KIRO
Puno ng hiya ang nararamdaman ko ngayon habang nasa bus dahil halos lahat ng mga pasahero ay nasa akin nakatingin. Bumili na nga ako ng mask para lang matakpan ang mukha ko pero sadyang matalas ang mga mata nila para makilala ako. Ng makarating na ako sa amin ay mabilis akong bumaba ng bus at nagmamadaling naglakad papunta sa bahay. Napahilot ako sa sentido ng makitang ang daming mga police sa harapan ng bahay habang kinakausap si Malcolm.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa na puntahan sila dahilan para magulat silang lahat.
"Kiro?" Mabilis na niyakap ako ni Malcolm. "Thank God you're okay." Nag-aalalang aniya. Nagdikit ang aking kilay at mabilis na itinulak siya.
"Ano na naman bang ginawa mo?!" Inis na sabi ko sa kaniya. Unti-unti naman niyang narealize kung ano ang bagay na ginawa niya. Napatikhim naman siya at nakangiting hinarap ang mga police.
"I think he's here, you all may go now." Pagtataboy nito sa mga police. Puno ng mga pagtatakha ang kanilang mga mata hanggang sa umalis na silang lahat. Muli akong hinarap ni Malcolm at ngayong oras na ito ay hindi ko na mapigilan ang magalit sa kaniya.
"Baliw ka na ba?!"
"No I'm not--"
"Then why are you doing this?!" Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa galit na nararamdaman. Pakiramdam ko ay hindi ko na kaya pang pigilan ang hindi magalit sa mga pinaggagawa niya. "Bakit kailangan mong pakialam ang mga bawat kilos ko? This is my life Malcolm and you don't have a rights!" Nagmamadaling pumasok na ako sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto. Malakas na sinarado ko ang pinto ng kwarto at ni'lock.
Pinagsusuntok ko ang unan para lang gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto dahilan para mapahinto ako at umupo ng maayos.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" Bungad na tanong ko.
"Can we talk?" Mahinahon na saad nito. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango. May magagawa pa ba ako? "Look, I am sorry for what I did. I just concern about you." Kasabay ng paglapit niya at umupo sa tabi ko. Umatras naman ako na kaunti ng may kakaibang pakiramdam akong naramdaman.
"Alam kong nag-aalala ka lang pero sana naman binasa mo iyong notes na iniwan ko sa ref." Nagdikit naman ang noo nito sa sinabi ko.
"Notes?"
"Oo, iyong papel-- huwag mong sabihin na hindi mo nabasa?" Dali-dali akong napatayo at dumiretso sa ref habang si Malcolm ay nakasunod lang. "Teka, dito ko lang dinikit iyong papel pero bakit wala na?" Napaikot ako ng tingin hanggang sa napansin kong nasa sahig ng iyong papel.
"I think it's your fault--"
"Shut up Malcolm." Naiinis kong putol sa kaniya. Napatahimik naman siya at nag-close zip sa labi. Sa susunod ay didikitan ko na ng sandamakmak na tape para naman hindi mahulog at mauwi sa kabaliwan niya.
~Ggggrrrrr
Napahawak ako sa tiyan ko ng marinig na kumulo ito. Nalimutan kong hindi pa pala ako nakakakain ng tanghalian dahil sa kahibangan ni Malcolm. Biglang hinawakan ni Malcolm ang kamay ko at hinatak paupo.
"Good thing is I'm not done eating my lunch." Sabay ngiti nito.
Hindi na ako umangal pa at hinayaan siyang paghandaan ako. At tsaka kasalanan niya rin naman kaya hindi ako nakakain ng tanghalian kanina sa karinderya. Natakam bigla ako ng makitang masasarap ang mga nakahain sa lamesa.
"Ikaw ang nagluto nito?" Gulat na tanong ko sa kaniya.
"Yup, you're future husband." Kasabay ng pagkindat niya. Pinaningkitan ko naman siya ng mata.
"Gutom lang 'yan." Natawa naman siya sa sinagot ko at nagsimula na kaming kumain dalawa. "Bakit hindi ka pumasok ngayon? Siguradong namimiss ka na ng mga fans mo."
"I don't care about them." Napangisi naman ako at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik na kumain lang kaming dalawa hanggang sa nauna akong natapos kaya hinugasan ko kaagad ang aking pinggan ngunit napahinto ako ng maramdaman ang pagvibrate ng cellphone ko mula sa bulsa. Nakunot ang noo ko ng mapansin na walang nakalagay na pangalan at tanging number lang. Wala akong choice kung hindi sagutin ang tawag.
"Hello sino 'to--"
[Kiro!] Sigaw mula sa kabilang linya kaya nailayo ko kaagad ang cellphone. What the heck?!
"Pwede bang huwag kang sumigaw?" Inis na sagot ko.
[Sorry naman na-excite lang akong tawagan ka.] Kasabay ng paghagikgik nito.
"Jane?" Nagtatakhang tanong ko.
[Yup ako nga kaya sunduin mo na ako dito sa airport kung ayaw mong isumbong kita kay tito.] Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ano?! Nasa pilipinas ka?"
[Alangan kaya nga nasa manila aiport ako 'diba?] Sarcastic na aniya. Napahilot na lang ako sa sentido dahil bakit ngayon pa siya dumating. Wrong timing. [Hello Kiro, nandiyan ka pa ba?]
"P--papunta na ako." Sasagot pa sana siya ng pinatay ko na kaagad ang tawag. Mabilis kong pinuntahan si Malcolm na nagliligpit ng mga pinggan. Bakas sa mukha niya ang pagtatakha ng lapitan ko siya.
"What's wrong?" Bungad na tanong niya.
"Umalis ka ng bahay pansamantala." Diretso kong sagot.
"What?! Are you serious, Kiro?! Ang init sa labas." Nilagpasan lamang niya ako kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Pakiusap kahit tumuloy ka muna pansamantala sa hotel." Sabay kuha ko ng pitaka sa bulsa at bigay sa kamay niya. "Gamitin mo muna ang pera ko at tatawagan na lang kita kapag pwede ka ng bumalik dito sa bahay." Umiling naman siya at binalik sa kamay ko ang pitaka.
"No." Madiin na aniya. "Your dad tells me that I am the incharge of this house." Napasapo na lang ako sa noo. Bakit ba kasi nakasama ko pa ang isang 'to. "Don't tell me that you will bring a man here? Sinasabi ko sa'yo Kiro that I'm serious I'll kill that man--" sinalpakan ko na lang ng tinapay ang bibig nito para tumahimik.
Ano ng gagawin ko? Paano kung makita siya ni Jane dito? Si Jane ang isa sa mga inaanak ni papa at kaibigan namin ni Rico-- Tama si Rico! Kay Rico ko muna siya patutuluyin.
Nagmamadaling naglakad ako palabas ng bahay pero kaagad hinila ni Malcolm ang braso ko kaya napahinto ako.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang magkadikit ang dalawang kilay.
"Malcolm huwag ngayon."
Narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko pero tuluyan na akong tumakbo pasakay ng bus.
"Manila airport po manong."
Habang nasa biyahe ay hindi ako mapakali at nag-iisip ng idadahilan para pumayag si Jane na tumira pansamantala kila Rico. Ilang minuto lang ng makarating na ako ng manila airport kaya nagmamadaling akong pumasok sa loob. Hindi pa man ako nakakalayo at natatanaw ko na si Jane na dala ang bagahe habang kumakaway sa akin.
"Thank God dumating ka rin. Kanina pa kita tinatawagan dahil naiinip na ako dito kaso may ibang boses ang sumagot sa cellphone mo."
Malcolm!
"Kaibigan ko." Pagdadahilan ko. Napansin ko ang mata nito na kinikilatis ang mukha ko.
"Okay, tara na gusto ko ng magpahinga." Sabay lakad nito paalis kaya ako kaagad akong humarang.
"Wait." Pigil ko at nakunot naman ang noo niya. "G--gusto ni Rico na sa kanila ka muna tumira pansamantala."
"No." Nagpatuloy muli siya sa paglalakad ng may humarang sa kaniya. Nanlaki ang mata ko ng makita si Malcolm. Napansin ko ang biglaang pagliwanag sa mga mata ni Jane. "May kailangan ka?" Kinikilig na aniya. Dumapo ang tingin sa akin ni Malcolm at lumapit.
"So she's your mistress?"
Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa mga pinagsasabi ni Malcolm. Marami tuloy ang mga tao ang napapatingin sa amin at nagbubulungan.
"Inaanak siya ni papa ano ka ba!" Iritadong bulong ko sa kaniya. Pinaningkitan ako ng mga mata nito na parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
"Tama ikaw iyong nasa news kanina!" Sabay duro ni Jane kay Malcolm. Hinatak ko na silang dalawa paalis ng airport dahil nakakahiya na sa mga tao.
"Bakit sumunod ka pa rito?!" Napamewang naman siya sa tanong ko.
"Because I'm your boyfriend and that's why I need to know wherever you go." Matalim ang titig naming dalawa sa isa't-isa hanggang si Jane na ang pumigil sa amin.
"Tama na 'yan okay? Nakakahiya sa mga tao." Nahihiyang aniya. Nanlaki ang mata ko ng makitang inirapan ako ni Malcolm.
"Nakita mo ba ang ginawa niya?!"
"Para talaga kayong bata." Naiiling na bulong ni Jane.
"No I'm not/Hindi ako." Sabay na saad namin ni Malcolm. Napahilot na lang sa sentido si Jane at itinulak kami ni Malcolm pasakay ng taxi.
"Mas mabuting mag-usap na lang muna kayong dalawa. Bye!" Masayang sambit nito at kinindatan pa si Malcolm. "Manong kayo na po ang bahala sa kanilang dalawa." Kasabay ng pagsara nito ng pinto.
"Teka paano ka--" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"I can handle myself okay? At tsaka baka masayang makita ako nito Rico." Napatango-tango na lamang ako hanggang sa sinimulan ng paandarin ni manong ang sasakyan. Wala akong balak na makipag-usap sa kaniya at wala rin naman akong dapat ipaliwanag dahil siya itong napakasuplado.
Pagkarating sa bahay ay nauna pa siyang pumasok sa loob kaya nakaramdam ako ng inis. Siya pa talaga itong galit? Fine! Kung galit siya ayos lang para mawala na rin ang asungot sa paligid.
Pagkaakyat ko sa kwarto ay kaagad akong nahiga sa kama dahil sa pagod. Sakto ring pagkarating sa bahay ay ang pagtext sa akin ni Jane na nasa bahay na siya nila Rico. Saktong alas singko na pala kami nakauwi ni Malcolm. Bagot na binato ko na lamang ang cellphone sa kama at bumaba sa kusina para magsaing at magluto ng hapunan ngunit hindi ko inaasahan na makita si Malcolm na abala sa pagluluto habang walang emotion na animo'y badtrip.
Ng dumapo ang mata nito sa akin ay kaagad ding umiwas na para bang ang laki ng kasalanan na nagawa ko sa kaniya. Napanganga na lang ako dahil sa gulat. Ngayon ko lang muli siyang nakita na ganito ang mukha simula ng makilala ko siya at guluhin ang buhay ko.
Padabog na umupo na lamang ako habang hinihintay maluto ang pagkain. Pero mas lalong nag-init ang ulo ko ng isang plato lang ang inilapag niya para sa kaniya kaya 'di ko na mapigilan ang magsalita.
"Ano na naman ba'ng kinagagalit mo?! Ikaw na nga itong sumulpot sa airport tapos ikaw pa ang galit?!" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Yes I'm mad because you didn't tell me what is the reason why you left and do you want to me leave." Unti-unting nawala ang galit na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya. Natikom ko bigla ang aking labi na para bang walang salita ang gustong kumawala. Siya naman ang napatayo at kinuha ang plato. "Fine! If you want me to leave then I'll leave." Galit na aniya at umakyat sa itaas.
Napaupo na lamang ako at napahilot sa sentido. Bakit kailangan ko pang sabihin sa kaniya ang rason kung bakit kailangan niyang umalis ng bahay?
Alangan siya lang naman ang napagkakatiwalaan ng tatay mo.
Napabuntong hininga na lang ako at nagsandok ng akin. Nagsimula na akong kumain mag-isa pero nakakailang subo pa lang ako ay binagsak ko ang kutsra sa lamesa. Bakit nakonsensiya bigla ako?
Ngayon ko lang napagtanto na tama siya. Dapat ay ipinaalam ko sa kaniya kung ano ang rason bakit dapat siyang umalis ng bahay pansamantal. Tinapos ko na ang aking pagkain at umakyat sa itaas para magpalit ng damit. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakasara pa rin ang kwarto ni Malcolm. Oo na kasalanan ko na kung bakit siya nagalit. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil nataranta ako sa pagdating ni Jane at hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ni Malcolm.
Lumabas na lang ako ng bahay para pumunta ng mini stop hindi kalayuan sa bahay. Balak ko sanang bumili ng ice cream pero ng maramdaman kong malamig ang panahon ay nagbago na ang isip ko. Maghahanap na lang siguro ako ng pwedeng makain. Pagkarating sa mini stop ay naglibot-libot na ako para maghanap ng pagkain hanggang sa kumuha na lamang ako ng noodles pero napahinto ako ng maisip kung ilan ang kukuhanin ko. Wala na akong nagawa pa kung hindi kumuha ng dalawa.
"230 po sir," saad ng cashier. Inabot ko naman ang bayad pero naagaw ng atensiyon ko ang nag-iisang gummy na may disenyong Ben10 kaya hindi ko maiwasan ang matawa.
"Pakisabay na rin nito." Sabay abot ko.
"Siguradong matutuwa ang anak niyo sir dahil sikat ito ngayon." Ngiting sambit nito. Bigla akong natawa habang napahawak sa tiyan.
"Sana." Natatawang sagot ko.
Ng matapos na nitong balutin ang mga binili ko ay hindi ko inaasahan na makikipagpicturan pa siya. Pipindutin pa lamang nito ang camera ay may sumulpot sa gitna naming dalawa at umakbay.
"Thank you." Nang-aasar na sabi ni Malcolm at hinatak ang kamay ko palabas ng mini stop habang ako naman ay gulat na gulat pa rin dahil sa pagdating niya.
"P--paanong--"
"I've been following you," galit na aniya. "Pero naabutan kitang nakikipaglandian sa cashier." Kasabay ng pamewang niya.
"Ano?! Kanina mo pa ako sinusundan?" Napatango-tango naman siya. Napanguso na lamang ako at ibinato sa kaniya ang isang supot dahilan para makunot ang noo niya.
"What is this?"
Hindi ko na sinagot pa ang tanong niya at nagsimulang maglakad pauwi sa bahay. Gumuhit ang ngiti sa aking labi dahil sa tuwa na nararamdaman. Akala ko ay hindi na niya ako papansinin pa dahil sa nangyari kanina. Pagkarating sa bahay ay naabutan kong tinititigan niya pa rin ang ibinigay ko sa kaniya.
Napailing na lang ako at nagpakulo ng mainit na tubig para sa noodles. Naabutan ko si Malcolm na nakaupo sa sofa kaya lumapit na ako. Ng magtama ang mata naming dalawa ay kaagad siyang umiwas. Napabuga na lamang ako ng hangin.
"I--I'm s--sorry." Nauutal kong sabi dahil sa tensiyon na nararamdaman. Napakagat ako sa ibabang labi ng makitang lumamig na naman ang tingin niya sa akin.
"Okay." Aniya at ngumiti. "That's the word I want to hear from you." Hindi ko maiwasan mapangiti at kinuha ang plastic mula sa kaniya. "What are you doing?! I thought that's mine?" Napangisi na lamang ako at binuksan ang plastic. Nagliwanag ang mga mata nito ng makita ang hawak ko. Inabot ko naman muli sa kaniya ang gummy.
"Para sa'yo talaga 'yan."
Ng marinig ko ang pagkulo ng mainit na tubig ay isinalin ko kaagad ito sa noodles. Inabot ko naman sa kaniya ang isa at nagpasalamat naman ito.
"What's your plan?" Tanong niya.
"Siguro this weekends na ako maghahanap ng trabaho kailangan ko na rin makahabol sa lecture. Ikaw?" Napaisip naman ito habang sumusubo ng noodle.
"Maybe I'll stop part timing." Nakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Hah? Alam mo bang ang hirap maghanap ng trabaho ngayon?" Naiiling kong sagot sa kaniya.
"Actually the reason why I fired because of the mess." Napakamot naman siya sa batok kaya napabuntong hininga na lamang ako.
"Paano kung sabay tayo maghanap ng trabaho this weekends? Deal?" Lumapad naman ang ngiti sa labi nito at tinanggap ang kamay kong nakalahad.
"Deal."
"Ipangako mong wala kang gagawin na kabaliwan na naman, maliwanag?" Napatango-tango naman siya.
Ilang minuto lang ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone mula sa aking bulsa at napansing tumatawag si papa. Kaagad ko naman sinagot at nagtanong lang ito kung ayos kaming dalawa ni Malcolm.
"Papa ayos lang kaming dalawa--" hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng kunin ni Malcolm ang cellphone at siya ang kumausap.
"We're okay tito... Yes He's acting childish sometimes but I like it... Yeah... Thank you tito mag-iingat po kayo diyan." Sabay patay nito ng tawag at ibinalik sa akin ang cellphone. Para akong napatulala ng marinig ang mga sinabi niya at hindi ko inaasahan na para bang may kakaibang epekto iyon sa akin. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko tuwing naririnig ang mga sinasabi niya.
"Hey are you okay?" Sabay kaway nito sa mukha ko. Mabilis akong napaiwas ng tingin at tumango.
"O--oo." Nagpatuloy lang ako sa pagkain ng bigla nitong idinampi ang isang daliri sa aking pisngi.
"Are you sure? Namumula kasi ang mukha mo--" dali-dali kong pinigilan ang kamay niya.
"Ang sabi ko ayos lang ako."
Tinapos ko na ang pagkain at umakyat sa kwarto para matulog. Aish! Bakit ba kasi umaakto siya ng gano'n?
Naligo na lamang ako para mawala kahit papaano ang init na nararamdman ko. Ng matapos na akong maligo ay itinapis ko na sa aking katawan ang tuwalya at bumungad sa harapan ko si Malcolm na nakangiti.
"I would like to say thank you." Nahihiyang saad nito habang nakakamot sa batok. Himala marunong pala siyang magpasalamat.
"Para saan?" Nanliliiit na matang tanong ko sa kaniya.
"For eveything." Aniya.
"Oo na, pwede ka ng lumabas ng kwarto ko at magbibihis pa ako." Pagtataboy ko sa kaniya at itinulak siya palabas ng kwarto pero pinigilan nito ang kamay ko. Ipinalupot naman niya ang isang kamay sa aking bewang dahilan para manlaki ang mata ko. "Ano'ng balak mong gawin Malcolm?" Pinipigilan ko ang hindi mautal. Napangiti naman siya at mabilis na siniilan ng halik ang aking labi.
Tila nanigas ang buo kong katawan dahil sa ginawa niya at ramdam ko ang malambot nitong labi sa akin. Pilit niyang ipinapasok ang kaniyang dila pero pinipigilan ko iyon ngunit kumawala ang ungol sa aking bibig ng bigla niyang kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Gusto ko mang tulakin siya papalayo pero bakit parang wala akong lakas?
Unti-unting bumababa sa aking pang-upo ang kamay niya at pinisil iyon dahilan para manlaki ang mata ko. Put* ramdam kong parang bang tumatayo na ang alaga ko dahil sa paraan ginagawa niya.
Buong pwersa ko siyang itinulak at nagtagumpay naman ako. Mabilis ang aking paghinga at hindi alam kung ano ang sasabihin.
"A--ano'ng ginawa mo?!" Inis kong sigaw sa kaniya. Natawa naman siya at ramdam ko ang pag-init ng gilid ng aking pisngi.
"You're blushing."
"Labas!" Malakas ko siyang itinulak palabas ng kwarto at mabilis na ni'lock ang pinto.
Napahawak ako sa aking dibdib ng maramdaman ang mabilis nitong pagtibok. No! No! Hindi ko dapat maramdaman ito. Bakit tinigasan ako sa ginawa niya?! Napasabunot na lang ako sa buhok at napasigaw sa inis.
Hinayupak talaga ang pugong 'yon!
Dali-dali akong nagsuot ng damit at umakyat sa kama para mahiga. Parang sirang plaka sa isipan ko ang ginawa ni Malcolm kanina at tila ba ngayon ko lang muli naramdaman ang ganitong bagay. Sh*t!
Bakit tumigas ka dahil lang sa ginawa niya? Inis na sabi ko sa aking alaga.
Sh*t! T*ng'na!
Narinig ko bigla ang pagkatok sa pinto.
"I want to say sorry for what I did but I enjoy that." Pilosopong aniya.
"F*ck you!"
"I love you too baby." Masayang saad nito.
Napasapo na lang ako sa noo ko at hindi na alam ang gagawin. Sumasakit lang ang ulo ko sa tuwing naalala ang ginawa niya. Damn that jerk!
To be continued...
© All Rights Reserved 2022
His Possessive Games
Genre: Romance
Written by @Hoaxxe