KIRO
KANINA PA ako pabalik-balik nang lakad sa harap ng pinto ni Malcolm at naghahanap ng sasabihin tungkol kay Edmon. Pero sa tuwing nakakaisip ako ay biglang pumapasok sa isipan ko ang magiging resulta niyon at siguradong hindi magiging maganda 'yon. Magkakalamat ang pagkakaibigan nila ng dahil lang sa isang problema. Napamura na lang ako at napagdesisyunan na pumasok ng kwarto pero napahinto ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ni Malcolm.
"Kiro? Kanina ka pa nandiyan may kailangan ka ba?" Napatayo ako ng diresto at ngumiti na parang ewan.
"W--wala." Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ng bigla niyang hinatak ang kamay ko at may kung anong bagay siyang nilagay sa kamay ko. Isang bracelet na may nakaukit na pangalan niya. Napakunot ang aking noo hababg tinititigan ang bracelet. "P--para s--saan ito?"
"You're special to me, Kiro." Aniya habang masaya ang mga mata. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at ramdam ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Pinilit kong hindi ipakita sa kaniya ang tensiyon na nararamdaman ko.
"A--ano ba ang pinagsasabi mo?" Unti-unting tumikom ang aking bibig ko ng ilahad niya sa harapan ko ang isa pang bracelet na may pangalan ko.
"I bought this too for me." 'di ko na mapigilan pa ang mapangiti. "Did you like it?" Nakangiting saad nito at siguradong napansin din niya ang pagngiti ko. Dali-dali akong nagseryoso.
"Bahala ka sa buhay mo." Sagot ko at pumasok na sa loob ng kwarto. Pagkasara ko pa lang ng pinto ay parang may fireworks na ang sumabog sa aking tiyan sa sobrang tuwa. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko noon pero ngayon ay kakaiba na ang epekto ni Malcolm sa akin. He care always about me kahit na pinagtatabuyan ko siya. Ng makita kong muli ang bracelet na ibinigay ni Malcolm ay kusang nagkorte ng ngiti ang aking labi.
"Psh! Childish." Naiiling kong saad at humiga na sa aking kama para maghanda sa pagtulog.
Kinaumagahan ay nauna na akong pumasok kay Malcolm dahil pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang harapin. Ewan ko ba kung bakit naiilang akong makita siya at makasabay. Habang nasa bus ay hindi ko maiwasan mapatitig sa bracelet na binigay nito kagabi sa akin. Dahil lang sa bracelet na 'to ay anong oras na ako nakatulog.
Pagkarating ng school ay kaagad akong dumiretso ng faculty para kausapin si sir na hindi ako makakasama sa camping. Noong mga araw na hindi ako nakapasok dahil hinanap ko si Malcolm ay nagkaroon pala ng announcement tungkol sa camping at nasabi lang sa akin ni Rico iyon kagabi dahil this weekends na ang alis. Alam di naman ni Rico na hindi ako mahilig sumama sa mga ganitong bagay dahil aksayado lang sa pera. Pinilit pa ako ni Rico na siya ang magbabayad pero tumanggi na ako.
"Sigurado ka na bang hindi ka makakasama?" Bakas sa mukha ni sir ang pag-aalinlangan dahil siguro ay alam niya rin ang dahilan ko. Nakangiting tumango naman ako at inabot sa kaniya ang papel ng letter kung bakit ako hindi makakasama.
"Sorry sir."
"Alam mo naman na minsan lang mangyari ang mga ganitong bagay kaya kung magbabago ang isip mo ay nandito lang ako." Napayuko naman ako bilang pasasalamat.
"Salamat sir."
Ng matapos na akong makipag-usap kay sir ay sakto namang pagtunog ng bell na hudyat na start na ang klase. Naglakad na ako pabalik sa classroom pero napahinto ako ng may mapansin na tao ang papunta sa pwesto ko habang tagaktak ang pawis sa noo nito.
"Bakit hindi mo ako hinintay?" Hinihingal na saad nito habang nakataas ang dalawang kilay. Napangisi naman ako at pinitik ang noo niya. "Ouch! Why did you do that?!"
"Para magising ka baka tulog ka pa eh." Sabay ngiti ko at inunahan na siyang maglakad. Marami ang napapatingin sa aming dalawa at tila kinikilig pero may iba ring nagtatakha sa kinikilos naming dalawa ni Malcolm. Kulang na lang ay bumulagta ako sa mga titig nila.
"Kaya naman pala umalis kaagad ng room ay hinanap pala ang prince charming niya." Insulto na sambit ni Vincent habang nakangiti ng nakakaloko kay Malcolm. Mabilis naman siyang sinuntok ni Malcolm sa braso.
Umupo na ako sa pwesto ko at hinanda ang mga gamit hanggang sa nagsimula na ang klase ng dumating na si sir. Diniscuss din nito ang tungkol sa camping kung may gusto pa raw magpalista.
"Mr. Delos Santos." Tawag ni sir sa pangalan ko kaya napatayo ako.
"Yes sir."
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Nalaman ko sa adviser niyo na hindi ka makakasama." Napatango naman ako rito. Marami ang mga nagbulungan sa paligid at siguradong nagtatakha dahil sa pagtanggi ko sa camping. "Kung iyan ang desisyon mo ay wala na akong magagawa nagbabakasali pa naman ako na makakasama ka para ikaw ang mag-assisst sa mga kaklase mo." Tanging ngiti lang ang isinagot ko kay sir dahil hindi na mababago pa ang desisyon ko.
Ilang minuto rin ng matapos na ang klase at sa lumipas na oras ay wala ng prof ang dumating dahil naghahanda na ang mga ito. Nabalitaan din namin sa presidente ng class na may meetings ang lahat ng mga teachers sa buong campus.
Napatingin ako sa likuran para tapunan ng tingin si Malcolm pero nawala na siya sa upuan niya. Nakunot ang aking noo ng maisip kung saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon.
"Hinahanap mo ba si Malcolm?" Saad ni Oliver habang nakangiti ng malapad. Bigla akong nataranta kasabay ng pag-iling.
"Hindi." Sagot ko kasabay ng pag-iwas ng tingin.
"Kiro alam mo naman na pwede mong hiramin ang pera ko tapos bayaran mo na lang ako kapag may pera ka na." Pagpupumilit ni Rico pero umiling naman ako.
"Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganiyan tsaka nagbabalak rin akong maghanap ng trabaho this weekends. Malcolm din ang dahilan kaya hindi natuloy ang paghahanap ko ng trabaho." Bigla siyang natawa ng maalala niya ang nangyari. Naikwento ko kasi sa kaniya ang nangyari ng mga araw na 'yon at epic 'yon. Ilang minuto lang ng tumunog na ang bell na hudyat ng lunch break.
Inanyayahan ko na lang si Rico na kumain sa cafeteria kasama si Yumiko. Habang abala sa pagkukwentuhan silang dalawa ay sakto namang pagdating ni Malcolm kasama ang mga kaibigan niya.
"Mukhang masarap ang kain niyo ah." Sambit ni Vincent kasabay ng pag-akbay sa akin. Masama naman siyang tinitigan ni Malcolm kaya tinanggal niya kaagad ang kamay niya na naka-akbay. "Ito na nga tinatanggal ko na." Sukong sagot nito.
"Kung gusto mo pang sikatan ng araw ay huwag mong idadampi iyang kamay mo kay Kiro." Sabay ngisi ni Michael.
"Oo na kaya tumigil ka na tanda." Natawa naman kami bigla dahilan para sumabog sa inis si Michael at hinabol si Vincent. Naiiling na lang kaming lahat kasabay ng pag-upo ni Malcolm sa tabi ko. Napaatras naman ako pero inurong niya lang muli ang upuan niya patabi sa akin.
"Umusog ka nga." Pagmamakatol ko rito. Hindi kasi ako sanay na magkatabi kaming dalawa lalo na't maraming mga estudyante ang tumitingin sa amin.
"Alam mo marami na ang estudyante ngayon ang nagtatakha kung ano ang mayroon sa inyong dalawa, are you two dating?" Kunot noong tanong ni Yumiko.
"No/Yes." Sabay na sagot namin ni Malcolm at sinamaan ko naman siya ng tingin pero nginitian niya lang ako.
"Tama na iyan baka mag-away na naman kayong dalawa." Pigil ni Michael.
"Oo nga pala bakit hindi ka sasama sa camping?" Napatingin naman ako kay Oliver ng magtanong ito.
"Hayaan mo na mukha namang hindi papayag si Malcolm na-- hmm!" Hindi na natuloy pa ni Vincent ang sasabihin ng takpan ni Malcolm ang bibig niya. Nagdikit ang noo ko ng makitang may ibinulong si Malcolm kay Vincent dahilan para tumango-tango ito. May kutob akong tinatago sila sa akin dahil sa halos lahat sila ay umiiwas ng tingin pero si Edmon naman ay walang emosyon lang na nakatingin.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain hanggang sa natapos na ako at nagpaalam sa kanilang mauuna na akong umakyat sa room dahil may nalimutan akong kunin. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad kaagad sa akin si Kimberly.
"K--kiro bakit nandito ka?" Ngiting aniya.
"May nakalimutan lang akong kunin." Napatang-tango naman siya.
"Ganoon ba, sige mauuna na ako." Pagpapaalam niya at nagmamadaling naglakad paalis. Bakit nandito sa room namin si Kimberly eh sa kabilang building pa ang room niya? Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso na sa upuan ko para kuhanin ang cellphone at bracelet para isuot pero pagbukas ko ay nakatanggap ako ng text galing kay Jane. Gusto nitong magpasama sa akin sa mall para bumili ng mga gamit niya dahil nahihiya raw siya sa magulang ni Rico at ito pa ang bumibili ng mga suot niya. Natatawang nailing na lang ako dahil ngayon ko lang napagtanto na marunong pala siyang mahiya.
"Kiro." Napaikot ako ng tingin ng may tumawag sa pangalan ko and it's Carson.
"Carson bakit nandito ka? I--iyong t--tungkol nga pala--"
"It's okay I understand. Ako nga ang dapat humingi ng sorry dahil sa ginawa ko." Sabay kamot nito sa kaniyang batok. Napatango-tango naman ako. "Gusto ko rin sanang itanong kung sasama ka sa camp?" Umiling naman ako sa tanong niya.
"Hindi." Magsasalita pa sana siya ng biglang dumating si Malcolm at pumagitna sa aming dalawa.
"Let's go?" Napatango naman ako sa alok ni Malcolm. Napansin ko ang masamang tingin ni Malcolm kay Carson kaya hinatak ko na ang braso niya paalis. Kahit kailan talaga hindi sila magkasundo dalawa.
"Mauna na kami." Pagpapaalam ko kay Carson at nakangiting tumango naman siya. Nagmamadaling hinatak ko si Malcolm pabalik ng cafeteria tutal ay hindi pa naman tumutunog ang bell kaya 'di pa tapos ang lunch break.
"Why are you two talking?"
"Napadaan lang." Tipid kong sagot. Magtatanong pa sana siya pero kaagad kong ipinakita sa kaniya ang suot kong bracelet. Kaya ang masungit nitong mukha ay umaliwalas. "Suot ko na ang bigay mo kaya huwag ka ng magtanong pa." Sabay iwas ko ng tingin. Pinigilan ko ang hindi mapangiti dahil bakas sa mukha ni Malcolm ang saya kahit maliit na bagay lang ang ginawa ko.
Ng makabalik na kami ay nagulat sila Rico at ang iba bakit bumalik pa raw ako sa canteen. Sinabi ko naman na nauhaw lang ako kaya kinailangan kong bumili ng tubig. Napatango-tango naman silang lahat hanggang sa natapos na ang lunch break kaya sabay-sabay kaming bumalik ng classroom. Naramdaman ko na lang ang pagbunggo ni Edmon sa balikat ko at mukhang hindi naman napansin nila Malcolm iyon. Tinitigan ko naman siya at napansin kong may ibinulong ito kay Malcolm kasabay ng pagtapik sa balikat. Hinatak ko naman si Malcolm at pinauna na sila pabalik ng classroom.
"Sigurado ka ba?" Tanong ni Rico at nakangiting tumango naman ako. Nagpaalam na sila habang may mga ngiti sa labi na may panunukso.
"Gusto mo ba akong masolo? Pwede naman natin gawin mamaya ito sa bahay hindi dito Kiro." Naiilang na saad ni Malcolm at hindi makatingin ng diretso sa akin. Pinitik ko naman ang ilong niya. "Ouch! What was the for?"
"Iba ang gusto kong sabihin hindi iyang iniisip mo." Napakamot naman siya sa batok. Niyaya ko si Malcolm paakyat sa rooftop dahil wala naman masyadong estudyante doon dahil tapos na ang lunch break.
"Bakit nandito tayo?" Kunot noong tanong niya.
"May gusto sana akong sabihin sa'yo at kahit ano man ang mangyari ay hindi ka magagalit sa'kin maliwanag?" Mas lalong kumunot ang noo niya kaya lumapit na ako at hinawakan ang kamay niya. "Ipangako mo na hindi ka magagalit." Pagpupumilit ko at ngumiti naman siya kasabay ng paghawak rin sa aking kamay.
"I don't know Kiro but I'll do everything not to get mad at you." Unti-unti ko ng naramdaman ang pagbilis ng t***k ng puso ko sa kaba. May parte ang pumipigil sa akin na hindi sabihin sa kanya ang lahat pero mas pinili ko pa rin ang hindi siya masaktan.
"Malcolm gusto ko sanang sabihin--" napahinto ako sa pagsasalita ng biglang tumunog ang cellphone ni Malcolm sa bulsa.
"Vincent is calling." Aniya. Ngumiti naman ako at tumango. Sinagot kaagad nito ang tawag at lumayo sa akin ng kaunti. Nakatayo lamang ako habang hinihintay si Malcolm na matapos ang pag-uusap nila ni Vincent. Napansin ko ang biglang pagkalito sa mga mata ni Malcolm kasabay ng pagpatay ng tawag. May kinalikot siya sa kaniyang cellphone hanggang sa naramdaman ko na ang takot. Nakakuyom itong lumapit sa akin habang ang mga mata ay galit na galit.
"Malcolm--"
"What does this mean?" Galit na tanong niya at ipinakita sa akin ang litrato. Nanlaki ang mata ko ng makita ang litrato namin ni Carson sa cr kung saan hinalikan ko siya. "KIRO ANSWER ME!" At unti-unti na ngang bumagsak ang luha sa aking mata at napayuko. Ito na nga ang bagay na kinatatakutan ko. Ang malaman ni Malcolm ang lahat.
"Ipapaliwanag ko ang lahat--"
"No I don't need your explanation Kiro, you are just like them. Mga manloloko." Ramdam ko ang galit sa boses ni Malcolm dahil sa nalaman niya hanggang sa tuluyan na siyang umalis at iniwan akong mag-isa sa rooftop. Napaupo na lang ako sa isang bench at tinakpan ang aking mukha. Napahagod na lang ako sa buhok dahil sa frustration na nararamdaman. Napatingin ako sa dinaanan ni Malcolm at may kung anong parte sa akin ang nasaktan.
Napabuntong hininga na lamang ako para pigilan ang pagluha at tumingin sa langit. Huwag kang umiyak Kiro kaya mo ito kailangan mo lang ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Mahigit ilang minuto rin akong nakaupo doon at napagdesisyunan ko ng tumayo para bumalik ng classroom. Halos lahat ng mga mata sa paligid ay sa akin nakatingin at sa tuwing dumaraan ako sa harapan nila ay kaagad silang umiiwas na akala mo ay may nakakahawa akong sakit.
"Myghad! Nilalandi na nga niya si Malcolm pati pa namanang varsity player na si Carson?"
"Two timer pala siya."
"Impyernes gwapo rin naman si Kiro kaya posibleng magustuhan siya ni Carson pwede naman ako ghurl bakit siya pa?" Bulungan ng estudyante sa paligid.
Nagulat ako ng biglang dumating si Yumiko at Rico. Halata sa mukha nila ang pag-aalala dahil siguradong nalaman na nila ang tungkol sa litrato na kumakalat ngayon sa buong school.
"Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Yumiko.
"Nakita namin iyong litrato." Saad naman ni Rico. Napangiti ako para ipakita sa kanila na ayos lang ako. "Ano ang balak mong gawin? Pinagkakaguluhan ka na nila." Tinapik ko ang balikat ni Rico.
"Ayos lang ako kaya hindi niyo na kailangan pang mag-alala." Ngumiti ako ng pilit at tuluyan ng bumalik ng classroom.
Hindi ako makatakas sa mga tinginan ng buong klase kaya nakinig na lang ako at itinuon ang atensiyon. Hanggang sa buong klase ay wala si Malcolm pati ang mga kasama niya pwera lang kay Edmon na abala sa pagbabasa ng libro. Ng matapos na ang buong klase ay nag-alisan na ang iba kong kaklase.
"Mauna ka na Rico." Saad ko sa kaniya. Nakangiting tumango naman siya at tinap ang balikat ko. Hinatak na niya si Yumiko na nagpupumilit pa na hintayin ko. Ng mapansin kong wala ng estudyante ang natitira ay dahan-dahan akong lumapit kay Edmon. Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin at isusukbit sana ang bag ng pigilan ko siya.
"Ikaw ba ang nagkalat ng litrato?" Mahinahon kong tanong. Napatingin na rin siya sa akin ngunit walang emosyon ang mga mata nito.
"What do you think?" Ngising aniya. Di ko na mapigilan pa ang mainis kaya sinuntok ko siya sa mukha at nagdugo naman ang gilid ng labi nito.
"Ano ba ang problema mo Edmon? Hindi ka naman ganito." Pinunasan niya ang gilid ng labi pero imbes na sapakin niya rin ako pabalik ay tanging ngisi lang ang ginawa niya.
"Sa tingin mo, kapag gusto mo ang isang tao magagawa mo rin bang ipahamak siya?" Aniya dahilan para makunot ang noo ko. Bigla akong naguluhan sa sinabi niya at natameme. Isinukbit na rin niya ang kaniyang bag at naglakad na paalis. Ano ang ibig sabihin ng sinasabi niya?
Hanggang sa pag-uwi ay binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Edmon. Akala ko ay galit lang siya sa akin kaya nasasabi niyang gusto niya ako pero nagkamali ako. Dahil ramdam kong nasaktan siya ng maniwala ako na siya ang nagpakalat ng litrato.
Pagkarating sa bahay ay sumalubong kaagad sa akin ang dilim at tahimik na paligid. Ng buksan ko ang ilaw ay may napansin akong tao sa kusina.
"Malcolm?" Tawag ko at lalapit na sana pero bigla itong naglaho. Napabuntong hininga na lamang ako at nagluto ng hapunan. Kahit hanggang sa pagkain ay naririnig ko ang maingay at nakakarinding boses ni Malcolm sa paligid kaya hindi ko na lang pinansin dahil alam kong imahinasyon ko lang iyon.
Ng matapos na akong kumain ay bumukas ang pinto at niluwa niyon si Malcolm. Napangisi naman ako dahil kahit pala sa imahinasyon ay mukha siyang totoo.
"Bakit laging ikaw na lang ang nakikita ko?" Mahinang bulong ko pero alam kong narinig niya iyon.
"I'm here to take all my things." Malamig nitong saad kaya napatuwid ako ng tayo at hindi makagalaw sa kinatatayuan ko hawak ang platong pinagkainan. Naglakad nama siya paakyat sa itaas kaya nailing na lang ako.
"Imahinasyon mo lang iyon Kiro." Bulong ko sa sarili at nilagay ang plato sa lababo pero napahinto ako ng marinig ang yabag ng paa kaya mabilis akong humarap. Unti-unti kong narealize na hindi siya imahinasyon kung hindi siya talaga si Malcolm.
"I'm leaving." Lalabas na sana siya ng bigla kong pigilan siya sa kamay.
"Wait." Pigil ko dito at napahinto naman siya. "Please pakinggan mo muna ang sasabihin ko bago ka umalis kahit ilang minuto lang." Tinanggal naman niya ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. "Alam kong nakita mo ang litratong kumakalat ngayon pero maniwala ka, hindi ko intensyon na gawin iyon dahil--"
"I know now so you don't need to explain, everything is just one sided love." Tatalikod na sana siya para umalis pero nilakasan ko na ang loob ko para masabi ang nararamdaman ko din.
"Wala lang sa akin iyon dahil ikaw ang gusto ko Malcolm. I like you." Pag-aamin ko sa kaniya. Ramdam ko ang paggaan ng nararamdaman ko dahil nasabi ko rin ang bagay na kinatatakutan ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa nito at bakas roon ang sarkastiko.
"Maybe if I heard that in the beginning I might be happy but I know it's just a lie too because you're guilty Kiro." Naiiling nitong sagot. Ngayon ay alam kong galit na siya sa akin dahil kahit banggitin ko ang mga salitang iyon ay hindi na niya pinaniniwalaan pa.
Hindi ko na siya pinigilan pang umalis at napaupo na lang ako sa sofa habang nakatakip ang mga kamaysa mukha. Ano na ang gagawin ko? Ipinaliwanag ko naman sa kaniya ang lahat pero mukhang hindi pa rin siya na niniwala sa mga sinasabi ko?
Halos buong gabi ay hindi ako nakatulog dahil nasasaktan pa rin ako sa pag-alis ni Malcolm. Pakiramdam ko ay wala na akong magagawa pa dahil galit na siya sa akin at siguro'y kinamumuhian niya ako. Kumuha na lang ako ng isang bote ng alak at uminom mag-isa habang pinapanood ang television. Imbes na matawa ako ay hindi ko magawa.
Napahinto ako sa pag-inom ng makatanggap ako ng text galing kay Yumiko. Litrato iyon ni Malcolm kasama sila Vincent habang katabi ni Malcolm si Kimberly at halos lahat sila ay nagsasaya.
'Did you two fight? If you want to talk someone I'm here Kiro nandito lang kami ni Rico tandaan mo 'yan.' Napangiti ako kahit papaano sa natanggap na text galing kay Yumiko.
'Salamat Yumiko.'
Nagpatuloy na lamang ako sa pag-inom hanggang sa nakaramdam na ako ng pagka-antok at umiikot na ang paligid ko. Umakyat na ako sa itaas para maligo para mahimasmasan kahit papaano. Pero ng maisuto ko na ang suot kong boxer ay bigla akong nakaramdam ng antok kaya hindi na ako nagsuot pa ng damit at nahiga na lang sa kama. Isa lang naman ang gusto ko, iyon ay ang paniwalaan niya ang sinasabi ko. Dahil sa alak ay napawi ang sakit na nararamdaman ko.
"Sleepwell Kiro..." bulong ng britonong boses sa aking tenga kaya naramdaman ko na lang na nakatulog na ako ng mahimbing.
To be continued...
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe