Chapter 33 Ikaw Lamang Hinagilap ng aking mga mata si Justice sa malawak na luntiang kapatagan ng Siniloan sa ilalim ng tirik na sikat ng araw. Halos mag-dadalawang linggo na rin kami rito at nakasanayan na namin ang pamumuhay. Payak ngunit masaya ang naging pamumuhay namin ni Justice. Nakahanap siya ng lupa na maisasaka. Mabait ang matandang may-ari ng lupa na sinasaka ni Justice. Iyong sinasaka niya, sa kaniya mismo mapupunta ang perang kaniyang kikitain. Nalaman ko na kaya pala mabait iyon sa kaniya ay dahil isa iyon sa dating nangamuhan sa angkan ng mga Vergara. Nasorpresa pa nga ito nang malaman na magsasaka si Justice at ako ang kasama niya. Hindi malabong naisip noon na nagtatanan kami ni Justice. Base na rin sa kung paano ako tignan ng matanda. Hindi ko na lang pinansin, ganu

