Nasa Apartment na kami ngayon na nire-rent namin ni Damon. Dahil nga napag desisyunan na naming mag sama kaya naisip naming mag rent ng Apartment kung saan medyo bawas ang oras ni Damon sa byahe papunta sa trabaho niya at gano’n din sa’kin. Actually mas malaki ang bawas ng byahe ko dahil wala pa atang thirty minutes nasa office na ‘ko, mula dito sa Apartment. Ayaw niya kasing mag maneho ako ng malayo, maliban kasi sa na aksidente na ‘ko may baby na daw kasi sa tyan ko kaya wala na ‘kong nagawa. Pero siya ang nabawas lang ata sa byahe niya at trenta minutos. Kawawa naman! Pinapanuod ko lang siya ngayon sa pagaasikaso ng gamit namin, gustuhin ko mang tumulong ayaw naman niya daw akong mapagod so sitting pretty lang ako. "Ayaw mo ba talagang mag patulong?" Tanong ko. "

