Chapter 31 Run Away Kinaladkad ako ni Itang nang marahas hanggang sa makarating kami sa bahay. Hindi ko na alam kung ilang luha na ang naibuhos na ng aking mga mata habang nakikita kong lumalayo kami kay Justice. At ngayon na naalala ko na naman siya'y naghahatid iyon nang matinding sa aking puso. Itinulak ako ni Itang nang walang pasubali nang makapasok na kami sa loob. Nakuha agad ang atensyon ng mga taong nasa loob sa lakas ng ginawa ni Itang sa akin. Patuloy lang akong humihikbi nang mahina kahit na niresponde agad ako ni Sigmound. "A-ano'ng nangyari, ate? Bakit ka umiiyak?" may taranta sa nag-alalang boses ni Sigmound nang ako'y kaniyang daluhan. Habang pinipilit kong tumayo'y halos mangatal ako sa makulimlim na anyo ni Itang. "ANO'NG SINABI KO SA 'YO NA LAYUAN MO'NG LALAKENG 'Y

