CHAPTER 15

1610 Words
CHAPTER 15 Alex's PoV “What if, baguhin natin ang contract?” Iyan talaga ang gusto kong sabihin kay Kiray. “A-anong babaguhin?” tanong niya na may halong kaba. Nauutal kasi ang kanyang pananalita. Gusto ko sanang totohanin ang nakasulat sa kontrata. Gusto kong manligaw ng totoo. Gusto ko magkaroon ng anak. “Do you like me, Kiray?” Kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Hindi siya makapag salita. Siguro hindi niya lang talaga ako gusto. Kasi ang ex pa rin niya ang mahal niya. Ito ang kanyang bukambibig. Naiinis, nairita, at umiinit ang ulo ko sa tuwing sinasambit niya ang kanyang ex. Kaya hindi ko na hinintay ang sagot niya, hinalikan ko ang labi niya. Natatakot akong ma-busted. Na-trauma ako kay Julie. Kaya sa ganito ko dinaan ang frustration. I like Kiray so much. But too afraid that she'll reject me too. Kaya kahit pa nasa kasarapan na ako ng init, tigas na tigas na ang alaga ko, at bumigay na rin si Kiray… Bumitaw na rin ako. I let go of her lips, I let go of her both wrists. At humiga ng patihaya sa tabi niya. “Ah, damn it!” anas ko. Bakit ang hirap pala nito? Kapwa kami nakatulala sa kisame. Then she turned her back on me and curled into a fetal position. She didn’t want me near her. Anong magagawa ko kung hindi ko pala kaya. Ayaw kong magpa dalos-dalos. Masyadong impulsive. Walang plano. Baka sa huli ay masaktan ulit ako. Itinulog na lang namin ang ano mang awkward feelings baka bukas pag gising namin ay maging ok na rin kami. Ayaw kong mag desisyon nang dahil lang sa tinigasan ako. Gusto ko ay mutual ang feelings namin. Pero pag gising namin ay tila nag bago si Kiray. Nagbago ang kanyang mood. Nawala na ang kanyang sigla, ang malambing niyang pakikitungo sa akin. Akala ko naman ay dahil umaga lang kasi at wala lang talaga siya sa mood. Pero tatlong araw na. Tatlong araw na parang iniiwasan ako ni Kiray. Ang dami niyang palusot. Hindi niya sini-seen ang mga message ko agad. Umaabot ng ilang oras bago niya ako i-seen at another hour para siya ay mag reply. Hindi ako sanay na hindi pinapansin. Lalo na kung galing sa taong binuhusan ko ng interes. Hindi ko alam kung paano ibabalik ang masaya naming conversation. Bakit ba kasi? Nagtatampo ba siya? Bakit? Ano ang ginawa kong ikinatampo niya? Hindi pa naman ako marunong manuyo. Sa ikatlong araw ng pag snob niya sa akin, nasa loob lang naman siya ng salon. Nakikita ko sa live stream niya habang inaayos ang kuko ng isang kliyente. Nasa labas lang ako ng sasakyan kasama ang sexytary ko na si Heliana, pinapanood ko ang livestream. Binabati ko siya sa comment section. Nag comment pa nga ako sa livestream niya: “Poging jowa ni Kiray here.” Pero ilang segundo lang, bigla niyang in-end ang live. Wala man lang outro. Walang follow-up, walang “Bye guys,” walang emoji. Wala lahat. Gabi-gabi, pumupunta ako sa salon niya bago siya magsara. Kunwari ay wala lang. Kunwari, gusto ko lang ng foot spa. O gusto kong mapag-usapan ang plano namin noon na “online content schedule naming dalawa.” Pero kahit anong palusot ko ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Laging sinasabi ni Kiray ay, “Pagod ako, Alex. Bukas na lang… May migraine ako, Alex. May masakit sa batok ko, Alex. Masakit na ang tenga ko, nabasag yata eardrum ko nong narinig kitang tumili. Masakit ang esophagus ko. Masakit ang apdo ko. Masakit ang cardiovascular system ko.” Ang daming masakit sa kanya kaya sabi ko ay sasamahan ko siya magpa check up. Ang sabi niya ay kaya niyang tiisin, kailangan niya lang matulog at umiwas sa mga baklang insensitive. Dito na ako natigilan at napa isip ng malalim, ako ba yung tinutukoy niyang baklang insensitive? Hindi naman siguro ako ‘yon. Marami naman siguro siyang kaibigan na bakla at insensitive. Pero totoo niyan ay hindi niya lang ako gustong makausap. Ramdam ko ‘yun. At wala sa pagkatao ko ang magpapaka-martir. Pero wala rin sa pagkatao ko ang basta-basta susuko. Kaya naglakas loob na akong pumunta ng salon niya at pwersahan siyang papasukin kung ayaw niya akong maka-usap. Paglapag ko ng paa sa harap ng salon niya, nakita ko agad na patay na ang “open” signage pero may ilaw pa sa loob. “Kiray,” sigaw ko mula sa labas. “I know you’re there. Alam kong naririnig mo ‘ko. Ayoko ng ganito. Mag-usap tayo, please.” Walang sumagot. Tinapik tapik ko ang salamin na pintuan na bahagyang may diin. “Kiray, I'm not leaving hangga’t di tayo nagkakausap.” Wala pa ring sagot. Rinig ko pa ang ugong ng aircon at ang nahulog na nail polish sa sahig kaya imposibleng walang tao. Hanggang sa nakita ko na si Kiray papalapit sa pinto, bigla kong narinig ang pag bukas ng lock. Bumukas ang pinto. Akala ko ay hudyat ‘yun ng pagbabalik ng natural naming conversation. Pero hindi. Nakasimangot siya. ‘Sorry, Cong. Pagod ako–” Hindi ko siya pinansin dahil alam kong palusot na naman iyon. Kaya agresibo kong hinawakan ang kanyang balakang at pumasok sa loob. Pagkapasok ko, agad kong nilock ang pinto. Hindi ko siya hinayaang makawala sa akin. Agad ko rin siyang sinalya sa pinto. Seryoso ko siyang tinitigan. Hindi na siya natitinag sa titig ko. Inirapan niya pa ako. “Okay. Ano gusto mong pag-usapan?” mataray niyang tanong at nag halukipkip pa ng braso. Napatingin ulit siya sa akin. Matalas ang pagkakatitig ko. I made sure that her gaze meets mine. Hindi ako galit, pero hindi rin ako okay. Ang dami kong gustong sabihin. Pero nagsimula ako sa pinaka dahilan kung bakit ako nandito. “Bakit mo ko iniiwasan?” “Bakit naman kita iiwasan?” balik niyang tanong na hindi man lang kinabahan. Napangisi ako. Pero masakit ‘yung ngising ‘yun. Hindi ako sanay na tinatarayan niya ako. “That’s it, Kiray. Bakit mo ko iniiwasan? Nasa contract natin, we’ll act like a real couple.” Tumaas ang kilay niya. “Wala naman sa kontrata na bawal ka na hindi papasukin sa salon ko, at wala rin doon na obligado akong makipag-usap sa’yo.” “Pero bakit ayaw mong makipag-usap sa'kin?” tanong ko at mas mahina na ang boses ko. Tahimik lang siya. “Wait, Alex. Paano ba mag act like real couples?” “I don't know either, Kiray pero… Come on. We're bestfriends. Bakit ka naglilihim sa'kin? Ano ba talagang kinakagalit mo?” “Gusto mong malaman ang totoo?” Sumeryoso siya ng tingin sa akin at napakalungkot ng kanyang mga mata. “Of course, Kiray. Bakit ako pupunta dito para lang marinig ang mga kasinungalingan mo. I want the truth.” “Dun ka na sa ex mo.” Nagsalubong ang kilay ko, bakit nadamay si Rio? “Matagal na kaming wala. I don't even know what happened to him after he left me hanging —” ”Iyon na nga. Iniwan ka na niya sa ere pero bakit hanggang ngayon, inuungol mo pangalan niya? Bakit kapag ang ex ko nababanggit ko, galit na galit ka?” Natahimik ako. Iyon ba ang inaaso niya? Ang totoo kasi no'n, nakasanayan na lang na si Rio ang ini-imagine ko, pero sa mga oras na yun, gusto ko na siyang kalimutan dahil nandiyan na si Kiray. “Alright, kung yun ang tingin mo, kung yun ang pinaghihimutok mo, then, hinding hindi ko na siya babanggitin, ni iisipin man lang. Ok na ba?” “Ayokong umasa, Alex,” mahinang sabi niya na halos pabulong. Hindi ko agad naintindihan. Kaya napaatras ako ng bahagya. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Lahat ng ‘to, gawa-gawa lang natin. Kontrata. Ikaw para sa career. Ako para sa pera.” “Alam ko naman ‘yan,” tugon ko. “Oo nga. Alam mong peke. Pero bakit parang totoo?” Nanahimik ako. Ako na naman ang hindi makasagot. “Ayokong maniwala sa mga bagay na hindi naman totoo. Alex, mas okay pa 'yung scripted. At least doon, alam kong may cut. May end scene. Pero ito? Yung concern mo sa akin, yung pagiging maalaga, Huwag mo akong paasahin, please.” “Sino bang nagsabing peke ‘yun?” Napalunok naman siya. “Wala naman sa kontrata na kailangan mo akong seryosohin.” “Wala rin naman sa kontrata na bawal akong ma in love.” Doon siya natigilan. “Totoo akong nag-aalala sa’yo. Totoo akong sumasaya ‘pag kasama kita. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang maging totoo ‘yung nararamdaman ko. Pero Kiray, nararamdaman ko na ngayon. And I don’t care kung peke ang simula natin. Ang importante, is what I feel now.” Nakita kong nangingilid ang luha niya. Hindi siya umiiyak, pero ‘yung mata niya ,punong-puno ng damdaming pilit itinatago. “Hindi ko alam kung kaya ko, Alex. Ang tagal kong nagtatayo ng pader para sa sarili ko.” “Kaya nating sirain ‘yang pader. Unti-unti. Hindi kita mamadaliin. Basta ‘wag mo lang akong iwasan.” Tahimik siya. Nakatingin lang sa sahig. Maya-maya, hinawakan niya ang braso ko. “Gusto mo ng foot spa?” Sinalya ko siya ulit sa pinto at mariing piniid ang pulsuhan niya dito. “I'm hella serious, baby. Let's begin a new contract. And I'll be straightforward. Gusto ko ng baby.” Nanlaki ang mga mata niya at pilit na nagsalita. “B-baby natin?” “Oo, yung galing sa t***d ko, na pinutok ten times sa matres mo.” ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD