Chapter 29 Leave Nasundan pa ang madalas kong pagpunta sa kubo ni Justice. Habang tumatagal na pumupunta ako roon, mas lao akong nag-e-enjoy at nahahalina sa ganda ng Maestranza. Nakikilala ko rin si Justice sa paglipas ng mga araw. Nakikita ko ang kabutihan na kaniyang tinatago. Maalalahanin siya sa akin at maasikaso. Bukod pa roon ay nararamdaman ko ang pag-aalaga niya sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa gusto niya ako o ano kaya ganoon ang pinapakita niya. Umiiba talaga ang tingin ko sa kaniya habang tumatagal. Nawawala ang walang-awa at marahas na Hustisyang kilala ko. Kakatapos lang ng klase namin sa school at napagpasiyahan namin ni Justice na magpalipas muna ng oras sa kubo. Ang totoo niya'y hindi pa alam nila Itang at Inang ang lihim na pagkikita naming ito hanggang ngayon

