Chapter 2

3625 Words
Chapter 2 Waste Ang totoo, hindi ko talaga alam kung ano'ng pinasok ko. Ang batid ko lamang, kapag nagkamali ako ng desisyon, marami ang maapektuhan. Maisasakripisyo ang pag-aaral ng aking mga kapatid sa Maestranza, hindi ko mababayaran ang utang namin sa renta ng kinatitirikan ng puwesto ng aming palengke at higit sa lahat, makakasuhan ako ng agency na nagpasok sa kompanyang ito at pagbabayarin nila ako ng danyos. Ngunit, hindi ko rin gusto na maipit sa sitwasyon na kasama si Justice. Ilang beses ko nang kinagalitan ang aking sarili na huwag magpaapekto sa lahat ng kaniyang sasabihin sa akin, dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon, ngunit, hindi ko maiwasan at nangangati na akong sabihin sa kaniya ang totoo. Ang katotohanan. "The reason why I hired a new secretary is because Glaiza will be transferred in our other office in Alabang. You will be the one to replace her by next week. This week for now, she will be endorsing and orienting you her duties and responsibilities..." pag-eesplika sa akin ni Justice sa malamig at malalim niyang boses habang siya'y nakatayo't pinagmamasdan ako. Para akong hindi makahinga. Hindi dahil sa damit na aking suot ngunit dahil sa bigat at kapal ng hangin na pumapagitan sa aming dalawa. Ang matikas ngunit mabangis niyang lakad sa aking harapan ay nagdadala sa akin ng takot na hindi ko maipaliwanag. Ang sabi sa akin noon na kapag malakas at dumadagundong ang kabog ng iyong puso'y ibig sabihin, mahal mo ang taong iyon. Minahal ko ang taong ito. Hindi ko nga lang mawari kung para saan itong nararamdaman ko ngayon. Ngunit natitiyak ko na hindi iyon dahil nagising muli ang nararamdaman ko para sa kaniya. Siguro... "You have to listen to Glaiza very carefully, Miss Reyes. Because I don't accept any mistakes. I don't accept sorry's and you should know about that," makahulugan at mariin niyang sinabi. Parang may punyal na bumaon sa aking puso pagsabi niya noon. Batid ko, sinisimulan niya akong patamaan. Subalit, kailangan ko siyang tiisin. Ang tatlong buwa'y sapat na upang makasama ko siya't mapagbayaran ang lahat ng aking kasalanan. Tumango ako. "O-Opo, attorney." "Always remember to attend my clients very attentively. Treat them like they are very important. Most especially my very important clients. If ever that something will happen bad because of you, I'll call your agency immediately. I know you don't want that to happen, Miss Reyes, right?" tumaas ang kaniyang makapal na kilay. Napakasama niya. Ipinanakot pa niya sa akin ang agency ko. Kinagat ko ang ibabang labi at tumango muli na parang tuta na pinapaamo ng masahol niyang amo. "O-opo." "And oh, I almost forgot. I have some other visitors who are not listed in the client's book. They are my guests so let them in. Lindsay is one of them." Kahit hindi na niya palalimi'y batid ko na ang ibig niyang sabihin. At kailan pa siya naging hayok nang ganito sa babae? "Wait for a second," paalam ni Justice, "I'll call Glaiza." Tumungo siya sa kaniyang table. Gusto ko sanang pagtakhan kung bakit niya pang kailangan na tumawag, e, malapit lang naman ang opisina ni Glaiza. Gamit ang telepono'y kinausap niya sa kabilang linya ang kaniyang sekretarya. Makalipas lamang ng ilang sandali'y narito na agad si Glaiza. "Good morning, Sir," pormal at nakangiti siya nang matamis. "Glaiza, please assist Miss Reyes to her assignment. Observe her performance for the remaining days of this week," malalim ang boses ni Justice. Tumango si Glaiza. "Yes, Sir. Miss Reyes..." ako'y binalingan niya. "Come with me. I'll lead you to your seat." nagmulto ang kakaibang ngiti sa kaniyang labi. Tumalima na lamang ako. Nang magsara ang babasaging pinto ng opisina ni Justice ay matalas na akong tinignan ni Glaiza. "Hoy," may kagaspangan niyang panimula, "may dala ka bang notebook diyan at ballpen?" taas-kilay niyang tanong. Biglang kumulo ang aking dugo. Hindi ko mabasa ang isang ito. Tumango na lamang ako. "Opo. N-nasa bag ko po." "Then, get all of those. Ayokong masayang ang oras ko sa 'yo. 'Dami ko pang ituturo," angil niya. Nang siya'y umalis sa aking harapa'y napailing na lang ako. Kinuha ko sa loob ng aking bag ang isang notebook at isang ballpen. Lumapit na ako sa table ni Glaiza at pinanood ang kaniyang ginagawa sa computer. "First thing you have to remind," agad niyang panimula na nakakrus ang mga braso. "You have to be at least thirty minutes earlier than Attorney. Attorney doesn't want his office so messy so you have to clean his table. Yes, may housekeeping naman, but we are authorized to handle confidential documents than them, of course. So, iyon ang aayusin mo. You have to sort them according to their designated arch files." May kinuha siyang kulay kahel na notebook at binuklat iyon nang mabilis. Ipinakita niya iyon sa akin sa magaspang na pamamaraan. "Read and be familiarized with these people indicated in this notebook. This is the VM's list of clients that Attorney handles until now. Kailangan, kilala mo sila. May mga profile na akong ginawa riyan sa PC. Hindi ka naman siguro mahina sa memorizing, ano?" Isa ba iyong insulto? Umiling na lang ako sa kaniya bilang tugon. Malakas akong babae noon. Kayang-kaya kong barahin ang babaeng ito sa kahit na anumang gusto ko. Pero, hindi ko alam kung nasaan na ang lahat ng aking tapang ngayon. Katulad siguro ng pagkawala sa akin ni Justice ay ang pagwalay sa akin ng ugali kong iyon. May mga sinabi pa sa akin si Glaiza sa mga gagawin ko sa aking trabaho. Hindi nga lang maiwasan na hindi mag-init ng aking tainga dahil para niya akong binababa. Inisip ko na lamang na dalawang araw ko lamang siyang titiisin. Sa susunod na linggo'y wala na siya. "O, kumusta'ng trabaho mo?" bungad agad ni Joy pagkatuloy ko sa loob. Kasalukuyang nagluluto ng bigas si Joy sa rice cooker. Bagsak akong napaupo sa sofa at napabuga ng hangin. Dinaig ko pa siguro ang mga taong nagtratrabaho sa production! Buong maghapon akong tinuruan ni Glaiza. Mula sa pagsagot at pagbato ng tawag kay Justice, sa paggawa ng minutes of the meeting, sa pagplano ng schedules ni Justice, hanggang sa tamang pagtimpla ng kaniyang kape. Tama. Kape. Kailangan daw ay swak na swak sa panlasa niya. Walang labis, walang kulang! Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya. "Ayos lang naman," mahinang sabi ko. Humikab ako nang malalim. Hindi ako napagod nang ganito buong buhay ko. Kahit na batakan ang trabaho na ginagawa ko sa mga dati kong trabaho, ayos lang. Na-e-enjoy ko. Ngunit ito? Pakiramdam ko, ang bawat galaw ko ay kailangang perpekto! "S-Si Yllena?" pagtatanong ko. "Hayun, matutulog na. Habang tumatagal, mas nagiging antukin na siya. Nako talaga, hindi ko tuloy malaman kung ano'ng gagawin natin diyan kay Yllena kapag nanganak na. Hindi ko pa rin makontak 'yong lalake, letse." angil ni Joy na pinandilatan ko ng mga mata. Loka-loka talaga 'to. Mamaya, marinig pa iyan ni Yllena. "Ikaw talaga. Boses mo nga, hinahaan mo," singhal ko. Nawala tuloy ang antok ko sa kaniya. "Pasensya ka na, Donita, pero nagiging prangka lang ako," pangangatwiran niya pa. "'Kita mo, o. Wala siyang pamilya na masasandalan dahil tinakwil na siya. Ilang buwan na siyang buntis? Sa dalawang buwan, manganganak na 'yan. Sino'ng aalalay sa kaniya kapag nanganak siya? Pa'no kung pareho tayong wala dahil sa trabaho? Oo, magkakaibigan tayo pero naiinis ako sa kaniya," humina ang kaniyang boses. "A-ako na lang," pagboboluntaryo ko, "Malapit lang naman ang condo na ito sa office ng VM, eh." Tinagilid niya ang kaniyang ulo. "Isa ka pa. Parehas kayong mga wala sa sarili kung magdesisyon, ano? Ikaw, pinasukan mo 'yang trabahong lintek na 'yan na ang boss mo pa ay anak ng kampon ng demonyo." "Huy!" nanlaki agad ang mga mata niya ko. "Oh, bakit?" taas-kilay niyang tanong. "Tama naman, ah? Kakampihan mo pa. Leche. 'Tapos, lakas-loob ka pang mag-a-undertime? Daig pa ni Hitler 'yang amo mo, baka nakakalimutan mo." Napanguso ako. Tama naman kasi si Joy, eh. Ngayon lang din pumasok sa akin na mahihirapan akong makapag-leave ngayon. Napabuga ng hangin si Joy at hinaplos ang kaniyang noong nakakunot. "Ano pa nga ba ang magagawa ko? E, nand'yan na 'yan. Sana lang, h'wag siyang gagawa ng isa pang pagkakamali." Ito na ang ikatlong araw ko sa trabaho. Ngunit dadaan muna ako sa Jupiter dahil ako'y pinagrereport nila. Doon ako naghintay sa malaki nilang Conference Room. Ilang saglit lang ay sumulpot na si Ma'am Raquel bitbit ang kaniyang seryosong mukha. Bigla akong ninerbyos. "Have a sit, Miss Reyes," pormal niyang utos at ako'y tumalima. Umupo siya sa aking harapan. "What happened, tell me? What made you decide to resign in an instant?" tanong niya. Inisip ko na kapag akin siyang nakita'y magagalit siya sa akin. Ngunit base sa mukha niyang kalmado, natanto na mukha naman siyang hindi talaga nagalit sa akin. Napatungo ako. "Ma'am, pasensya na po talaga. Masyado lang po kasi ako..." nakagat ko ang aking labi upang maghanap ng tamang salita. "...na-intimidate. Iba po kasi ito sa mga napasok ko noong una. Ngayon pa lang po talaga ako sasabak sa office. At saka, pumasok naman ako, Ma'am, kahapon," pangangatwiran ko. Ang nakahugpong na mga kamay ni Ma'am Raquel sa mahabang mesa'y kaniyang itinukod, sumisilip ang mapupulang mga kuko niya. "Well, good to hear that. Donita..." tumuwid siya ng upo, kinalas ang mga kamay na nakahugpong at hinawakan ng isa niyang kamay ang akin. Hinimas niya ito. "V and M is one of our major client. And they are not only some law firm pero iyan ang isa sa pinakamalaking law firm sa bansa. They may file a case against this agency. And of course, we wouldn't let that happen." "Donita..." Nag-angat na ako ng tingin sa kaniya. "Please, h'wag mong pahiyain ang agency na iningatan ni Miss Athena. Matagal na siyang naghirap sa kompanya na 'to. Sana, maintindihan mo." Naging laman ng aking isipan ang sinabi sa akin ni Ma'am Raquel. Batid kong mahirap pinasok kong ito ngunit kailangan ko talagang magtiis. Nakakahiya sa kompanyang nagpasok sa akin sa V and M. Nakahinga ako nang maluwag nang pumasok ako sa opisina. Ito ang unang araw na wala na si Glaiza. Ang kaniyang sinabi'y kailangan kong maging maaga bago si Sir. Kakalapag ko pa lamang ng aking bag ay nakita ko na ang pag-ilaw at pag-ring ng itim kong Avaya. Sinagot ko agad ang tawag. "V and M! Good morning," bati ko. "Yes, good morning. May I speak with Attorney Justice? This is Riza of Sanwa Philippines," tanong ng boses babae sa kabilang linya. "Ma'am, wala pa po sa office si Attorney. If you wouldn't mind, may I have your concern?" mabuti na lang at may naibaon akong Ingles. "Ay, gano'n ba? Mga what time pa siya nandiyan?" "Nine o 'clock pa raw, Ma'am, according to his schedule." "Ah, I see. Well, kindly tell him that we have set an appointment with him at eleven o'clock." Tinignan ko nang mabilis ang schedule notebook ni Attorney. At nakita ko nga ang pangalan niya oras na alas once. "Yes, Ma'am, I already saw your appointment here. I will just gently remind Sir Justice about this," magalang kong sinabi. Narinig ko ang pagngiti niya sa kabilang linya. "Thank you very much. May I know who I am speaking with?" "This is Donita Reyes, his new secretary," napangiti na ako. "O, really? Where's Glaiza?" halatang nasorpresa niyang tanong. "She transferred to another office of V and M, Ma'am." "Ah...okay. Thank you for accommodating my call." Matapos ang tawag na iyon ay napahawak ako sa dibdib kong pumipintig nang mabilis. Kabadong-kabado talaga ako habang kausap ko iyong babae! Hindi ko alam kung tama ba ang aking sinasabi roon sa kausap ko. Huminga ako nang malalim. Mahaba-habang araw pa ito sa akin. Tumayo na ako at tinungo ang opisina ni Justice. Ang sabi ni Glaiza, kailanga'y malinis ko ang kaniyang opisina habang wala pa siya. Nakita ko agad ang mga nagkalat na dokumento sa kaniyang mahabang table. Nilapitan ko na iyon at inayos base sa itinuro sa akin ni Glaiza. Habang nag-aayos, nakuha agad ang atensyon ko ng isang litrato na nakapatong sa gilid ng computer ni Justice. Si Justice ay nakayakap sa babaeng nakasuot ng pink na gown. Maalon at mahaba ang buhok noong bababe. Matangos ang ilong at mukhang maputi. Mukhang may class at elegante ang babaeng nasa litrato. May kung anong kumurot sa aking puso nang makita ang mga mata nilang nagniningning at nakangiti. Sino kaya ito? "Donita..." Napatalon ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang tunog-kulog na boses ni Justice. Nanlamig ang buong katawan ko nang makita siyang nakatayo sa pintuan ng glass door. Matalim ang kaniyang mga mata. "A-Ahm, J-Jus-A-attorney!" kinagat ko ang aking labi nang marinig ko ang sarili kong boses na tinawag siya sa kaniyang pangalan! "What are you doing?" tanong niya at matikas na lumakad patungo sa aking kinatatayuan. Ang puting longsleeve na kaniyang suot ay nakatupi ang magkabilang manggas hanggang siko, lumalantad ang matigas niyang mga braso. "Nagpa-file p-po 'ko ng mga p-papeles, S-Sir," nauutal kong usal. Umigting ang kaniyang panga. Inilapag na niya ang dala niyang laptop bag sa aking harapan. "Please bring me a coffee here. Do you know what's my preference?" malalim ang boses niya. Tumango ako bilang tugon. "Then, be quick. You have to tell me my schedules today." Sa isang mabilis na galaw, lumipad ako patungong pantry, bitbit ang puso kong pumipintig pa rin sa sobrang bilis! Ang tanga mo talaga, Donita! Mabuti na lamang at nag-review ako ng mga notes ko. Ang sabi ni Glaiza, may asukal ang kape ni Justice. May gatas. Dapat daw ay eksakto sa timpla, dahil kung hindi, ihahagis niya raw iyon. Kabadong-kabado, binitbit ko na ang maliit na tray laman ang tasa ng kape ni Justice. Namataan ko siyang mataman na nakatanaw sa kaniyang PC. "Here's your coffee, Sir," aking ani at inilahad sa kaniya ang tasa. Hindi man ako tinapunan ng tingin, walang ngiti niyang tinanggap ang kape. Napalunok ako nang simulan niyang higupin ang kape. Sa pagbasa ng kaniyang labi'y pumula iyon lalo. Inangatan na niya ako ng tingin, sa wakas. Ngunit walang nakaguhit na kahit na anong emosyon sa kaniyang mukha. Bigla akong nangamba. "The next time you will do me a coffee, lessen the sugar. Do you want me to die because of diabetes?" kumunot ang kaniyang noo. Namilog ang aking mga mata. Bumilis ang kabog ng aking dibdib na tila'y masisira na ang buto ko sa dibdib. Matamis ba iyon? "I-I'm sorry, Sir." Napailing siya at nakita ko ang bahid ng inis sa kaniyang mukha. Matamis na ba iyong one-fourth lang ng kutsarita ang nilagay ko? "What are my schedules today?" Napakurap ako. "S-Sir?" "My schedule today, Donita," sa pagkakataong ito, mariin na niyang sinabi. "S-Sir, I-I will get my notebook---" "You didn't memorize my schedule, Donita?" tumiim ang mga mata niya. Para na akong mamatay sa aking kinatatayuan. Ang sabi sa akin ni Glaiza, babasahin ko lang naman ang notes doon. Hindi ko alam na kakabisaduhin pala ito! Napabuga siya ng hangin at hinaplos ang gitna ng kaniyang mga mata. "Damn, I already knew how inefficient you are when it comes to work, but I didn't expect that you're terrible than what I've thought!" "S-Sir," nagsimulang mag-init ang mga mata ko. "A-Ang akala ko po, babasahin ko lang---" "Dammit!" tumaas ang kaniyang boses. "Donita, this is not a school room for you to recite and I am not your f*****g teacher to listen your nonsense stories!" Nag-iwas agad ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagbabadya ng paglaglag ng mga luha. Kumurap ako upang umurong iyon. Narinig ko na naman ang maliliit na mura niya. "Please, get your f*****g notebook. Next time, Donita, memorize everything, please! You're wasting my f*****g time!" Tumakbo agad ako sa aking puwesto at doon tumulo ang luha ko. Hindi ko naman alam na kakabisaduhin, ah? Ang itinuro sa akin ni Glaiza, babasahin sa harapan niya, iyon lang. Bakit siya grabe kung makasita sa akin? Bumalik na ako sa kaniya dala ang notebook sa aking kamay. Tumutuyo na ang luhang pinalis ko kanina sa aking pisngi. "S-Sir..." gumaralgal ang boses ko. "You will have an appointment with Sanwa's at eleven o 'clock, today. Y-you will have also a lunch meeting with them. In the afternoon, you will have a meeting with DJ Manufacturing for consultancy. And then, Sir, you will sign some agreements and corp secs after." ang sikip-sikip ng dibdib ko habang ako'y nagsasalita. "Okay," malamig niyang sabi. "Please read the e-mails today and forward it to me if there's an important message. Get lost. Now." Tila'y isa akong kawawang tuta ngayon. Nanginginig ang bawat daliri ng aking kamay habang nagtitipa ng mga e-mails ng mahal na demonyo. Tatlong buwan. Tatlong buwan akong magtitiis sa impyernong 'to! Noong tumunog ang bell ay tumayo na ako't binuksan ang glass door. Sa pagbukas ko ng pinto, isang matangkad, maputi at maikli na buhok na babae ang kasama ko. Suot-suot niya ang malawak niyang ngiti. "Miss, good morning," bati niya pa, "We are from Sanwa Philippines. We are the ones who set an appointment to Attorney." "Yes, Ma'am," wika ko, "I am Attorney Justice Vergara's new secretary. Come in." Iminuwestra ko ang papuntang loob. Sa likod niya ay iyong mataba na matangkad na mukhang Hapon at isang kalbong lalake na medyo may mga tagyawat sa mukha. "Have a seat, please, Ma'am. I'll call Attorney..." Demonyo. "...Justice in his office." Tinawagan ko ang mahal na demonyo sa kaniyang local gamit ang Avaya. "Good morning, Sir. Nandito na po ang Sanwa." "Let them in," mababa ang boses niya. Walang sabi-sabi'y ibinaba na niya ang tawag. 'Sarap kurumisin ng mukha! "Ma'am," peke akong ngumiti. "Pasok na raw po kayo sa office ni Attorney." Buong tatlong buwan sasakit ang panga ko sa mga pekeng ngiti na ibibigay ko. Tumayo na iyong babae. Naglahad ito ng kamay. "By the way, I am Riza Buenaflor, HR Supervisor of Sanwa. This is Rico, our Japanese Interpreter," turo niya sa kalbo, "and this is Sir Kawasaki, our President." Tinanggap ko ang kamay noong babae. "Nice meeting you, too, Ma'am." Sinamahan ko na sila sa loob ng office ni Justice. Sa pagkakataong iyo'y nakasuot na ng itim na suit si Justice, hawak-hawak ang makapal na papel sa kaniyang kamay. "Have a seat, please. Donita," malamig niyang tawag na sa pangalan ko, "please bring three cups of coffee here, please." Tumungo na ako ng pantry at gumawa ng tatlong kape. Ipinasok ko na iyon sa loob pagkatapos at ibinigay sa mga bisita. Umuusok pa ang kape habang tinanggap nila. Napalunok ako nang sumisim ng kape iyong presidente ng Sanwa. Parang madudurog na naman ang mga buto ko sa dibdib sa tindi ng kabog nito! Napansin ko ang unti-unting pagliwanag ng mukha noong Presidente. Nakangiti siyang nag-angat ng tingin sa akin. Bumulong siya sa lalakeng kalbo at kapuwa'y nagsalita ng wikang Hapon nang nakangiti. "Ano'ng sabi, Rico?" usisa ni Ma'am Riza. "Masarap daw po'ng pagkakatimpla ng kape n'yo, Ma'am." tingin nito sa akin nang matamis. Tila'y nabunutan ako ng tinik pagkaraa'y sinabi niya iyon. Salamat po, 'Diyusko! Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Napatango ako't bumulong sa kanila, "Thank you, po." "Donita..." Binalingan ko si Justice at parang may kung ano'ng dumagan sa akin dahil sa malamig niyang tingin. "Get your laptop and make a minutes of the meeting for us," utos niya na tila'y isang hari. Mabilis pa sa alas-cuatro'y tinungo ko ang aking table at kinuha ang laptop at nagkukumahog na umupo sa couch katabi ng table ni Justice. Nagsimula rin ang meeting, pagkadaka. Naging mahaba ang kanilang talakayan. Nalaman ko na tungkol ang kanilang pinag-uusapan sa hakbang na gagawin ng Sanwa tungkol sa mga contractual employees nila sa kompanya. Kung minsa'y napapatigil ako sa pagtipa sa laptop dahil nahihigit ng aking atensyon ang galing ni Justice sa pagsagot sa mga binabato nilang tanong. Mukhang nahubog at nahinog si Justice sa pagiging isang magaling na attorney sa loob ng sampung taon. Paano siya naging kagaling nang ganito? "O, Sir, let's stop this for the meantime," ani Miss Raquel at sinilip ang kaniyang wristwatch. "It's past twelve noon na pala." Habang nag-i-interpret iyong lalakeng nagngangalang Rico, napansin kong bumulong si Miss Riza kay Justice. Tumango naman si Attorney Justice. "Ma'am Riza," si Rico at bumaling kay Miss Riza, "kain daw po muna tayo sa Vikings." Tumango si Miss Riza. "Sige. Sir Justice," tumugon si Justice ng tingin sa kaniya, "Iti-treat namin po kayo sa Vikings as a gift of appreciation." Natawa bigla si Justice. "No need, Madame. I'm full," aniya. Umiling si Miss Riza. "Attorney, pumayag na kayo. Kukulitin kasi kami ni Presidente kapag hindi ka pumayag," bulong nito. Ilang minuto pa nag-isip si Justice bago napatango. "Okay, Ma'am. It's my honor, then." pareho silang natawa. Pareho na silang naglakad. Habang nagliligpit, nagsimula na silang maglakad patungong pintuan. Nakakailang hakbang lang, narinig ko ulit ang matigas na boses ni Justice. Nilingon ko siya noong ako'y tinawag niya. "Please clean my table. You may take your lunch if you want. But make it in fifteen minutes." Tumango ako. "Opo, Sir." "Hindi ba siya sasama sa 'tin?" narinig kong bulong ni Miss Riza kay Justice. Hindi ko man na sila tinitignan, ngunit nakikita ko sa gilid ng aking paningin ang pag-iling ni Justice. Alam kong ako ang kanilang pinag-uusapan. "She can eat her own food, po. Kaya naman niya ang sarili niya. She's just a secretary." Hindi ko alam kung bulong pa iyong ginawa niya ngunit dinig na dinig ko iyon sa aking tainga. Kinurot ang puso ko. Hindi ako nasasaktan sapagkat wala siyang balak na isama ako. Gaya nga ng kaniyang sabi'y kaya ko ang aking sarili. Ngunit ang ipakita na parang ang baba ng aking trabaho'y roon ako nasaktan. Wala na ba talaga siyang puso na ngayon sa akin? "Gusto raw po siyang isama ng Presidente, attorney," narinig kong sinabi naman ni Rico. "Nasarapan daw po siya sa timpla niya ng kape." Hindi ko alam kung ano'ng ituturan sa kanila. Kung sasabihin kong ayos lang, para naman akong tsismosa dahil nakikinig ako sa kanilang pinag-uusapan. Nang tuluyan na akong natapos sa paglilipit ay iniharap sila'y bigla akong natuod nang makita si Justice na matindig ang tayo sa hamba ng pintuan. Sa isang mabilis na lakad, kinain niya ang distansya na naglalayo sa aming dalawa. Ang pamilyar na dagundong sa aking dibdib ay namuhay at muling kinakain ang aking buong sistema. "Join with us," walang anuman niyang sinabi. "But, you will be the one to pay your bills. I don't want nor my visitors to waste any single penny for you," madilim niyang sinabi at mapanganib ang mga mata na ako'y tinignan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD