Chapter 48 Home Napakurap-kurap ako sa maliit na liwanag na dumapo sa aking mga mata. Sa tuluyang pagmulat, sumalubong agad sa akin ang puting kisame at ang puting liwanag galing sa flourescent lamp. "Donita..." Dahan-dahan akong napabaling sa pamilyar na banayad na boses. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako makapagbigay ng reaksyon dahil nandito si Justice, hindi na ako nakagalaw nang tinabunan niya agad ako ng kaniyang malalapad braso at niyapos niya ako nang mahigpit sa pag-upo ko. Matindi ang kaniyang panginginig na para bang kahapon pa siya takot na takot at ngayon niya lang nailabas nang magising ako. Teka, ilang araw na ba akong tulog? Bumaon ang ulo ni Justice sa balikat ko at bumulong, "I thought something bad happened to you. I-I'm sorry I've caused you stress." A

