Chapter 30 Sinungaling Nasa kalagitnaan na kami ni Justice ng kanilang malawak na palayan. Napagpasiyahan namin ni Justice na doon na muna sumilong sa malaking puno ng mangga. Itinali ni Justice ang kalabaw at hinayaan iyong kumain ng mga ligaw na damo. Umupo na rin siya sa aking tabi matapos ng ilang minutong panonood kay Eramus. "Mukhang naalagaan mo si Erasmus nang husto, ah," aking naging komento sa kaniya. Napahawak siya sa kaniyang batok at puminta ang ngiti sa labi. "Madali kasing alagaan si Erasmus. Madalas ko nga siyang gatasan, eh." Namilog ang mga mata ko. "Talaga?" Tumango si Justice na bahagyang namumula ang pisngi. "Oo... Dati, no'ng hindi ko pa 'to binili kay tatang, pinag-aralan ko kung paano ang pag-aalaga ng kalabaw. Lalo pa 'ko no'n naging interesado no'ng pinakita

