KIRO
PAGKAPASOK KO loob ng silid ay bumungad sa amin ang napakaraming estudyante ng Hustone kasama ang iba pang mga section. Nakapila ang lahat ayon sa mga section nila at batch kaya hinanap namin kung nasaan ang iba pa naming kaklase hanggang sa ng makita na namin ay pumila na kami nina Malcolm doon. Habang nakaupo ay pilit na pinapatong ni Malcolm ang ulo niya sa balikat ko kaya ng makailang alis ko doon ay ako na mismo ang sumuko dahil sa kulit niya.
Ilang minuto rin ng dumatin na si miss at tumahimik na ang lahat. Sinabi nito ang mga gagawin namin dito sa isla at kung ano ang mga activities na gagawin. Naexcite ang lahat dahil sa mga activities na binanggit ni miss lalo na iyong huling game. Aaminin kong na-excite din ako sa mga laro na gaganapin.
"Bago tayo lumisan sa hotel na ito ay gusto kong sabihin na kung sino ang kasama niyo sa inyong kwarto ay sila rin ang makakasama niyo sa tent, maliwanag ba?" Nadismaya ang lahat sa sinabi ni miss pero wala ng nagawa kung hindi sundin ang utos nito. Sinabi rin ni miss na sasakay pa kami ng bus para puntahan ang camp site kung saan nakahanda na ang mga activities. Gamit ang mga key card na nasa amin ay kukuhanin namin ang bag na naglalaman ng mga gamit na gagamitin sa camping kaya pumunta na kami sa gilid para kuhanin ang gamit. Kukuhanin ko na sana iyong bag ngunit naunahan na ako ni Malcolm.
"Ako na ang magbubuhat niyan," aniya.
"Pero--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko kasabay ng paghatak sa kamay ko. Narinig kong umangal sila Oliver dahil wala man lang daw silang katulong magbuhat ng kanila lalo na at si Malcolm ay kasama rin nila. "Hindi mo naman kailangan na tulungan ako."
"But I want to, Kiro." Kinuha ko sa kamay niya ang bagahe at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko rin alam bakit ko iyon ginawa at kung ano ang pumasok sa kokote ko pero isa lang ang sinasabi nito, gusto kong hawakan ang kamay niya.
"Okay," mukhang nagulat siya sa ginawa ko at ng maglalakad na sana ako ay napansin kong hindi siya gumagalaw mula sa kinatatayuan niya. "akala ko ba gusto mo nito? Kung ayaw mo sige bibitaw na ako--" bibitaw na sana ako ng bigla niyang higpitan ang paghawak sa kamay ko.
"No," madiin nitong saad. Napangisi naman ako at nagsimula na kaming maglakad dalawa pasakay ng bus. Marami ang napapatingin sa aming dalawa at bakas sa mata nila ang pagkamangha at gulat.
Pagkaupo naming dalawa ay sinandan niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya hanggang sa pumasok na rin ang iba pang estudyante na kani-kanilang bus.
"Boss sobra na 'yan, hindi dito ang upuan mo." Pagmamaktol ni Oliver dahil siya talaga ang katabi ko dapat.
"Alis." Pagtataboy niya sa kaibigan kaya natawa na lang ako at hinayaan silang dalawa. Napakamot na lang sa batok si Oliver at wala ng nagawa pa kung hindi ang pumwesto sa upuan ni Malcolm kung saan katabi niya iyong kaklase naming tahimik.
Ng maramdaman kong binuhay na ni manong driver ang makina ay kinuha ko na sa bag ang cellphone ko at gumamit ng earphone para magpatugtog. Siguradong isang oras rin ang biyahe bago makarating doon kaya mabuti ng ilibang ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ng music at pagbabasa ng manga. Habang nakasabit sa dalawang tenga ko agn earphone ay inagaw naman ni Malcolm ang isa at nakangiting humarap sa akin. Napailing na lang ako dahil sa kulit niya at nagpatuloy sa pagbabasa ng manga.
Sa tuwing napapatingin ako sa mukha ni Malcolm na tahimik na natutulog ay may nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng t***k ng puso ko. Kahit pigilan ko ay hindi ko magawa dahil tila may sariling buhay ito. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pagbabasa pero wala talaga, sadyang napapatingin ako sa kanya. Aish! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
Bigla akong napalunok ng makita ang paggalaw ng labi nito at ramdam ko ang panunuyo ng lalamunan ko. Sh*t! Ano ba itong pumapasok sa isip ko? No, hindi pwede ito Kiro. Inis kong bulong sa sarili at humarap na lang sa bintana pero sobrang bilis pa rin ng paghinga ko.
"Hey," mabilis akong napatingin kay Malcolm na mukhang kagigising lang. "are you okay? Why are you sweating?" gulat na sambit niya at kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang noo ko pero kaagad ko siyang pinigilan.
"Ako na." Pinunasan ko na lang ang pawis sa noo ko at inilagay ang panyo sa bulsa ko. "Lalabahan ko na lang--" bigla niyang kinuha sa bulsa ko ang panyo ay itinabi niya.
"This is mine so don't steal it." Nalaglag panga ako sa sinabi niya kaya nagdikit ang dalawa kong kilay.
"Sinong nagsabi na nanakawin ko 'yan?" Napangisi naman siya.
"If you want this you can borrow it."
"Huwag na." Sabay iwas ko ng tingin at nakaramdam ng inis na naman sa kanya. Nawala ang kanina na nararamdaman ko dahil sa bigla niyang pang-iinsulto. Patuloy siya pag-sorry pero hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng manga.
"Sorry na please, Kiro," pagmamakaawa niya pero hindi ko siya pinansin. Aaminin kong nainis ako sa ginawa niya pero ano ba ang magagawa ko? Ang saya ko na nga kanina pero sinira niya lang iyon. "I'm just joking mahal." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang mga salitang binitawan niya. Dahan-dahan akong napaangat ng tingin at ganoon na lang ang hiya na nararamdaman ko ng makita na ang lahat ng estudyante ay nakatingin sa amin ni Malcolm. Pakiramdam ko ang nag-init ang dalawang pisngi ko.
"You're blushing mahal!' Masayang sigaw ni Malcolm habang tinutusok ang pisngi ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"H--hindi ako nagba-blush!" Pagtatanggi ko. Gusto ko ng tumalon sa bintana nitong bus dahil sa nararamdaman kong kahihiyan, Oo na! Nagblush ko dahil sa pagbanat niya. Nagsisi ako na pumayag akong makatabi ko siya sa buong biyahe dahil imbes na makapagpahinga ako ay nasira iyon. Lagi niya akong kinukulit at kung minsan ay aalukin ng pagkain kaya hindi ako makapagfocus sa binabasa ko.
"Ah!" Sabay lapit niya ng pagkain sa bibig ko. Hindi ko alam pero mukha akong bata na pinapakain ng magulang. Aagawin ko sana sa kamay niya ang pagkain pero bigla niyang isinubo iyon sa bibig ko. "Good baby," iyan, inaatake na naman siya ng pagka-isip bata niya. Ano ba ang magagawa ko? Kung hindi ang hayaan siya sa ginagawa niya kesa umalma pa ako at ang magiging resulta lang ay pag-aaway naming dalawa.
Marami ang napapatingin sa aming dalawa at mababanaad sa mata nila ang kilig at saya. Habang nagbabasa ako ng libro ay si Malcolm na ang nagsusubo sa akin ng pagkain. Gusto ko rin naman ang ginagawa niya dahil mabilis kong naililipat ang page ng libro gamit ang kamay ko.
"Ang sweet nilang dalawa,"
"Sinabi mo pa tsaka mukhang sila na nga talaga huhuhu wala na tayong pag-asa kay Malcolm."
Napangisi na lang ako ng marinig ang bulungan sa paligid. Aaminin kong may parte sa akin ang natutuwa dahil ang gusto kong tao ay nasa tabi ko lang pero nagseselos rin ako dahil hinahangaan siya ng maraming tao. Habang abala ako sa pagbabasa ay napahinto ako ng mapansin na huminto ang bus. Napansin namin na lumabas ang driver at kinausap si miss sa labas hanggang sa pumasok sa miss at ibinalita na nasiraan. Nanlumo ang lahat dahil sa nalaman kaya wala kaming nagawa kung hindi ang sumakay sa isang bus na sinasakyan ng ibang batch.
"Dalhin niyo ang mga gamit niyo at pumasok na kayo sa loob." Saad ni miss. Mabuti na lang ay kaunti lang ang nasa loob ng bus na ito at may tatluhang upuan. Nasa dulo kami nakapila ni Malcolm kaya kami ang huling pumasok pero napahinto ako ng makita si Carson na nakaupo at walang katabi. Napansin ko na nakaupo sa harapan niya ang mga tropa niya at may ibinulong kasabay ng pagngiti niya.
Wala naman akong problema kay Carson pero ang taong kasama ko ngayong ay mayroon. Napalunok ako ng makita si Malcolm na masamang nakatingin kay Carson. Nakakatakot ang mga tingin niya ngayon pero pansin kong wala lang iyon kay Carson. Magsasalita sana ako para kausapin si Malcolm pero kumaway si Carson.
"Kiro!" Masayang bati nito sa akin. Sumignal ito na umupo ako sa tabi niya. Tatanggi sana ako kaso lang dumating na si miss at pinapamadali kami at baka mahuli sa pupuntahan. Wala na kaming nagawa ni Malcolm kung hindi ang umupo sa dulo katabi ni Carson. Pumagitna na lang ako sa kanilang dalawa dahil baka biglang magkaroon ng gulo. Iyon pa naman ang isa sa iniiwasan ko lalo na hindi magkasundo silang dalawa. Kinuha ko sa bag ang binabasang manga at nagpatuloy sa pagbabasa.
"Na miss ko ang makalaro ka sa arcade." Saad ni Carson dahilan para mapahinto ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin. Nakangiti ang mga labi nito at tila walang pinagsisihan sa sinabi niya.
"Can you please stop bothering him?" Iritableng sagot ni Malcolm.
"Why? There's nothing wrong what I'm doing Mr. Dela Vega right Kiro?" Napatingin ako kay Carson dahil sa sinabi niya. Aaminin kong hindi ako komportable ngayon dahil sa tinginan nilang dalawa na kulang na lang ay magsuntukan sa harapan ko.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang bag mula kay Malcolm. "Kung mag-aaway kayong dalawa mas mabuting umalis na lang ako dito," walang gana kong sagot at nakipagpalit ng upuan kay Vincent. Noong una ay ayaw nitong makipagpalit pero ng titigan ko siya ng masama ay kaagad siyang tumayo at umalis kaya ako na ang pumalit sa pwesto niya.
Tahimik na sumandal na lamang ako at ipinikit ang mata. Mabuti na lang ay hindi na ako pinuntahan pa ni Malcolm dahil baka masigawan ko lang siya sa inis ko. Pagkarating sa camping site ay nauna pa akong lumabas kahit sa driver ng bus. Nauna akong pumila at sinundan ang ibang mga estudyante. Napansin ko na nakasunod naman sa likod ko si Rico.
"Uy bakit hindi mo pinapansin si Malcolm? May LQ na naman ba kayo?" Napaikot ako ng tingin at masamang tinitigan siya. "Okay hindi nga nga magtatanong eh halata naman sa mukha mong may LQ kayong dalawa." Untag nito at nagzip pa ng bibig. Oo na inaamin kong naiinis ako sa kanya pati kay Carson, dahil halos wala ng katapusan ang pag-aaway nilang dalawa.
Nakinig na lamang ako sa sinasabi ni miss habang nakatayo sa kumpol ng mga tao sa paligid at katabi ko si Rico. Maraming mga games ang gagawin ngayong araw lalo na magkakalaban ang bawat sections.
"Mukhang masaya ito!" Masiglang sigaw ni Rico at ngumiti lang ako.
Hanggang sa nagsimula na ang mga laro ng bawat batch at sections. Napunta ang section namin sa larong tug-of-war kung saan kalaban namin ang section nila Yumiko. Naghiyawan ang lahat dahil ano pa ba, nandito kasi ang mga fans nila Malcolm para supportahan sila. Nakakairita ang mga tilian nila!
"Kiro." Tawag ni Malcolm na nasa likuran ko na pala. Masama ko siyang tinignan.
"What?" Iritable kong sagot at tumayo ng diretso kasabay ng paghigpit ng hawak sa lubid.
"I'm sorry, hindi ko lang talaga maiwasan mainis sa kanya sa tuwing lumalapit siya sa'yo." Paliwanag nito.
"Ano ba kasing kinagagalit mo? Hindi ko naman gusto si Carson dahil hanggang kaibigan lang ang turing ko sa kanya." Hinanda ko na ang aking sarili ng biglang sumipol ang referee kaya nagsimula na ang hatakan.
"I'm sorry mahal." Mahinahon at mapang-akit nitong bulong sa tenga ko dahilan para manigas ang buo kong katawan at mabitawan ang tali. Nagsigawan ang kabilang section ng manalo sila habang ang mga kaklase ko naman ay nagmamaktol dahil sa pagkatalo. Sinisi nila ako at naghimutok pero ang isip ko ay lumilipad kung saan. Ang naririnig ko lang ay ang pintig ng puso ko na sobrang bilis.
"Ano'ng nangyari kay Kiro?" Bulong na tanong ni Vincent kay Malcolm. Nakangiting malapad at nagtaas baba lamang ng balikat si Malcolm. Ano itong nangyayari sa'kin? Ganito na ba talaga ang epekto ni Malcolm sa akin?
"Kiro naman eh! Alam mo bang mananalo na sana tayo kaso bigla mong binitawan ang tali?!" Himutok ni Rico.
"S--sorry." Nauutal kong sagot at naglakad papalayo para uminom ng tubig dahil sa panunuyo ng lalamunan ko. Nakasunod lang sa akin si Rico at kinukulit kung bakit daw binitawan ko iyong tali. "Wala nga Rico nawalan lang ako ng balanse kanina." Tila hindi ito nakumbinsi sa sinabi ko hanggang sa tinawag na muli ang lahat ni miss para sa susunod na laro. Kaya naisipan ko munang hindi sumali dahil baka maitalo ko lang ulit ang laro.
"Sigurado ka ba?" Nakailang tanong na niyan si Rico pero tanging pagtango lang ang ginagawa ko kaya sumuko na siya at sumali sa laro.
Naiwang nakaupo lamang ako habang pinapanood silang maglaro. Ang laro nila ngayon ay pipila silang lahat at ang nasa unahan ay magsusulat ng word na i-action ng iba hanggang sa makarating sa dulo. At kapag tama ang hula ng nasa dulo ay iyon ang mananalong section. Parang may sariling buhay ang mata ko at tinitigan niyon si Malcolm ang ginagawang action ni Vincent.
"Is that worm?" Natawa ang lahat dahil sa sinabi ni Malcolm kahit ako ay natawa rin. May punto naman siya dahil mukhang uod umacting si Vincent pero ang totoo niyan ay sirena ang ginagawa niya.
"What the f*ck is that?!" Inis na sigaw ni Malcolm kay Vincent kaya marami na ang estudyanteng nanunuod sa section namin laban sa ibang section.
"Ang cute talaga niya."
"Nako kung single lang si Malcolm baka ligawan ko na siya!"
"Hoy tumigil ka nga nandiyan iyong boyfriend niya," bulungan ng bubuyog sa paligid. Ngumiti ako ng pilit ng humarap sila sa akin at dahan-dahan naman silang umalis ng nakangiti ng pilit din.
"Hindi halatang nagseselos ka promise." Saad ng boses sa gilid ko at alam kong si Carson iyon dahil kabisado ko ang boses niya. Napangisi naman ako at hinarap siya pero natawa lamang ito kasabay ng pagtap sa balikat ko na kinagulat ko. "I'm sorry," biglang nakunot ang noo ko. Magtatanong sana ako para saan ang pag-sorry niya pero kaagad din siyang sumagot. "He loves you and I know you love him too."
"A--ano bang pinagsasabi mo." Naiiling kong sagot pero inilapit niya lamang ang kanyang sarili at bumulong sa tenga ko.
"He is looking at us." Aniya kasabay ng mahinang pagtawa. "Pangbawi lang sa kanya." Sabay kindat nito at sumama na sa mga kaibigan niya paalis.
Ano ba'ng pinagsasabi niya na nakatingin si Malcolm-- oh sh*t nakatingin nga siya!
Ang dilim ng tingin nito sa akin na parang may nagawa akong mali. Nilakihan ko siya ng mata na nagtatanong kung ano ang nagawa ko.
"What?!" buka ng bibig ko pero alam kong nabasa niya iyon. Pero bigla nitong itinuro ang kanyang mata papunta sa akin. Aaminin kong natakot ako sa paraan ng pagtitig niya.
Pinanood ko ang laro nila at natutuwa ako sa tuwing kay Malcolm na dahil hindi nito makuha-kuha ang mga ginagawa nila kaya ang sa huli ay natalo lang ang section namin. Ang unfair dahil imbes na sisihin nila si Malcolm dahil sa pagkatalo ng section namin ay pinuri pa nila ito. Kaya ang laki ng ulo ng lalaking ito dahil hindi man lang pinupuri ang mali niya. Tsk. Malalaki ang hakban ni Malcolm na lumapit sa akin kaya ito na naman ang atensyon ng ibang estudyante sa paligid.
"What did you two talk?" Tanong niya habang nakacross-arm pa ang mga kamay.
"Bakit nagseselos ka?" Ngising tanong ko.
"Yes I'm jealous." Aminadong aniya. Tumayo na ako at pinagpagan ang pantalon.
"Maglaro na lang tayo dahil ayaw kong masira na naman ang araw ko." Ngumisi rin ito at inakbayan ako sa balikat.
"Kapag kinausap mo ulit ang lalaking iyon ay hindi na ako magdadalawang isip pa na gumawa ng gulo." Sinamaan ko siya ng tingin pero kaagad din siyang tumawa. "I'm just kidding." Tinanggal ko ang kamay nito na naka-akbay.
"Then I'm not." Naglakad na ako papunta sa section namin para sa susunod na laro. Paulit-ulit akong kinukulit ni Malcolm kaya hindi ako makapagfocus sa bawat games na sinasalihan namin lalo na sa three legged race. Imbes na ang makakapartner ko ay ang kaklase naming babae na si Shantal kaso umalis na lang din si Shantal dahil ang gusto ni Malcolm ay kaming dalawa ang magkapartner. Nalaman lang niya ang sabi-sabi na kung sino raw ang nakapartner mo sa three legged race ay nauuwi sa date.
"Ready, set..." napabuga na lamang ako ng hangin at ipinalibot ang kamay sa bewan ni Malcolm na kinagulat niya. Tsk, hinawakan ko lang naman siya sa bewang namula na kaagad ang pisngi niya. Pero hindi ako nagsisinungalin na ang cute niya sa tuwing namumula ang mukha niya kahit pa ang tenga nito.
"Go!" Ng marinig na namin ang signal ay umakbay sa akin si Malcolm at mabilis ang bawat paghakbang naming dalawa. May mga ibang section din kaming nakalaban at desidido rin ang mga ito na manalo. Maingat ang bawat hakbang namin ni Malcolm kaya ramdam kong mananalo na kami sa laban na 'to. Kaunting hakbang na lang ay makakarating na kami sa finish line ng biglang nauna sa amin si Edmon kapartner si Rico kaya ang naging resulta ay silang dalawa ang nanalo at nakakuha ng papremyo.
Hay, sayang malapit na kaming manalo pero hindi ko inaasahan na mabilis din pala silang dalawa.
"Nakakainis!" Pagmamaktol ni Malcolm sa gilid ko at natawa naman ako ng mahina. Kung bumusangot kasi ang mukha niya ay akala mo ito na ang katapusan ng mga laro.
"Ayos lang na matalo ganoon talaga sa laro." Naiiling kong sagot sa kanya. Ng mapadaan si Edmon at Rico ay kaagad ko silang binati sa pagkapanalo nilang dalawa. Hindi na rin kasi masama dahil ka-section namin silang dalawa. Dapat pa ngang maging proud kami dahil natalo ng section namin ang iba pang sections.
"Nakita mo ba Kiro? Ang galing ko 'di ba?" Taas noong saad ni Rico sa akin at ipinakita mo ang premyo na nakuha niya. Napangisi naman ako at tumango-tango.
"Oo na magaling ka na, siguro malas lang talaga ako ngayong araw," Napanguso naman siya sa sinagot ko. "congrats din pala." Bati ko kay Edmon at tumango lamang siya at nilagpasan na kami.
"What's wrong with him?" Kunot noong tanong ni Malcolm at nagtaas baba naman ng balikat si Rico.
"Hindi ko rin alam, niyaya niya nga lang ako sumali sa laro kanina pero parang may pangbabanta." Sabay hagalpak sa tawa ni Rico.
Napansin din siguro ni Malcolm na parang wala sa mood si Edmon ngayon. Habang naglalakad kami pabalik sa tent ay nagkwento sa akin si Malcolm na tuwing nagkakaroon ng camping sa school ay tuwang tuwa si Edmon pero ngayon ay tila wala itong pakialam. Bigla akong kinabahan dahil may kutob ako na kaya nagkakaganyan si Edmon ay dahil sa'kin.
Ng mag alas singki na ng hapon ay napagod ang lahat sa mga activity at sinabi ni miss na marami pang magaganap ng activity kaya kailangan naming maging handa. Hanggang sa nag-assign na si miss ng mga gawain sa bawat section at napunta naman sa section namin ang pag-iihaw ng barbecue kaya ako na ang nagpresenta tsaka wala ring nagtataas ng kamay kaya nakakahiya kung ang section namin ang walang gagawin kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na nagtaas ng kamay. Balak sana akong samahan ni Malcolm pero si miss na ang pumili kay Edmon. Hindi na ako magtatakha na piliin niya si Edmon dahil paborito niya itong estudyante.
"Are you sure you don't want my help?" Nakangusong tanong ni Malcolm at tumango naman ako. Nagulat pa ako ng isuot niya sa akin ang jacket niya dahilan para kumapit ang amoy nito sa katawan ko. "Malamig ngayon baka magkasipon ka."
Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng pintig nitong puso ko. Tatanggalin ko sana ang jacket nito dahil naka tshirt lang siya pero pinigilan niya ako.
"I'm okay, Kiro," ramdam ko ang lambing at concern sa tono ng boses niya.
Sa tuwing dumaraan ang araw na nakakasama ko siya ay pakiramdam ko na mas lalo ng nahuhulog ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko kapag namalikmata lang ako at nawala siya sa paningin ko ay mamamatay ako sa kakahanap.
Pero bakit? Bakit may parte pa rin sa akin ang natatakot?
Para akong naiipit sa kumpulan ng mga tao habang inaabot ang kamay niya sa hangin. Sobrang hirap. Pero may munting boses ang bumulong sa isipan ko. Kapag ba sumubok ako may mawawala ba? Siguro ay wala na dahil simula ng pumasok siya sa buhay ko ay nagulo na ang lahat, nagulo na rin niya ang puso't isip ko. I'm crazily in love with him.
Habang naglalakad siya papalayo kasama nila Vincent para magdingas ng apoy ay nasa akin pa rin ang kanyang tingin habang kumakaway papalayo.
Siguro ito na ang tamang araw para sabihin ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman dahil pakiramdam ko ay sasabog ako. Hindi ko lang gusto si Malcolm. Mahal ko na siya.
Nagsimula man sa inis at galit ang lahat pero hindi mababago niyon ang katotohanan na nahulog ako sa lalaking 'yon kahit na ang kulit niya.
I love him at hindi ako papayag na matapos ang camping na ito na hindi ko naamin sa kanya ang nararamdaman ko.
To be continued...
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe