KIRO
BAKAS SA mga mukha ng lahat ng estudyante sa Hustone Unversity ang saya dahil sa ganda ng tanawin ng dagat na kulay asul kahit pa ang sinasakyan naming yate ay nagliliwanag ang puti nitong pintura.
"Omygosh! Look may Dolphin!" Sigaw ng isang estudyante sa kabilang section kaya napatingin naman ang lahat sa dagat. Napakaraming mga dolphin ang sumasabay sa paggalaw ng yate kaya hindi namin maiwasan ang mapahanga.
"Sobrang ganda!" Saad pa ng isa na sinang-ayunan naman ng lahat hanggang sa dumating na ang tour guide at sinabi nitong nakahanda na ang tanghalian namin sa loob kaya sumunod kami.
"Grabe Malcolm nag-arkila ka pa talaga ng yate para lang dito-- ouch!" Napatingin ako ng marinig ang sinabi ni Vincent. "I'm just kidding." Ngiting sagot kaagad nito. Inakbayan ako ni Malcolm at hinatak papasok sa loob.
"Don't mind him." Ngising sambit nito kaya hindi na lang ako sumagot pa. Napansin kong may pwesto pa na walang nakaupo kaya doon kami pumwesto lahat at sakto naman sa amin.
"Grabe ang sasarap ng pagkain natin dito! Sulit na sulit ang bayad!" Sigaw ni Rico sa saya.
"Maghinay-hinay ka nga sa pagkain." Pigil ni Yumiko dito. Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay nakatitig lang sa akin. Kanina pa siya ganyan simula sa flight hanggang ngayon tapos kapag tinatanong ko naman siya kung bakit at sinasabi niya lang na 'nothing' kung hindi rin lutang.
"Pwede bang huwag mo akong titigan ng ganyan." Pagmamaktol ko dahil ako ang nahihiya at nakatingin na sa amin ang buong estudyante. May kumakalat na tsimis ngayon at sinasabing kami na ni Malcolm kaya kung kumilos si Malcolm ay protective.
"Hindi ko lang mapigilang titigan ka because I miss you." Naghiyawan ang lahat dahil sa binanat ni Malcolm. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Tumigil ka na sa mga banat mo dahil nakakahiya na at sa atin sila nakatingin." Walang gana kong sagot at kumain pero kukuhanin ko pa lang ang hiwa ng manok ng makita kong may tumusok na iba doon. Napaangat ako ng tingin at nadapo ang mata ko kay Edmon na walang emosyong nakatingin sa akin. Kaagad akong umiwas dahil nakaramdam ako ng awkward sa paligid. Hindi niya ako pinapansin simula sa biyahe kaya napapaisip ako kung may nagawa akong mali o nasabi sa kanya pero ng marealize kong gusto niya ako ay doon ko lang napagtanto kung bakit niya ako iniiwasan kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang hayaan siya. Pero may time na nakokonsensya ako dahil tinulungan niya ako noong nakaraang araw kaya hindi ko matiis na huwag siyang pansinin.
Ng matapos na ang tanghalian ay pumunta na ang lahat sa kani-kanilang kwarto dahil mamayang madaling araw pa ang dating namin sa Isla. Ng mag-alas singko na ng hapon ay naisipan kong tumambay sa labas at tinitigan ang asul na dagat. Ramdam ko ang hangin sa paligid hanggang sa pinikit ko ang aking mata at pinakiramdaman iyon. Kahit papaano ay tila nakaramdam ako ng kapayapaan at tahimik na paligid ngunit naudlot iyon nay may mapansin akong nakatayo sa gilid ko.
"Hey." Bati niya habang nakangiti. Ito na ang tamang oras para sabihin sa kanya ang lahat dahil siguradong mamaya ay hindi na naman niya ako papansinin. Ayaw ko ng patagalin pa ang lahat dahil alam kong aasa lang siya sa wala at iyon ang ayaw kong mangyari. Naging kaibigan na ang turing ko sa kanya kaya natatakot akong mawala iyon kapang sinabi ko ng hindi ko siya gusto.
"Edmon--"
"I know what you want to say and it's okay for me so don't be sorry." Aniya at tumingin na rin sa dagat. Nagulat ako dahil siguro'y nababasa na niya sa mga mata ko kung ano ang sasabihin ko. "It's my fault too so don't mind me."
"Thank you, alam kong ilang beses ko ng nasabi sa'yo ito pero salamat. Salamat sa ginawa mo pero ayaw kong--"
"Stop." Putol niya at tumingin na sa akin ng diretso pero may ngiti pa rin sa labi. Napakagat ako sa ibabang labi dahil bakas sa mga mata niya ang lungkot kahit pa nakangiti ang labi nito. "Please not now Kiro." Pagsusumamo niya.
Tinikom ko na lamang ang aking bibig para pagbigyan ang kanyang kagustuhan. Ganito pala ang pakiramdam na kapag kailangan mong sabihin na hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa kanya. Wala akong sinasabi na kaya gusto ko siyang tanggihan sa nararamdaman niya ay dahil kay Malcolm iyon ay dahil ayaw kong magbago kung ano ang mayroon sa aming dalawa. Mabait si Edmon dahil nakita iyon ng dalawang mata ko. Noong unang pagkakilala ko sa kanya ay para bang tila walang pakialam sa mundo hanggang sa unti-unti kong nakita kung ano nga ba siya talaga.
"Kiro!" Sigaw ng isang boses di kalayuan at lumapit kaagad sa akin. "I've been looking for you and you're just here!" Nanliit naman ang mga mata ko.
"Mukha ba akong bata?"
"Yes!" Aniya. Magsasalita pa sana ako para sigawan siya dahil sa inis kaso tumikhim si Edmon kaya napatingin kami sa kanya.
"Ayaw kong madamay sa away niyong dalawa kaya mauna na ako." Natatawang saad nito at naglakad na paalis habang kumakaway. Nawala bigla ang inis ko dahil ramdam ko ang lungkot sa boses ni Edmon.
"Hey don't look at him!" Naputol ang pag-iisip ko ng biglang hinawakan ni Malcolm ang baba ko at hinarap sa kanya kaya tinabig ko kaagad ang kamay nito. Nakapamulsang naglakad na ako papasok sa loob habang naririnig ko ang sigaw nito. "Bakit ba lagi ka na lang tumitingin sa ibang lalaki! Nakakabadtrip na!" Pagmamaktol nito kaya napapatingin ang ibang estudyante sa amin.
Napangisi na lamang ako at pinipigilan ang matawa dahil para siyang isip bata. Habang naglalakad ay napahinto ako ng humarang si Kimberly kasama ang dalawa nitong kaibigan. Biglang nag-iba ang ihip ng hangin sa paligid.
"Libre ka ba Kiro? May gusto lang sana akong ibigay sa'yo." Ngiting sambit nito at nilabas naman ng isang kaibigan nito ang isang box. Nakunot ang noo ko pero napansin kong kaagad humarang si Malcolm at tinabig ang kahon kaya natapon ang laman nitong cake.
"Stop doing this bullsh*t Kimberly." Madiin at galit na aniya. Natawa ng sarcastic si Kimberly at pinagsaklop ang kamay sa kanyang dibdib.
"I'm not talking to you Malcolm so back off--"
"No, It's my business too because Kiro is," bigla ako nitong hinatak at pinalupot ang kamay sa bewang ko. "my boyfriend." Napasinghap ang lahat kahit sila Rico at Vincent. Natameme ako dahil sa sinabi niya at rinig na rinig sa buong paligid ang sinabi niya. Napahinto ang lahat sa ginagawa nila at kaagad nagbulungan.
"I told 'ya! They're together now! Hehehe."
"Omyghad! So it's true?"
"Sabi ko sa'yo eh, give me your 10k pre."
"Sh*t! Sayang pera ko."
Napansin ko ang galit sa mukha ni Kimberly. Gustuhin ko mang magsalita pero wala ng salita ang lumalabas sa bibig ko dahil sa narinig.
"If you want to say something daraan ka muna sa harap ko bago mo harapin ang boyfriend ko." Galit niyang sabi. "Let's go." Aniya at hinatak na ako paalis doon.
Ilang minuto lang ay bigla akong natauhan at tinanggal ang kamay niya na nakapalupot sa bewang ko.
"Baliw ka na ba?!" Iritable kong saad dito at ngumisi lang siya.
"Yeah I'm crazy." Aminadong sagot nito. Napahilot na lang ako sa sentido habang iniisip ang mga nangyari kanina.
"Hindi mo alam kung ano ang nagawa mo Malcolm," napatingin muna ako sa paligid kung may tao ay baka may makarinig sa amin at ng mapansin kong wala naman ay kaagad ko siyang hinarap.
"Why? There's nothing wrong what I said, hindi ba roon din naman patungo ang status nating dalawa. You're taken with me." Bakas sa boses niya ang proud kaya biglang naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
"Shut up." Kasabay ng pagtalikod ko at nilagay ang kamay sa loob ng bulsa. Habang naglalakad ay muling nagsalita ito.
"mon amour!" Sigaw nito kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakunot ang aking noo kasabay naman ng pagngiti nito hanggang tenga.
"A--ano b--bang pinagsasabi mo--"
"you are mon amour," putol niya.
"Silly." Bulong ko at naglakad na ulit paalis.
"Hindi mo man lang ako tatanungin kung ano ang ibig sabihin n'on?" Nakangusong tanong niya.
"Hindi." Walang prenong sagot ko. Hanggang sa paglalakad ay kinukulit ako nito at patuloy na sinasabi ang salitang 'mon amour' kahit pa alam ko naman kung ano ang ibig sabihin niyon. 'My love' Iyon ang ibig sabihin ng mon amour sa french. Paano ko nalaman? Dahil sa nabasa kong manga noon kaya natandaan ko lang sa isip ko.
Pagkarating sa pwesto nila Yumiko at Rico ay kinulit nila ako ng tanong tungkol sa sinabi ni Malcolm.
"Totoong kayo na?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rico at kaagad naman akong umiling.
"Sinabi niya lang iyon para hindi na ako lapitan pa ni Kimberly."
"Pero bakit namula ka?" Pinanlakihan ko ng mata si Rico dahil sa tanong nito pero tumawa lamang siya.
"Pero seryoso, kayo na ba ni Malcolm?" Bulong ni Yumiko at umiling naman ako.
"Hindi." Napa'ah' naman siya at tumingin sa kung saan. Ng titignan ko ang tinitigan niya ay bigla ako nitong pinigilan.
"Kumain ka na." Aniya at ngumiti. Naguluhan bigla ako sa kinilos nito pero hindi ko na lamang pinansin pa at nagpatuloy na lamang sa pagkain ng hapunan habang katabi si Malcolm na nakikipagkulitan kila Vincent.
Ilang oras rin bago namin naisipan pumasok sa loob ng room nitong yate at ang nakakainis lang ay magkatabi kami ni Malcolm sa iisang kwarto. Ano pa bang magagawa ko? Ang dapat talaga na makakasama niya sa kwartong ito ay si Vincent pero nagulat na lang ako na nilapitan niya pala ang aming guro para ako ang ipalit sa kwarto niya.
Habang nakahiga sa kama at nagbabasa ng libro ay napansin ko ang pagtunog ng lock ng pinto kaya napatingin ako roon. Kaagad nakunot ang noo ko ng makita si Malcolm na katatapos lang maligo.
"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya at tinanggal ang tuwalya na nakatapis at tanging boxer short na lang ang suot. Nagdikit ang kilay ko at tinanggal ang reading glass sa mata. "Balak mo na naman bang ibalandra iyang katawan mo sa harap ko?"
"No, I just wanted to tease you. I'm good to this isn't it?" Kahit ilang beses ko ng nakita ang katawan nito ay hindi ko pa rin maiwasan ang mapatitig dahil sa ganda ng hubog.
"Yeah nagtagumpay ka kaya magsuot ka na ng damit bago pa--"
"I'm always ready mon amour," putol niya. Napangisi na lamang ako at hinubad ang suot kong damit dahilan para makita ko ang reaksyon sa kanyang mga mata. Para siyang isang lobo na gutom na gutom at handang sakmalin ako. Narinig ko ang mahinang pagmura nito kaya natawa na lang ako. "You're always turning me on!"
"Why? Are you scared now Mr. Dela Vega?" Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha. Napakagat naman siya sa ibabang labi at dahan-dahan na umiling.
"No I'm not, but if you want this," sabay lapit niya ng kanyang katawan sa akin dahilan para maramdaman ko ang umbok nito sa kanyang na sobrang galit. "You can own it right now." Nakangising aniya. Natawa naman ako at umiling.
"Wala ako sa mood ngayon Malcolm." Nalaglag panga siya dahil sa biglaan kong paglayo at bumalik sa higaan. Pinipigilan ko ang hindi matawa dahil sa itsura niya ngayon na nanlulumo.
"Gan'on lang 'yon?!" Hindi makapaniwalang saad nito at tumango naman ako. Sinuot kong muli ang reading glass at hinarap siya.
"Oo, bakit? Required ba na laging may nangyayari sa'tin?" Dali-dali siyang lumapit sa akin at pumatong sa kama.
"No but you tempting me!" Natawa ako kasabay ng pag-iling.
"Ikaw ang nauna Malcolm kaya sinabayan lang kita." Pagdadahilan ko pero ang totoo niyan ay may epekto rin sa akin ang ginawa niya kanina. Napasinghap ako ng bigla niyang hawakan ang p*********i ko.
"I can feel that you're tempting too and you want it too, Kiro." napamura ako ng dahan-dahan niyang ginalaw ang kamay sa p*********i ko pero kahit nakasuot ako ng short ay halos nagwawala na ang bagay sa loob ng brief ko.
"F*ck Malcolm stop that!" Pigil ko sa kanya pero nangingiting umiling lamang siya.
"No. Hindi ako titigil hanga't hindi mo sinasabi sa akin na gusto mo rin itong ginagawa ko." Napamura na ako sa inis at ng pipigilan ko siya ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako ng itulak niya ako pahiga sa kama at kumaibabaw sa akin. Dahan-dahan niyang tinanggal ang reading glass sa mata ko.
"Okay I lost but I'll own you tonight, Kiro." Napakagat na lamang ako sa ibabang labi at kahit gusto ko siyang pigilan ay 'di ko na mapigilan pa ang init na nararamdaman ko sa aking katawan. Ramdam ko ang matigas nitong bagay sa aking tiyan habang hawak nito ang aking mga kamay. Gumala ang kamay muli ang kamay nito pero this time ay ipinasok na niya iyon sa loob ng brief ko kaya hindi ko maiwasan ang mapaungol. Sh*t! Hindi ko lang mapigilan talaga dahil-- nagugustuhan ko ang ginagawa niya.
"S--stop-- ahh!" Mahinang ungol ko pero hindi pa rin siya tumitigil at nagpatuloy lamang sa kanyang ginagawa. Mabilis nitong hinubad ang boxer short at brief na suot ko.
"You will enjoy this tonight Kiro." Napangisi ako at hinayaan siya sa ginagawa.
"Siguro? Pwede ring hindi." Napangisi ito sa sinagot ko at nagpatuloy muli sa kanyang ginagawa. Natapos ang oras na iyon na pareho kaming nakuntento sa nangyari. Kung minsan tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang ginagawa naming dalawa kahit pa walang namamagitan sa aming dalawa. Pero ginusto ko rin itong ginagawa niya kaya hindi ko maipagkakaila na siya lang ang unang lalaki na nakapagparamdam sa akin ng ganito. Kahit pa sa dinami-raming babae na nakaagaw ng atenson ko ay tanging lalaki rin pala ang makakapagpadama sa akin ng kakaibang bagay.
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock sa sidetable kaya napatayo ako mula sa pagkakahiga pero hindi pa man ako nakakaalis ng kama ng biglang hinatak ni Malcolm ang kamay ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Hey wake up," sabay tapik ko sa pisngi nito pero umungol lamang siya. "kailangan na natin ayusin ang mga gamit dahil mamaya lang ay siguradong darating na tayo sa isla." Unti-unti naman siyang napadilat at ngumiti. "Why are you smiling?" Kunot noong tanong ko.
"Nothing."
"Tsk, bumangon ka na nga at baka maabutan pa nila tayon dalawa na walang saplot." Natawa naman siya bahagya at mas dinikit ang sarili sa akin. Ito na naman ang kakaiban init sa aking katawan kaya tinitigan ko siya ng nanliliit ang mga mata. "Malcolm stop."
"What? Wala naman akong ginagawa." Pagkakaila niya.
"Tumigil ka na sa mga kabaliwan mo Malcolm." Kasabay ng pagtayo ko sa kama at dumiretso ng cr para maligo. Ng matapos na ako ay si Malcolm naman ang sumunod. Habang abala sa pagsusuot ng dami ay napaikot ako ng tingin ng marinig ang pagbukas ng pinto sa cr. Bumungad na naman sa akin ang katawan ni Malcolm.
"Do you want to touch it again?" Aniya habang may ngiting nakakaloko sa labi. Binato ko na lamang sa kanya ang susuotin niya.
"No," pansin ko ang biglang pagbagsak ng balikat nito habang nanliliit ang mga mata. "magpalit ka na nga lang." Pag-iiba ko kaya sinuot na lamang niya ang damit na inabot ko sa kanya.
Pagkalabas namin ng kwarto ay sakto naman ng paglabas din ng ibang estudyante at mukhang excited ng makarating sa isla. Ramdam kong hahawakan sana ni Malcolm ang kamay ko pero kaagad dumating sila Vincent kaya nahatak siya nito. Wala siyang nagawa pa kung hindi sumama sa mga kaibigan niya at ako naman ay sumama kila Yumiko at Rico.
"How's your night?" Tanong ni Yumiko habang may nakakalokang ngiti sa labi.
"Wala naman."
"Talaga ba? Bakit parang iba ata sinasabi ng kilos mo?" Dagdag pa nito. Hindi ko na lamang sinagot pa ang tanong niya at iniba iyon. Hanggang sa saktong alas sais ng umaga ay dumating ang yate sa isla.
Habang naglalakad kami pababa ay hindi ko maiwasan ang mapanganga sa ganda ng isla lalo na sa maputi nitong buhangin.
"Mamaya na kayo magswimming sa dagat dahil kailangan muna natin dumiretso ng hotel." Saad ng isa sa prof ng Hustone University. Ilang lakad din bago namin narating ang hotel na pansamantala naming tutuluyan. Sinabi rin ni miss na bawal magkasama ang babae at lalaki sa iisang room kaya ang iba ay umangal ngunit wala ring nagawa pa.
Nagsimula ng magbanggit si miss ng mga magkakasama sa iisang room. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi si Malcolm ang kasama ko. Napapasapo na lang ako sa noo ng makita itong lumapit pa kay miss para umangal at nagwala kaya pinigilan kaagad siya nila Vincent.
"Minsan iisipin ko na talagang may namamagitan sa inyong dalawa ni Malcolm ." Bulong ni Yumiko sa akin at napangisi naman ako habang umiiling.
"Wala." Nagtaas baba lamang siya ng balikat.
"Sabi mo eh." Nagsimula na kaming magalkad habang kasama ko si Edmon, Vincent at Michael. Silang tatlo kasi ang makakasama ko sa isang kwarto pero iyong isa naming kasama ay hindi ko gaano kilala dahil isa siya sa mga tahimik sa room namin.
"Hi." ngiting bati ko rito pero kaagad siyang umiwas at pumasok sa loob. Naramdaman kong tinap ni Vincent ang balikat ko.
"Better to stop being friendly Kiro, kilala mo naman si Malcolm hindi pinapatawad kahit santo," aniya kasabay ng pagtawa at pumasok na rin sa loob.
"Tama siya kaya huwag ka na lang dumikit sa geek na 'yon," 'di ko alam kung tinatakot ba ako ni Michael o pinapaalalahanan. Nagkibit balikat na lamang ako at pumasok na rin sa loob ng room at inayos ang mga gamit ko. Tinulungan na rin ako ni Michael at Vincent na mag-ayos kaya nagpasalamat ako sa kanilang dalawa.
"Wala naman kaming magagawa kung hindi ang tulungan ka Kiro, tsk." Ngising saad ni Vincent kaya natawa kaming pareho ni Michael.
Ilang minuto rin ng magpaalam na si Michael at Vincent para puntahan sila Malcolm. Niyaya pa nila akong dalawa pero sinabi kong susunod na lamang ako dahil may kailangan pa akong gawin kahit si Edmon ay nagpaiwan rin. Pagkalabas nilang dalawa ay inayos ko muna ang mga dala kong libro na babasahin mamaya para hindi naman ako ma-bored kahit papaano. Napansin ko si Edmon na nag-aayos ng iba pa niyang gamit. Alam mo iyong pakiramdam na gusto mo siyang kausapin pero may pumipigil sa'yo?
Napatingin ako sa kaklase naming tahimik ng bigla nitong malaglag ang mga gamit niya. Hindi na ako nagdalawang isip pa na tulungan siya sa mga nakalat niyang gamit.
"Salamat." Nahihiya nitong sambit at tanging ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Nagulat ako ng biglang lumapit din si Edmon at tumulong sa amin pero ramdam kong hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin.
Ng matapos na namin siyang tinulungan ay nagpasalamat naman siya sa aming dalawa. Nakangiting tumango naman ako at hinarap si Edmon. Bubuka pa lang sana ang bibig ko ng bumukas ang pinto at niluwa niyon si Malcolm na nakangiti ng malapad. Dali-dali itong lumapit at hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.
"Let's go? The activity will start now," masayang saad niya. Tumango naman ako kaya bumitaw na siya sa kamay ko at umakbay kay Edmon. Sinabay na niya itong lumabas kaya nakasunod lang ako sa kanilang dalawa.
To be continued...
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe