Papunta na kami ngayon ni Damon sa bahay nila, kita sa mukha niya ang kaba habang nasa byahe kami. Hindi ko alam kung bakit siya kinakabahan samantalang ako ‘tong buntis, ako yung babae at ako yung pupunta sa pamilya niya. Mga lalake talaga, minsan mas unpredictable pa sila. "Baby, ayoko ng madala ulit sa hospital dahil sa car accident so please, calm yourself okay?" I said. "I uh... just don't kung paano sasabihin kay Mama." "Tell her... Mom, nabuntis ko si Amber, so maliban sa magiging apo n’yo kay Daniella at James. Magkakaapo ka din samin ni Amber. Simple as that." He laughed. "Sige, susubukan ko ‘yang advice mo." Hinawakan niya ‘ko at hinalikan yung kamay ko ng ‘di inaalis ang tingin sa kalsada. "Salamat dahil nagagawa mo ‘kong pasayahin sa kabila ng nerbyos ko

