Chapter 49 Stay Away Tinanaw ko ang malawak na taniman ng mais ni Justice. Nakaupo ako, minamasdan ang papalubog na araw sa hapon. Ang malamig na hangin ay sinasayaw ang mga hibla ng aking buhok. Hinaplos ko ang aking tiyan na medyo bumibilog na. Napabuntong-hininga ako nang malalim. Hanggang ngayon ay isang malaking kuwestiyon sa akin kung bakit nasa poder na naman ako ni Justice. Dapat, hindi na ito nangyayari. Pero, bakit niya iginigiit na wala talagang nangyari sa kanila ni Elle? Ano ba ang dapat kong paniwalaan? Napalingon ako bigla sa baritonong boses na tumawag sa akin. Sa pangiti ni Justice, tumapat ang sinag ng araw. Para siyang isang anghel na nagkatawang tao lalo nang mabigyang-diin nito ang masungit na anyo ni Justice. Mas umaliwalas ang hitsura niya ngayon. Bitbit niya sa

