ANNA POV
KINAGABIHAN ay hindi ako dalawin ng antok kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko. Hindi ko kasi makalimutan ang mga rebelasyon sa totoong pagkatao ni sir Tope. 4 years na kong may lihim na nararamdaman sa kanya, and that 4 f*****g years , hindi ko man lang napansin na member pala sya ng LGBT community. Damm it. Pangiti ngiti pa naman ako sa kanya every day. Letse nakakahiya at napansin na pala yun ng mga kasamahan namin. "Ahhh nakakahiya!!" impit kung sabi sabay mudmud ng mukha ko sa unan. Gusto kong umiyak , gusto kong magwala kaya naman sinuntok suntok ko yung unan ko.
“ Ano ba te may problema ka ba? Kung ayaw mong matulog magpatulog ka naman may pasok pa tayo bukas” reklamo ng kapatid kong si liezel. Sa iisang kwaro lang kasi kaming natutulog ni Liezel. Tatlo lang kwarto dito sa bahay. Sa master bedroom sina nanay at tatay sa isang kwarto naman ay ang dalawa kong kapatid na sina Rey at Willy. Grade 10 na si liezel , samantalang grade 6 naman si Rey at grade 7 naman si Willy. Sa public school lang sila nag aaral , kahit naman kasi Malaki ang kita nila nanay hindi pa rin to magiging sapat pag sa private school sila mag aaral.
Dahil ayaw kong maistorbo sa pagtulog ang kapatid ko , nanahimik nalng ako, padapa akong nahiga at idinikit ang mukha ko sa unan, hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa sa mata ko.Hindi pa naman ganon kalalim ang pagkagusto ko sa kanya para iyakan ko. Masakit lang kasi isipin na ang lalaking hinangaan ko ng apat na taon ay lalaki din pala ang gusto at may ka live in pa.
“ Pano kaya mag s*x ang dalawang lalaki” iwan ko ba bigla na lamang natanong sa isipan ko yun .
Hanggang sa di ko na namalayan na naktulog na ako. Napagod nalng ako bigla sa kakaisip kay sir Tope.
KINABUKASAN maaga na naman akong nagising. Pagdating ko sa munisipyo sa pintuan palang ay nakasabay ko na sir tope. Parang ang awkward lang at agad naman nyang napansin na malamig ang pakikitungo ko sa kanya.
“ Good morning maam Anna” nakangiti nyang bati isa akin. Ningitaan ko lang sya at hindi na bumati pabalik sabay na rin kaming nag Bio for log in. bukod kasi sa kasamahan ko sya sa school ay kasama ko rin sya mismo sa treasury office. Kya naman mula umaga hanggang gabi ay kagwapuhan nya ang nakikita ko, matanggad sya at moreno hindi nga lang sya maskulado wala rin syang pa six pack abs. wala sigurong time mag gym dahil gaya ko umaga hanggang gabi din sya kumakayod,
Mabilis lumipas ang oras at oras na naman para pumunta sa school . buong araw kung hindi kinausap si Tope, talaga lang kasing wala ako sa mood para kausapin sya.
“Maam Anna papunta ka na ba sa school sabay na tayo” saad ni Tope sa akin. nagtaka naman ako first time kasing nag yaya si sir Tope na Makisabay papuntang school “ Sure cge sabay na tayo” sagot ko naman sa kanya.
Nang matapos kami sa biometrics, ay agad akong nagpaalam sa kanya to proceed sa classroom. “ Hindi ka na ba papasok sa faculty room? Tanong nya sa akin. Sumagot naman ako na hindi na, Nang tumalikod na ako ay agad naman nyang hinawakan ang kaliwang braso ko , sabay titig sa mga mata ko “ May problema ba tayo maam Ann , may nagawa ba ako na di mo nagustuhan? Kagabi ko pa kasi napapansin na iniiwasan mo ako? Tanong nya sa akin at Nakita ko rin ang lungkot sa mga mata nya
“Ha!!? Naku hindi, Wala” napagod lang kasi ako kagabi dahil mahirap ang topic ko sa accounting . pag uwi ko naman ay hindi ako masyadong nakatulog dahil sa ingay ng kapatid” tuloy tuloy na pag papaliwanang ko sabay titig sa kamay nya nakahawak sa braso ko. Agad naman nyang binitawan yun ng napansin nyang tinitigan ko.
“Can I invite you for Dinner? tanong nya sa akin.
"Ummm , kailangan ba nating kumain sa labas?" medyo nahihiya ko pang tanong sa kanya.
" OO sana kung ok lang sayo" saad nya.
" Pero limited lang kasi ang dinner break ko sir at may klase ako kaagad pagkatapos ng break" paliwanag ko sa kanya.
"Ah sige sa canteen nalng mamaya sabay na tayong kumain" saad nya
" Sige hintayin mo lang ako sir , medyo mahirap kasi ngayon ang topic ko sa accounting baka mag extend ako ng mga 5 to 10 minutes, ok lang ba yun sayo sir?" anya ko sa kanya.
" Okay lang maam Anna, so hintayin nalng kita mamaya" may paglalambing nyang saad sa akin. " at ako na rin ang mag o order ng pagkain mo mamaya para kakain ka nalang pag dating mo" dagdag pa nya.
" Okay sige salamat sir, pano kita nalang tayo mamaya?" nahihiya ko pang sabi sa kanya
" yes maam see you mamaya" sabi nya sabay taligud na rin. tumalikod na rin ako at pumunta na sa unang klase ko.
PAGKATAPOS ng klase ko ay agad akong pumunta sa canteen. malayo pa lang ay nakita ko na si Sir Tope na naka upo sa pangdalawahang mesa. Nang papunta na ako sa kanya, agad naman akong tinawag ni Sir Chris. " Maam Anna halika ka na rito" bakit wala kang dalang pagkain" Tanong ni sir Cris sa akin nang mapansin nya wala akong dalang tray ng pagkain.
"Ummm, Ano kasi ililibri ako ngayon ni sir Tope" nahihiya kong tugon sa kanila.
" Really!! himala at naisipang manglibre" sabi naman ni maam Rose.
" Sige maiwan ko muna kayo, bukas nalng ulit ako sasabay sa inyo" paliwanag ko sa kanila , sabay punta na sa table kung nasaan sir Tope.
" Hi Sir" nahihiya kong bati sa kanya. Hi maam" tugon naman nya
" Umm kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya
" hindi naman , bago lang din ako dito, katatapos lang din ng klase ko" paliwanag naman nya.
" So anong ganap , akala ko ba matagal pa ang sweldo at wala kang perang panglibre?" saad ko sa kanya
" Hindi naman sa ganon, naisip ko lang kasi baka may nagawa akong di mo nagustuhan kaya di mo ako kinakausap kanina sa office at kagabi pagkatapos ng dinner .Tapos kanina di ka rin tumugon ng binati ko ng good morning"
" Wag mo nang isipin yun pinaliwanag ko na naman sayo kanina diba kong bakit"? paliwanag ko sa kanya.
" kahit na hindi pa rin ako sanay na ganyan ka" nasanay kasi ako sa malambing at talkative na maam Anna" tugon nya sa akin habang patuloy sa pagsubo sa kanyang kinakain.
" OO nga pala pano mo nalaman na penakbet ang gusto kong ulam ngayon? tanong ko sa kanya.
" Ano ka ba naman maam Anna tagal na kaya nating magkasama. sabay tayo lagi pag lunch . e kung hindi sisig ang order mo ay penakbet lang naman ang ini order mo" paliwanag naman nya.
" Masarap kasi ang penakbet masustansya pa" saad ko naman.
" Bilisan na nating kumain may klase pa ko in 10 minute sabay tingin sa wrist watch ko
" wag ka naman masyadong mag madali ok lang naman ma late kahit kunting minuto lang at saka kumakain pa din naman ang mga studeynte mo oh? sabay turo nya sa mga studyanting kumakain.
" Kapag nagmadali ka , magmamadali rin ang mga yan" sabi namn nya habang patuloy pa rin sa pag subo ng pagkain.
" Pansin ko lang maam Anna , bakit napakasipag mo? tanong ni Tope sa akin
" Nagsusumikap lang mahirap ang buhay, gusto kong makatulong kina nanay at tatay sa pagpapa aral sa mga kapatid ko, gaya ko gusto ko rin na makatapos sila at magkaroon ng magandang trabaho. paliwanag ko.
" Swerte naman ng mga siblings mo at may ate silang responsable" ani nya
"Swerte din naman ako sa kanila ang bait bait ng mga kapatid ko, at mabait din ang mga magulang ko.
" pwede kaya akong makadalaw sa inyo, kahit once lang? nahihiya nyang tanong.
" OO naman kahit twice or trice pa" biro ko naman sa kanya
" Really sabi mo yan ha wala nang bawian" saad nya
" The question is ano naman ang gagawin mo don at kailan naman"? ani ko
" In due time" saad nya
" In due time? eh baka over due na yun at huli na ang lahat bago mo maisipang dumalaw? tugon ko sa kanya
" Nah. Basta we will cross the bridge when we get there" tugon nya
" hay naku kung alam mo lang sir napakahirap kayang mag cross sa bridge papunta sa amin lalo na kapag umuulan. under construction kasi ang bridge papunta sa amin. pabiro kong tugon sa kanya
" Sige na tapusin mo na yang kinakain mo puro ka kalukuhan" anya nya
Nang matapos kaming kumain ay ay agad naman kaming nagtungo sa mga classroom namin.
Nang dumating ang uwian ay agad naman sumabay sa akin ang tatlong bebe, i mean tatlong friends ko, si maam Jenny , si sir Chris at maam Rose. at alam ko na agad na kukulitin lang ako ng mga to tungkol sa dinner namin ni sir Tope.
" So anong ganap" bungad na tanong kaagad sa akin ni sir Chris.
" Anong ganap?" pabalik ko ring tanong sa kanya.
" Hay naku gurl, nagmamaang maangan ka pa bruha" saad naman ni sir chris na may pagkainis.
Nagusap lang kami ni sir Tope walang malisya.
" Talaga lang ha" tugon naman nya."Alam mo gurl ang ma a advice ko lang sayo ay maghanap ka ng straight guy" saad ni sir Chris. Mahirap kasi pag ganyan ang magiging karelasyon mo, You will be Jealous to both gender" dagdag pa nya
" OO nga maam pag nakita mo syang may kasamang lalaki magdududa ka at magseselos, pag babae naman ganon din ang mararamdaman mo" dagdag naman ni maam Jenny.
" Yes whereas kung straight guy naman babae lang ang pagseslosan mo so less stress? tugon naman ni maam Rose
" OO na sige no worries ok hindi sya nangliligaw sa akin . ok na" saad ko naman." Pero tika lang sir Chris , diba Christoper ang real name mo tapos Christopher din si sir Tope lahat ba ng Christopher bakla"? kuryuso kong tanong
" Hindi naman lahat te , hindi naman bakla si Christopher De Leon" pabirong sagot ni Maam rose habang nakangiti. Kaya naman nagtawanan nalang kami habang papunta sa park.
MABILIS lumipas ang araw at friday na pala ngayon . wala akong klase sa school pag friday kaya maaga ang uwian ko ngayon. Pagdating ng hapon , nag decide muna akong dumaan sa supermarket para bumili ng sanitary napkin, may dalaw kasi ako ngayon.
Nang makapasok na ako sa supermarket ay agad akong tumungo sa sa sanitary napkin section. nang kukuha na sana ako ng napkin ay agad ko namang napansin si sir Tope, Nasa meat section sila at bibili yata ng karne pang ulam. wala din pala syang klase ngayon gaya ko. medyo nagtago muna ako para di nya ako mapansin. Pero hindi sya nag iisa may kasama syang lalaki na halos kasingtanggad din nya. gwapo din, mas maputi nga lang ang balat nito kaysa kanya, at ang sweet nila naghaharutan pa ang mga gago. Ito na siguro ang sinasabi nilang ka live in ni sir Tope.
Parang naramdaman ko na may libo libong karayum na tumusok sa diddib halos hindi ako makahinga. Ito na nga siguro ang sinasabi nila sa akin na pagseselosan ko both gender . Pero iba pa rin pala pag nakita ko mismo sya na sweet sa lalaki mas nakakaselos.
ang sakit, damn it. Time na nga sigurong kalimutan ko na si Sir Tope . naka ka stress. Marami pa sana akong gustong bilhin pero dahil sa nakita ko, nawalan na ako ng ganang mag grocery. agad kong dinampot ang dalawang pack ng sanitary napkin at nagbayad na sa cashier at agad din namang umuwi.
Pag uwi ko sa bahay , mabuti nalng at maaga umuwi sila nanay at hindi na ako magluluto. parang naubos kasi ang lakas ko sa nakita ko . Gusto ko nalang matulog at magpahinga, nakakapagod ang araw na to.