Chapter 6 Justice Mauricio Vergara "Imong, nakahanda na ba ang gamit mo sa eskuwelahan?" Agad kong sinipat ang mga gamit ni Imong sa loob ng kaniyang bag. Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ang kompletong gamit ni Imong. Nakuha lang ang atensyon ko sa puting papel na nakaipit sa kaniyang notebook. Nanliit ang mga mata ko at kinuha iyon. Lumuwa halos ang aking mga mata nang makita ang nilalaman noon! Isang sulat ng pagmamahal! "Ate!" hindi agad ako nakabawi nang biglang hablutin ng matangkad pa sa aking si Imong. Ngayo'y ang mukha niya'y namumula na parang isang kamatis. Titig siya sa akin at mahigpit pa ang pagkakahawak sa papel, ngunit kitang-kita ko naman sa kaniyang mukha ang kahihiyan na naidulot ng pagkakita ko sa papel na iyon. "Imong, ano 'yan, ha? Nanliligaw ka na,

