Chapter 32

3473 Words

Chapter 32 Hindi Magmamaliw Medyo napakurap ako sa pagmulat ng mga mata. Hindi ko namalayang nakatulog na ako nang mahimbing at nakahilig sa balikat ni Justice. Kumislot siya at agad na napatitig sa akin, marahil, naramdaman yatang naalimpungatan ako. "Magalaw ba 'ko?" malalim ang tono ng kaniyang boses. Umiling ako, hindi inaalis ang titig sa kaniya. Sandali akong napasulyap sa magkahugpong naming kamay. Hindi pa rin ako makapaniwala na hawak ko ang kamay ni Justice nang ganito. Ang takot na nangingibaw sa aking dibdib ay napawi na. Kakaibang saya ang bumabalot sa akin 'pagkat kasama ko ang taong hindi ko sukat-akalain na makapagbibigay sa akin ng ganitong pakiramdam. Bahagya kong inangat ang magkahugpong naming mga daliri at sinilip iyon. Malapad pala ang palad ni Justice! Magaspang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD