Ngayon na ang oras ng pag labas ko sa hospital at until now hindi padin ako iniiwan ni Damon, nag leave naman daw kasi siya sa trabaho para mabantayan ako. Pero kahit na kasama ko siya the whole time na nasa hospital ako, hindi naman kami masyadong nakakapag usap ng masinsinan lalo na't tungkol dito sa batang dinadala ko. Lagi kasi akong may bisita, mga katrabaho ko, kaibigan at si Mama na puro sermon sa’kin dahil sa aksidente pero bigla din naman nawawala yung inis niya sa’kin pag naaalala niyang yung matagal na niyang hinihiling na apo sa’kin ay maibibigay ko na. Yung totoo... kinakabahan ako sa ideang may bata na sa tyan ko. Hindi naman na siguro maiiwasan yun para sa first time Mom tulad ko lalong lalo na't pilya pa ‘ko. "Handa ka na bang umalis?" Damon asked. "

