L U C A
Hindi man niya aminin, alam kong labag sa loob ni Zig ang pagpayag niyang manatili kami sa bahay-bakasyunan na in-offer sa amin ni Rex for a week.
Kanina pa niya ako hindi iniimikan mula noong makaalis kami roon sa coffee shop.
Nakasakay kami ngayon sa kotse niya, following the car in front of us. Ang kotse ni Rex. He's leading us to their vacation house.
"Huy!" I patted his right shoulder. Seryoso kasi itong naka-focus lang sa pagda-drive. "Wala ka ba talagang balak imikan ako nang buong araw, Zig?" pagtatanong ko sa kanya dahil kanina ko pa siya sinusubukang kausapin pero hindi niya ako sinasagot ni-isang salita.
He glanced at me. Kalmado ito pero ang seryoso ng tingin niya sa akin ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay. I've been trying to get his attention for an hour and this is the first time he cared.
"Can you blame me, Luca? In the first place, tutol na ako sa plano mong pagpunta sa lugar na 'to. And now, it's getting worse." Napailing ito matapos sabihin 'yon at humarap na ulit sa manebela.
"But you agreed when we were in the coffee shop. Why are you acting like you didn't?" inis ko ritong tugon.
He definitely agreed with me to accept Rex's offer and now, he's bringing this up again!
He glared at me. "Yes, I agreed to it but it doesn't mean that I should keep my mouth shut and control how pissed I am right now for agreeing with you." Sa tono ng pananalita ni Zig ay alam kong naiinis talaga ito. But he agreed and that's it. What's with him?
Kinalma ko ang sarili ko at piniling huwag makipagsabayan kay Zig. Things will just get worse if I do that.
Isa pa, Rex is right in front of us now, he's leading to their vacation house where I can get close to him and where I can get the chance to get to know him. Ayokong sirain ang pagkakataong ito.
"Look, I'm really happy right now because you agreed with me to accept Rex's offer. I do appreciate you and your effort to go here with me. I really do." I told Zig. Napatingin ito sa akin ngunit nakasimangot pa rin. "So, please? Just for a week, give me this vacation of my life. This will really make me happy." Nginitian ko si Zig at tinapik-tapik ang balikat niya.
"Naiinis ako sa sarili ko pero wala akong magawa kasi nandito na tayo. Isa pa, gustong-gusto mo ang offer niya kaya hindi rin ako makatanggi kahit gustuhin ko." May inis sa kanyang mukha pero kalmado na ang boses nito. "Your safety is just my concern. Our safety, Luca. Kaya after a week, we'll leave. Do you understand? Hey?"
"I heard you. And yes, naiintindihan ko. We'll leave and go back to Bahaghari after a week." Tugon ko kay Zig na kahit naka-kunot pa rin ang noo ay napahinga nang malalim matapos marinig ang sinabi ko. "Happy na?" I asked him and poked his neck. May kiliti kasi siya roon. Napangiti ako nang makita ang reaksyon niya sa ginawa ko.
"Stop that, Luca..." he calmly said. Pinipigilan niya ang pagngiti. "You'll get us in to accident!" pagsaway nito sa akin. He looked at me and we both smiled at each other.
"Ngingiti rin pala! Nagsungit pa." Sabi ko rito na ikinailing lang ni Zig.
Matapos ang pagtatalo at kulitan namin ni Zig, sinundan lang namin ang kotse ni Rex hanggang makarating kami sa aming destinasyon pagkatapos ng twenty-five minutes.
Huminto ang kotse ni Rex sa tapat ng isang malaking asul na gate. Mga dalawang beses ng tangkad niya ang taas ng gate na 'yon.
Sa magkabilang gilid naman ng gate ay ang matataas na pader. Sa paligid ng lugar na ito ay may mga puno habang ang tapat naman ng gate sa kabilang kalsada ay isang ilog.
Dinadaan-daanan lang ang lugar na ito ng mga motorista at mga sasakyan. Hindi kasi tulad kanina ay wala na masyadong gusali rito. Iilan nalang ang bahay sa paligid at sa palagay ko, ito ang pinakamalaki sa mga 'yon kahit hindi ko pa nakikita ang bahay na ikinukubli ng mataas na gate na ito.
Maya-maya pa ay bumukas ang gate. Two guys pulled the gate to open. Maybe, they are the caretakers of this place.
Nang makapasok ang sasakyan ni Rex sa loob, Zig also entered the place. Ipinarada ni Rex ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang mala-mansion na bahay na nakikita ko ngayon. Zig parked his car, too.
Bumaba na kaming dalawa mula sa loob ng kotse. Hindi ako makapaniwala nang makita ang itsura ng bahay na nasa harap ko ngayon. Para itong mansion o kung hindi naman kaya ay isang palasyo dahil napakalaki at napakataas nito. Is this really the vacation house Rex was talking about?
"Welcome to our vacation house." Napatingin ako kay Rex at natigilan sa pagtitig sa harap ng bahay na ito nang makitang papalapit siya. He is smiling. "It has been a while since I last visited this house. Naging busy lang nitong mga nakaraang buwan. Now, I'm back." He looked at me after taking a short glance at the house.
"Ang ganda..." I told Rex.
"Thank you. I'm happy that you like it." Napangiti ako nang magkatinginan kaming dalawa. "Pero mas maganda sa loob kaya let's enter the house!" He said, smilingly.
His hand is on my back while we are walking towards the door. Nilingon ko si Zig at sinenyasan ko itong sumunod. He looks unamused. Sumunod ito sa amin ni Rex.
Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay, hindi ako makapaniwala sa lawak at laki nito. Unang tingin pa lang and there's no doubt that Rex has a very rich family. Ang mga gamit rito ay mukhang antigo at mamahalin. Matataas ang mga chandelier. Ang sosyal ng mga picture frame at mga malalaking painting sa pader. Pati mga vase na naka-display lang ay parang galing pa sa malalayong bansa. The stairs are looking elegant.
Nanliliit ako sa totoo lang. Natatakot ako dahil baka konting galaw ko lang ay makabasag ako ng mga gamit.
I'm nearly panicking inside and Zig noticed it. Lumapit ito sa akin at pa-simple akong inakbayan. Tila nawala ang kabang nararamdaman ko nang gawin niya iyon. Hindi kasi ako sanay na makakita ng ganito ka-sosyal na bahay.
Zig seems to be cool with what he is seeing right now. Magtataka pa ba ako? He's also a rich guy. Mukhang hindi na bago sa kanya ang makakita ng ganito.
"This is really overwhelming, Rex." Hindi ko na napigilang magsalita. Rex looked at me with a sweet smile. "Hindi ba magagalit ang mga magulang mo kapag pinatuloy mo kami rito ng isang linggo?" pag-aalala ko.
He laughed a bit. "No one's going to get mad, Luca. This is our vacation house. We have a separate house. Don't worry. You are very welcome here." He answered. "Kahit magtagal pa kayo rito ni Zeke, walang problema. Sagot ko kayong dalawa." He winked at me after he said that. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.
"It's Zig, bro. Not Zeke." Zig told Rex. Siniko ko ito sa tagiliran nang mahina habang naka-akbay siya sa akin. "And we're only staying here for a week. Right, Luca?" hinigpitan nito ang pagkaka-akbay sa akin nang hingin niya ang sagot ko kaya agad akong tumango at pilit na ngumiti.
Zig is being a bit rude again.
"Sure." Ngumiti si Rex sa amin. "Before anything else, the maid will show you to your desired rooms. Mamili nalang kayo ni Zeke...I mean, Zig." He told us.
Ngumiti ako at nagpasalamat kay Rex.
He's really a nice guy. Hindi ako nagkamali. Thinking that I'll get to spend 7 days here makes me excited and happy. Hindi ko ma-explain 'yong pinaghalong kaba at pananabik na nararamdaman ko sa loob ko.
Katulad ng sinabi ni Rex, inihatid kami ng isang kasambahay patungo sa mga kwarto sa malaking bahay na ito.
Zig and I both agreed to share one room since one room can accommodate more than two persons because of its huge bed and space.
"Saan ka pupunta?" Zig asked me before I could walk out the door. Nagtataka ang itsura nito.
Ngumiti ako sa kanya. "Pupuntahan ko si Rex." Pag-amin ko rito. "I'll just inform that we already chose a roon. Gusto ko rin siyang pasalamatan ulit for letting us stay here." Paliwanag ko kay Zig.
"Then, I'll go with you."
Napairap ako sa sagot niyang iyon. He was about to stand up from sitting on the bed but I stopped him.
"Zig, please. Paano ako makaka-diskarte nito kung palagi kang nakabuntot sa akin?" I asked him. Kumunot ang noo nito. "You'll stay here and I'll talk to him, alone. Okay?" bilin ko sa kanya.
He was going to say something but I immediately opened the door and walked out.
Bumaba ako ng hagdan para hanapin si Rex.
Luckily, I found him in the living room. He was sitting when I saw him while checking his phone. When he noticed me, he asked me to join him. Umupo ako sa tabi nito.
We're sitting in one sofa.
Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko ngayong ang lapit niya sa akin nang sobra. He smell really nice.
"Where's your best friend?" he asked.
"He's in the room, unpacking our things." Sagot ko naman sa nakangiting si Rex. Hindi ko tuloy maiwasang mangiti rin na pakiramdam ko ay abot-tenga. "Gusto ko lang magpasalamat ulit sa 'yo for offering your vacation house for us to stay for a week. This is really crazy." Natutuwa ko ritong sabi habang inilalakbay ang mga mata sa kahanga-hangang disenyo ng bawat sulok ng bahay.
Natawa siya. "That's your fifth time thanking me this day. You don't have to mention it again. Isa pa, you brought my ID back to me even though it wasn't really necessary. I should be the one thanking you." Nahiya akong nang sabihin niya iyon. Hindi tuloy ako makapagsalita nang ilang segundo. "Gutom ka na ba? The maids are preparing lunch. Hindi na rin 'yon magtatagal." He told me.
"It's okay. Hindi pa naman ako nagugutom. Thank you." I responded. Ayokong sayangin ang pagkakataong 'to para kausapin siya at mas makilala pa siya. "If it wasn't for you, baka nabugbog na ako noong kalbong 'yon sa Drunkin' Doorman. Thank you for saving me that night." Pagbrought up ko sa gabing unang beses naming makilala ang isa't isa.
Natawa na naman ito. "You were so drunk that night. Gusto ka nang banatan noong lalake kaya nang makita kitang nakaupo sa sahig, I came and rescued you. Ewan ko ba? Pakiramdam ko lang noong gabing 'yon, you needed me." Pagku-kwento ni Rex. He remembered every detail.
Hindi ko maitago ang kilig sa mga ngiti ko. "You're right. I really needed you that night." Pagsang-ayon ko sa kanya. "But if you're living here in Buwan City, bakit naroon ka sa Bahaghari City noong gabing 'yon? And would you mind if I ask, why were you in a rush that night?" na-curious kong tanong sa kanya. Hindi biro ang bumiyahe ng limang oras, plus the traffic, ah!
"I have friends in Bahaghari. Birthday ng isa sa mga kaibigan ko kaya I drove for 5 hours dahil minsan lang akong pumunta para makasama sila. Iyon ang dahilan kung bakit nandoon ako sa bar na 'yon noong gabi na 'yon." He smiled before continuing his explanation. "And also that night, my mom called me. Isinugod kasi sa hospital ang dad ko. He was having trouble breathing. Iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali ako that night." Napatango ako matapos niyang ikwento iyon.
"How's your dad now? Is he okay?" tanong ko dulot ng pag-aalala. Kung nasa sitwasyon niya ako noong gabi na 'yon, baka hindi ako mapakali habang bumibiyahe ng limang oras sa daan dahil sa sobrang pag-aalala.
Ngumiti si Rex. "He's fine now. His doctor said that he won't need to stay in the hospital for weeks. Maayos na ang kalagayan niya. We're making sure that he will not going to skip his medicine again." Tumango ako at ngumiti sa kanya. I'm glad that his dad is fine now.
Matapos ang kwentuhan naming 'yon ni Rex ay niyaya na niya kami ni Zig kumain nang maluto ang lunch na pina-prepara niya.
We feasted on food.
Zig is still being the Zig he was earlier.
But Rex is being the Rex he was when I first met him at the bar.
Hindi ko akalaing mangyayari ang araw na ito. That we will meet again and we'll be able to stay under the same room, having conversations and laughing together.
Pakiramdam ko, ito na ang simula ng paglalapit naming dalawa.
- End of Chapter 6 -