CHAPTER 16
Alex's PoV
“I'm hella serious, baby. Let's begin a new contract. And I'll be straightforward. Gusto ko ng baby.”
“B-baby natin?”
“Oo, yung galing sa tam0d ko, na pinutok ten times sa matres mo.”
Hindi makapagsalita si Kiray. Masyado yatang bulgar ang pagkakasabi ko. Eh gano'n naman talaga ang gusto kong gawin. Napayuko siya na parang nalulungkot. Ah damn it! Mukhang ite-turn down na naman niya ako. No, this is now or never.
Nandito na ako. Nagkaroon na ko ng lakas ng loob. Ngayon pa ba aatras? Kung kaya't bago pa niya ako i-turn down ay niyakap ko siya at hinalikan. Halik na gaya ng aming first kiss, wild yet so passionate.
Ramdam ko ang pagpupumiglas niya pero nandito na. Nasa kasarapan na ako ng paghalik sa kanya. And I know, ganu'n din siya. She likes my kisses. Her trembling knees say it all. Nanlalambot ang mga binti niya na kailangan niyang kumapit ng mahigpit sa aking braso at kinailangan ko pang suportahan ang kanyang pagtayo.
I was about to pull down the strap of her dress when she pushed me a little. I guess she's not yet ready for it.
“Gusto ko ikasal muna bago magka anak. Pangako ko yan sa nanay ko bago siya nawala,” malungkot na sabi ni Kiray.
“Then let's get married,” sabi ko na walang kaabog-abog.
Napatingin siya sa akin, ang bilugan niyang mga mata ay lalong nanlaki sa gulat.
“Gusto ko, Alex pero…”
Napangiti na lang ako, ayaw ko siyang ma-pressure. “I understand, Kiray. At hindi rin maganda sa image ko kung mambubuntis lang ako at hindi ko papakasalan.” Napa hugot na lang ako ng malalim na paghinga. “Why not, gawin na lang nating peke ang kasal?” suhestiyon ko.
Nanatiling walang imik si Kiray.
“I understand, Kiray. It's a major decision to make. Dapat pinag iisipan ng maigi. I can wait.”
Inayos ko na ang kwelyo ko at oras na para umalis. Ang mahalaga sa akin ay nagkausap na kami ni Kiray.
“Ms. De Masupil, I must go—”
Bigla niyang hinawakan ang bisig ko para ako ay pigilan.
“Sige…” mahina niyang sabi.
Muli ko siyang hinarap dahil gusto kong linawin niya kung ano ang ibig sabihin ng ‘sige’ niya.
“Sige, payag ako sa pekeng kasal…”
Gusto kong tumalon sa saya dahil pumayag siya pero does it mean na… “So, payag ka na sa baby?”
Lalong humihigpit ang kapit niya sa akin at siya naman ang huminga ng malalim. “Yes.”
Dinukot ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Tinawagan ko ang sekretarya ko. Mas mabilis pa sa alas-kwatro ang response ng sexytary ko.
Hello Helianna?
Yes, Cong?
Sorry kung gabi na pero pwede ba kitang maistorbo riyan sa bahay mo?
Hala, Cong. Bakit po? Nandito kasi ang bebeloves ko. Pero pwede ko naman palayasin.
Ah no, no need, Ms. Versola, kailangan ko lang ng witness for the new contract.
New contract? Wala naman pong sinasabi si Ma'am Athena—
Because she doesn't know yet. Don't worry, sasabihin ko rin sa kanya. It's just that, mabilisan lang kasi ‘to. I'll tell the details when we get there.
What? We? Sino kayo? Si Ms. De Masupil ba?
Hindi ko na sinagot ang tanong niya at pinutol ko na ang linya. Hinila ko ang kamay ni Kiray para mabilis lang kaming makarating sa bahay ni Helianna.
Habang nasa byahe kami ni Kiray, dama ko ang tensyon sa pagitan namin. Wala akong kasamang bodyguards, ako mismo ang nagda-drive. Wala naman kasing banta sa kaligtasan ko kaya malaya akong makagala mag isa.
“Pwede ka pa umatras, Love, kung hindi pa buo ang desisyon mo. Ako kasi ay buong-buo na,” sabi ko kay Kiray nang huminto kami sa stop light. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil pisil ito.
“Peke lang naman ‘di ba?”
It may be a contract but the feeling is real, Kiray. Wala pa akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ito. Kaya ngumiti lang ako.
Nang nakarating kami ni Kiray sa condo ni Helianna, wala ng kuskos balungos pa, agad kong sinabi kung ano ang sadya ko.
“Ms. Enna, please revise the contract namin ni Kiray,” pakiusap ko kay Ms. Secretary.
“Alright, ano pong babaguhin, Cong? Mukhang urgent yan at kailangan pa talaga akong puntahan ng personal.”
“Ah yes, Ms. Enna.”
At sinabi ko na nga kung ano ang bagong kontrata na napagkasunduan namin ni Kiray.
“Whaaaat!” Noong una ay ina-absorb pa ni Helianna ang sinabi ko. Pero nang nag sink in na sa isip niya ang gusto kong mangyari, dito na siya nagulat. “No way! Are you sure? Cong, I know my place, isa lang akong hamak na sekretarya mo pero kaibigan mo rin ako. I can be your honest adviser. Hindi biro ang pagpapakasal—”
“It's fake, Enna,” sabi ko. Kaya natahimik na lang siya. Kumurap kurap pa tila hindi pa rin makapaniwala sa gusto kong mangyari.
“Cong. Mag usap nga tayo,” sabi niya at nakahalukipkip ng braso. “Alex, anong trip yan? We can understand kung contracted ang fake relationship niyo pero ang kasal, my goodness, Alexander, hindi yan biro!” pagbubunganga ng Helianna.
“Chill out, Enna. Ganito kasi ‘yon…” Humugot muna ako ng malalim na paghinga. Ang hirap i-explain. “Enna, gusto ko na magka-anak.”
Napa uwang ng bahagya ang bibig ni Enna. Parang pigil-hininga niyang hinintay ang paliwanag ko. My valid reason.
“I asked Kiray kung pwede ko siyang anakan—”
Natigilan ako kasi bagamat tahimik lang si Enna, ang mga mata niya ay palaki nang palaki. Nakaka distract.
“She agreed naman but, gusto niya ng kasal pero hindi pa siya handa mag-asawa sa ngayon. I understand naman. It was too quick. Kaya mag compromise muna kami sa ‘peke’. At bakit ipagpabukas pa kung pwede naman ngayon?”
Tumango tango lang ang maganda at sweet kong secretary. “Siya nga naman. Alright. Naiintindihan ko po Cong. Sige I'll prepare po the new contract.”
Napatingin si Helianna kay Kiray na kanina pa tahimik. Alam kong nabigla si Kiray sa mga pangyayari. Maski man ako, hindi ko inasahan na mapapamahal si Kiray sa akin ng ganito kabilis.
“Kiray… hangga't may time pa na mag back out, ngayon na habang maaga pa,” sabi ko.
Ngumiti lang siya at hinawakan ang kamay ko. Ang lambot ng kanyang kamay. Ang kinis. Ang liit. Ang sarap hawakan. Hahanap hanapin ko ito.
“Alright, Cong. Just wait for a sec. Ire-revise ko lang then print. Then notarize kay Atty. Then pwede niyo na nating pirmahan. I am the witness. Of course, the necessary marriage documents would be fake.”
Tumango tango lang ako. “Then send it to Miss Arabella. I hope she won't be mad at me. Hindi ko siya kinonsulta muna before I come up with this idea," dagdag ko pa.
“Hayaan mo na, Cong. I know Ms. Ara would understand. Saka isa pa, ikaw ang boss namin. Ikaw ang masusunod.”
I smiled sweetly at my secretary. I'm glad that she understands.
Ilang sandali lang ay natapos na ni Helianna ang pag gawa ng kontrata. Binasa ko muna bago pirmahan.
Then I gave it to Kiray. Hinawakan niya na ang ballpen para pirmahan ang kontrata. Pero agad ko siyang pinigilan. “Love, basahin mo muna. Bago mo pirmahan.”
Ngumiti lang si Kiray at hindi ako sinunod. Pinirmahan niya pa rin ang papel without even reading it. “It's ok po, tiwala naman ako sa'yo.”
Napa-ayos ako ng aking necktie. Para akong nakunsensiya sa plano ko. Kiray is giving me her hundred percent trust.
Pagkatapos niyang pirmahan ang kontrata nagpaalam siyang makikigamit ng toilet at nawiwiwi na raw siya sa kaba sa gabing ito.
Habang nasa restroom siya ay may binulong ako kay Helianna.
“What!” bulalas ni Helianna nang marinig ang plano ko. “No way, Alexander Catacutan. Maghunos dili ka naman. Maawa ka kay Kiray. Pinagkakatiwalaan ka niya at ako, ang buong team mo. Maawa ka naman kay Kiray!”
Napabuntong hininga ako. Mukhang tama naman si Helianna. Pag ginawa ko ang iniisip ko. Baka sumpain ako ni Kiray. “Alright, sige Enna. Hayaan mo na. Let's stick sa contract.”
Natahimik kami ni Helianna nang lumabas na si Kiray mula restroom. My sexytary and I acted normally as if wala akong binulong kay Helianna.
Nagpaalam na ako sa secretary ko at ihahatid ko na si Kiray sa bahay niya.
Habang nasa byahe, kinabig ko ang kotse pakaliwa, doon sa lugar na walang tao.
Hinawakan ko ang kamay ni Kiray at inilagay sa kanyang palad ang Isang singsing.
“Totoong diamond ring ito, Kiray. Wedding ring ng namayapa kong Mom."
"Ah.. A-alex.. bakit?”
“Magpapakasal ka ba sa'kin? If you would say ‘yes’ gagawa agad tayo ng baby…”
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…