Chapter 16

3592 Words
KIRO NARAMDAMAN KO na lang ang malamig na bagay sa aking noo kaya dahan-dahan akong napadilat at unti-unti kong narealize na may bimpo palang nakapatong dito. Tatayo na sana ako pero nabigo lang ako dahil sa biglang pagkahilo. "Mabuti naman at gising ka na." Napatingin ako sa boses na nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino siya. "Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya at ngumisi naman siya. "Ganiyan ka ba magpasalamat sa mga tumutulong sa'yo?" Naiiling nitong saad. Teka, siya ba ang bumulong sa akin kagabi? "T--teka p--paano ka nakapasok?" Hindi ko maiwasan ang mautal. Napatingin ako sa sarili ko at ngayon ay napansin ko ng nakasuot ako ng damit. "Sinuotan mo ba ako? Imposible baka ako ang nagsuot sa sarili ko." Natatawa kong sabi. Tama, nagsuot ako ng damit hindi ko lang matandaan. "Yes, ako ang nagsuot ng damit sa'yo." Naglaho ang ngiti sa labi ko at nalaglag panga na hinarap siya. "What the f*ck?!" Ibig sabihin nakita niya ang katawan ko? "Tsk, huwag kang mag-alala dahil wala naman akong ginawang kababalaghan sa'yo." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi dahil naalala ko bigla noong nalasing ako ay may kung anu-ano akong sinabi kay Malcolm kaya natakot na akong may makakita sa akin na lasing ako. "Salamat." Inabot naman niya sa akin ang mangkok na may lamang lugaw. "You had a fever last night." Aniya. Napasandal naman ako sa pader habang hinihilot ang sentido para kahit papaano ay mawala ang kirot. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung paano ka nakapasok dito sa bahay?" Sa pagkakaalala ko ay ni'lock ko ang pinto pagkatapos umalis ni Malcolm. "You're not feeling well yesterday that's why I followed you up to here in your house. I used my pin to open your door." Sabay tawa niya ng mahina kaya mas lalong sumingkit ang mga mata nito. Napabuntong hininga naman ako at nagpasalamat sa kanya. Nakakahiya dahil sinapak ko pa siya kahapon kaya naguilty bigla ako sa ginawa ko. Hindi ko naman alam kung sino ang nagpost ng litrato kaya wala akong pruweba. "Sorry ulit sa ginawa ko kahapon dahil sinisi kita." Paghihingi ko ng paumanhin habang kumakain ng lugaw na gawa niya. "It's okay I understand. Siguro kung ako rin ang nasa position mo ay gagawin ko rin iyon but I didn't intend to hurt you Kiro." Hindi ko alam pero ngayon ay parang ibang Edmon ang nasa harap ko. Weird. Habang kumakain ay nakaupo lang sa silya si Edmon habang pinapanood akong kumain. Napahinto ako sa pagkain ng marinig ang isang sigaw mula sa pintuan. "Kiro!" Sigaw ni Rico habang katabi naman nito si Yumiko. "P--paano niyo nalaman--" di ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng suntukin ako sa braso ni Rico ngunit hindi naman ganoon kalakas. "Hindi mo sinabi na may lagnat ka ngayon at si Edmon pa talaga ang nagsabi sa amin." Saad ni Yumiko kaya napatingin ako kay Edmon pero tanging ngiti lang ang isinagot nito kaya wala na akong magagawa pa dahil nandito na sila. "Nagdala na rin kami ng pagkain at naipaalam ka na namin sa ibang prof. na hindi ka makakapasok." Napatingin ako sa orasan at ilang oras na pala akong natulog at tinanghali ng gising. "Naisipan namin ni Yumiko na hindi muna pumasok sa ibang subject tutal nagkaroon ng meetings ang lahat ng teacher." Sambit ni Rico na kinatango ko. "Papunta na rin si Jane dito at mukhang nagalit dahil hindi mo sinamahan sa mall." Natatawang dagdag nito. Mahigit ilang oras rin kaming nag-usap nila Rico at Yumiko habang si Edmon naman ay nagpresenta na magluto ng tanghalian namin. Dumating rin si Jane at nagtatampo pero mukhang naiintindihan naman niya ang sitwasyon ko ngayon. "Salamat." Sagot ko. "Lunch is ready." Napatingin kami sa pinto ng marinig ang boses ni Edmon. "Pinsan pakilala mo naman ako diyan sa gwapo mong kaibigan." Kinikilig na bulong ni Jane sa akin. Natawa naman ako at tumango. Habang kumakain ng tanghalian ay panay ang kulit ni Jane kay Edmon kaya natatawa na lang kami. Ng mapansin kong naiirita na si Edmon ay pinalipat ko ito ng upuan at tumabi sa akin. "Kamusta ka nga pala sa bahay nila Rico?" Tanong ko kay Jane at natatawang kumakamot naman siya batok. "Masaya naman pero nakatanggap ako ng text galing kay mom at gusto na niya akong pauwiin ngayong sabado." Aniya. "Sa wakas mababaling na muli sa akin ang atensiyon ni mom at dad." Masayang sagot ni Rico kaya napailing naman ako. Tahimik na kumain na lang ako habang nag-uusap sila at napansin ko si Edmon na tahimik sa tabi ko. Napatikhim naman ako kaya napaangat siya ng tingin kasabay ng pagngiti. "I'm just thinking who post that photo." Napangiti naman ako at tinapik ang balikat niya. "Salamat." Napansin ko ang gulat sa mata ni Edmon at ngayon ko lang napagtanto na natahimik din sila Yumiko sa ginawa ko kaya naupo bigla ako ng maayos at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto rin kaming nag-usap habang kumakain hanggang sa nagpaalam na si Jane para mag-ayos ng mga gamit niya. "Sigurado ka bang uuwi ka na?" Nag-aalangan kong tanong dahil hindi pa siya tumatagal dito sa pilipinas. Natawa naman ito kasabay ng pagtango. "Kilala mo naman si dad at mom masyadong over protective." Aniya. Nagulat ako ng bigla nitong tinap ang balikat ko at ngumiti. "Bakit ba ang suwerte mo? May Malcolm ka na may Edmon ka pa." Insulto nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Kaklase ko lang si Edmon, Jane." Naglakad na siya paalis habang hatak si Yumiko at Rico na umaangal pang ayaw umuwi. "Sinabi mo eh." Huli nitong sabi bago tuluyang umalis. Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok sa loob ng bahay. Nagulat ako ng makita si Edmon na naghuhugas ng pinggan kaya lumapit kaagad ako. "Ako na kaya ang tatapos ng hugasin?" "You need to rest Kiro." "Pero--" "No but just do what I said." Napatango naman ako at nagwalis na lang para may magawa naman kahit papaano. Nilibang ko ang aking sarili habang hinihintay na matapos maghugas si Edmon. Ng matapos na siya ay agad akong lumapit at nagpresentang magpunas ng plato. Aangal pa siya pero nagsimula na akong magpunas ng mga basang pinggan. "I'm sorry for what happened." Nakangiting umiling naman ako at sinagi ang balikat niya. "Wala kang kasalanan kaya bakit ka magso-sorry? Tsaka ako ang gumawa niyon kaya may kasalanan din ako." Pansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Malcolm is mad at you--" "I know," putol ko sa kanya. "may karapatan siyang magalit dahil nasaktan siya sa ginawa ko pero hindi ko naman ginusto ang halikan si Carson." Paliwanag ko kasabay ng pagbuntong hininga. "So what's your plan? Paano mo hahanapin kung sino ang nagpost niyon?" Bigla akong napadilat ng may maisip. "Hindi ba marunong kang magkalikot ng computer?" Napatango naman siya at mukhang nakuha ang punto ko. "I can track who post that photo." Napangiti naman ako kaya tinapos na naming dalawa ang gawain at kinuha lang niya ang laptop sa bag na dala. Bago pa namin buksan ang laptop niya at tinanong ako nito. "Are you sure about this?" Tumango naman ako na walang pag-aalinlangan. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko sa kaba dahil sabi sa akin ni Edmon na ilang minuto lang ay malalaman na kaagad namin kung sino ang nagpost ng litrato na 'yon. "Gotcha!" Napatingin ako sa laptop ni Edmon ng marinig ang signal nito pero mukhang fake account ang nagpost. "I think everything is planned but I can find this person just wait a minute." Tutok na tutok ako sa laptop ni Edmon. Pansin ko ang bilis ng paggalaw ng mga kamay nito sa laptop na mahahalata mong bihasa siya pagdating sa ganitong bagay. "Nakita ko na kung sino ang gumawa ng fake account." Tila nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang news pero unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya. "May problema ba?" Kunot noong tanong ko at ipinakita niya sa akin ang laptop. "Kimberly posted the photo." Ngayon ay bigla kong naalala ang araw na nakita ko si Kimberly sa room pero bakit bag ko ang hinahalungkat niya? "Why?" "Nakita ko si Kimberly pumasok ng room pero bag ko ang hinalungkat niya." Nakunot bigla ang noo niya dahil sa sinabi ko. "What?! Why didn't you tell us?" Nagtaas-baba naman ako ng balikat. "Hindi ko rin alam." Sagot ko. Napabuntong hininga naman siya at tumayo mula sa pagkakaupo. "We need to confront her." Napailing naman ako at tumayo na rin. "Ako na lang ang kakausap sa kanya." "No! I know Kimberly and she will never admit her wrong." Kaagad akong napangiti dahil alam kong nag-aalala lang siya sa akin pero mas mabuti ng ako ang kumausap sa kanya. I know I've done something kaya niya nagawa iyon. May nagawa akong mali para magalit siya ng ganito sa akin. Hindi na nagpumilit pa si Edmon na samahan ako sa bahay nila Kimberly at nagpresenta na lang siyang ihatid ako sa tapat ng bahay nito. "Sigurado ka bang mag-isa kang papasok diyan? Kapag kailangan mo ng tulong ko tawagan mo lang ako." Natawa ako bahagya dahil sa sinabi nito. "Bakit? Hindi na ba ako makakalabas ng buhay diyan sa bahay ni Kimberly?" Natatawa kong sagot at pinaningkitan lang ako nito ng mata. "Oo na tatawagan kita kapag kailangan ko ng tulong mo basta kahit ano ang mangyari ay dito ka lang, maliwanag?" Napatango-tango naman siya. Bumaba na ako ng kotse ni Edmon pero bago pa ako makaalis ng tuluyan ay kumaway ako rito para sabihing ayos lang ako. Nagsimula na muli akong maglakad hanggang sa nakarating na ako sa gate ng bahay nila Kim kaya pinindot ko na agad ang doorbell. Nakakadalawang pindot pa lamang ako sa doorbell ng may guwardiya ang lumabas at tinanong ako nito. "Sino ho sila?" "Nandiyan po ba si Kimberly? Kaklase niya po ako." Sabay ngiti ko rito. "May bisita siya ngayon kaya pasensiya na ijo." Aniya. "Gano'n po ba, pasabi na lang na may naghahanap po sa kanya." "Sige patawad ulit Ijo." Napatango-tango naman ako dahil naiintindihan ko ang punto ni manong. Tatalikod na sana ako para umalis ng mapahinto ako dahil nakita ko si Malcolm na lumabas ng bahay nila Kimberly kahit pa kaunting nakabuka lang ang gate ay hindi ako nagkakamali na si Malcolm 'yon. Imbes na magulat ay parang may bagay akong naramdaman sa dibdib ko ng makitang niyakap siya ni Kimberly. hindi ko alam pero para bang 'di ko kayang titigan ang ginagawa nilang dalawa. "Bakit ang bilis mo ata--" "Umalis na tayo." Pansin ko ang pagtatakha sa mata ni Edmon pero na siya nagtanong pa at binuhay na ang makina. Napasandal na lang ako sa upuan habang iniisip kung bakit nandoon si Malcolm kila Kimberly. Nagkabalikan na ba sila? Nagkaayos na silang dalawa? Napabuntong hininga na lamang ako para mawala kahit papaano ang bumabagabag sa isipan ko. Napatingin ako sa bintana ng biglang makunot ang noo ko dahil huminto ang kotse sa isang mini stop. "What do you want to eat for dinner?" Napaayos ako ng upo dahil sa tanong nito. "Hah?" Napangisi siya sa sinagot ko at lumabas ng sasakyan. Pumasok sa siya loob ng mini stop at habang nasa loob ay pinanood ko lang ang ginagawa niya. Ilang minuto lang ng bumalik na siya at may dalang pagkain. "Teka kakain tayo dito sa kotse mo?" "Yeah, why? Ayaw mo ba?" Kaagad naman akong napailing dahil tumutunog na rin ang tiyan ko sa gutom kaya naisipan namin pumwesto sa loob ng mini stop at naupo sa bakante ang pwesto. Habang kumakain ay tinanong ako ni Edmon kung nakausap ko ba si Kimberly. Noong una ay naiilang akong sabihin sa kanya ang nakita ko pero wala naman akong nagawa kung hindi sabihin iyon. "What?! Malcolm is there?" Hindi makapaniwalang tanong nito na kinatango ko. "What did you do?" Sumubo muna ako ng pagkain bago siya sinagot. "Wala." Pansin ko ang gulat sa mga mata niya dahil sa sinagot ko. "Really Kiro? You like Malcolm and he likes you--" "Oo gusto ko siya pero walang kami Edmon." Putol ko rito na mas lalong kinagulat niya. Uminom na lamang ako ng tubig at tinapos ang pagkain para bumalik na ng kotse. Wala ako sa mood para pag-usapan si Malcolm. Napansin ko na nakasunod lang si Edmon at ng makasakay na kami ng kotse ay nagsimula na siyang magmaneho. "Bukas na ang camp and your name is on the list." Mabilis akong napatingin kay Edmon dahil sa sinabi nito. "Malcolm enlisted your name." "Ano ang sinasabi mo?" Kunot noong tanong ko. Habang nagdadrive ay tumingin naman siya sa akin pero kaagad ding itinuon ang mata sa daan. "Ng malaman ni Malcolm na hindi ka mahilig sumama sa mga ganitong bagay ay gusto niya na maranasan mo kahit papaano and He wants you to enjoy." Gustuhin ko mang hindi paniwalaan ang sinabi niya pero may kirot na naman akong naramdaman. "I'm sorry again Kiro," ngumiti naman ako para sabihing ayos lang. Ilang minuto lang ng makarating na kami sa bahay at nagpaalam na si Edmon. Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay napahinto ako ng makita si Malcolm na nakasandal sa sofa habang ang mapungay nitong mata ay nakatingin sa akin. "Malcolm..." Hindi ko alam pero wala akong makuhang salita na sasabihin dahil 'di ko inaasahan na babalik pa siya rito. "Where have you been?" Napaiwas naman ako ng tingin at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig. Pakiramdam ko ay 'di ko magagawang titigan siya ng matagal dahil nakokonsensiya ako sa nagawa ko. "Naghapunan ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang nilalapag ang mga plato. Habang abala sa paghahanda ng plato ay nanlaki ang mata ko ng bigla ako nitong niyakap mula sa likuran. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. "I'm sorry." Garalgal ang boses nito ng sabihin niya ang mga salitang 'yan. Napabuntong hininga naman ako at tinanggal ang kamay niya kasabay ng dahan-dahang pagharap sa kanya. "Kasalanan ko kung bakit nagalit ka kaya hindi mo kailangan humingi ng tawad Malcolm," sabay talikod ko at pinagpatuloy ang paghanda ng pagkain. "It's my fault at dapat panindigan ko ang nagawa ko--" "I saw you at the gate." Napahinto ako ng marinig ang sinabi niya. Bumuntong hininga naman ako at hinarap siya. "Wala akong nakita--" 'di ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Unti-unting gumalaw ang labi nito at nalalasahan ko ang alak mula sa labi niya kaya naitulak ko kaagad siya. "Are you drunk?" Hindi ko mapigilan ang mainis pero natawa lang siya habang kumakamot sa batok. "Just a little bit." Napangisi naman ako at tinalikuran siya. "Wait! Nasa katinuan pa naman ako kaya alam ko ang ginagawa ko, Kiro!" Hindi ko na siya pinansin pa hanggang sa kumain na muli ako at sinabayan siya. Buong gabi ay wala siyang ginawa kung hindi kulitin ako at guluhin sa kwarto ko. Nagpumilit pa siya na matulog sa kwarto katabi ko. Hindi ako pumayag at pinaalis siya ng kwarto. Naisipan ko na lamang maligo ngunit ng nakatapis na ako ng tuwalya ay bumungad si Malcolm sa akin na nakahiga na sa kama habang walang suot na pang itaas at tanging boxer short lang. Nanliit ang mga mata ko dahil sa ayos niya ngayon. "Anong ginagawa mo?" Napangiti naman siya at sumandal sa kaniyang kamay na animo'y isang modelo sa magazines. "Teasing you?" Aniya habang may pilyong ngiti sa labi. Napasapo ako sa noo at dumiretso ng kabinet para kumuha ng damit. "I like the view right now." Alam kong tinutukoy niya ang itsura ko na nakatapis lang ng tuwalya sa bewang. "If you're thinking something, please stop--" "I can do that again. Making you cum." Mabilis akong napatingin sa kaniya habang siya naman ay parang wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya. Binato ko sa kanya ang damit ko dahilan para matakpan ang nakakairita niyang mukha. "Tumigil ka sa mga kabastusan mo Malcolm." Narinig ko ang malakas nitong pagtawa kasabay ng pag-upo sa kama ko. "Nag-enjoy ka naman right? Maybe we can do that again but this time we will do a lot of positions." Dali-dali akong lumapit at tinakpan ang bibig niya ng magsasalita pa sana siya. "Stop it Malcolm!" Inis kong saad dito pero tumatawa lang siya. Tinanggal ko na ang kamay ko mula sa bibig niya at ngayon ko lang napagtanto na nakapatong ako sa hita niya. Aalis na sana ako ng bigla niya akong kinulong sa kaniyang bisig at ihiniga sa kama. "Not now Malcolm." Pagbabanta ko rito pero umiling naman siya. "I miss you and I miss this Kiro." Pakiramdam ko ang may kung anong kiliti akong naramdaman sa aking tiyan dahil sa narinig. Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagbilis ng t***k ng puso ko dahil sa posisyon naming dalawa. Pilit ko mang itulak siya pero hindi ako nagtatagumpay. "How about you, did you miss me?" Napahinto ako at tila 'di makagalaw. Parang may buhay ang sarili kong katawan at hindi na makapagpigil pa na halikan siya sa labi. Ramdam ko ang paggalaw ng kamay ni Malcolm sa katawan ko kahit pa ang paghaplos nito sa tiyan ko. "Sh*t! What did you do this day and you have a hot body?" Nagtaas baba ako ng balikat. "Wala naman." Napangisi naman siya at tinuloy na muli ang ginagawa hanggang sa natapos ang gabi na may nangyari ulit sa aming dalawa. Kinaumagahan ay napansin kong wala na si Malcolm sa higaan kaya agad kong pinulot ang boxer ko at isinuot. Pagkababa ko sa kusina ay nandoon siya at naghahanda ng almusal. "Mabuti naman at gising ka na dahil kailangan pa nating humabol sa camp." Nakunot ang noo ko at umupo na para magsimulang kumain. "Hindi ako sasama." Walang gana kong sagot at ngumisi nama siya. "Then I will not go either." Nakataas kilay ko siyang hinarap at mukhang seryoso siya sa kanyang sinasabi. "Malcolm! Kailangan mong sumama dahil kapag nalaman ni dean na hindi ka sumama ay siguradong magagalit--" "I don't care," putol niya. Napahilot ako sa sentido dahil sa kakulitan niya. Kapag hindi siya sumama sa camping na 'yon ay siguradong magagalit ang lolo niya dahil ito pa naman ang nagsuggest na magkaroon ng camping para sa lahat ng mga estudyante para kahit papaano ay ma-enjoy nila ang semestrial break. "Okay sasama ako." Desidido kong sagot at nagliwanag naman ang mga mata niya. "Good then," sabay tayo niya at umakyat sa itaas. Hindi pa man lumilipas ang apat na minuto ay bumaba na siya na may dalang bagahe. Nalaglag panga ako dahil sa nakikita. "Hinanda ko na ang lahat ng gamit mo kagabi pa." Aniya. Wala na akong nagawa pa kung hindi ang hayaan siya sa gusto niya. Nagsimula na kaming dalawa kumain ng umagahan hanggang sa ng matapos na kami ay nakatanggap ako ng tawag galing kay papa at kinakamusta ako. Sinabi rin niya na sa susunod na week na ang uwi niya. [Sinusunod mo ba si Malcolm?] Tanong nito. "Opo papa kaya alagaan niyo rin si lola diyan." [Mabuti naman, sige na aalis kami ng tita mo para mamalengke.] "Mag-iingat kayo diyan." Sagot ko bago pinatay ang tawag. Napahinto ako sa pag-aayos ng marinig ang busina sa labas ng bahay. "They're here." Pagkalabas naming dalawa ni Malcolm ay nakasakay na sa kotse si Rico kasama sila Vincent at ang iba. "Mukhang ang saya ata ngayon ni lover boy." Panunukso ni Oliver. "Shut up!" Inis na sagot ni Malcolm. Sumakay na lamang kami sa kotse at nagsimula ng magmaneho si Vincent. "Teka paano kayo nagkaayos?" Curious na tanong ni Rico na nakaupo sa harapan. Kaagad namang pinitik ni Vincent ang noo niya. "Huwag mo ng tanungin ang pakialaman mo iyang buhay mo." Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa ginawa ni Vincent. Nakapwesto ako ngayon sa gitna ni Malcolm at Edmon. "Salamat." Pagpapasalamat ko kay Edmon dahilan para mapatingin ito sa akin at ngumiti. Biglang may tumakip sa mata ko at si Malcolm 'yon. "Don't look at him." Inis na saad nito at natawa naman kami dahil sa naging reaksiyon niya. "Chill Malcolm wala namang balak agawin niyan ni Edmon si Kiro sa'yo, right dre?" Paliwanag ni Michael kasabay ng pagtingin kay Edmon pero umiwas lamang ito at bumalik na naman sa pagiging tahimik niya. Halos sa buong biyahe ay puro kulitan nila at asaran ang naganap sa kotse kaya pagdating sa airport ay naroon na ang iba pang mga estudyante ng Hustone. Pagkalabas ng kotse ay pinagkaguluhan kaagad sila Malcolm pati ang mga kaibigan niya ng estudyante sa Hustone. Paano sila hindi pagkakaguluhan kung pumorma akala mo magvavacation lang sa isang beach idagdag mo pa ng akala mo magmomodelo. "Kiro!" Sigaw ng isang boses. Napaikot ako ng tingin at kaagad bumungad sa akin si Yumiko na kumakaway. Nakangiti naman ako pero kaagad ding naglaho ng makita kung sino ang nasa tabi niya. "Mabuti na lang makakasama ka." Excited na sambit nito at tumango naman ako. "Kamusta ka? I'm sorry for what happened at the cucible." Aniya at ngumiti naman ako. "Ayos lang." "Kiro!" Malakas na sigaw ni Malcolm di kalayuan at malalaking hakbang ang ginawa para makalapit sa'min. Bigla niya akong inakbayan at idinikit ang katawan ko sa kanya. "What do you want?" Galit na tanong ni Malcolm kay Carson kaya hinatak ko na siya papunta kila Vincent. Pero bago pa kami tuluyang umalis ay nag-sorry ako sa ginawa ni Malcolm. To be continued... © All Rights Reserved 2022 His Possessive Games Genre: Romance Written by @Hoaxxe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD