Chapter 34 Pakakasal Naging masaya at simple ang pamumuhay namin ni Justice nang mga sumunod na araw. Medyo nakakaraos na rin kami sa kahirapan. Akala ko nga'y hindi namin makakayanan ang paninirahan dito 'pagkat walang-wala talaga kami, ngunit, masipag ang mahal ko. Dahil hindi ako nagtratrabaho, siya halos lahat ang gumagalaw sa sakahan. Sa kabilang banda, habang pinagmamasdan ko si Justice na laging nasa ilalim ng tirik ng araw, nagbubungkal ng lupa o nagtatanim ng palay, hindi ko maiwasan ang magalit sa aking sarili. Iniwan niya ang buhay niya sa Maestranza na mayroon siyang sinabi at yaman, mas piniling makasama ako na batid niyang hindi ako papasa sa estado na mayroon siya. Si Justice, kapag alam niya na tinatamaan ng inggit ang aking dibdib, hindi niya pinaparamdam ang kakulanga

