Chapter 19

3486 Words

Chapter 19 Wrong Ang naging paraan ng panliligaw sa akin ni Justice ay nagiging kakaiba sa pangkaraniwan na ginagawa ng iba. Sa umaga'y hinahatid-sundo niya ako sa aming eskuwelahan. Kapag tapos na ang klase sa unibersidad, siya'y sumasama sa akin sa palengke. Kahit na ano'ng pagtataboy ko'y hindi talaga matinag, nakakainis. Ang dami ko nang dahilan sa kaniya upang layuan niya ako ngunit parang manhid lang. "Donita!" ang nakangiting bati sa akin ni Justice nang siya'y lumabas sa may gilid ng puno. Sa totoo lang, kinakabahan din ako sa madalas niyang paghatid sa akin sa labas ng aming bahay. Malimit niyang gawin iyon kaya malimit ko rin siyang kagalitan at tigilan na ang pagpunta sa aming lugar. Pero, lagi na lang na labas sa kaniyang pandinig ang aking sinasabi. Hanggang sa napagod na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD