L U C A
"You should be sleeping now."
Nagulat ako nang marinig ang boses ni Rex. Napatingin ako sa pinanggagalingan nito. He's standing in front of the house. Habang ako, heto at nakaupo sa hagdanan malapit sa pinto.
I thought he's already sleeping.
Nginitian ko ito. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng kilig nang makita siya. "Hindi pa ako inaantok. Maybe a little later." I responded. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. "Ikaw? Bakit nasa labas ka pa ng ganitong oras?" tanong ko kay Rex.
He was wearing a blue sweater. Ako naman, ang pulang sweater ni Zig na ipinahiram niya sa akin kanina. Malamig kasi rito pero mas malamig sa loob ng bahay dahil air-conditioned ito.
Zig is in our room.
Sinabi ko sa kanya na lalabas lang ako para umihi pero dumiretso ako na rito sa mismong labas ng pinto.
Mahigit kinse minutos na rin naman mula noong iwan ko si Zig sa loob ng kwarto and he was already sleepy when I left him there. So, maybe he fell asleep.
Alas onse na rin kasi ng gabi.
"I was just making myself sleepy. Naglalakad-lakad lang ako sa paligid nitong bahay tapos nakita kitang nakaupo rito." Nginitian ako ni Rex. "You traveled far since yesterday. For sure, wala ka pang maayos na tulog mula kanina bago kayo bumiyahe patungo rito sa Buwan." He sounds concerned.
"I'm all good. Mamaya-maya naman, papasok na rin ako sa loob at sasamahan ko nang matulog si Zig na malamang ay humihilik na ngayon roon." Natawa ako at napailing. He's smiling at me.
"You are so close to each other. Zeke and you." He said but when he mispronounced Zig's name, natawa ako. If Zig's here, he'll be annoyed again. "I mean, Zig. Sorry." He laughed a bit.
"Oo naman. Since first year high school, magkaibigan na talaga kami n'yan. We shared a lot of stories with each other for the past seven years of our lives." Nakangiti kong pagku-kwento kay Rex. "Ikaw? Don't you have a best friend?" I asked him.
Umiling ito. "Wala, eh. Wala pa." Sagot niya sa akin. "Magagalit ba si Zig kung ikaw nalang ang gawin kong best friend?" nabigla ako when he said that. Natawa ito.
"I mean...I would love to be your best friend, Rex." I responded to his question. "Pwede ring more than that..." nagtakip ako ng aking bibig habang tumatawa but deep inside, that was really what I wanted to say to him.
He gave me a shocked look pero ngumiti ito sa akin. "Why not?" nagulat naman ako sa isinagot niya sa half-joke ko na iyon. "Wala namang magagalit dahil wala naman akong kahit sinong dine-date. So, would you like to be the one?" natigilan ako sa pagtawa when I heard him say those words.
Seryoso ang kanyang mukha. Hindi ko mabasa ang kanyang itsura ngayon. Ang tono ng pananalita niya, para itong totoong-totoo. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong tumawa o hindi.
Maya-maya pa, bigla itong tumawa.
"You got me there!" kunot-noo ko sa kanyang sabi habang nagsisimulang matawa na rin katulad niya. "Huwag mo 'kong bibiruin ng gano'n, pwede? I'm gay if I haven't told you, yet. At mahina ang puso ko sa mga lalakeng katulad mo." Napailing ako habang sinasabi sa kanya iyon nang nakangiti.
Hindi man lang siya nagulat nang sabihin ko sa kanya ang s****l preference ko. He is still smiling but this time, it's a serious smile while his eyes are looking straight in my eyes.
"You're the cutest gay I've ever met, Luca." Seryoso ang boses niya nang sabihin niya iyon. Napalunok ako when I heard that. "You know what? Hindi rin naman ako gano'n ka-straight, eh. Hindi ko pa ma-identify sa ngayon kung ano ako pero I'm happy the way I am now. I'm open to any types of love that will come my way." Nagulat ako sa pag-amin niya.
Hindi naman siya mukhang paminta but he just told me that he's not that straight and he's open for any types of love. Does that mean, mas malakas na 'yong pag-asa ko sa kanya?
I feel the kilig starting to overflow in the inside.
Napatingin ako sa langit na puno ng mga bituin habang nakangiti.
"At the age of 21, pakiramdam ko, malapit ko nang mahanap 'yong taong para sa akin." Then, I looked at Rex. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin. "O pwede ring nahanap ko na siya ngayon..." those lines made me smile even wider.
Natatawa itong tumango-tango at bumaling ng tingin sa kalangitan. "I'm 23 and I have never been in a serious relationship. Pakiramdam ko kasi, hindi pa ako handa. Pero when I saw that person at that place, gusto ko nang maging handa." Napangiti ako nang marinig iyon sa kanya. He looked at me. We're both smiling at each other. "But I want to get to know him more." Dagdag nito.
I hate to assume but is he referring to me? Iba 'yong mga titig at mga ngiti niya sa akin. Lalo akong kinilig sa loob ko.
Lord, is this a sign? That Rex is really the one?
"Well, you better get to know him more. For sure, gusto ka rin niyang makilala pa." I told Rex, napangiti ito at tumango bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Yeah..." isang ngiti ang ibinigay niya sa akin kalakip ng salitang iyon bago siya tuluyang tumayo. "For sure, marami kayong plano ni Zig sa mga susunod na araw. This is only your first day here. Get some rest, you'll need it." Tumayo na ako matapos marinig ang sinabi niya.
Nakangiti ko itong sinagot. "Ikaw rin, Rex." I replied. "Good night!" I tapped his arm.
"Good night, Luca." He said.
Magkasabay kaming pumasok ni Rex sa loob ng bahay pero nagparte rin kami ng daan patungo sa mga kwarto namin.
Hindi ko maalis ang malawak na ngiti sa aking mukha habang papalapit ako sa pinto ng kwarto namin ni Zig. Sobra akong kinikilig ngayon at pakiramdam ko ay hindi yata ako makakatulog ngayong gabi.
When I opened the door, I saw Zig, sitting on the bed. Nang mapansin nito ang pagbukas ng pinto at ang pagpasok ko, tiningnan ako nito nang seryoso.
I thought he was already sleeping.
He's wearing a gray sando that's embracing his chest. His big biceps are eye-catching. Kung hindi ko lang best friend 'to, matitipuhan ko talaga siya sa katawan palang niya.
"Bakit gising k"
"Saan ka gal"
Natigilan kaming dalawa nang magsabay kami sa pagsasalita.
Isinarado ko muna ang pinto bago muling humarap kay Zig nang hindi nabubura ang ngiti sa mukha ko.
"Rex and I had a sweet talk." Halos hindi ko ma-contain ang sarili ko habang palapit kay Zig. Umupo ako sa tabi niya. "At pakiramdam ko, may pag-asa 'tong nararamdaman ko para sa kanya." Tiningnan ko ang mukhang bugnot na si Zig matapos kong ibahagi iyon sa kanya.
"May pag-asa ang ano? Nararamdaman mo? I thought you just went to the bathroom? You mean, you spent half an hour talking to that guy?" pagku-kumpirma nito sa akin. Tumango naman ako nang nakangiti. Mukhang hindi siya natuwa sa nalaman. "I was waiting for you kasi inilabas na sa Jetflix yung first episode ng horror series na pinapanuod natin. Kaso mukhang wala ka namang ganang manuod ngayon kasi kahit hindi ka pa tulog, nananaginip ka na." Inismiran ako nito.
Nawala ang ngiti sa mukha ko nang marinig ko ang sinabi ni Zig.
"Hindi ko naman alam na ngayon 'yon, eh. Saka hindi mo naman sinabi sa akin kanina. Isa pa, you looked sleepy before I left you here. Akala ko matutulog ka na." Pagdadahilan ko dahil iyon naman talaga ang totoo. "We can watch it some other time, Zig! Sa ngayon, makinig ka muna sa akin!"l lumapit ako lalo sa kanya dahil sa sobrang kasabikang i-kwento ang pinag-usapan namin ni Rex sa labas.
Napipilitan itong tumingin sa akin. "You know what, you're right. Inaantok na talaga ako." He answered. "Sana pala ay kanina pa ako natulog at hindi na kita hinintay." Bulong pa nito but before he could even move, niyakap ko ang braso niya.
Hindi ito nakapalag. "Mamaya ka na matulog! Ito naman, napaka-killjoy. Just hear this out, okay?" I smiled. Wala na siyang nagawa. "So...I found out that Rex isn't straight. Iyon ang sinabi niya. He's open to any kind or type of relationship. And the way he looked at me when our eyes met? I felt something. Iba, eh!" hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako habang nagku-kwento.
Inilingan ako ni Zig habang nakasimangot. "This is just the second time you met each other. Wala pa ngang 24 hours tayong nananatili rito sa vacation house niya tapos ganyan na agad 'yong nararamdaman mo? Come on, Luca." Inismiran ako nito. Nakayakap pa rin ako sa braso niya. "Can you at least be realistic? Hindi mo pa kilalang gaano 'yong tao and here you are, concluding things." Ako naman ngayon ang napairap kay Zig.
Binitawan ko ang braso niya. "Kaya nga mas kinikilala ko pa siya, 'di ba?" I told him. "Pwede bang suportahan mo nalang ang love life ng best friend mo?" I asked Zig.
Sinimangutan ako nito. "Pwede bang asikasuhin mo muna ang summer classes mo?" He teased me. Hindi ako natuwa nang marinig ang bagay na iyon.
Marahan ko siyang itinulak. "Didn't I tell you na ayokong makarinig ng kahit anong tungkol sa pag-aaral? Nakakarindi." Sagot ko sa kanya. He is smirking right now.
"Same thing with your unending imagination about Rex and your so-called love life." He replied. "Nakakarindi." Nagulat ako sa sinabi niya. Sinimangutan ko siya lalo.
"I hate you!" Pabiro kong sabi sa kanya at tinulak-tulak ito. Natigilan ako para tingnan siya nang seryoso. "Kung hindi lang kita best friend, iisipin kong nagseselos ka roon sa tao. Palagi ka nalang kasing kontra sa love life ko, eh." Sinamaan ko ito ng tingin.
Ang kunot na noo ni Zig ay tila humupa at naging pantay. Kumalma ito nang marinig ang sinabi ko.
"Ako? Magseselos?" ngumisi siya sa akin at umiling ng tatlong beses. "I'm your best friend and a best friend cares for his best friend. Ayoko lang na mapunta ka sa maling tao." Umiwas ito ng tingin nang sabihin niya iyon.
I smiled when I heard Zig said that. He really cares for me and I've always felt that. Sa totoo lang, I'm really thankful because he's my best friend.
"Thanks..." I told him. "But Rex is different. Oo, ngayon ko pa lang siya lubos na makikilala. Oo, parang ang bilis ng pag-usbong nitong nararamdaman ko para sa kanya pero Zig, iba 'tong feeling na 'to sa mga naramdaman ko before sa mga lalakeng naging ka-date ko. Mas sigurado ako sa nararamdaman ko kay Rex. So, please?" I held his hand.
Tiningnan ako nito na ngayo'y kunot na naman ang noo. "Bahala ka..." he answered me. "Basta ako, as much as I want you to be happy, hindi pa rin buo ang suporta ko d'yan sa Rex mo." Dagdag pa nito sa akin.
Humiga na ito sa kama. Nagtaklob siya ng kumot sa buo niyang katawan. Naiwan akong mag-isang nakaupo.
Sinubukan ko siyang tapik-tapikin. "Gano'n nalang 'yon, Zig? Tutulugan mo nalang ako?" Hindi ito kumibo kaya tinigilan ko na rin ang pagtapik sa kanya. "I won't force you to like Rex for me kung hindi mo naman talaga siya gusto." Ang sabi ko rito.
"Good thing." Nagulat ako nang sumagot ito.
Ngumisi ako nang balingan ko siya ng tingin. "But with or without your support, hindi no'n mapipigilan ang kagustuhan kong mas mapalapit kay Rex." I told him.
Maya-maya, inalis niya ang pagkakataklob ng kumot sa katawan niya. He looked at me. Ang seryoso ng kanyang mukha. Kinunotan ko lang ito ng noo.
"Do what you want, Luca." He said. "Kailan mo ba ako pinakinggan at ang mga payo ko sa 'yo?" iyon ang huli niyang sinabi at pagkatapos ay tumalikod nang muli.
Hindi ako umimik ng ilang minuto.
"I'll confess to him before we leave this place." Nang sabihin ko iyon ay hindi na ito sumagot. I'm assuming he fell asleep. "Good night, Zig. My killjoy best friend."
Matapos sabihin iyon, humiga na rin ako sa kama ko. I looked at Zig, nakatalikod ito sa akin. Napairap nalang ako sa likod niya bago ako tuluyang tumalikod.
Imbes na si Rex nalang 'yong iisipin ko bago ako pumikit ngayong gabi, dumagdag pa itong best friend kong si Zig.
Really, what's up with him?
- End of Chapter Seven -