Prologue
"Oh, my God! Natanggap ako," nagtitili kong sigaw sa mga kaibigan kong sina Yllena at Joy nang matanggap ko ang tawag sa HR ng manpower agency na aking ina-apply-an.
Magta-tatlong buwan na rin kasi ako rito sa Manila at wala pa rin akong permanenteng trabaho na nalalagpakan. Tapos man ako sa kursong Office Administration, ngunit, kulang pa pala iyon. Madalas, ang hinahanap nila ay iyong may experience, may backer, at kung ano-ano pa. Napakahirap mag-apply para sa isang tulad ko na wala pang halos napapatunayan sa sarili kundi ang diploma ko lamang. Galing pa akong probinsya at sa hindi kilalang pamantasan. Kaya kahit na gusto kong mag-apply sa mga kilalang kompanya, tinu-turndown lang din nila ang aking application.
"Congrats!" Nakangiting sabi sa akin ni Yllena na nakalapit din sa kinatatayuan ko. Haplos-haplos niya ang batang nasa kaniyang sinapupunan.
Pinunasan ko ang mga luhang nangilid. Ang hirap ding tumambay ng tatlong buwan. Kung ano-ano na ang pinasok ko para may maipadala lang kina Mama sa Maestranza. Nagbantay na ako sa isang computer shop, naging cashier sa isang mataas na mall, naging promodizer. Lahat ng iyon, pinasok ko na, may maipangtustos lang.
Bumigat ang dibdib ko nang maalala ko ang mga kapatid ko na naiwan ko sa probinsya. Karamihan pa'y nag-aaral sa kanila kaya kahit na maliit lang ang sahod ko noon, lahat ng 'yon, pinadala ko. Wala na ako halos naiipon dahil sila lagi ang laman ng isip ko. Ayos lang naman dahil higit sa akin ay sila ang may pangangailangan.
"Ano'ng sabi sa 'yo ng HR?" tanong ni Joy. Kahit na hindi naman halata sa mukha niya na masaya siya para sa akin, batid ko naman na nasa kaloob-looban niya'y nagdiriwang din siya katulad ko.
"Magprepare na raw ako ng requirements. Medyo mahal nga lang ang medical. Pero, ayos lang," tugon ko na humina ang boses sa huli.
Agad na nanlaki ang mga mata ko nang makitang nagsilabasan sila ng pera. "Huy!"
"Ay nako, Don, tigil-tigilan mo 'ko sa kakaganiyan mo." binalingan ni Joy si Yllena. "Yllena, h'wag ka nang maglagas ng pera. Ipapambili mo pa 'yan ng gatas ng anak mo."
Ngumuso ako at napayuko. Sa gilid ng aking mga mata ay kita-kita ko ang isang libo na hawak ni Joy. Mukhang malutong pa ito.
"'Dali na, Don," halata sa boses niya na wala siyang pasensya.
"Papa'no ka?" nag-aalala kong tanong. Ngumisi si Yllena at binalik na ang pera na nagkakahalaga ng limang-daang piso sa kaniyang maliit na wallet.
"'Duh! I am a CPA. Maliit na bagay lang iyan kompara sa pangangailangan mo. Donita, puwede ba, magkaibigan naman tayo. Alis-alisin mo na nga 'yang hiya-hiya mo," mataray niyang sabi.
Hindi ko na napigilan ang pagngiti. Inabot ko na ang perang kaniyang ibinigay. Tumawa nang mahina si Yllena at napailing na lamang.
"Babayaran ko 'to, Joy," nahihiyang sabi ko sa kaniya.
Napabuga siya ng hangin at umirap. "Oo na. 'Sus, kaliit na bagay, eh. O, kailan daw ang orientation mo?"
"After daw na ma-complete ko ang lahat ng requirements at pati 'yong medical," tugon ko.
"Ano'ng requirements mo na ang mayro'n ka na riyan?"
"Basic requirements. NBI na lang ang wala pa 'ko."
"Siya, pumila ka na sa Rob. Mayroon do'n na branch niyan. Next week ka na niyan ma-o-orient."
Tumango ako.
"Grabe ka talaga, Joy! Para ka namang nanay niyan sa ginagawa mo," tawa ni Yllena.
Natawa na rin si Joy. "Oo, nanay n'yo 'kong dalawa."
Dalawang linggo rin halos ang aking binuyo bago ko natapos ang lahat ng requirements. Ang laki ng nagastos ko sa pamasahe rin at sa NBI at sedula pero naitawid ko rin lahat. Nag-resign na rin ako sa grocery na pinapasukan ko. Nalungkot doon ang bisor ko dahil masyado siyang tiwala sa akin. Sinabi ko na lamang na makakahanap din ito ng katulad ko.
Tumungo ako ng Jupiter Alliance Resources, Inc. Nalaman ko na may ganitong hiring sa kanila noong naglalakad ako pagkatapos ng aking out sa promodizing. May nag-abot sa akin ng flyers na naglalaman ng hiring nila ng Office Staff. Inisip ko noong una na bogus. Kaya noong dumaan ako ng Jupiter, nakita kong naka-post nga iyon sa billboard ng agency na ito. College graduate daw ang hanap nila at kahit fresh graduate, tinatanggap nila.
Ang sabi sa akin ni Joy, h'wag daw akong papasok sa mga agencies dahil hindi raw maganda ito magpasahod. Ngunit nang makita ko naman ang pasilidad at mukhang mababait namana ang mga ito, sinunggaban ko na.
Noong sumakay ako ng elevator ay ibinababa ko ang pleats ng aking maikling itim na palda. Pinahiram sa akin ito ni Yllena. Nahihiya nga ako dahil masyadong magara ito't mukhang mamahalin. Pero, pinilit niya akong ipasuot sa akin ito. Nahihiya na akong talaga sa aking mga kaibigan.
Tumunog ang elevator at bumukas ito sa fifth floor. Hinagilap ko ang Room 516 na siyang kuwarto ng Orientation Room. Tinulak ko ang pinto at sumalubong sa akin ang HR na siyang nag-assist ng requirements ko.
"Just in time, Don," ngiting saad ni Ma'am Raquel pagkakita sa akin.
Alam ko na ang pangalan niya dahil siya ang pinagpasahan ko ng requirements at siya rin ang nag-interview sa akin. Petite ang babaeng ito at matingkad ang kulay ng kaniyang kulay copper na buhok.
"Salamat po, Ma'am," nahihiya kong sambit. Sinabit ko ang ilang takas ng hibla ng aking buhok sa aking tainga.
Iminuwestra niya sa akin ang upuan sa may tabi at doon niya ako pinaupo. Pagkaupo ko'y nagsalita siyang muli.
"Our head will be the one to discuss to you the contract. For the meantime, I will be orienting to you the company's profile of Jupiter and the client's expectation for you."
Inabot din ng halos dalawang oras ang orientation. Mula sa company profile, vision at mission hanggang sa benefits na aking matatanggap.
"Ma'am," aking pagkasabi, pagdaka, "ano po pala ang pangalan ng client na kanina n'yo pa po binabanggit?"
Ang akala ko, dito talaga ako magtratrabaho. Pero noong narinig ko sa kaniya na may assigned client akong mapupuntahan ay doon na ako kinabahan.
"You will work for V and M and Associates. It's a law firm, Donita," seryoso niyang sagot.
Lalo akong inatake ng kaba. Mga attorney ang kasama ko sa trabaho?!
"S-sandali lang po," bigla na akong nataranta, "wala po akong alam sa batas masyado. 'T-Tsaka, hindi po ako---"
"Calm down," natatawang aniya, "You will only do paper works, per se. What I've already discussed in your job description will be your work responsibilities." pinanliitan niya ako ng mga mata noong siguro'y natitimbang niya na hindi ko ito kakayanin. "Do you really want to pursue this application?"
Napalunok ako upang mapawi ang pagkatuyo ng aking lalamunan. Batid ko na baka hindi ko ito kayanin. Ngunit, nahasa naman kami ng aming eskuwelahan ukol dito. Kadalasan ay puro encoding ng mga dokumento ang gagawin kaya tingin ko, hindi ako mahihirapan.
Ito'y upang sa aking pamilya. Sila ang aking tanglaw at inspirasyon kung bakit ko ito ginagawa. Kailanga'y mapatunayan ko sa aking sarili na kaya kong maging malakas kahit ako lamang mag-isa.
Tumango ako. "O-opo, Ma'am."
Pumaskil ang ngiti sa manipis niyang labi. "Good. Just wait here, Donita, for the discussion of contract, okay?"
Tumango akong muli. "Opo."
Makalipas lamang ng ilang minuto'y dumating ang isang matangkad na babae na nakasuot ng gaya kay Ma'am Racquel. Maikli ang kaniyang itim na palda at nakasuot siya ng itim na Amerikana. Ang kaniyang mahabang buhok na pinaghalong kulay abo't olandes ay bumagay sa maputi at makinis niyang balat. Halos wala siyang make-up sa mukha ngunit napakaganda niya.
Nanigas ako nang umupo siya sa aking tabi.
Napakabango niya. Matamis ang kaniyang ngiti sa kabila ng kaniyang matalas na mga mata. Ipinakita niya sa akin ang dalawang mahabang papel na nasa wikang Ingles.
"So you're Donita, right?"
Tumango ako.
"I'll be explaining to you the contract's content."
Gamit ang kaniyang daliri'y isa-isa niyang pinasadahan ang bawat nakalagay roon.
"You will be working eight hours at our client for six months, Donita. The said position is a full-time. If they're satisfied with your performance for that specific period, you will be regularized, you will receive an increase in your basic salary and you will receive also a lots of benefits from the firm. They will be absorped you and you will be an official employee of V and M and Associates."
Para akong bata na nanakam ng masarap na ulam sa mahabang panahon. Parang ginto sa akin ang contract na nasa aking harapan. Kailangan kong itatak sa aking isip na paghusayin ko ang pagtratrabaho. Noong makita ko ang aking magiging sahod ay halos manliit ako sa sahod na aking natatanggap sa ngayon. Napakalaki!
"Just remember that you are not allowed to resign within three months, Donita. If you have the intention to resign, at least, you should render to our client at least three months of service then give them a notification of thirty-days before leaving the client and this agency. In case that you didn't follow this, Jupiter will be suing you for the damages." sumeryoso ang mukha nito.
Para akong namutla sa kaniyang sinabi. "Sue?"
Tumango itong ulit. "Yes. You shall understand this because it is included in the contract."
Hindi naman siguro ako magre-resign, hindi ba?
"Now, if you have no further questions, you may now sign this contract and welcome to our agency."
Binasa ko muna ulit ang nilalaman ng kontrata at saka ko iyon pinirmahan. Tinignan noong bababe ang aking pirma at sumilay ang maliit na ngiti sa kaniyang labi.
"Thank you." naglahad siya ng palad sa akin.
"Salamat po, Ma'am." at tinanggap ko naman. "Ma'am, ano po pala'ng pangalan n'yo?"
Ngumisi na siya. "Athena. Athena Montecillo," aniya.
Saka ko lang natanto na nakalagay ang kaniyang pangalan sa aking kontrata.
Athena B. Montecillo, MBA
HR Head
Lunes na ang aking simula. Nag-commute ako hanggang sa The Fort. Ang sabi sa address ng aking referral letter ay nasa High Towers daw ito.
Ngayon ko lang natanto na wala palang jeep dito sa lugar na ito at halos mararangyang mga tao ang mga nagkalat. Narinig ko na ito kay Joy noon. Niyaya pa nga niya akong pumunta sa isang mamahaling bar doon kaso ako'y humindi sapagkat nag-iipon ako ng pera sa pag-aaral ni Vyanne.
Ilang hakbang pa ang aking nagawa at narating ko na rin ang nasabing building. Mabuti na lang at maaga ang aking alis sa bahay. Hindi ganoon kainit. Mahapdi nga lang ang aking paa dala ng mataas na pares ng aking sapatos na hiniram ko kay Yllena.
Sumalubong sa akin ang lalakeng valet at pinagbuksan niya ako ng double glass doors.
"Saan kayo, Miss?" tanong nito.
"Sa twenty-fifth floor, po. Sa V & M and Associates," sagot ko.
"Ah! Sige." Matamis na ngumiti ang binatang valet.
Itinuro niya rin sa akin ang elevator. Mabuti na lang at walang tao sa loob. Ang lakas kasi ng pintig ng aking puso. Para na akong masusuka. Hindi ko alam kung ano'ng aking madadatnan ngunit sana mabuti ang magiging boss ko.
At ngayon lang sumagi sa aking isip na hindi ko man lang natanong kung sino o kung ano ang aking amo kay Ma'am Athena. Kainis!
Noong tumunog ang elevator ay mas lalo na akong kinabahan. Naglakad lang ako nang kaunti at nakarating na ako sa Room Two-Six-Eight. Sa labas ay nakalagay ang karatula ng client na aking pagtratrabauhan.
Tinulak ko ang glass door at tumayo ang babaeng naka-uniporme ng pang-opisina. Naka-ponytail ang tuwid nitong buhok at mapula ang labi.
"What can I do for you, Miss?" tanong niya.
Bigla akong nautal. May alam man akong Ingles ngunit nauutal pa rin ako. Dala na marahil ng kaba.
"A-ako po ang pinadala ng Jupiter, Ma'am," nahihiyang sambit ko. Ibinigay ko sa kaniya ang aking ID.
Siniyasat niya ang nilalaman ng aking ID. Mariing nakakunot ang kaniyang noo, papalit-palit ang tingin sa akin at sa ID.
"Jupiter? Wait, I'll call Athena for this, first."
Nag-dial siya sa kulay itim na telepono na ngayon ko pa lamang nakita. Na-i-train na kami kung paano ang sumagot at tumawag sa telepono ngunit ngayon pa lamang ako nakakita ng ganoong klase na maraming buttons.
"Good morning, this is Glaiza of V&M. May I speak to Miss Athena of HR? O! Miss Athena...I'm calling to verify if do you know this certain Donita Rose Reyes? Yes...O...kay. So, siya na 'yon? Okay, thank you."
Hinarap na ulit ako noong magandang babae. Sa tikas niya'y masyado akong nanliliit sa aking suot at tindig. Naalala ko pa naman ang sinabi sa akin ni Joy na alisin ko na ang pagiging mahiyain ko.
"Proceed ka lang doon sa glass door doon. Doon ang office ni attorney."
Tumango agad ako. "S-sige. Salamat."
Habang nilisan ko ang lugar ay napansin ko ang pagtabang ng mukha noong babae. Bakit kaya?
Tinulak ko nang marahan ang pinto. Sumalubong sa akin ang malaking mesa na yari sa marmol at isang malaking itim na swivel chair. Sa likod niyon ay puro mga libro na sa tingin ko'y puro law books.
Umupo ako sa sofa sa gilid. Tanaw ko sa malaking bintana na yari sa salamin ang mga nagtatayugang mga gusali ng The Fort. Mukhang malakas ang aircon ng silid na ito. Mabuti na lamang at makapal ang itim na coat na pinahiram sa akin ni Joy.
Ang tahimik ng malaking silid na ito na halos naririnig ko lang ang ingay ng aircon. Ngunit halos mapatalon ako nang makarinig ako ng kalabog!
"Ah!"
Napasinghap ako nang makarinig ako ng malakas na ungol. Sumunod ay mga halinghing. Magkakaiba. Pinaghalong boses lalake at babae.
"Attorney! Ah, f**k!"
Tumaas ang balahibo sa buo kong katawan. Ano'ng nangyayari sa kuwartong ito?
Maya-maya'y ang kanilang mabibilis na paghinga na ang aking narinig. Hindi ko tuloy malaman kung aalis ba ako o maghihintay na lamang dito. Ngunit nakakapangilabot talaga ang mga naririnig ko!
Bumagsak ang tingin ko sa isang nakaawang na pinto. Ilang pagtatalo pa ang ginawa ko sa aking isipan bago ko naisipang lapitan. Maingat na hakbang ang aking ginawa, sinikap na huwag makalikha ng ingay.
Sa aking paglapit ay palakas nang palakas ang ungol at halinghing. Hanggang sa magulat ako sa aking nakita.
Isang lalaking naka-puting long sleeves ang nasa ibabang bahagi ng katawan ng hubad na babae. Nakataas at nakatupi ang mga tuhod noong babae habang naglalaro ang dila ng lalake roon. Panay ang ungol na nililikha noong babae, nakaarko ang likod, nakapikit nang mariin at nakasabunot na sa buhok noong lalake. Bigla akong nanlamig sa aking nakita. Pamilyar sa akin ang nakatirintas na buhok nito sa likod!
Sa aking pag-atras ay hindi ko inaasahan na malalaglag ko ang vase na pagmamay-ari noong attorney!
Bago pa ako mahuli'y bumalik ako sa aking kinauupuan na tila'y walang nangyari. Ngunit nababahala ako sa buhok noong lalake.
"f**k that whoever b***h is. Inistorbo niya tayo!"
Tumuwid ako ng upo noong marinig ko ang boses ng isang babae. Noong lumabas ito'y napatayo ako. Gusto ko nang takpan ang aking mga mata pagkakita ko sa kaniyang hitsura. Laylay na laylay ang neckline sa kaniyang dibdib, sumisilip ang malaking umbok niyon. Maikling-maikli ang kaniyang palda, na halos sumisilip din ang kaniyang pang-ibabang suot.
Hindi pa nga ako nakakahuma sa aking nakita ay nanigas naman ako sa sumunod kong nakita.
Mas lalong naging matured ang kaniyang mukha. Matuwid at matikas ang kaniyang tindig. Ang kaniyang panga ay nadepina nang husto. Makapal pa rin ang kilay, matangos ang ilong at makapal din ang labi. Mapulang-pula ito dahil basa ang kaniyang labi. Ang kaniyang mapupungay na nakatalukbong na mga mata ay sumisigaw ng panganib. Tumaas pa ang sulok ng kaniyang labi pagkakita sa akin.
Bumalik ako sa huwisyo nang sinugod ako noong babae!
"You, b***h!" sabay hablot niya sa aking palapulsuhan. "Who the f**k told you to come in here? Huh?"
Napayuko ako. Panay ang hablot niya sa akin at nagsusumigaw. Sana'y umalis na lang ako. Kung ito ang madadatnan ko. Parang sinusunog ang aking kaluluwa dahil sa nakita ko. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan sa kaniya!
"Let her go, Lindsay," saad niya sa baritonong boses.
Umangat ang aking ulo at nasilayan ko ang nanunuyang niyang ngisi. Tinutupi na niya nang maayos ang mahabang manggas ng kaniyang damit na gusot kanina.
"What, Justice? Seriously?" tumaas ang boses noong Lindsay.
Nilapitan na kami ni Justice. Kinuha niya ang kamay ni Lindsay at siniil ng halik. Halos madurog ang puso ko sa nakita ko.
"Don't hurt her." kumalas na siya sa pagkakahalik sa Lindsay na iyon at binalingan na ako gamit ng kaniyang mapanganib na mga titig. "She's...my new secretary." tinagilid niya ang kaniyang ulo.