Z I G
Luca is my best friend but God knows how much I love him more than that label.
I love Luca since we met in high school. Minahal ko na siya noong una pa lang. And now, my love for him is still growing deeper.
Ngunit hindi niya alam 'yon.
Alam kong hindi niya ako nakikita katulad kung paano ko siya nakikita. For him, I'm just his best friend.
Ang kaibigan niyang palaging nand'yan para sa kanya. Ang taga-pagligtas sa mga kalokohan niya. Ang taong kahit alam niyang masakit na, minamahal pa rin siya.
"We don't have any plans naman today." Tiningnan ako ni Luca habang kaharap ngayon ang lalakeng ito. Si Rex. Ang lalakeng hindi ko alam kung bakit gustong-gusto niya. "Libre tayo ngayong araw 'di ba, Zig?" he is smiling, I know him, ang mga matang 'yon ay nakikiusap na sumang-ayon nalang ako sa kanya.
Hindi ko maiwasang umiling sa pagka-dismaya. It's our fourth day here at this guy's vacation house. Dalawang araw nalang ay makakabalik na kami ni Luca sa Bahaghari.
"Yeah. Whatever." I said.
Iyon rin naman ang gusto niyang marinig mula sa akin.
Tiningnan nito si Rex nang may malawak na ngiti sa mukha. The guy also smiled at him. I can't help myself but to be pissed.
Hindi ko alam kung anong nakita ni Luca sa kanya. May itsura naman ako. Malaki rin naman ang katawan ko. Mabango naman ako. Matalino. At mahal ko siya.
Pero ang lalakeng ito pa rin ang nagpapangiti sa kanya nang ganito kahit isang linggo pa lang niya itong nakikilala.
"Alright then, we're going to our farm." Rex said. Natuwa si Luca sa tabi ko. "Ipapakita ko sa inyo ang mga alaga naming hayop roon. That place will definitely give you so much relaxation." The guy added.
Napasimangot ako dahil una sa lahat, wala akong ganang sumama if it wasn't for Luca's safety. In the first place naman, wala naman sana ako rito ngayon at nagtitiis na makita siyang kinikilig sa lalake na 'to kung hindi ako nag-aalala para sa kanya. Siya lang ang iniisip ko at wala nang iba pa.
Lumabas kami ng bahay.
"Get in the car, Luca." I told him. Kanina pa kasi ito ngiting-ngiti kay Rex. "We'll be following his car on the way to that farm." I added.
Bubuksan na sana nito ang pinto ng sasakyan ko but the jerk interfered.
"You can ride in my car, Luca." Hindi ko maitago ang inis ko sa matalim na tinging ibinigay ko kay Rex. "Malayo-malayo 'yong farm. Gusto kong may maka-kwentuhan naman ako habang papunta tayo roon. If that's okay with Zig." He looked at me.
I looked at Luca.
He seems confused.
Binitawan nito ang hawakan ng pinto ng kotse ko, looked at Rex for second and looked at me.
"You know what? Why not, right?" Luca said while looking at me. He winked at me and faced that guy. "I'll be riding in Rex's car. Magkita nalang tayo roon, Zig." He tapped my shoulder and went to that guy's car.
Wala akong nagawa. Hindi ako nakapagsalita.
Rex smirked at me before entering his car. The audacity of this jerk.
Ilang segundo matapos silang umalis, I entered my car. Inis man, wala akong nagawa kung hindi ang sundan sila.
Hindi ako sanay na sa ibang sasakyan sumasakay si Luca. Hindi ako mapakali. Hindi ko man lang siya makita mula rito sa sasakyan ko. It's honestly frustrating!
Mariin ang hawak ko sa manibela. That jerk is really pissing me off. Pinlano niya lahat 'to. He planned to invite us over to make a move to Luca. Damn. I know, in the very first time I saw him, he isn't straight.
Like me.
Hindi ako straight. I'm just like him. We're the same.
Hindi ko alam kung anong pwede kong itawag sa sarili ko dahil kay Luca lang naman ako nagkaganito buong buhay ko. I met a lot of girls before. They were my type. Hindi pa ako nagkaroon ng kahit anong relasyon sa mga babae but I was attracted to girls.
Ngayon? Kahit sinong babae ang makita ko, hindi pa rin no'n mapantayan ang nararamdaman ko para kay Luca.
It felt like Luca made me who I am now. And if gay is the world that could fit, I'll gladly accept it. Because I love him.
Hindi ko maalis ang pagsasalubong ng kilay ko habang tinitingnan ang kotse ni Rex na sinusundan ko.
Naiinis ako dahil palagi nalang siyang pinipili ni Luca. Not just today but the first morning we woke up at Rex's vacation house, the second day and yesterday.
Palagi nalang namin kasama ang lalake na 'yon. Kasama namin siya sa pagbaybay ng Buwan City kahit sinabi ko naman kay Luca na gusto ko ay kaming dalawa lang. But Luca insisted to include that jerk with our plans.
Kahapon sa pagpunta sa isang sikat na coffee shop rito sa Buwan, kasama namin siya. Luca asked me if we could bring that guy with us. Wala akong nagawa. Every damn time. Wala akong magawa kapag gusto ni Luca na isama siya sa mga plano naming dapat kami lang namang dalawa.
Matatapos nalang ang isang linggo namin rito sa lugar na ito but all I will remember is how happy Luca was when we were here. Ni-wala nga kaming nakuhang litratong magkasama mula noong dumating kami rito.
He's all about Rex. Kulang nalang nga ay sumama siya sa kwarto naming dalawa ni Luca. I can't help but to be annoyed by him everytime that I will look at Rex.
And it's clear that he's making a move to Luca. I know what he's doing. And it pisses me more that he can freely do that while I'm here, naiinis sa isang tabi dahil hindi ko man lang ma-pormahan si Luca.
Wala na akong nagawa kung hindi tiisin ang mahigit thirty minutes na byahe na 'yon without Luca by my side.
We arrived at Rex's farm at exactly 10 in the morning.
Tama nga siya. Marami nga silang alagang hayop. I can't deny that their farm is a place to visit. Maganda at kalmado ang lugar.
Thirty minutes away from the city center and it will bring you to this place.
Habang nakikipag-usap si Rex sa katiwala ng farm nila. I took the chance to talk to Luca. Hindi pa ako nito kinakausap mula noong dumating kami rito. It feels like he forgot about my existence.
"Ang lawak ng ngiti. Mas malawak pa rito sa farm nila Rex." Pagpuna ko kay Luca at tiningnan ang paligid bago bumaling ng tingin sa kanya. "How was the your road trip experience with Rex? Oh, why did I ask? The answer is clearly written on your face." I smirked at him.
Luca glared at me. Nawala nang kaunti ang ngiti sa kanyang mukha. "Zig, pwede? Huwag mo 'kong paandaran ng mga pang-aasar mo ngayon. The weather is nice. Huwag mong sirain." He rolled his eyes on me. Napailing ako nang nakangisi.
"Glad your day is still nice." I answered him. Naiinis pa rin ako kung paano siya tumingin sa Rex na iyon at kung paano siya ngumiti. "Yung sa akin kasi kanina pang sira." Dagdag ko. Kinunutan niya ako ng noo.
"What?" he asked pero umiling lang ako rito dahil hindi naman niya maiintindihan. He'll not gonna get why I'm feeling this way.
"Hey, guys! I'm going to bring you to the stable. I'll show you our horses." Rex came and the smile on Luca's face also came back. "Let's go?" hinawakan nito sa likod si Luca at aktong titingnan ako but I immediately looked at Luca.
"I'll just take a leak. I saw a bathroom there. Mauna na kayo." Tinanguan ako ng nakangiting si Luca bago sila maglakad ni Rex palayo.
That was a lie.
Hindi naman talaga ako gagamit ng banyo or anything. I just can't stand being close to Rex and see how Luca is head over heels with that guy.
I took a short break. I fixed myself dahil ayokong maging grumpy buong araw and I don't want to be selfish with Luca.
I took a deep breath and went to see Luca.
Akala ko, okay na ako sa loob ng sampung minutong iyon. I thought, I'll be fine after that 10 minutes I was telling myself to hold my annoyance with Rex. Akala ko, magiging normal na ang takbo ng lahat kapag bumalik ako sa kanila.
I was wrong.
My eyebrows met when I saw the two of them in a distance. Natigilan ako sa paglalakad. Tinitingnan ko lang silang dalawa.
They are laughing while Rex is teaching Luca how to ride a horse. Naririnig ko ang bawat tawanan nila habang pinipilit siya nitong sumakay sa kabayo. He even pinched Luca's cheeks countless times.
Napa-tiim bagang ako habang nakatayo sa kalayuan at pinagmamasdan sila. Nagagalit ako sa nakikita ko. Naiinis ako na makita silang ganito. I hate how Luca laughed at Rex. I hate how Rex touched him. I hate Rex for him.
Hindi ko siya gustong makitang napapasaya si Luca dahil dapat ako 'yon. I should be the one who's making Luca happy. Ako dapat 'yon. Ako at hindi siya.
I clenched my fist.
Nang hawakan niya si Luca sa bewang nito at isakay ito sa kabayo, it felt like needles were being forced to enter my body. At nung makita kong sumakay si Rex at pumuwesto sa likuran niya, hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Their body were too close to each other.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong tumalikod nang hindi nila napapansin. I walked away. I stayed in my car for I don't even know how long.
There, I cried. Damn. Yes, I did!
I was jealous when I saw them. I'm still jealous right now because that image of Luca's face that was so happy didn't leave my mind for even a second.
Nagseselos ako dahil napapatawa siya ni Rex nang gano'n. Nagseselos ako dahil kaya siyang pakiligin ni Rex sa mga ngiti palang nito. Nakakapagselos dahil magkasama sila ngayon at hindi ko man lang magawang lapitan sila.
I'm jealous because Luca is in love with him.
At ako? Heto ako, nasasaktang makita siya habang sinusunod ang pagmamahal niyang 'yon kay Rex.
Matalino akong tao, eh. Pero kahit gaano kasakit tuwing babanggitin ni Luca ang pangalan ng mga lalakeng nagustuhan niya, pinapalampas ko. Kahit harap-harapan niyang sinasabi sa akin na mahal niya ito, wala lang sa akin at pilit ko pa ring pinakikinggan. Kahit hinihingan niya ako ng suporta para sa mga lalakeng 'yon, binibigay ko pa rin. I'm a real stupid.
Nagiging tanga ako when it comes to Luca.
My car's door opened. It was Luca.
He's wearing a worried face. "Kanina pa kita hinahanap! Alam mo bang nilibot ko na ang buong farm nila Rex tapos dito lang pala kita nakikita?" may parte sa kanya ang naiinis nang sabihin niya 'yon.
Good thing, he came after I wiped away all my tears.
"Why are you here? Hindi ka ba hahanapin ni Rex?" I asked him.
Isinara niya ang pintuan ng kotse at umupo sa tabi ko. "Ikaw ang bakit nandito? He was also looking for you, Zig." He answered me. Napailing ako habang nakangisi. "Bakit ka ba nandito? Dalawang oras kang hindi mahagilap. Is there a problem?"
I looked at him straightly in his eyes at ngumiti. "I'm fine." I told Luca. Hinawakan ko ang ulo ko. "Sumakit lang ang ulo ko kaya pumunta muna ako rito para magpalamig." That was a lie but I needed to say that.
Luca nodded at me. "You're okay now, right?" he's asking me with a worried face but it changed to a smiley face when I nodded. "Good! 'Cause Rex is inviting us to drink later. This is the very first time na makakainuman natin siya, Zig! Excited na ako!" nang marinig iyon mula kay Luca, my head hurts.
Napangisi ako out of annoyance.
It feels like my 'headache alibi' suddenly became real.
- End of Chapter Eight -