DUMATING ang araw ng sabado, walang pasok sa trabaho at school. ala syais y medya na ako ng umaga nagising, hindi na ako ginigising ni nanay pag walang pasok, Hindi na rin ako nag se set ng alarm, wala na rin sina nanay at tatay pag gising ko pero nakahanda na ang breakfast namin, ang gagawin nalang namin ay ang kumain.
Matapos kong mag toothbrush at maghilamos ay nag almusal na ako agad, tinatamad akong maligo kaya naisip kong mamaya nalang wala din naman akong pupuntahan ngayon , kaya maghapon lang akong nasa bahay.
Tulog pa ang mga kapatid ko kaya mag isa pa lang ako akong gumagalaw sa loob ng bahay. Naisipan kong humarap sa malaking salamin , at tinitigan kong maigi ang kabuuan ng hitsura ko. I stretches my arm I really feel better. itinaas ko ng kunti ang tshirt ko at minasahi ang dalawang naglalakihan kong dibdib habang nakaharap pa rin sa salamin. My boobs is really my assets . sabi ko sa sarili ko. gandang ganda naman ako sa sarili ko habang minamasahe ko ang dibdib ko it relaxes me. To my surprise may nakita akong lalaki sa harap ng salamin. " What the hell" nasabi ko nalang sa sarili ko.
Nakatayo ang lalaki sa balcony ng kapitbahay sa likod ng bahay namin, Medyo nakayuko yung katawan nya habang nakahawak naman ang dalawang kamay nya sa riles ng balcony, pero ang mga mata nya nakatutok sa harap ng salamin nakaharap kasi ang malaking salamin sa harap ng pinto kaya naman kitang kita ang malaking bahay sa likod namin. Hiyang hiya ako sa ginawa ko kaya naman agad akong pumunta sa sala, at laking gulat ko na nandoon na nakaupo sa sofa ang kapatid kong si liezel.
Nahalata nya ang gulat sa mata ko. " O Ate para kang nakakita ng multo, ganyan na ba ako kapangit sa paningin mo?" medyo naiirita nyang saad sa akin.
" Ah, hindi naman, ang ganda mo nga eh , mana ka kaya kay ate" paglalambing ko sa kanya. ate naman nambobola ka pa alam naman ng lahat na magkaiba ang hitsura natin . iba ka sa ating apat, ampon ka ba ate?pagbibiro nyang sabi sa akin.
" Hoy liezel wag kang magbiro ng ganyan" hindi magandang biro yan" saad ko naman.
" OO nga pala liezel tulungan mo akong ilipat yung malaking salamin" sabi ko sa kanya, Medyo nagulat naman sya sabay sabing "Ha!! bakit ate baka magalit si nanay?
" Hindi yon magagalit ako na ang bahala kay nanay, may nagapag sabi kasi na hindi raw maganda sa fengsui yung nakaharap ang salamin sa harapan ng pinto." pagpapaliwanag ko.
" Ay oo nga ate hindi nga daw maganda pag nakaharap ang salamin sa pinto , kasi hinihigop daw ng salamin ang mga masasamang ispirito galing sa labas ng bahay" tugon naman ni Liezel " At sa palagay ko ate ang dami ng nahigop na masamang spirit yan, kasi pag mag isa lang ako dito, naririnig kong tumutunog ang water dispenser, at biglang nag pa flush ang CR, iwan ko ba kong bakit dyan yan nilagay ni nanay"dagdag pa nya.
" Kaya nga ilipat na natin, para hindi na makahigop ng masamang ispirito. pagsisinungaling ko.
" Bakit may naramdaman ka rin ba dito sa bahay pag ikaw lang mag isa ate? nagtataka nyang tanong sa akin.
"OO at hindi ko lang naramdaman nakita ko pa mismo sa loob ng salamin" medyo may pananakot kong saad sa kapatid ko.
" Hay ate wag ka namang magbiro ng ganyan kinikilabotan ako ate" takot nyang saad sa akin.
" kaya nga mag almusal ka na at manghiram ka ng martilyo kina aling Andrea" sabi ko sa kanya
" ha! bakit ako eh ikaw naman ang nakaisip na ilipat yan ate kaya ikaw na ang manghiram, kaibigan mo naman c Lyndi" tugon naman ng kapatid ko sa akin.
" Ikaw nalang nahihiya ako kay kuya Adrian" pagpapaliwanag ko.
" Ayyeeee. bakit ka nahihiya ate crush mo si kuya Adrian no? panunukso ng kapatid ko.
" Hindi ahh , tigilan mo nga ako Liezel , kumain ka na at sundin mo na ang utos ko" mautoridad kong sabi sa kanya, wala naman syang nagawa at patabog na pumunta sa kusina para kumain.
Pagkatapos nyang kumain ay agad naman syang pumunta kina aling Andrea para humiram ng martilyo, si aling Andrea ang nanay ng kapitbahay namin na kaibigan kong si Lyndi na may kuyang napaka gwapo na nagngangalang Adrian.
Pagbalik ni Liezel sa bahay ay laking gulat ko na kasama na nya si Adrian." ate kasama ko pala si kuya Adrian tutulungan nya daw tayong ilipat yung salamin? tugon ni Liezel sa akin. "Ha!! Ummm , nako Adrian nag abala ka pa ka kaya na namin ni Liezel to"
" ahh ganon ba naisip ko lang kasi baka maka tulong" nahihiya pang sabi ni Adrian.
" Hindi nga ate, kuya . mahirap kayang maglipat ng salamin na yun sa laki non sigurado akong mabigat ang salamin na yun.sabi ni Lizel habang palipat lipat nang tingin sa aming dalawa ni Adrian.
" Sige na Anna wala namang masama kong tumulong ako diba, pareho kayong babae , marunong ba kayong humawak ng martilyo?" sabi naman ni Adrian.
" Marunong akong humuwak ng martilyo" tugon ko naman
" Marunong ka ngang humawak, I mean marunong ka bang gumamit? tanong naman ni Adrian
" marunong ako" kaya kami na dito . pagmamatigas kong sabi.
" Hay ang tigas mo talaga ate!! tutulong lang nga si kuya Adrian, bakit ayaw mo? napipikong saad ni Liezel
" Sige na Liezel alis nalang ako, mukhang Allergic talaga sa lalaki yang ate mo? sabi pa ni Adrian sabay talikod. Ngunit maagap naman syang nahawakan sa tshirt ni Liezel sabay sabing " Kuya wag kang umalis hayaan mo nalng si ate baka mabasag pa namin ang salamin, pagagalitan pa kami ni nanay pag uwi non.
" eh ayaw nga ng ate mo liezel" saad ni Adrian.
" O sige na nga Kuya Adrian , I accepted your offer tulungan mo na kami. pagsuko kong saad sa kanila.
" Nah , I change my mind ayoko ko nang tumulong"medyo may pagbibirong saad ni Adrian.
" At bakit naman kuya? pagtataka kong tanong.
" eh tinawag mo akong kuya parang ang tanda tanda ko na non" saad nya
" What eh bakit kung si Liezel ang tumawag sayo ng kuya ay ok lang Adrian?' diniinan ko talaga yung name nya, at kita na rin ang pagkainis sa mukha ko.
" Hsst!! alam mo ba kong bakit wala ka pa ring boyfriend dahil dyan sa pagka suplada mo" dagdag pa ni Adrian
" Oh really, what the hell!! kung wala akong boyfriend its non of your f*****g business, kung ayaw mong tumulong umalis ka na" nangagalaiti kong sabi sa kanya, Hindi ko akalain na may attitude din pala itong si Adrian akala ko naman mahiyain.
"Sorry na biro lang naman yun bakit ka ba kasi galit na galit gusto ko lang naman tumulong? mahinahong saad ni Adrian sa akin. "oo nga Ate bakit ka ba galit? tanong naman ni Liezel.
" Sorry rin okay, hindi ko sinasadyang magalit" mahinahon ko ring tugon sa kanila. " O sige na umpisahan na natin , dami pa kaming labahin na kailangang labhan? dagdag ko pa.
" Saan ba natin to ililipat" tanong ni adrian ng makalapit kami sa salamin.
" Dito sa wall ng CR" sabi ko
" Naku i semento yang wall hindi pwede ang martilyo at pako nyan, kailangan natin nga driller, screw at screw fastener. pagpapaliwanag ni Adrian.
" Eh wala kami nun" nahihiya kong sabi sa kanya.
" Teka lang , Kunin ko lang sa bahay" saad ni Adrian
Bigla naman akong nahiya sa sarili ko kung kami lang pala yun at hindi tinanggap ang offer na tulong ni Adrian eh di wala pa lang nangyari. nakakainis naman kasi ang lalaking yun kung maka titig sa dibdib ko wagas. at speaking of that man andyan pa kaya sya sa balcony? tanong ko sa isip ko , kaagad naman akong sumilip sa may pinto , at nandoon pa nga sya sa balcony , kung kanina nakatayo sya ngayon naman ay naka upo na sya at nagbabasa ng dyaryo, habang nagkakape. "ang gwapo nya naman, ngayon lang yata ako nakakita ng ganyan ka gwapo sa buong buhay ko , maliban sa mga artista" I mean gwapo din naman din naman si Adrian at Tope , pero kakaiba kasi ang awra ng lalaking to.
" Pssst ate sinong sinisilip mo? Sino yan ? tanong ni Liezel sa akin habang tinuturo yung nguso nya sa lalaki.
" Hindi ko rin alam" ani ko. " alam mo ate ang gwapo nya kaya lang bakit ang puti, hindi kaya bakla yan" dagdag na tanong ni Liezel.
" Hindi ko nga alam, baka galing abroad kaya ang ganda ng kutis alam mo naman yang sila aling Lilia halos lahat ng kamag anak ay nasa abroad , pamangkin siguro nya yan. saad ko
" eh bakit mo sinisilip ate? panunukso ni Liezel. Bumalik naman agad si Adrian na may dala ng driller, screw at screw fastener. iba na talaga ang may kaya , kumpleto sa gamit. sabi ng isip ko.
Hanggang sa natapos na naming ilipat ang salamin. laking pasalamat ko kay Adrian inaamin ko na kung kami lang yun ay tiyak na mahihirapan kami. Agad akong nagpasalamat sa kanya at nag offer na rin ako ng juice at biscuit.
" Inom ka muna ng juice Adrian at kain ka ng biscuit" Pasensya ka na yan lang ang meryenda na meron kami"
" Salamat pero may bayad to . hirap kaya nito" saad nya
" Ay ganon ba magkano naman? nahihiya kong tanong sa kanya.
" hindi biro lang utang mo nalng to saka nalang ako maniningil" sabi nya habang nakangiti, napansin ko naman kaagad ang malalim na dimple nya. napatitig nalng ako sa kanya ng hindi ko namalayan.
" Hoy ate!! natulala ka na dyan" pukaw sa akin ni Liezel agad naman akong natauhan , napansin ko naman si Adrian na lalong lumapad ang ngiti.
" Okay lang ba kung inumin ko muna tong juice at kaining tong bsicuit bago ako umalis? medyo nahihiya pang saad ni Adrian
" OO naman para sayo talaga yan" ani ko.
Matapos kumain ni Adrian ay agad naman syang umalis. kaya napagkasunduan na namin ni Liezel na umpisahan na ang paglalaba.
" Liezel, ilabas mo muna yung mga labahin, tapos lagyan mo ng tubig ang washing machine, bili lang ako sabon kina aling Jessica, naubusan na tayo ng stock na sabon"
" Sige ate ikaw ang bahala" sabi naman ni Liezel.
Nasa likod ng bahay namin ang washine machine, manual lang to , kaya need pa rin ng extra effort sa pagbabanlaw at pagpiga. matagal ko na ngang pinangarap na magka automatic washing machine, kaya lang di talaga maabot ng budget.
habang naglalaba kami , ay di naman sinadya ni Liezel na matapunan ng tubig ang damit ko. naka white large tshirt ako at manipis pa kaya naman nung nabasa ay halos makita na pati kaluluwa ko, bakat na bakat ang u***g ko. agad ko namang napansin na natigilan sa pagbabasa ang lalaki at ngayon ay nakatitig na sa dibdib ko. "hsst manyak talaga" sabi ng isip ko sabay yakap ko sa sarili ko. " Ahhhm bihis lang muna ako Liezel. ani ko sa kanya.
" Ate wag na mababasa ka rin naman" sabi nya. agad ko namang ninguso yung labi ko sa lalaki. " May manyak at titig na titig sa dibdib ko" pagpapaliwanag ko.
" Sige ate ako na muna dito" tugon naman ni Liezel.
Nang matapos akong magbihis ay agad akong bumalik sa labahan namin. nakasuot na ako ngayon nga black tshirt at nag bra na rin ako para sure ako na kahit mabasa eh wala ng makasilip.
" Liezel kanina ba hindi ba bumakat ang dibdib ko nung ano hindi pa basa ang Tshirt ko" kuryuso kung tanong kay Liezel.
" Hindi ko naman napansin ate, iwan ko lang kung napansin ni kuya Adrian" medyo may panunukso nyang tugon.
" Ganon ba nakakahiya naman sa susunod magsusuot na ako ng bra pag may ibang tao" ani ko.
" Ate stop being so conservative, tatanda kang dalaga nyan . okay lang naman maging daring minsan" puno ng confiident na saad ni Liezel.
" liezel bakit ang dami mong nalalaman may boyfriend ka na ba? tanong ko sa kanya na medyo my pagkagalit.
" wala pa ate mauna ka muna" bata pa ko ayaw kong mapagalitan ni nanay" tugon naman nya
" buti naman at alam mo ang mga ginagawa mo, it's better to become responsible than held accountable for your action and suffer the consequences of being stubborn. ani ko
" naks naman ate grabe makahugot o ikaw na talaga ang magaling mag english ate, minsan talaga naiisip ko na ampon ka kasi una ang ganda mo, maputi at makinis ang balat at matalino pa.Saan ka kaya nagmana kayumangi naman sina nanay at tatay.
" ayan ka naman sa ampon na yan tigilan mo nga ako. hindi mo ba nakikita yug mga kapatid ni nanay mapuputi, matanggad at mga gwapo, si nanay lang naman ang maitim at c angkol tony. itong singkit na mata ko naman ay namana ko sa side nila papa. tingnan mo si aunte chit2x at mga anak nya diba parang mga chinese doon ako nagmana. kaya alisin mo sa isip mo na naiiba ako okay" mahabang paliwanag ko kay liezel.
Okay kung sa bagay, sige tapusin na natin to ate mainit na" ani niya
Hanggang sa natapos kami ay hindi pa rin umalis sa pwesto nya ang lalaki.