Nagising akong at sakit agad ng ulo ko ang naramdaman ko, sinubukan kong igalaw ang kanang kamay ko pero naramdaman kong may nakahawak sa’kin. Tumingin ako do’n at nakita ko si Damon na natutulog habang hawak hawak ang kamay ko. s**t! Nasaan ba ‘ko? Tumingin ako sa paligid at tingin ko alam ko na kung nasaan ako, nasa hospital ako. Sinubukan kong alalahanin kung anong nangyari pero ang tangi ko lang naalala eh yung nagmamaneho ako at... yun na. Ginalaw ko yung kamay ko para gisingin si Damon, effective naman dahil inangat niya yung ulo niya at tumingin sa direksyon ko. "Baby!!" Tawag niya na punong-puno ng pagaalala. "Hi, what happen?" "You don't remember?" He asked. I just shake my head. "Na aksidente ka, ang sabi nung mga nakakita may nakasalubong ka daw

