Chapter 5 Hindi Na Siya Bumalik Isang panibagong umaga na naman ang hatid ng Maestranza sa akin. Ito ang ikatlong araw ko sa Grade Six. Hindi na bago sa akin ang pakiramdam ng unang pagpasok sa eskuwela. Kung ang iba'y prinoproblema ang mga baon, kaklase, at gamit nila sa eskuwelahan, iyo'y iba sa akin. Maaga akong nagigising dahil ako ang naghahanda ng pagkain sa aking mga kapatid. Isa pa'y maaga ang gising nila Inang at Itang dahil sa mga gulay at mga karne na kanilang ititinda sa Wet Market ng bayang ito. "Donita!" Agad akong humarap kay Inang at Itang at nagmano. Mukhang kakagaling lang nila sa bundok upang anihin ang mga tinaniman na mga gulay roon. May helper naman sila kaya sa kanilang edad, hindi mahahalatang nahihirapan sila. "Ipaghanda mo kami ng kape ng Itang mo. May baon

