Chapter 28 Secrets Nagulat ako sa maagang uwi ni Justice nang gabing iyon. Akala ko nga'y magtatagal pa siya roon dahil may after party pa na tinatawag pagkatapos ng training niya roon, aniya kanina. Pansin ko na hawak niya ang kaniyang kulay na abong suit at naka-puting long-sleeve na siya na bukas pa ang unang dalawang butones. Nilapag niya sa sofa ang kaniyang suit at hinarap ako. "Ang aga mo," naging komento ko matapos niya akong ihagkan sa labi nang marahan. Ang mga bisig na niya'y nasa aking magkabilang kurba. Nakatingala ako sa magkasalubong na kilay na si Justice. "Because I couldn't take anymore what you're going to tell me," seryoso ang boses niya. Nagbaba ako ng tingin. "S-Sorry... kung pinag-alala kita." Naramdaman kong iniayos niya ang bawat hibla ng aking buhok at ini

