KIRO
NAPAHILOT NA lang ako sa sentido nang maramdamang ang pananakit niyon. Pinilit kong tumayo kahit pa may kung anong bagay ang nakadagan aa aking tiyan. Pikit pa rin ang aking mata na naglakad pababa sa kusina.
Naghilamos na lamang ako para naman magising ang diwa ko kahit papaano. Ng maimulat ko na ang aking mata ay pilit kong iniisip kung ano ang nangyari kagabi pero wala akong maalala. Ang tanging naaalala ko lang ay nakatitig ako sa kalangitan at ang sumunod na mga nangyari ay hindi ko na matandaan.
Sumasakit pa rin ng kaunti ang ulo ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na magluto ng noodles. Habang abala sa pagpapakulo ng tubig ay binabagabag pa rin ako ng aking isip dahil sa mga sinabi ko kay Malcolm.
"Bakit ba lagi niyang sinasabi na gusto niya ako--" 'di ko na natuloy pa ang aking sasabihin ng may pangyayari ang pumasok sa aking isipan.
"Malcolm, please sleep with me."
"You're drunk Kiro and I don't want to take the advantage."
"Gusto kita Malcolm!--hmm!"
"Marami na ang natutulog Kiro!"
"Sabi ko gusto kita kaya dito ka lang huwag kang umalis."
Natawa ako at napailing.
"Imposible, hindi ako gagawa ng kabaliwan dahil lang sa pugong 'yon." Sambit ko sa sarili. Bigla akong kinabahan dahil sa tuwing naiisip ko ang pangyayaring iyon ay para bang totoo. Napagdesisyunan kong umakyat sa kwarto ko para tignan si Malcolm kung nandoon nga talaga and in just snap of a finger ay napanganga na ako ng tuluyan. Mukhang totoo nga ang panaginip ko.
"Wah!" Napasigaw ako dahilan para bumangon si Malcolm na natataranta.
"What the f*ck?! Why are you shouting?" Galit na saad niya.
"Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Bakit nandito ka?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. This is not real.
"Did you forget what you did to me?" Aniya habang nakataas ang dalawang kilay. "Hindi ako makatulog ng maayos because you keep hugging and kissing me. Kulang na lang ay rapin mo ako, Kiro." Napakagat ako sa ibabang labi at isinara ang pinto dahil sa kahihiyan. Ano ba kasing pumasok sa kokote ko at uminom ako ng alak?!
Napansin kong humukas ang pinto at niluwa niyon si Malcolm na walang pang-itaas. Napalunok ako ng makita ang malusog niyang katawan na kahit pigilan ko ang hindi mapatitig ay sadyang may buhay ang mata ko.
"What's the smell?" Tanong nito. Unti-unti kong narealize ang niluluto ko.
"Niluluto ko!" Natatarantang sigaw ko at dali-daling bumaba sa kusina. Napaubo ako sa amoy ng usok kaya kumuha ako ng tubig at ibinuhos 'yon. Napansin ko na nasa likuran ko si Malcolm habang nakangiti.
"You better learn how to cook, Kiro." Pangangaral niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"At bakit kailangan kong matutong magluto?" Nakapamewang kong sagot sa kaniya at dahan-dahan naman siyang lumapit kaya halos isnag dangkal na lang ay magdidikit na ang labi naming dalawa.
"Because you're my future wife and I'm your husband." Matapang nitong saad. Mabilis na dumapo ang kamao ko sa mukha niya habang kinakagat ang ngipin sa inis pero tumawa lang siya.
"Tumigil ka na sa mga pangtitrip mo Malcolm." Nilagpasan ko na lang siya at nilinis ang mga kalat. Padabog na umakyat ako sa itaas at sinukbit ang bag.
"Are you going now?" Haharang pa sana siya sa dinaraanan ko ng samaan ko siya ng tingin kaya napahinto siya sa kinatatayuan niya.
"Oo kaya magluto ka ng almusal mo." Iritable kong sambit at nagpatuloy na sa paglalakad.
Kainis. Bakit lagi kong nakikita ang mukha niya ng malapitan? At sa tuwig pumapasok sa isipan ko ang malambot niyang labi ay bigla akong pinagpapawisan. Sh*t hindi na maganda ang nangyayari sa'kin.
Halos sa buong klase ay hindi ko magawang makapagfocus lalo na sa nirereport namin ng kagrupo ko. Dahil tuwing dumadapo ang tingin ko kung saan nakaupo si Malcolm ay nakikita ko kung paano niya basain ng dila ang kaniyang labi.
"Mr. Delos Santos," tawag ni miss dahilan para mapatuwid ako ng tayo.
"Yes miss." Nagsalubong ang kilay ni kiss dahil sa sinagot ko. Naramdaman kong sinanggi ni Edmon ang balikat ko habang natatawa.
"Ipaliwanag mo daw yung introduction." Aniya. Bigla akong nataranta at ipinaliwanag ang introduction ng report namin.
Nakahinga ako ng maluwag dahil nasagot ko ang mga binabatong tanong ni miss. Ng matapos ang reporting namin ay nagpaalam ako kay miss para mag cr.
Nagmamadaling pumasok ako sa loob ng cr at naghilamos sa mukha. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na para bang kulang na lang ay kumawala ito sa katawan ko. Ano itong nararamdaman ko? Bakit-- bakit parang hindi ko magawang titigan ng diretso si Malcolm?
Ng marinig ko ang pagbukas ng pinto ay napansin ko si Carson.
"Kiro." Ngiting tawag nito at tila hindi makapaniwala na makita ako. Nakunot ang noo ko dahil hindi naman dito ang building nila.
"Hindi ba't sa kabila ang room mo?" Tanong ko. Magsasalita na sana siya ng may marinig kaming boses sa labas ng cr at papunta iyon dito. Nagulat ako dahil biglang hinatak ni Carson ang kamay ko papasok sa loob ng cubicle at ni'lock iyon.
"Sa tingin mo nandito ba ang kumag na 'yon?"
"Oo boss, nakita kong pumasok dito si Carson." Sagot ng kasama nito.
"Hinayupak talaga ang isang 'yon! Ng dahil sa kaniya ay nakipagbreak ang girlfriend ko t*ng ina!" Galit na sigaw ng lalaki at narinig namin ang malakas na sipa mula sa isnag bagay na tingin ko ay basurahan dito sa cr.
Nakaramdam ako ng kaba dahil rinig kong isa-isa nilang binubuksan ang pinto ng bawat cubicle.
"Ano'ng nangyayari?" Bulong ko kay Carson na nasa harapan ko na ngayon at nakayakap sa'kin dahil sa sikip ng cubicle.
"Ipapaliwanag ko ang lahat mamaya." Aniya.
Napalunok ako ng buksan ng mga hinayupak ang kabilang cubicle at tanging samin na lang ni Carson ang natitira. Ano na ang gagawin ko? Kapag lumabas kami ng cubicle na 'to ay siguradong katapusan ko na at ni Carson. Sh*t.
Ilang segundo na lang ay wala pa ring idea ang pumapasok sa isipan ko. Hanggang sa hinatak ko ang kamay ni Carson at ipinagpalit ang pwesto naming dalawa kaya likuran ko na ang malapit sa pinto ng cubicle. Pansin ko ang pagtatakha sa mukha ni Carson at tila ba iniisip kung ano ang plano ko.
"Sorry." Iyan lang ang nasabi ko at hinalikan na siya sa gilid ng labi para takpan ang kaniyang mukha. Narinig ko ang pagbukas ng pinto dahilan para magulat sila.
"Wah!" Sigaw nilang dalawa at mabilis na isinara ang pinto.
"Wa--wala kaming nakita." Saad ng isang boses at narinig na lang namin ang pagsara ng pinto sa labas ng cr.
Dali-dali akong lumayo kay Carson at bumuga ng malalim na hangin. Magsasalita sana ako para ipaliwanag sa kaniya ang ginawa ko ng makita ang gulat sa mga mata niya.
"W--wala akong choice kung hindi gawin 'yon. Kalimutan mo na lang--" naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong siniilan ng halik sa labi dahilan para manigas ang buong katawan ko.
What the f*ck?!
Mabilis ko siyang hinawakan sa balikat at inilayo sa akin.
"Anong ginawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Bakit bigla niya akong hinalikan?
"Kissing you?" Aniya habang nakangiti dahilan para mas lalong sumingkit ang mga mata nito. Nalaglag panga ako sa sinagot niya. Napaatras na lamang ako at naglakad na palayo. Ramdam kong sinundan ako ni Carson habang nagtatanong ito kung may nagawa siyang mali kaya 'di ko na mapigilan ang mapahinto sa paglalakad at hinarap siya.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon. Paano na lang kung may makaalam?" Napansin kong nawala ang ngiti sa labi niya at lumapit sa akin.
"Makaalam ng ano?" Tila nanigas ako mula sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Malcolm. Lumapit na ito sa amin habang puno ng pagtatanong ang mga mata.
"Wala." Sabay iwas ko ng tingin kay Carson at naglakad na pabalik ng room.
"Wait Kiro--"
"Stop calling his name." Putol ni Malcolm kay Carson na para bang binabantaan ito. Napahilot na lang ako sa sentido at hinatak si Malcolm pabalik ng classroom. Habang nasa loob ng classroom ay kinukulit niya ako kung bakit magkasama kami ni Carson. "Are you two flirting?!" Galit na tanong nito dahilan para mapatingin sa amin ang lahat. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tigilan mo na ang pag-iisip ng kung ano-ano dahil walang nangyari." Inis kong sagot. Napahinto ako sa pagsusulat ng bigla niyang inilapit ang kaniyang bibig sa aking tenga.
"Kapag nalaman ko lang na may nangyayari sa inyong dalawa malilintikan ka sa'kin, Kiro. Hindi mo magustuhan kapag nagalit ako." May pagbabantang aniya. Napapikit ako dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Iminulat ko ang aking mata at nilabanan ang mga titig niya.
"Wala akong ginawang mali kaya tumigil ka na sa mga kabaliwan mo." Sabay ngisi ko at nagpatuloy sa pagsusulat.
Hindi ako mapakali sa buong klase dahil ramdam ko na nakatingin sa akin si Malcolm at binabantayan ang bawat kilos ko. Kahit sa cafeteria ay naabutan ko itong sinusundan ako. Sa tuwing nakikita kong nakatingin siya ay biglang bumibilis ang t***k ng puso ko sa takot.
"Ayos ka lang ba Kiro?" Kunot noong tanong ni Yumiko na nakaupo ngayon sa harapan ko katabi si Rico. Napalunok ako at inisip kung sasabihin ba sa kanila ang ginawa ko.
"Sabihin mo na Kiro paano ka namin matutulungan kung hindi ka magsasalita?" Ngusong pagmamaktol ni Rico.
"Tama siya." Dagdag ni Yumiko. Napabuga muna ako ng hangin at tumingin sa paligid kung nasa paligid si Malcolm kaya ng mapansin kong wala siya ay sumignal ako kay Yumiko at Rico na lumapit.
"H--huwag s--sana kayong magugulat sa sasabihin ko pero kasi..." napakagat ako sa ibabang labi.
"Kasi?" Saad ni Yumiko.
"K--kanina sa cr... Habang nasa cubicle ako nakita ko si Carson." Nauutal kong sambit.
"Kiro!" Inis na sigaw nilang dalawa.
"Hinalikan ko si Carson." Napasinghap silang dalawa at napanganga.
"Nagbibiro ka lang 'di ba?" Sabay tawa ng mahina ni Rico pero umiling ako kaya nawala ang ngiti sa labi niya. Napayuko na lamang ako sa lamesa at ginulo ang buhok.
"Ano ng gagawin ko? Kapag nalaman ng lahat ang ginawa ako baka pagkaguluhan nila ako." Pakiramdam ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko kapag may nakaalam lal ona si Malcolm dahil iba pa naman ang pugong 'yon.
"Ano ba kasing pumasok diyan sa isip mo at nagawa mong halikan si Carson?" Tanong ni Yumiko. Ipinaliwanag ko sa kanilang dalawa ang dahilan kung bakit ko nagawa 'yon.
"Ibig sabihin ginawa mo lang 'yon para umalis ang mga humahabol kay Carson dahil baka madamay ka?" Pagkukumpirma ni Rico na kinatango ko. Narinig ko ang mabigat na pagbuntong hininga nilang dalawa.
"Ano na gagawin mo? May nakakita ba ng ginawa niyong dalawa ni Carson bukod sa mga humahabol sa kaniya?" Napailing naman ako sa tanong ni Yumiko. Napaupo ako ng diresto ng may kamay ang lumapat sa balikat ko.
"M--Malcolm a--anong kailangan mo?" Tanong ni Rico sa taong nasa likuran ko. Umupo naman si Malcolm sa tabi ko habang nakangiti.
"Parang nakakita kayo ng multo, may tinatago ba kayo sa'kin?" Sabay tingin niya sa'ming tatlo. Mabilis akong umiling at tinaboy siya.
"Wala kaya umalis ka na." Sambit ko sa kaniya. Napahilamos na lang ako sa mukha ng dumating na rin ang iba pang kaibigan ni Malcolm.
"Pinilit lang kami." Pagdidipensa ni Vincent ng titigan ko siya ng masama.
"Oo kaya wala kaming magagawa." Dugtong pa ni Michael. Wala na akong nagawa pa kung hindi hayaan silang kumain sa pwesto namin. Hindi tuloy ako makakain ng maayos dahil sa tuwing mauubos ko na ang pagkain ko ay nilalagyan naman ni Malcolm ng laman ang plato ko.
"Ang sweet ni Malcolm."
"Oo lalo na ang hot niya ngayon sa buhok niya." Kinikilig na bulong ng mga babae sa paligid. Hindi ko alam kung maririndi ako dahil sa ingay nila. Bubulong na nga lang ay naririnig pa. Napahinto ako sa pagkain ng makatanggap ako ng text pero ng mabasa ko ang number ay unknown.
Nakunot ang noo ko kaya binuksan ko ang message at nanlaki ang mata ko ng mabasa ang isang text.
'I know what Carson and You did at the cubicle.'
Dali-dali kong tinago sa bulsa ang cellphone kasabay ng pagbilis ng t***k ng puso ko.
"What's wrong?" Kunot noong tanong ni Malcolm.
"W--wala." Tatayo na sana ako pero kaagad hinawakan ni Malcolm ang palapulsuhan ko.
"Where are you going? You're not done eating yet." Napahilamos na lang ako sa mukha at umupo muli. Sino ang nagpadala ng message na 'yon? Wala namang tao roon. Hindi rin ang humahabol kay Carson ang may gawa niyon dahil 'di nila nakita ang mukha ko. Kinakabahan pa rin ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't nandito sila Malcolm. Habang kumakain ako ay panay ang pagvibrate ng cellphone ko sa bulsa.
"Mag-cr lang ako." Saad ko.
"I'll come with you--"
"Hindi na." Putol ko rito. Nagmamadaling dumiretso ako ng cr at tinignan muna ang paligid kung may tao. Ng wala naman ay nakahinga ako ng maluwag at naghugas ng kamay. Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko na kinuha ang cellphone mula sa bulsa at binasa ang iba pang text.
'Meet me at the rooftop.'
'Don't be late or I'll expose what you did Kiro'
Napakagat ako sa ibabang labi dahil sa inis. Ano ng gagawin ko? At pinagbabantaan niya pa talaga ako? Napakuyom ako sa inis. Nagreply naman ako at nagsimulang umakyat papunta sa rooftop.
Pagkaakyat ko sa itaas ay wala akong nakitang tao pero isang cellphone ang nakita ko na nakapataong sa isang upuan kaya lumapit ako at binuksan iyon. Napadiin ang hawak ko roon ng makita ang litrato namin ni Carson.
"Nagustuhan mo ba?" Saad ng isang boses mula sa likuran ko. Biglang nakaramdam ako ng kaba ng marinig ang boses na iyon dahil kilala ko kung sino 'yon. Pero imposible. Dahan-dahan akong napaikot ng tingin at biglang nabitawan ko ang cellphone ng makita siya.
"E--Edmon?" Bakas sa mukha niya ang saya.
"Ako nga, Kiro." Aniya at naglakad papalapit sa akin kasabay ng pagbulong. "Hindi ko alam na two timer ka na pala." Sarcastic na sambit nito.
"A--ano'ng p--pinagsasabi mo--"
"Stop acting like innocent!" Galit na sigaw niya at hinawakan ang balikat ko ng madiin. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin at ramdam ko iyon.
"Bakit mo ginagawa sa'kin ito? Hindi totoo ang lahat ng nasa litrato dahil mali ang iniisip mo!" Inis na singhal ko dito. Nilabanan ko ang mga tingin niya dahil alam kong wala akong ginawang mali.
"Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito huh? Ng dahil sa'yo Kiro kaya ako naiinis ng ganito!" Nanlaki ang aking mata ng marinig ang sinabi niya.
"B--bitawa mo ako Edmon--"
"No! Hindi ka aalis dito hanggang hindi pa tayo tapos mag-usap." Nanlilisik ang mga mata nito. Itinulak ko siya at mabilis na sinuntok sa mukha.
"Baliw ka na." Nakita ko ang mahinang pagtawa niya kasabay ng pagpunas sa gilid ng labi. "Tigilan mo na ang mga kabaliwan mo Edmon." Maglalakad na sana ako papalayo ng marinig muli ang sinabi nito.
"Fine! Umalis ka! Dahil once na umalis ka ay siguradong pagsisisihan mo ang ginawa mo. Ikakalat ko sa buong campus kung sino ka nga ba talaga." Pagbabanta niya. Napakuyom ako sa inis at hinarap siya. Ng susuntukin kong muli siya ay pinakita niya sa akin ang litrato namin ni Carson. "Hindi ka ba natatakot kapag nalaman ni Malcolm ang ginawa mo? Siguradong kakamuhian ka niya Kiro at lahat ng nasa campus." Kasabay ng pagtawa nito kaya hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko at kinuwelyuhan siya.
"Ano ba ang kailangan mo?!"
"Gusto kong busted-in mo si Malcolm at ako ang sagutin mo, Kiro." Aniya. Mas diniinan ko ang pagkakahawak sa kwelyo niya dahil nagpipigil lang akong suntukin siya.
"Baliw ka na talaga! Hindi ko alam na ganito ka kadesperado."
"Yes I'm desperate! And I'll admit it. That's why I want you to be mine." Sabay ngiti nito. Nanghina na ako ng tuluyan at binitawan siya. Unti-unti ng bumagsak ang luha sa mga mata ko.
"Ano ba ang kasalanan ko at ginagawa mo 'to?!"
"Because all your attention was on him!" Napapikit siya ng mariin at niyakap ako ng mahigpit. "And Carson like you too that's why it's hard for me to get close to you." Itinulak ko siya papalayo sa akin at pinunasan ang mga luha ko.
"Stop this nonsense Edmon." Kasabay ng pagtalikod ko sa kaniya.
"Mapupunta ka rin sa'kin Kiro at sinisigurado ko 'yon!" Sigaw nito sa galit at rinig kong pinagsisira niya ang mga bagay na nakikita niya.
Habang nasa hagdan ay napahawak na lang ako sa ulo ko at napaupo. Pilit kong iniisip ang mga nangyari ngayon pero pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat.
"Kiro." Tawag ni Malcolm sa pangalan ko kaya napaangat ako ng tingin. Nakangiti ito na parang may nangyaring maganda. "Kanina pa kita hinahanap because you said that you'll just go to the restroom." Ano ang sasabihin ko sa kaniya? Paano kapag nalaman niya ang tungkol sa nangyari kay Carson at sa akin? At na lang kapag nalaman din niya na ang isa sa kaibigan niya ay may nararamdaman sa akin?
Alam mo iyong pakiramdam na akala mo ay nagtaksil ka sa nobyo mo kahit wala naman kayo. Nakokonsensiya ako dahil sa ilang buwang nakasama ko si Malcolm ay mas lalo ko siyang nakikilala. Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko kaya ayaw ko pang aminin ang lahat.
Ng makita ko si Edmon na dumaan sa likuran ni Malcolm ay huminto at tumitig sa aming dalawa ng walang emosyon. Ang singkit nitong mga mata ay pumupungay. Hangga't maaga ay kailangan kong pigilan si Edmon sa nararamdaman niya sa'kin. Mabilis kong niyakap si Malcolm at hinalikan sa gilid ng labi. Napansin ko ang gulat sa mga mata ni Malcolm dahil hindi niya inaasahan ang ginawa ko.
Kita ko kung paano gumalaw ang panga ni Edmon at kumuyom sa galit. Tila ba nababalutan ng itim na aura ang paligid niya at anumang oras ay sasabog siya sa galit. Pero nilagay lamang niya ang kaniyang kamay sa bulsa ng pantalon at naglakad paalis. Mabilis akong kumawala sa paghalik kay Malcolm at ang bilis ng bawat paghinga ko.
"Tara na-- teka ayos ka lang ba? Bakit namumula ka?" Bakit namumula siya?
"D--did y--you kiss me?" Unti-unti kong narealize kung bakit siya namumula at kung ano ang ginawa ko. Napakagat ako sa ibabang labi at umiwas ng tingin.
"Matatapos na ang lunch break tara na." Sabay hatak ko sa kamay niya. Pagkarating sa pwesto namin ay naroon na si Edmon kausap si Michael at Oliver na parang walang nangyari.
May parte sa akin ang natatakot sa pagbabanta niya na ipapakita kay Malcolm ang litrato. Ng dumapo ang singkit nitong mata sa akin kaagad akong bumulong kay Malcolm.
"Tumawa ka na lang." Utos ko sa kaniya. Nakunot ang noo niya at tumawa ng pilit. Aish! Dapat pala hindi ko na lang sinabi iyon dahil ako lang din ang napahiya. Hindi pala marunong umarte ang pugong 'to.
Ilang minuto na lang ay matatapos na ang lunch break at pakiramdam ko ay hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa bawat galaw ko ay pansin kong nakatingin sa akin si Edmon. Itinaas niya ang cellphone at ng bubuksan iyon ay kaagad akong napatayo dahilan para mapatingin silang lahat. Magsasalita na sana ako ng tumunog ang bell.
"Tapos na ang lunch kailangan na natin bumalik sa room may quiz sa next subject." Pagdadahilan ko sa kanila.
"Sabi ko na parang may nakalimutan ako! Nalimutan kong magreview!" Natatarant sigaw ni Vincent.
"G*go hindi ka naman nagrereview huwag kang hangal." Nagtawanan kami sa sinagot ni Michael.
"Tumigil ka na tanda, tara na nga Edmon kokopya na lang ako sa'yo tutal matalino ka naman." Sabay kindat nito. Walang emosyon na tumango si Edmon pero ramdam kong sa akin siya nakatingin.
"Pakopya din ako." Sabat ni Oliver.
Hindi na ako komportable kaya nagsabay na kami ni Malcolm bumalik sa classroom. Maraming mga estudyante ang napapatingin sa amin pero lutang ang isip ko ngayon kaya hindi ko sila natapunan ng tingin. Mas mabuti sigurong sabihin ko na lang kay Malcolm ang lahat kesa sa iba niya pa malaman.
Sorry Malcolm.
To be continued....
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe