Chapter 24 Objections Gumugulo sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Raven Vergara. Hindi ako matahimik. Pakiramdam ko'y nasa hindi magandang sitwasyon si Justice at kailangan niya ako. "Ate Donita, okay ka lang?" Napakurap ako agad nang marinig ko ang boses ni Imong na nakatingin pala sa akin. Ngumiti agad ako nang matamis sa kaniya. "O-oo, okay lang ako," sambit ko at agad na binalik ang atensyon sa hinuhugasang plato. Kung hindi ko siguro naramdaman ang tapik na iyon galing kay Imong, kanina na akong tulala rito. "Iniisip mo siguro, ate, iyong lalakeng gusto mo, 'no?" Napatitig na naman ako kay Imong na nakataas ang mga kamay sa likod ng kaniyang ulo. Wala man sa mukha niya, ngunit medyo kinabahan ako sa seryoso ng dating ng boses niya. Dama kong dinaga ang dibdib ko. Masyado ni

