Chapter 1
Contract
Ang bigat ng aking dibdib habang nakahinang ang aking mga mata kay Justice. Tila'y binubuhusan ako ng asido lalo na noong hinahaplos niya ang gilid ng mukha noong Lindsay. Umiipon ang mga luha ko. Hindi ako makapagsalita sa bikig na nakabara sa aking lalamunan.
"Lindsay," matamis niyang sabi, "leave us alone for a moment, please..."
Nakita ko ang pagbagsak ng balikat noong babae. Ngumuso ito. "What?" pinadaan na niya ang kaniyang daliri sa nakalantad na dibdib ni Justice. Ngumisi si Justice at binasa ang labi. "I want to be with you," usal niya sa senswal na tono.
Para akong tuod habang pinapanood sila. Bumibigat ang dibdib ko. Sumisigaw na ang aking isip na dapat, ako'y umalis ngunit nawalan na yata ng kakayanan ang aking mga paa na makalakad.
Umumbok ang labi ni Justice sa pagnguso niya. Katulad noo'y mas pumupula iyon sa tuwing ginagawa niya iyon.
"I know, dear, but I have a guest. I should accommodate her professionally, right?" bulong nito sa namamaos na boses.
Kumunot ang noo noong Lindsay, tila'y pinag-iisipan ang sinabi ni Justice. Sa huli'y napabuga ito ng hangin.
"Alright..." mahaba niyang sinabi, bumuga ng hangin, saka'y tumirik ang mga mata. "Text me, dear, if you're done with her, okay?" nagtaas ito ng kilay.
Ngumisi na si Justice. "Okay, dear!"
Kinabig noong babae ang batok ni Justice at inatake ng isang malalim na halik. Noong maghiwalay na sila'y humalik pa ito nang mabilis at ngumiti nang senswal at umalis. Nang siya'y dumating sa aking kinatatayua'y binunggo niya pa ako, dahilan upang mawalan ako ng balanse.
Ang mga nangilid na luha'y tumulo, ang hapdi-hapdi ng aking lalamunan sa pagpipigil na h'wag bumuhos ang aking emosyon. Mabilis akong nagpalis ng luha noong naririnig ko na ang malalaking hakbang ni Justice na papalapit sa akin.
Pinilit kong magpaka-pormal.
"Long time, no see, Donita," seryoso na niyang sinabi. Ang boses niya'y hindi ko mabakasan ng anumang emosyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.
Napalunok ako. Kinagat ko ang aking labi upang makapagbigkas ng mga salita, "Good morning, po, Sir," aking ani.
Tumiim ang kulay ng mga mata niya. Ang kaniyang malapad na pangangatawan ay nagbibigay sa akin ngayon ng kakaibang kilabot. Noon pa man, alam ko na kung gaano siya kasama. Ngunit, sa lahat ng ginawa ko sa kaniya, tingin ko'y mas lalo siyang lumala ngayon.
Siya'y naghalukipkip. Gusto ko talagang umatras sa lapit niya. Tinagilid niya ang kaniyang ulo. "Let's proceed at that sit over there."
Tinalikuran na niya ako't nauna nang maglakad. Hanggang ngayo'y hindi pa rin siya nagbabago. Ang boses niya'y malaman at maawtoridad, bagay na ayaw ko na sa kaniya, noon pa man.
Tikom ang bibig akong tumalima. Siya'y umupo sa malaki niyang swivel chair samantalang ako'y roon sa bakanteng upuan sa kaniyang harapan. Tanging ang marmol niyang la mesa ang namamagitan sa aming dalawa.
Ang kaniyang kamay ay tinukod sa la mesa. Ang kaniyang nanlulupaypay na mga mata ay tumama sa akin. Matingkad ang kulay ng kaniyang tsokolateng mga mata.
"To be honest, I was surprise that you're the applicant that Jupiter will endorse to me," he smirked. "And to be honest also, I complained that to your agency," ang kaniyang boses ay matalas, katulad ng isang punyal na bumabaon na sa aking dibdib.
Parang ang dami kong gustong sabihin. Ngunit walang namutawi sa aking bibig. Tulala lang akong pinapanood ang kaniyang sinasabi at ang kaniyang bibig na bumubuka-buka.
"It's been what? Almost five years since you've fooled me, right?" nalalasahan ko ang pakla sa kaniyang boses. Tinagilid niya ang kaniyang ulo. "So...it's so embarrassing if you will work for someone you've made stupid, right? Dapat nga talagang mahiya ka."
Humapdi agad ang aking mga mata. Sumakit ulit ang lalamunan ko. Utang na loob, Donita, h'wag kang iiyak sa harapan niya!
Ngumisi siya nang mala-demonyo. "You know what, Donita, I am so disgusted. So very much disgusted at you," mahinahon ngunit mariin niyang sinabi. Nanlaki ang aking mga mata nang nilabas niya ang aking bio-data.
"I can compare you to this bio-data. Worthless. Futile. Non-existent. Trash," pang-iinsulto niya pa.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha nang walang habas niyang punitin sa aking harapan ang bio-data ko. Hindi ko halos maramdaman ang aking katawan habang siya'y nakangisi lang na parang isang demonyo.
"Bakit ka umiiyak, huh?" hindi man lang siya matunugan na siya'y nasorpresa. Para bang naaliw pa siya. "Why? Are you hurt? Donita, stop fooling everyone with your fake tears. Alam mong mas masahol ka pa naman diyan, hindi ba?"
"Itigil mo na 'to, Justice!" wala na. Sumabog na ako. Umalingawngaw ang aking boses sa kaniyang kuwarto. Halatang natigilan siya.
"Oo, alam kong nakagawa ako ng pagkakamali sa 'yo. Pero, maniwala ka, pinagsisisihan ko ang lahat ng iyon!"
"Hmm..." Batid kong hindi ko siya nakuha roon. Hindi ko mabakasan ng awa ang kaniyang mga mata. "Tell me, are you telling me this, because your family suffers from financial difficulties? Are you on karma? Good to hear that."
"Ang sama mo!" muling sigaw ko't napatayo na sa pagkakataon na 'to. Ang sakit na ng puso ko dahil baon na baon na ang punyal sa aking dibdib. Alam kong napuruhan ko siya noon pero hindi ko akalain na ganito katindi ang galit niya sa akin!
"Don't identify me for being such a merciless, Donita, 'coz I know you are one. Ano? Wala na bang maibigay na pera ang kalaguyo mong mang-aahas kaya ka kinakarma ngayon?" nangulimlim ang kaniyang buhok sa huling pangungusap.
Ang lahat ng kaniyang sinabi'y binabalik ako sa mga huling sandali bago kami naging ganito ngayon. Ang konsensya'y kinain ulit ang aking sistema.
Nagmulto ang ngisi sa kaniyang labi. Sa pagkakataong ito'y misteryoso. "Don't be bothered, then. I have, somehow, a tiny mercy for you. I am always considering those times when we'retogether."
Nakita ko ang brief case niya na kaniyang kinuha sa ilalim ng kaniyang la mesa. Nilabas niya roon ang isang kontrata. Pinadulas niya ito patungo sa akin.
"I am still kind, Miss Reyes. I always consider everyone's welfare due to my profession. So, I hired you as my secretary."
Kinuyom ko ang aking kamao. Kinagat ko ang aking labi nang madiin. Nanggigil ako sa taong ito sa galit. Pero, sa kabila ng lahat, nananaig sa akin ang konsensya dahil ako ang nagdulot sa kaniya ito.
"H-hindi ko matatanggap 'yan," mariin kong sabi sa garalgal kong boses.
Tila'y naaliw na naman siya sa aking sinabi. "And why?" sabay kumislap ang mga mata.
"Hindi ko matatanggap ang trabahong ito kung ipapamukha mo lang sa akin ang lahat ng ginawa ko."
Hindi rin makapal ang aking mukha. Paano't nasasabi ko sa kaniya ito?
Nagkibit-balikat siya. "All right. Madali naman akong kausap."
Parang nahigit ang aking hininga noong pinunit niya sa aking harapan ang kontrata ng V&M. Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Good luck for finding another job, Miss Reyes." walang awa siyang tumingin sa akin.
Noong pumasok na ako sa elevator ay napasandal ako sa pader at humikbi nang mahina. Ang puso ko'y nananakit dahil naalala ko pa ang sinabi sa akin ni Justice. Alam kong wala akong karapatan na itanong ito subalit ano'ng nangyari sa lalakeng pinakamamahal ko? Hindi siya ganito noon! Hindi siya ganito!
Ngunit sino ba'ng niloloko ko? Wala naman talagang ibang kailangang sisihin kundi ako. Ano man ang gawin sa akin ni Justice ngayo'y wala akong karapatang manumbat. Muling sumagi sa isip ko ang mga panahon na isinisigaw niya ang aking pangalan sa pagtangis, tinatanong kung bakit ko ginawa iyon sa kaniya. Kung bakit ko sinugatan siya nang labis.
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng apartment namin sa Mandaluyong matapos noon. Sinalubong na lang ako ni Yllena na gulat na gulat nang makita ako. Agad niya akong niyakap.
"'Uy! Ano'ng nangyayari?" tanong niya na puno ng pag-alala.
Kumuha siya ng tubig sa loob ng kusina. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Tuyo na ang aking luha ngunit ang puso ko'y naghuhuramentado pa rin at sumasakit. Damang-dama ko sa buto ko sa dibdib.
"S-Si Joy?" tanong ko pagkatanggap ko ng basong may lamang tubig sa kaniya.
"Bumili lang siya ng makakain. Gusto mo ba siyang hintayin bago ka...magkuwento?"
Tumango ako. "O-oo."
Humupa na ang nararamdaman ko. Nang dumating si Joy, nabigla rin siya nang madatnan ako.
"O? 'Anyare riyan?" tanong niya kay Yllena ngunit ang mga mata'y nasa akin.
"Hindi ko alam," sagot ni Yllena na may pag-alala na sa boses. "Dumating siya rito na ganiyan ang hitsura."
"'Beh..."
Napakislot ako nang umupo na siya sa aking harapan at hinaplos-haplos pa ang aking tuhod. Ang mga mata ni Joy ay punung-puno ng pagtataka.
"May nangyari ba sa 'yo?" panimula niyang tanong. "Mukhang nanginginig ka kasi."
Naghinang ang aking mga mata. Nag-init ang mga ito at nagsimulang mangilid ang luha. Namilog ang mga mata ni Joy sa bigla.
"N-Nakita k-ko siya, Joy..." nanginig ang aking boses. "N-Nakita ko si J-Justice..."
Singhap ang narinig ko sa dalawa. Alam na nila ang aking kuwento. Simula noong dumating ako sa Manila at sila ang aking sandiga'y kinuwento ko sila ang lahat ng aking pinagdaanan sa aming probinsya.
Napasubsob na ako sa aking palad at humagulhol nang mahina. Naramdaman ko na lang na may humahaplos sa aking likod. Sa nanlalabo kong paningi'y si Yllena ang humahagod, awa ang nakasulat sa kaniyang mukha.
"How's that happened? Talagang pinagtagpo kayo?" hindi mapaniwalaang tanong ni Joy.
Sinikap kong kumalma. Sumagap ako ng maraming hangin sa aking bibig at nagsimulang magsalita, "P-Pumunta na ako sa bago kong trabaho. Akala ko, magiging ayos lang ang lahat. H-hindi ko alam na bigla-bigla, siya ang magiging amo ko. H-hindi ko alam," humikbi na ako.
Bumibigat ang dibdib ko habang nagpapalis ng mga luha. Alam kong nagtataka sila sa nangyayari. Maski ako. Hanggang ngayo'y isang malaking palaisipan sa akin kung bakit sa lahat pa ng puwede kong pasukan, sa kompanya pa nila Justice.
"Sandali lang, 'beh," si Yllena na nakatungo na ang ulo sa akin. "Ni-research mo ba ang client ng agency mo?"
Parang nanuyo ang aking utak doon. Hanggang sa pati'y aking sarili'y pinapagalitan ko na sa katangahang aking ginawa.
"H-hindi..."
Nakuha lang ang atensyon namin ni Joy na abala na sa pagtitipa sa kaniyang mamahaling cell phone. Ilang sandali pa'y natigilan kami sa pagtaas niya ng boses.
"s**t! Kaya naman pala, eh..." aniya, "Vergara and Madrigal and Associates ang pinasukan mo. Tsk. Akalain mo nga naman, o. Sa lawak ng saklaw ng clients ng agency mo, diyan ka pa bumagsak."
"Sa kanila pala 'yan?" gulat na tanong ni Yllena. "Kung gano'n, sa kanila pala naka-occupied 'yong vacant room sa High Towers. Almost katabi lang siya ng office namin sa Advertising."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para pa rin akong nasa alapaap at hindi malaman kung kailan ako babagsak dahil sa lahat ng aking narinig.
"What a surprise..." sambit ni Joy. "He's an attorney now. The one you got away. And now, magtratrabaho ka pa sa kaniya."
"Loka ka talaga, Joy. Nabibigla ka ba o ano?" sita ni Yllena, magkasalubong ang kilay.
"What?" tumaas ang kilay ni Joy. "Nagsasabi lang naman ako ng totoo, ah? What's wrong with that?"
"T-tama na 'yan," pagpapatigil ko sa boses na garalgal.
"What are you going to do now, huh?" maya-maya'y tanong ni Yllena.
Kasabay na noon ay binalingan ako ni Joy, puno ng kuryosidad ang mga mata. Ang totoo'y wala rin akong alam na gawin. Hindi pa rin ako nakakaahon sa paglubog ng aking puso. Hindi ko alam kung ano'ng klaseng pagbibiro ang ginagawa sa akin ng tadhana. Batid kong noon pa ma'y hindi ko na ito kasundo. Ngunit ang nangyari sa pagitan namin ni Justice ngayon ay mas lalong hindi magandang biro!
Karma nga ba ito? Karma na dapat kong sapitin matapos ko siyang saktan nang husto? Hindi ko na namalayan na tumulo na naman ang panibagong mga luha. Nagpalis ako habang humihikbi. Wala akong maisip kung ano. Wala.
"Why don't you resign, then?"
Napabaling na ako kay Joy. Ngayon ko lang natanto na kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Nag-awang ang aking labi.
"Tama si Joy, Don," segunda ni Yllena. Hinimas-himas niya ang kaniyang tiyan. "We know you really want to have a permanent job, pero, kung ganiyan naman ang kalalagpakan mo, h'wag mo nang ituloy."
Tatalima na sana ako sa kanilang sinabi ngunit may bigla akong naalala. "H-hindi puwede..." aking bulong.
"At bakit?" taas-kilay na tanong ni Joy.
"D-dahil, ang sabi ng agency na pinasukan ko, hindi ako puwedeng magresign sa loob ng tatlong buwan. Kung hindi, kakasuhan nila ako ng breach of contract," nanghihinang sabi ko.
"Ay, nako," iritadong sabi ni Joy. "Dapat, hindi ka pumayag, ano ka ba. Ayan, hindi ka na lalong makakapagresign. Tsk."
"Wala na tayong magagawa. Hindi naman natin masisisi si Donita, eh. You see, masyadong nanakam si Donita na makahanap ng decent job. Hindi naman niya ginusto na mangyari 'to. Seeing her past again," si Yllena sa kaniyang kalmadong boses.
Napapikit na ako nang mariin at hinaplos ang aking sentido. Unti-unting na namang bumibigat ang aking dibdib. Papaano ko 'to lalagpasan?
Nagkatinginan kaming magkakaibigan nang tumunog ang aking cell phone. Nang lumitaw ang numero ng Jupiter ay para akong minulto. Kukunin ko na sana iyon nang hawakan ni Joy ang aking pala-pulsuhan.
"H'wag mong sagutin," mariing sinabi ni Joy. "We all know na kaya 'yan tumatawag dahil sa ginawa mo sa boss mo."
Natulala ako. Batid ko naman ang kanilang sasabihin. Biglang nanlamig ang aking mukha. Ano'ng sasabihin ko?
"No." umiling si Yllena at kinuha ang aking phone. Iniabot niya sa akin ito. "Answer that, Donita. Escaping from the problem won't make your life easier. You'll just make another problem instead of giving resolution."
Muli na namang umilaw ang aking phone. Noong tinanggap ko na ito ay umirap si Joy.
"Ewan, 'beh. Bahala nga kayo," sagitsit nito.
Sinagot ko ang tawag, "Hello, po..."
"Hello, may I speak to Miss Donita Reyes? This is Raquel of Jupiter Alliance," tanong nito sa sopistikada at pormal na boses.
"Opo, ako nga," sagot ko. Habang kausap ko siya'y pinalis ko ulit ang mga luhang tumulo.
"Miss Don, where are you right now?"
Napalunok ako. Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko na nakikinig nang mataman sa aming pinag-uusapan. "S-sa bahay, po..."
"Why?" dinig na dinig ko ang pinaghalong kabiguan at gulat sa kaniyang boses.
Napatingin ako kay Yllena na may sinesenyas na kung ano na akin namang naiitindihan at bumulong na walang boses, "Sabihin mo'ng totoo."
Huminga ako nang malalim. "M-Ma'am, a-ayoko po sa papasukan ko..."
Sa kabilang linya'y tumahimik ang aking kausap. "I-I'm sorry, Don. But what did you say?"
"M-Ma'am, sorry po talaga. G-Gusto ko p-po sanang magresign..."
"Are you serious? Bakit ayaw mo na agad? It's your first day pa lang naman, ah?" Kahit hindi ko naaninag ang kaniyang mukha, wari ko'y nagngingitngit na ang HR sa aking mga sinasabi.
Naikagat ko ang aking labi nang mariin. Binaling ko na lang ang tingin sa aking mga kaibigan na tikom ang mga bibig. "M-Ma'am, mukha pong hindi ko kakayanin ang trabaho..."
"Donita, I want to speak with you personally and not over the phone, but I think I should be honest with you now. You know what, there are lot of people whose unfortunate and looking for a stable job like you. You'd told me from the interview that you found difficulties to have one in three months. Why are you slipping the opportunities now? What's got into you? Don't you want to have high salaries? For your family?"
Kinuyom ko ang aking itim na palda. Napalingon na ako kay Joy nang bumulong na ito na wala na namang boses.
"Ba't ang tagal naman?" kumunot ang noo ni Joy.
"S-Sorry, po, talaga..." tanging nasabi ko na lamang.
"Okay, Donita. I'll give you time to think. Maybe you'd just got a culture shock to your new work. It's just normal for people like you and I understand that. But let me tell you that the V and M called us earlier and we received the complaint against us because of you. If you have the final decision to resign, we have no other option but to sue you due to the damages you have brought with Jupiter," aniya sa propesyonal na tono.
Sumikdo ang aking dibdib sa kaniyang sinabi. Parang akong sinabuyan ng malamig na tubig lalo na nang marinig ko ang salitang "sue".
Biglang sumagi rin sa aking isipan ang sinabi noong HR. Naghanap ako ng trabaho upang sa aking pamilya sa probinsya na umaasa sa akin.
Natapos ang tawag at nagpaalam na siya sa akin. Tulala lang ako at nanigas sa aking kinauupuan. Bumalik lamang ako sa aking huwisyo nang tapikin ako ni Joy.
"O, ano'ng sabi?" tanong niya.
Bumagsak ang aking mukha. "K-kakasuhan nila ako...kapag nag-resign ako."
"Oh, my God," hindi makapaniwalang bulaslas ni Yllena at napahawak sa kaniyang batok.
"You don't have any options, then, Donita."
Tinignan ko si Joy na madilim ang mukha.
"You have to follow them. Nakapirma ka na sa kontrata nila, eh. At kahit na ayoko at gusto kitang hilahin diyan, wala naman akong magagawa."
"Ilang buwan ba ang period, Donita?" tanong ni Yllena.
"Tatlong buwan lang naman," malungkot na sabi ko.
"Okay," si Joy, "Three months, then you'll resign. Gets?"
Tumango ako. "Oo."
Napabuga ng hangin si Joy. "For the mean time, magtiyaga ka muna riyan kay Justice. I know he wants to have revenge on you. Nararamdaman ko lang."
Bigla akong kinilabutan sa kaniyang sinabi.
Tinulak ko ang aking sarili upang pumasok bukas. Alam kong napaka-unprofessional ng aking ginawa kahapon. Ngunit mas hindi ko kakayanin na babalikan ako ng agency na nagpasok sa akin dahil lang sa ayoko sa trabahong papasukan.
Nadatnan ko ulit si Glaiza na nakaupo sa kaniyang kinauupuan sa opisina ng V and M. Kagaya kahapon, tumabang ang kaniyang mukha nang ako'y makita.
"O, Donita, we thought you resign?" tanong ni Glaiza. Hindi ko lang matunugan kung siya'y nag-aalala sa akin o parang nairita pa siya nang ako'y makita.
"P-papasok po 'ko, Ma'am," saad ko.
Kitang-kita ko ang pagbilog ng kaniyang bilugang mga mata. Nang makabawi'y tumaas ang kaniyang kilay.
"Really? O, what made to change your mind?"
Tumikhim ako. "A-ayoko lang pong iwanan ang aking trabaho," aking ani.
Napailing siya sa eksaheradang paraan. "O...kay. Good luck for you, then." tumaas ang kilay ni Glaiza.
Nginitian ko siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Sinamahan niya ako patungo sa pintuan ng kuwarto ni Justice. Bumilis ang tahip sa aking dibdib. Sa bawat pagpatak ng segundo'y bumibigat ang aking dibdib.
"Sir, nandito na po si Donita."
Nang makita niyang tumango si Justice mula sa salamin ng pinto'y tinulak na iyon ni Glaiza. Nag-angat agad ng mukha si Justice pagkakita sa amin. Tumaas bigla ang labi niya noong makita ako. Kaniyang binitawan ang mga hawak niyang papel. Sinenyasan na niya si Glaiza na nasa aking likod.
"Sit down, Miss Reyes," utos ni Justice at nag-igting ang panga.
Sa aking paglalakad ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Bumilis lalo ang tahip sa aking dibdib dahil sa mga mata niyang malalalim ang titig. Ang matikas niyang pag-upo, ang malapad niyang balikat at pati na rin ang suot niyang puting long-sleeves ay lalong nagpapadagdag ng aking kaba. Pakiramdam ko'y kapag nagsalita siya nang masakit, mapupuruhan na naman ako katulad kahapon.
"I never expected that you'll be here. Again," may angas niyang sabi.
Tumikhim ako. "Humihingi po 'ko ng patawad sa aking inasal kahapon, Jus---Attorney. N-nabigla lang po 'ko."
Tinagilid niya ang kaniyang ulo at tinaas ang kabilang makapal na kilay. Tumulis ang kaniyang labi. "You should be. Doing that yesterday makes you look so unprofessional. You haven't change, anyway," walang anuman niyang sinabi.
Kumapit ako nang mariin sa aking suot-suot na itim na palda. Kailangan kong indahin ang pang-iinsulto niya, ngayon pa lang.
"What made you decide not to resign?" tanong niya habang inaayos ang mga papel na nakalatag sa kaniyang harapan.
Lumunok ako. "Sa akin na lang po, A-Attorney."
Tumaas ang sulok ng labi niya. "Was it because of your contract, huh?"
Nanlamig ang mukha ko. Paanong nalaman niya ang tungkol roon?
Binalingan niya ako at tumayo. Sa bawat pagkain ng mga paa niya patungo sa akin ay sumisikip ang aking dibdib. Nang siya'y makalapit ay nilapit niya ang mukha sa akin habang nakatukod ang kamay sa mesa!
"A-Attorney..." nanlaki ang aking mga mata.
"If I were you, I would embrace to be sued. Than to be with me for three f*****g months. It's more terrifying if you'd only know, Miss Reyes," makahulugan niyang sinabi at ngumisi siya nang mala-demonyo. .