KIRO
TATLONG ARAW na ang nakakalipas simula ng maganap ang bagay na hindi ko inaasahan. Sa tuwing naaalala ko iyon ay gusto kong sigawan at suntukin ang sarili ko. Bakit hindi ko man lang pinigilan ang sarili ko? Bakit hinayaan kong mangyari 'yon?
"Kiro!" Nabalik ako sa huwisyo ng marinig kong tinawag ni Rico ang pangalan ko.
"Hah?" Mabilis kong sagot.
"Kanina ka pa wala sa sarili habang ako dito ay namomroblema na kung ano nga ba ang tamang information ang kailangan para sa reporting natin." Pagmamaktol nito. Napangiti naman ako at kinuha ang laptop sa kaniya. Nandito kami ngayon ni Rico sa library para tapusin ang report bukas sa chemisttry na imbes ay lima kaming miyembro, ay tanging kaming dalawa lang ang gumagawa.
"Sorry." Paghihingi ko ng paumanhin.
"Iniiwasan mo ba si Malcolm?" Nabulunan ako sa sarili kong laway ng marinig ang tanong niya. Mabilis kong kinuha sa bag ang tubigan at uminom.
"A--ano bang klaseng tanong 'yan?" Inis kong sagot. Pansin ko sa rear vision ko ang kakaibang titig ni Rico na parang gusto nitong sabihin ko ang dapat niyang malaman. "Huwag mo nga ako titigan ng ganiyan!" Iritado kong sambit. Nagtaas baba na lamang siya ng balikat at umupo ng maayos. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa paggawa ng report habang siya ay naghahanap na rin sa libro.
Mag aalas tres na ng hapon pero hindi pa rin kami tapos dalawa. Aish! Kung nandito lang siguro ang tatlong pugo na 'yon ay siguradong kanina pa kami tapos. Hindi pa ako tapos sa ginagawa ng mapansin kong tumawag ang papa ni Rico dahil may kailangan ito. Tinanguan ko naman siya para sabihing ayos lang ako. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala hanggang sa wala na siyang nagawa pa kung hindi ang umalis.
"Tatawagan ko na lang si Edmon para tulungan ka." Aniya. Pipigilan ko sana siya para sabihin na huwag ng tawagan pa ang pugong iyon dahil baka makadistract lang ako sa ginagawa ko. At ang mas kinatatakot ko ay baka isama nito si Malcolm. Iniiwasan ko pa naman ang lalaking 'yon.
Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy na sa ginagawa. Ng medyo nangalahati na ako sa ginagawa ay naisipan kong bumili ng kape sa vending machine na nasa labas ng library. Maghuhulog pa lang ako ng coins ng pumigil sa kamay ko. Napaangat ako ng tingin sa may ari ng kamay na 'yon. Naningkit ang mata ko ng makita si Edmon. Inabot nito sa akin ang kape. Ilang segundo ko rin iyon tinitigan hanggang sa tinanggap ko na lang.
"Salamat dito." Napantango naman siya sa sinabi ko at dumiretso sa loob ng library. Weird. Bigla tuloy akong nakaramdam ng awkward sa part na 'yon dahil sa tuwing nakikita ko siyang kasama nila Malcolm ay kung makangiti siya ng wagas ay parang wala ng bukas. Nagkibit balikat na lang ako at bumalik na sa loob ng library. Umupo naman siya sa tabi ko at inabot ko sa kaniya ang mga libro.
"What part isn't done yet?" Tanong nito.
"Kailangan na lang natin dagdagan ang introduction." Sagot ko sa kaniya. Napatango-tango naman siya at lumapit pa sa pwesto ko. Ngayon ay magkadikit na ang balikat naming dalawa. Aatras sana ako ng bigla siyang tumingin kaya 'di na ako gumalaw pa at ngumiti na lang.
"What do you think about this study?" Aniya sabay pakita ng libro sa akin. Napanganga ako ng mabasa ang nakalagay doon. Bigla tuloy akong humanga dahil hindi ko inaasahan na mabilis siyang makakahanap ng basehan para sa idadagdag sa introduction ng report.
"Hindi ko inaasahan na nag-aaral ka pala?" Insulto ko dahilan para mapangisi siya. Ngayon ko lang napansin na hindi niya kasama ang iba niyang kaibigan at kasama na roon si Malcolm. Hindi na ako nagtanong pa at nagsimula na lang magtipa sa laptop ni Rico.
Habang tumatagal ay pakiramdam ko ay nakakatulong na si Edmon dahil sa mga naidadagdag niyang ideas. Ngayon ko lang napansin na may matalino pala sa kaibigan ni Malcolm, himala? Natawa na lang ako sa naiisip dahilan para mapatingin sa'kin si Edmon.
"Why are you smiling?" Napailing naman ako sa tanong nito.
"Wala."
Ilang oras rin bago namin natapos ang report at napaunat ako ng aking katawan. "Natapos din sa wakas!" Masayang sambit ko. Sinimulan ko ng iligpit ang mga gamit ko at pinulot ang mga libro. "Salamat ulit sa tulong, hindi ko inaasahan na pupunta ka dito para tumulong. Tsaka bakit hindi mo kasama ang mga pugong-- kaibigan mo?" Natawa naman siya ng mahina para mapansin ko ang pag-aliwalas ng kaniyang mukha. Mas maayos din pala na ngumingiti siya dahil mas lalo siyang gumagwapo.
"They're busy." Napatango-tango naman ako. Mas mabuti na ring hindi nyia sinama ang iyon at baka hindi lang kami makapagfocus sa ginagawa. Napatingin ako sa wristwatch ko dahilan para mapansin ko na mag-aalas sais na ng gabi. Wah! Hindi ko pa pala natatapos ang mga homeworks sa ibang subject.
"Ako na ang bahalang magbalik nito--" 'di ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng makita na kinuha ni Edmon ang ibang libro at nagsimulang maglakad para ibalik ito sa shelves. Mas lalo akong naweweirduhan sa mga kinikilos niya. Hindi ko na lang pinansin ang bumabagabag sa aking isipan at ibinalik na ang natitirang libro sa shelves.
Napahinto ako sa ginagawa ko ng maramdamang may tao sa likuran ko. Napaikot ako ng tingin dahilan para manlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino siya. Pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa mga titig ni Malcolm. Dahan-dahan akong umatras dahilan para tumama ang likuran ko sa shelves at mahulog ang mga libro sa uluhan ko. Napapikit na lang ako sa bilis ng pangyayari pero ang mas kinagulat ko ay ng hatakin ako ni Malcolm at sabay kaming dalawa bunagsak sa sahig. Ngayon ay siya ang nasa ibabaw ko at napansin ko rin na sa likod niya bumagsak ang mga libro.
Ito na naman ang nagwawala kong puso dahil lang sa ginawa niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Ng tanungin ako nito ay wala akong naririnig kung hindi ang nakakabinging pagtibok ng puso ko. Habang inoobserbahan ko ang mukha niya ay para bang may liwanag na awra ang nakapaligid sa kaniya-- what the f*ck?! Ano 'tong pinagsasabi ko?
"Hey I'm asking you, are you okay?" Aniya. This time ay narinig ko na ang boses niya at nagising ako mula sa imahinasyon ko. Dali-dali ko siyang itinulak palayo sa akin dahil ayaw kong makita niya ang pagkabigla sa aking mukha.
"A--ano'ng ginagawa ko dito? Paano mo nalamang nandito ako?" Gusto kong mainis sa kaniya at sigawan siya pero may pumipigil sa akin. Alam mo iyong pakiramdam na ilang araw mo lang siyang hindi nakita mas lalo siyang gumwapo sa paningin mo?-- Put*! Ano na itong pinagsasabi ko sa sarili ko?
"I called him." Saad ng boses sa likuran ko at si Edmon 'yon. Sinamaan ko siya ng tinginnpero kinindatan lamang ako nito. Lumapit siya kay Malcolm at tinap ang balikat. "Mauna na ako sa inyong dalawa." Pagpapaalam nito at habang naglalakad papalayo ay kumakaway pa.
Mabilis akong naglakad para kunin ang mga gamit ko para makauwi na at ramdam kong nakasunod lang sa'kin si Malcolm. Bakit nagpakita pa siya? Hindi ako mapakali sa tuwing nasa paligid ko siya.
Napahinto ako sa paglalakad dahilan para huminto din siya. Mabilis ko siyang hinarap at pansin ko sa mga mata niya na hindi siya makatingin sa akin.
"Ano?" Walang gana kong tanong kaya napatingin ito sa akin at biglabg umiling. Nagdikit ang dalawa kilay ko. Magsasalita pa sana ako ng bigla kong maalala ang nangyari sa aming dalawa. Napamura na lang ako sa sarili ko at nagsimula na ulit maglakad pauwi sa bahay.
Hindi ganito ang nararamdaman ko noon sa tuwing nasa paligid ko lang siya pero ngayon ay iba na ang epekto niyon na kahit isipin ko kung ano ang dahilan ay hindi ko rin alam. Sa sobrang inis ko ay hinarap ko siyang muli.
"Huwag mo na akong sundan!" Tila nagtiklop ang dila ko ng makita si Malcolm di kalayuan sa pwesto ko kausap si Kim. Okay napahiya ako sa part na 'yon. Nahiya bigla ako sa mga dumaraang estudyante at napatingin sa akin. Aish!
Biglang nakunot ang noo ko ng makitang hinawakan ni Kim si Malcolm sa kamay at tila may sinasabi ito dito pero hindi ko marinig dahil malayo ako sa pwesto nila. Pansin ko sa mga mata ni Malcolm na hindi siya mapakali na para bang hindi iyon ang Malcolm na nakikita ko.
Napansin ko ang biglang pagdapo ng tingin sa akin ni Malcolm. Teka tinatawag niya ba ako? Imposible mukha ngang masaya silang dalawa-- okay lalapit na 'ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at para bang may sariling buhay ang mga paa ko. Inagawa ko ang kamay ni Malcolm kay Kim.
"Kalangan na nating umuwi." Saad ko at hinatak si Malcolm paalis pero may pumigil sa isa nitong kamay.
"What are you doing? I'm still talking to him Kiro." Maarte nitong sambit. Magsasalita sana si Malcolm pero pinigilan ko kaagad siya para sabihing 'ako na'.
"Akala ko ba wala na kayo ni Malcolm?" Tanong ko sa kaniya at pansin ko ang biglang pagtaas ng kilay niya.
"Huwag kang mangialam--"
"No Kim, don't expect someone that they still know you after what you've done. You broke up with him right? So stop doing this sh*t." Napangisi na lang ako ng makita ang gulat sa mga mata niya dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko na talaga matiis ang ugali niya and I hate her. "If you let go someone just because you're tired of loving them? That's a bullsh*t reason, Kim."
"Do you like him?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kim sa akin at ramdam ko ang galit roon. Napatingin ako kay Malcolm na ngayon ay nakatingin rin sa akin na para bang hinihintay ang sagot ko.
"Yeah, I like him so stop bothering him anymore." Pagtataboy ko sa kaniya.
"You'll regret what you did to me, Malcolm" Galit na saad nito at sumakay ng kotse paalis.
Malalim na napahinga ako at napahawak sa dibdib. Grabe pala ang babaeng 'yon kung makatingin parang kakainin ako buhay. Kulang na lang maglabas siya ng baril tapos ipuputok sa'kin.
Hinarap ko si Malcolm na ngayon ay nakangiti ng malapad.
"Bakit nakangiti ka ng ganiyan?"
"Can you tell me again that you like me?" Nanlaki ang mata ko at mabilis siyang sinuntok sa sikmura dahilan para mapangiwi ito.
"Tumigil ka na sa mga kabaliwan mo." Inis kong sagot at naglakad na paalis. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa nangyari ngayon. Hanggang sa paglalakad ay kinukulit pa rin ako ni Malcolm na sabihin ko ang mga sinabi ko kanina. Kahit sa jeep ay ang lakas ng boses niya kaya maraming mga pasahero ang napapatingin sa pwesto naming dalawa.
Napatingin na lang ako sa bintana dahil ako ang nahihiya para kay Malcolm dahil sa lakas ng boses niya. Napapikit ako ng mariin at hinarap siya parab ipaliwanag ang lahat.
"Nasabi ko lang iyon para tigilan ka na ni Kimberly at huwag kang umasa na magugustuhan kita." Sabay pitik ko sa noo niya.
Napaayos ako ng upo at hindi na siya tinapunan pa ng tingin. Mas magandang sanihin ko na ng maagabpara tigilan niya na ako. At tungkol sa nangyaring noong gabi? Isang pagkakamali lang iyon at nagpadala ako sa nararamdaman ko.
Pansin ko sa gilid ko ang biglang pagtahimik ni Malcolm kaya nakahinga ako ng maluwag. Ng mapansin na malapit na kami sa bahay ay pumara na ako sa bus. Ramdam kong nakasunod lang sabakin si Malcolm kaya hinayaan ko na lang.
Ng makarating sa bahay ay tahimik lang kaming dalawa at walang umiimik. Umakyat kaagad ako sa kwarto para magpalit ng damit at sakto namang pagbaba ko ay nagluluto na si Malcolm. Nasaktan ba siya sa sinabi ko? Tsk, alam ko naman na nagkukunwari lang siyang may nararamdaman sa akin kahit wala naman talaga.
Tatayo na sana ako para maghain ng pinggan ng bigla akong nakaramdam ng hilo. Mabuti na lang ay napakapit kaagad ako sa lamesa kaya hindi ako bumagsak.
"Kiro!" Napatingin ako kay Malcolm ng tawagin nito ang pangalan ko. "Kanina pa kita tinatawag, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
Napatayo naman ako ng maayos at tumango. Bakas sa mukha ni Malcolm ang pagtatakha.
"Ayos lang ako." Sagot ko sa kaniya at tinulungan siyang ihain ang pinggan at kutsara.
Kumain na lang kaming dalawa habang siya naman ay hinahanda na ang ulam. Paano kaya siya natutong magluto? Hindi sa minamaliit ko siya pero hindi ba karamihan ng mga lalaki ay hindi marunong sa kusina?
"Salamat." Sambit ko ng lagyan niya ng kanin at ulam ang pinggan ko. Napatango naman siya pero bigla akong nagulat ng may kuhanin siya sa ref. Nagliwanag ang mga mata ko ng makakita ng steak dahilan para mapalunok ako. "Saan mo nakuha 'yan?" Tanong ko dahil wala akong natatandaan na bumili ako niyan sa market dahil ang mahal kaya niyan. Mas mabuti ibili na lang ng kilo ng baboy kesa sa ganiyan.
"I bought at the market." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Akala ko ba wala kang pera?" Nagtatakhang tanong ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
"Huwag ng maraming tanong kumain ka na lang." Aniya. Kahit gusto ko pang magtanong ay nagkibit balikat na lang ako at nagsimula ng kumain. Tanging kutsara at plato lang ang naririnig mula sa kusina. Tila ba may bagay ang bumabagabag sa akin at hindi alam kung paano sisimulan.
"Kiro/Malcolm." Sabay naming tawag. "You first." Napatango naman ako at binatawan ang kutsara.
"T--tungkol nga pala sa nangyari..."
"What?" Napalunok ako at umiwas ng tingin. Di ko alam parang natiklop bigla ang dila ko at hindi na maituloy pa ang sasabihin. Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kaniya. "About what happened to us?" Tinabig ko ang kamay niya.
"Yes and I want you to forget about that." Sabay iwas ko ng tingin. Napansin kong binitawan niya rin ang kutsara at hinarap ako ng malamig ang tingin. Napalunok ako dahil sa kaba. Dapat siguro'y hindi ko na lang sinabi sa kaniya ang tungkol sa bagay na 'yon. Aish! Hindi ko na alam kung nasa katinuan pa ba ako.
"Kiro." Tawag nito sa pangalan ko. Ramdam kong gusto niyang titigan ko siya pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil hindi ko kayang titigan siya ngayon. "Why? Why did you hate me that much?" Ngayon ay napatingin na ako sa kaniya dahil sa tanong niya. Gusto kong magulat pero itinago ko iyon dahil ayaw kong makita niya iyon. Bakas sa mukha niya na parang nasaktan siya sa sinabi ko. "Why you're always pushing me away?"
Nais ko sanang bawiin ang sinabi ko pero wala ng mababago doon. "Malcolm..." 'di ko magawang sabihin sa kaniya kung ano itong kakaibang nararamdaman ko. May parte sa akin ang pumipigil na sabihin iyon at kahit ako ay hindi rin alam.
Napansin kong tunayo siya at kinuha ang plato.
"I'm done." Saad nito at nilagay sa kusina ang plato kasabay ng pag-akyat sa itaas. Napabuntong hininga na lang ako at napagdesisyonan na hindi na lang sabihin sa kaniya.
Ako na ang naghugas ng pinagkainan naming dalawa hanggang sa natapos na ako at kumuha ng beer sa loob ng ref. Pakiramdam ko ay kailangan ko nito ngayon para makatulog ng maaga at mawala itong bumabagabag sa aking isipan.
Naisipan kong sa kwarto na lang uminom at ni'lock ang pinto. Habang umiinom ay nakatingin lang ako sa bintana ng kwarto ko at pinagmamasdan ang mga bituin.
Mabuti pa sila walang iniisip at masayang kumikislap lang sa kalangitan.
Ramdam ko na ang epekto ng alak sa aking katawan. Sh*t ganito ba katapang itong alak? Nakaramdam kasi ako ng kaunting hilo. Kahit na uminom na ako ng alak ay hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang mga sinabi ni Malcolm. Totoo ba talagang may nararamdaman siya sa akin?
Paano kung wala? Paano kung isa 'to sa mga plano niya?
Pero bakit kahit isipin ko ang mga bagay na iyan ay sobrang bilis pa rin ng t***k ng puso ko at gustong kumawala sa katawan ko?
Saktong pagkaubos ko ng alak ay ang pagkatok sa akong pinto. Napangisi ako ng maisip na si Malcolm ang kumakatok. Pagewang-gewang akong lumapit sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin si Malcolm na walang damit at tanging boxer brief lang ang suot.
"Are you drunk?" Gulat na tanong nita at tinignan ang hawak kong beer na kaagad kong tinago sa aking likuran.
"Hindi ako lasing kaya umalis ka na." Isasara ko na sana ang pinto ng iharang niya ang kamay niya dahilan paea maipit iyon at mapasigaw siya sa sakit kaya nagising ako.
"Ouch!" Sigaw nito sa sakit habang hawak ang kamay kaya bigla akong nakaramdam ng pag-aalala at hinawkaan ang kamay niya.
"Bakit ba kasi ang kulit mo?! Aish! Tignan mo namula ang kamay mo." Inis kong singhal sa kaniya. Napanguso ako ng marealize na ako pala ang may kasalanan kaya namula ang kaniyang kamay. Siniilan ko lamang ng halik ang kamay niya at mahigit tatlong minuto rin iyon. Ramdam kong namatitig lang siya sa ginagawa ko at halata ang gulat.
"Ganito ang ginagawa sa akin ni papa sa tuwing may sugat ako." Saad ko. At tinitigan siya sa mga mata. "Sa susunod na pupunta ka ritong nakanoxer baka hindi ako makapagpigil at..." napahinto bigla ako.
"And what?" Tanong niya.
"I'll rape you, Malcolm." Ng sabihin ko iyon ay naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa kaniya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinawakan ang kaniyan alaga. Rinig ko ang mahinang pagmura nito kaya napangiti ako.
"Gusto mo nito diba?" Kahit pikit ang nga mata ko ay kita ko sa aking imahinasyon kung ano ang mga hinahawakan ko. Tumayo ako ng diretso at sinubukang imulat ang mata.
"Malcolm, please sleep with me." Ramdam kong inakay niya ako pahiga sa kama kaya niyakap ko kaagad siya.
"You're drunk Kiro and I don't want to take the advantage." Napangiti ako at sinaklop ang kaniyang pisngi at siniilan siya ng halik sa labi.
"Gusto kita Malcolm!--hmm!" Bigla niyang tinakpan ang bibig ko.
"Marami na ang natutulog Kiro!" Suway nito pero tinanggal ko ang kamay niya.
"Sabi ko gusto kita kaya dito ka lang huwag kang umalis." Napangiti ako at niyakap siya ng mahigpit. Ng maramdaman kong hindi na siya pumapalag ay nakaramdam ako ng ginhawa.
Niyakap ko siya ng mahigpit at sinubsob ko ang ulo ko mula sa kaniyang dibdib.
"I like you Malcolm and I'm scared." Bulong ko sa kanoya at naramdaman ko ang pagtango niya.
"I know," napaalis ako sa pagkasubsob at hinarap siya.
"Hindi ka na galit?" Para akong maamong tuta na humihingi ng tawad sa amo niya. Napatango-tango siya at hinalikan ako sa aking labi.
"Yes I'm not mad." Nagkorte ng ngiti ang aking labi at sinubsob muli ang ulo sa kaniya. Napahikab ako ng marinig ang paghumming niya. Sa paraan ng ginagawa niya ay mas lalo akong nakakaramdam ng antok hanggang sa ilang minuto lang ay naramdaman ko na lang na nakatulog na ako kayakap si Malcolm.
Natutuwa ako sa aking isipan na magkayakap kaming dalawa. Siguradong paggising ko ay mawawala na itong panaginip ko at magigising na naman ako sa katotohanan na galit sa'kin si Malcolm. Okay na rin itong nayayakap ko siya sa panaginip dahil nakakaramdam ako ng kaligtasan.
To be continued...
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe