magko-concert. Sa loob ng venue, ramdam na agad ang energy. Mga kabataan, matanda, lahat ng klase ng fans, lightsticks, posters. Si Kiray, kwento nang kwento. Naiirita na ko sa kakabanggit niya kay Stell. “Alam mo, Cong, si Stell, grabe ‘yun. Heavenly voice. Siya ang bias ko. As in solid. Welcome sa berry farm, ikaw na ay taga presa. Grabe ang gwapo gwapo ni Stell. I can't believe makikita ko na sa personal. Aahhh Steeelll." “Bakla.” Bigla siyang tumingin sa akin at ang talim ng kanyang titig. “Ay wow, coming from a juding!” Napanganga ako. “Hoy! Hindi ako—” “Ssssh. Juding.” Napailing ako, oo nga pala, juding nga rin pala ako. May point. Pero seriously, kanina pa niya bukambibig si Stell. Naririndi na ako. Parang may konting kurot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Habang naghihintay kami ng start ng concert, naiinip ako. Parang nagsisisi na ako. Ang ingay. Ang daming nagsisigawan. Tapos hindi pa nagsisimula. “Ang tagal naman,” reklamo ko. Habang nag hihintay, nag-browse ako sa web kung sino sino ang mga member. Visually, ok naman. Maganda rin mga boses kaya alam ko ang iba nilang songs. Excited na sila. Ako ay hindi naman. Pero para kay Kiray, sa ikasisiya niya ay pipilitin kong mag-enjoy. “SB19, goooo!” sabay tili niya. Ako naman ay napangiti rin kahit medyo masakit na sa tenga. Bigla, nagdilim ang stage. Nagkakagulo na ang mga tao. May countdown. Three. Two. One. Nagliwanag ang spotlight and boom, background music, more lights, then fire. Tumili ang lahat. Sobra. Parang lindol. Habang ako ay wala lang. Nonchalant. Nakakunot noo lang ako. Nangangalumata. May halong kaba. Kasi baka ma-recognize ako. Pero sa sobrang dilim at ingay, wala na rin akong nagawa kundi magfocus sa stage. Hindi naman ako ang bida dito kundi ang magko-concert kaya for sure, hindi na nila ako papansinin. Then… dumating ang moment. Intro ng kanta nilang “Time”, tumahimik ako. May spotlight sa isang lalaki. Siya na ang kakanta ng first part. Huminga siya. Pumikit, dinadama ang kanta. Kumanta. Napatingin akong matiim, tapos ay muli siyang dumilat. Biglang naging slow motion ang lahat. Nagkatinginan kami. “Aww Beshy, si Stell!” Hindi ko pinansin si Kiray. “JUSTIIIIIIIIIN!” ako ang tumili. Matining. Matinis. Parang whistle note ni Mariah Carey. Napalingon sa akin ang mga tao sa VIP. Yung iba natulala. Yung nasa likod ko tumawa. Si Kiray naman ay gulat na gulat sa akin. Eh… hindi naman siya masanay. “So, si Justin?” “Oo, si Justin! Justin! Waahhhh!” Isinigaw ko pa sa tenga niya. At ayun nga, buong concert puro lang kami sigaw ni Kiray sa mga upbeat songs at sabay kaming umiyak sa mga ballad songs nila. Pakiramdam ko isa akong bagong tao. Parang mas nag-enjoy pa nga ako kaysa kay Kiray. Parang nailabas ko ang kung ano man ang gusto kong ilabas. Mahal ko na yata si Kiray. Pagkatapos ng concert, ang dami naming pagod ni Kiray. Gutom na gutom kami paglabas ng arena. Kaya nag drive thru na lang kami at umorder ng fries, double patty burger, salad, at chicken wings, hotdog and baloney. “Saan tayo kakain, dito na sa kotse?” tanong niya habang nginunguya ang fries. “Seaside. Gusto ko yung may hangin. Is it alright with you?” Ngumiti lang siya at tumango bilang pagsang-ayon. Tahimik kaming naglakad sa may baybayin, dala ang brown bag ng pagkain. Walang katao-tao, gabing-gabi na rin kasi. Sobrang tahimik ng paligid, dagdagan pa ng malamig na simoy ng hangin. Ang melancholic ng feeling. Umupo kami sa wooden bench. Ako naman ay tinitingnan lang siya. Ang gulo ng buhok niya sa kakayugyog ng ulo sa concert pero ang ganda pa rin. Nagkaroon kami ng konting pag-kukwentuhan about sa concert. Tawanan, asaran, at dumating din ang seryosong usapan. Dala na rin siguro ng katahimikan ng paligid kaya mas masarap mag-usap ng seryoso. “Salamat Alex. Sobra mo ‘kong pinasaya sa birthday ko.” “You're welcome,” maikli kong tugon. “Alex… naaalala mo ba 'yung ex ko?” Tumango lang ako. “Yung nanloko sa’yo?” “Yeah… Sa totoo lang mahal ko pa rin siya, eh.” Napangiti siya ng pilit. “Pero mas mahal ko na sarili ko ngayon.” Tumahimik ako saglit. Pareho lang pala kami. “Kiray,” bulong ko. “Ako rin. May sama ng loob ako sa ex ko. Matapos niya kong gawing bakla, bigla niya kong iiwan sa ere. Wala man lang pasabi kung bakit. Pero mahal ko pa rin siya.” Kapwa na lang kami napa buntong hininga. “Kiray… What if kung bumalik ex mo? Tatanggapin mo ba ulit?” “Ahmm… siguro kung susuyuin niya ulit ako at nagbago na talaga siya. Eh ikaw, Alex. Paano kung bumalik si Rio?” “Yung totoo? Hindi na ako umaasa sa lalaki. Of course, at the end of the day, babae pa rin ang pipiliin no’n. Totoong babae.” Tumitig siya sa akin. “So, anong nakikita mo in the future?” Humugot ako ng malalim na paghinga. “Gusto ko na lang ng anak. Yung sarili kong dugo at laman. Yung hindi ako iiwan.” Tapos tumitig din ako sa kanyang mga mata ng seryoso. “What if, Kiray… bigyan mo na lang ako ng anak?” Napakurap si Kiray. Hindi siya agad nakasagot. “Ah ah… surrogacy ba, you mean parang gano'n?” nauutal niyang tanong. “What if I say, I want it naturally? Simula sa real sx… payag ka ba?” ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD