Chapter 8 Hindi Ka Nababagay "Bakit mo 'yun ginawa?" hindi ko mapigilang itanong kay Justice nang matapos din ang isang araw na pamimili ng mga mamimili sa aming tindahan. Kanina pa siya nanunuod sa akin at hindi ko malaman kung bakit. Mabuti na lang at abala ako. Dahil, kung iisipin kong nanonood siya, baka hindi ako makapag-pokus sa aking ginagawa. Narito siya ngayon at animo'y bibili talaga ng mga gulay namin, e, halatang wala siyang balak bumili. "Ang alin ba ang tinutukoy mo?" pa-inosente niyang tanong. Hindi ko mapigilang hindi siya tignan nang masama. Hawak ko pa naman itong panbugaw. Sarap niyang bugawan, eh. Umismid na lang ako at ibinalik ang atensyon sa pagsasalansan ng gulay. Dahil halos maubos na ang mga paninda, kailangan nang magligpit. Akala ko talaga, aalis na siya p

