Chapter 25 Binayad Hindi natapos ang pagkikita naming iyon ni Justice. Naging lihim sa lahat ang pagkikita naming dalawa. Hindi ko mabatid sa aking sarili kung bakit humantong ako sa desisyong pumayag na makipagkita sa kaniya gayong alam ko naman na hindi iyon tama. Alam kong sinuway ko sina Inang at Itang pero may bahagi ng aking puso na ayaw talikuran si Justice. Normal naman ang pagpasok ko sa eskuwelahan. Doon pa rin naman ako umuupo sa likuran sa asignatura namin sa Espanyol. Normal pa rin naman ang mga kaklase kong may kani-kaniyang mga mundo na parang wala silang balak akong isali. Ganoon ang normal na deskripsyon ko sa mga nangyayari. Subalit... "Just!" Halos tumalon ang puso ko nang marinig ang boses ng kaklase ko na tinawag si Justice. Alam kong isa iyon sa mga katropa niy

