Chapter 43

4087 Words

Chapter 43 Fight Hindi ako halos makagalaw ni makakurap sa aking kinatatayuan habang matagal ang pagkakatitig ko kay Elle na halata pa rin ang bigla sa mukha. "Elle, let me explain," si Justice sa kaniyang mahinahon na tono. Bumalik ako sa ulirat sa pagbasag niya sa katahimikan. Nagsimulang mangatal ang bibig ni Elle at kumislap ang mga mata. Nababasa kong may nahihinuha na siya sa nagaganap sa amin ni Justice ngayon at wala akong magawa kundi ang yumuko at iwasan ang pait at dismaya sa titig niya. Sinubukang hawakan ni Justice ang kamay ni Elle upang siguro'y aluin ito ngunit agad itong nagmiglas. Ang lungkot na nagbabadya'y nawala at napalitan agad ng galit at sakit. "D-Don't. T-Touch. Me." pinanlisikan ni Elle si Justice ng mga mata. Nanigas kaming pareho ni Justice. Tumahip lalo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD