Chapter 10

3333 Words
Kiro's POV Teka, bakit ako matatakot sa kaniya? Wala naman akong ginagawang masama. Tama hindi ka dapat magpaapekto sa kaniya Kiro. Bulong ko sa sarili at nilalakasan ang loob kahit pa ramdam ko ang pagbagsak ng pawis sa aking noo. Napaatras ako ng biglang pinunasan ni Carson ang pawis na tumulo sa aking noo gamit ang panyo nito. "Ayos ka lang ba, Kiro? Pinagpapawisan ka." Mabilis kong natabig ang kamay nito dahil sa gulat.  "A--ayos lang ako." Sabay ngiti ko sa kaniya. Napatango naman siya hanggang sa napansin ko na lang na nasa gilid na namin si Malcolm habang malamig ang tingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata dahil sa paraan ng titig niya. Napansin ko na lang na sinasabi na ni Carson ang order pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Malcolm. Maraming mga tao ang napapatingin sa pwesto namin dahil sa galaw ni Malcolm na sigurong pinagtatakha nila. Napaiwas na lamang ako ng tingin hanggang sa umalis na si Malcolm ng makuha ang order ni Carson. Totoo nga ang balita sa Hustone. Nagtatrabaho si Malcolm dito sa cafeteria pero bakit? Ang yaman na kaya niya.  "Kiro." Tawag ni Carson dahilan para matauhan ako. "Hm?"  "Gusto sana kitang yayain manuod ng cine this weekends--" hindi na natuloy nito ang kaniyang sasabihin ng malakas na nilapag ni Malcolm ang order sa lamesa. "Here's your order." Malamig na saad nito habang ang sama ng tingin kay Carson na kulang na lang ay may laser ang lumabas sa kaniyang mata. Pansin ko ang pagtatakha sa mukha ni Carson dahil sa pakikitungo sa kaniya ni Malcolm. Napakagat ako sa ibabang labi ng dumapo ang tingin sa akin ni Malcolm. "We need to talk." Dali-dali niyang tinanggal ang apron at nilapag sa lamesa. Hinatak nito ang aking kamay paalis pero may kamay ang pumigil sa kaniya. Napatitig na lang ako sa kanilang dalawa na nagpapalitan ng masamang tingin habang hawak ang kamay ko. Aish! Hindi ba sila nahihiya?! Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Malakas kong tinanggal ang kamay ni Malcolm sa akin kasabay ng pagtanggal din sa kamay ni Carson. Mabilis kong kinuha sa upuan ang bag at sinukbit ito sa akin. Hinawakan ko sa kamay si Malcolm. "Sorry Carson sa susunod na lang tayo muli mag-usap. Salamat ulit." Sambiit ko sa kaniya at hinatak na palabas si Malcolm. Pansin kong hindi siya pumapalag habang hatak ko ang kamay niya. Ilang minuto rin bago kami nakarating sa likuran ng Hustone. May mga dumaraang estudyante ang napapatingin sa aming dalawa at bakas sa mukha nila ang gulat. Ng mapansin kong wala ng tao sa paligid ay nanlilisik na matang hinarap ko si Malcolm. "Ano na naman ba'ng tumatakbo diyan sa utak mo?! Kapag nalaman nila na may koneksiyon tayong dalawa ay siguradong katapusan ko na!" Singhal ko dito. Napangisi naman siya kaya mas lalo lang uminit ang ulo ko.  "I don't care about them!" Nakita ko kung paano magdilim ang mga tingin nito sa akin. "Ano?! Naririnig mo ba mga sinasabi mo? Pareho tayong lalaki Malcolm at alam mo na dapat mong pigilan iyang nararamdaman mo." Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido.  "I like you Kiro and why don't you believe at me?"  "Huwag mong lokohin ang sarili mo Malcolm," sagot ko dito at napatalikod. "Hindi purkit may nararamdaman ka na sa akin ay ibig sabihin niyon na gusto mo na ako. Kaya ka nakakaramdam ng ganiyan ay dahil gusto mo lang pagtripan ang buhay ko." Nagsimula na akong maglakad papalayo ngunit napahinto ako ng biglang may yumakap mula sa aking likod. Nanlaki ang mata ko ng maramdaman ang paglapat ng ulo ni Malcolm sa aking balikat pero ang mas kinagulat ko ay ang maramdamang may luha ang pumapatak.  "Malcolm..." mahinang bulong ko pero pakiramdam ko ay kumalma na ako at ang galit na nararamdaman ko kanina ay naglaho.  "Please don't leave me." Mahinang bulong nito kahit pa garalgal na ang boses niya. Gusto ko siyang itulak papalayo para matauhan pero may pumipigil sa akin na hayaan siyang sumandal. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbitaw niya mula sa pagkakayakap at hinawakan ang dalawang balikat ko kasabay ng pagharap sa kaniya. "I'm sorry." Saad nito at naglakad na papalayo.  Pipigilan ko sana siya pero huli na ng nakalayo na ito. Napakuyom ako at naglakad na rin papalayo. Aish! Bakit kailangan ko siyang pigilan?!   "Kiro may problema ba--" "Sorry kailangan ko ng umuwi, Carson." Putol ko. Pansin ko ang gulat sa mga mata niya pero pakiramdam ko ay wala ako sa mood ipaliwanag sa kaniya ang nangyari.  Habang sukbit ang bag pabalik ng classroom ay hindi ko maiwasan ang mainis. Kung minsan sa tuwing may nakaharang na basura sa harapan ko ay kaagad kong sinisipa. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay apektado ako sa mga sinabi ni Malcolm na hindi naman dapat. "Kiro kamusta ang pag-uusap niyo ni kuya--" hindi na natuloy pa ni Yumiko ang pagtatanong dahil nilagpasan ko lamang siya at yumuko sa upuan ko. "Hayaan mo muna siya, ganiyan 'yan kapag problemado." Bulong ni Rico kay Yumiko pero rinig ko naman ang sinabi nito. Ilang minuto lang ay dumating na ang next prof kaya nakinig na lang ako at itinuon ang buong atensiyon sa lesson. Ng matapos na ang buong klase ay hinarap ko si Rico at sinabi na hindi muna ako sasabay sa kanila ni Yumiko. Napatango naman siya at bakas sa mukha niya na gusto niyang magtanong kung ano ang nangyari pero mabuti na lang dahil hindi na siya nagtanong pa.  Nagsimula na akong maglakad palabas ng campus. Ramdam ko ang mga kakaibang tingin ng mga estudyante. Alam kong nagtatakha na sila kung ano ang mayroon sa amin ni Malcolm lalo na iyong naganap sa cafeteria. Sinabi sa akin ni Rico na kumakalat na sa buong campus ang tsismis na nangyari sa cafeteria dahil sa biglaang pagresign ni Malcolm doon.  "Iniisip nila na kasalanan mo kung bakit nagresign si Malcolm sa cafeteria." Iyan ang sinabi sa akin ni Rico habang tahimik na nakaupo sa klase kanina.  Napabuntong hininga na lamang ako hanggang sa napahinto ako sa paglalakad na marinig ang boses ni Yumiko na tumatakbo papalapit sa pwesto ko.  "Mabuti na lang hindi ka na nakakalayo," hinihingal na sabi ni Rico. Nakunot ang noo ko dahil sa kinikilos nilang dalawa. "Kailangan namin ng tulong mo." Dugtong ni Yumiko. "Bakit? May problema ba?" Nagkatinginan pa silang dalawa bago sabay na sumagot. "Nag-aaway si Carson at Malcolm/Si kuya Carson at Malcolm." Mabilis nilang hinatak ang kamay ko paalis ng campus at ilang minuto lang ay may napansin kaming kumpulan ng mga estudyante sa tapat ng cafeteria kaya hindi na kami nagdalawang isip pa na lumapit sa kanila. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakapatong si Malcolm kay Carson habang patuloy ito sa pagsusuntukan ka. Dumarami na ang mga tao sa paligid na animo'y nanonood ng isang palabas. Hindi na ako nagdalawang isip pa na pigilan silang dalawa at pumagitna. "Tumigil na kayong dalawa." Lumapit na rin si Yumiko at hinawakan sa braso si Carson para pigilan. "Ano na naman bang pinag-aawayan niyong dalawa?!"  "He punch me first kaya bumawi lang ako." Paliwanag ni Carson kaya tinitigan ko ng masama si Malcolm. Pansin ko ang galit sa mga mata nito habang hingal na hingal. "I'm sorry, Kiro." Dugtong ni Carson. Napangiti naman ako at tumango.  "Humingi ka ng tawad sa ginawa mo." Inis kong bulong kay Malcolm pero ngumisi lang ito. Wala na akong magagawa kung hindi gawin ang ginagawa sa akin ni papa sa tuwing nakikipagbasag ulo ako.  "Ouch! What the f*ck?!--Aw stop Kiro!" Madiin na piningot ko lang naman ang tenga niya dahil ito lang ang naisip kong paraan para magising siya sa ginawa niya. Ano naman kasing pumasok sa isip niya at bigla na lang sinapak si Carson?  Narinig ko ang mga pagsinghap sa paligid at tila puno ng pagtatakha ang mga titig. Ito lang ang paraan para magkaayos silang dalawa ngunit may malakas na pito ang tumunog sa di kalayuan. Halos magtakbuhan ang lahat dahil iyon lang naman ang guard ng Hustone na sobrang higpit. "Ano'ng ginagawa niyo?!" Sigaw nito mula sa kalayuan at papalapit na sa amin.  Nataranta na ang lahat dahil sa pagtakbo ng guwardiya papunta sa pwesto namin kaya mabilis kong tinanggal ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa tenga ni Malcolm at hinatak ang kamay nito papalayo doon. Binilisan ko pa ang pagtakbo habang hatak-hatak si Malcolm dahil hindi pwedeng mahuli kami ng kalbong guwardiya na 'yon mahirap na.  "Bilisan mo nga tumakbo!" Singhal ko kay Malcolm hanggang sa siya na ang humawak sa kamay ko at laking gulat ko na mas mabilis pa siya sa akin. "Baka madapa ako!" Pagmamaktol ko. Tila may kakaibang bagay ang kumiliti sa aking puso at para bang bumagal ang pagtakbo naming dalawa. Ano'ng nangyayari? Bakit parang bumagal ang pagtakbo naming dalawa? Bulong ko sa sarili. Nakatitig lamang ako kay Malcolm habang pinapanood ang mukha nito na tagaktak ng pawis.  "We're here." Hinihingal na aniya dahilan para matauhan ako. Napansin ko na nasa harapan na kami ng bus station.  "T--tara n--na." Nauutal kong sagot at pumasok sa loob ng bus. Sumunod lang siya sa akin at tumabi. Teka, bakit parang may kakaiba sa mukha niya? Bakit parang gumwapo siya sa pangingin ko-- sinabi ko bang gumwapo siya? What the! Ano itong nangyayari sa akin? Parang ang bilis ng t***k ng puso ko kahit titigan ko lang siya? No, no hinihingal ka lang Kiro. Tama hinihingal ka lang dahil tumakbo ka kaya mabilis ang pagtibok ng puso mo. "Don't stare at me like that, Kiro."  "H--hah? Alam mo tigil-tigilan mo na ang panunuod ng bent10, tsk." Tuksong sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin. Aish! Ito na naman ang kakaibang pakiramdam-- "Stop beating!" Sigaw ko sa sarili. Napatingin lahat ng tao sa akin kaya bigla akong napayuko sa hiya. Ng dumapo ang kamay ni Malcolm sa balikat ko ay kaagad akong napaatras. Biglang nanliit ang mata nito dahil sa mabilis kong pag-iwas. Tumingin na lamang ako sa bintana at doon binuhos ng mura ang sariling repleksiyon.  Pagkarating na pagkarating sa bahay ay umakyat kaagad ako sa kwarto at mabilis na sinara ang pinto. Napahawak ako sa kaliwang dibdib dahil hanggang ngayon ay hindo pa rin ito tumitigil. Ngumiti ako at tumayo ng diretso dahil siguradong pagod lang itong nararamdaman ko.  Dumiretso na ako sa cr at naglinis ng sarili. Ng matapos na akong maligo ay nagbasa na lamang ako ng manga para libangin ang sarili ngunit naudlot ang pagbabasa ko ng sumulpot si Malcolm sa harapan ko. "I know that you like me, Kiro." Aniya kasabay ng pagkindat habang ang lapad ng ngiti. Nanlaki ang mata ko at mabilis na sinuntok iyon ngunit naglaho ito sa harapan ko. Ngayon ko lang napagtanto na imahinasyon ko lang ang nakita ko.  Ano na ang nangyayari sa akin?! Mababaliw na ako! "Bakit nakikita ko siya kung saan-saan? Wah!" Hindi ko na maiwasan mapasigaw dahil kahit saan ako tumingin ay nakikita ko si Malcolm sa paligid. "Layuan mo na ako hinayupak ka!" "Kiro you can't fool yourself that you are crazy in love with me." Nakangiting sambit nito habang nakaposing sa kama ko. Mabilis kong binato ng unan si Malcolm kaya naglaho iyon. "Stop!" Malakas na sigaw ko hanggang sa bumukas ang pinto at niluwa niyon si Malcolm. "What is happening?" Tanong niya kaya mabilis kong kinuha ang libro at malakas na binato sa kaniya dahilan para tumama sa mukha nito. "Umalis ka na sa isip ko!"  "What the f*ck Kiro?! Ouch!" Sabay himas nito sa kaniyang mukha na natamaan ng libro. Unti-unting nawala ang galit na nararamdaman ko ng makitang hindi imahinasyon ang nakatayo sa harapan ko. "Ma--Malcolm?"  "Yes its me! Ano ba'ng nangyayari sa'yo?!" Galit na tanong niya. Napakagat ako sa ibabang labi at napakamot sa batok. "W--wala." Lumapit ako sa kaniya at pinulot ang libro pero pinigilan niya ang kamay ko.  "I'm sorry." Mahinang bulong nito. Bigla akong napatitig sa kaniya sa gulat dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya ang salitang 'yan. Napaiwas ako ng tingin dahil bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko.  "B--bakit nandito ka sa kwarto ko?"  "I just wanted to say sorry," nanliit ang mata ko at hinarap siya.  "Huwag kang mag-sorry sa akin, kay Carson mo sabihin 'yan." Binalik ko na lang ang mga libro ko sa maliit na books shelves. Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga nito bago ako inanyayahan na kumain. "Dinner is ready." Tumango lang ako at naunang bumaba sa kusina para ilatag ang plato at kutsara. Siya na ang naglapag ng nilutong ulam kaya ng maihanda na ang lahat ay nagsimula na akong kumain.  Minsan ay napapatingin ako sa kaniya at nahuhuli ko naman itong nakatingin sa akin kaya kaagad akong umiiwas.  "Bakit?" 'di ko na mapigilan ang magtanong. Paano baka bigla akong mabulunan dahil sa paraan ng pagtitig niya. "Do you like Carson?" At tuluyan na ngang nabulunan ako sa tanong niya. Inabot naman nito sa akin ang baso ng tubig at mabilis kong nilagok iyon. "Anong klaseng tanong' yan?!" Naiinis na ako sa mga pinagsasabi niya. "Wala akong gusto sa kaniya, masaya ka na?" Sabay patuloy ko sa pagkain dahil ramdam ko na ang paghihimutok ng aking tiyan. "Bakit nangingiti ka diyan?" Kasabay ng pagdikit ng aking kilay. Napangisi naman ako hindi na pinuna ang ngiti sa labi niya. Nakakahawa ang mga ngiti niya kaya para akong timang na ngumingiti rin. Ng matapos na kaming kumain ay nagulat ako ng kinuha niya sa harapan ko ang plato at siya ang naghugas.  Bipolar lang? Kanina halos patayin na ako ng titig sa galit tapos malungkot, ngayon naman nakangiti ng malapad. Mahirap talaga ang kaadikan ang cartoons na ben1 kahit utak mo magbabago.  "Aakyat na ako sa kwarto ko." Pagpapaalam ko pero parang wala itong narinig dahilan para mag init ang ulo ko.  Umakyat na lang ako sa kwarto at nahiga sa kama. Napangiti ako ng maalala kung paano ngumiti si Malcolm kanina-- teka ngumingiti ako?  Dali-dali akong napaupo sa kama at kinurot ang sarili. Ano na itong nangyayari sa'kin?  Kumuha na lang ako ng libro at nagbasa para madapuan ng antok. Mahigit ilang oras rin akong nagbabasa pero hindi pa rin ako inaantok. Kung minsan ay napapatingin ako sa pinto at nagbabasakaling darating iyong pugong 'yon at manggugulo pero hindi naman siya dumating. Gusto kong sumabog sa inis dahil sa sarili ko. Hindi naman ako ganito dati.  "Aish!"  Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pumuntang kusina para magtimpla ng gatas. Pero pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako ng makita si Malcolm na palakad-lakad. Mukhang hindi niya napansin ang presensiya ko at patuloy lang siya sa paglakad ng pabalik-balik. "Kakausapin ko ba siya? Baka magalit lang siya kapag pumasok na naman ako ng kwarto niya ng bigla." Pinipigilan ko ang hindi matawa dahil sa ginagawa niya ngayon. Kinakausap lang naman niya ang sarili niya. Ng kumatok ako sa gilid ay biglang napahinto ito. Nanlaki ang mata niya at biglang napatayo ng diretso. "K--kanina k--ka pa nandiyan?" Tanong niya at tumango naman ako.  "Yeah at mukhang problemado ka." Sabay tawa ko ng mahina. "Pinagtimpla kita ng gatas sa ibaba. Let's go?" Pag-anyaya nito. Napangiti ako at nilagpasan siya para maunang maglakad papunta sa kusina. Pagdating ko sa ibaba ay mukhang tama nga siya. May dalawang baso ang nakahanda sa lamesa. Umupo na ako at kinuha ang basong may lamang gatas. Naupo na rin siya sa katapat ko at sumimsim ng kape. Sa tuwing nagtatagpo ang mata naming dalawa ay para bang hindi ako mapakali kaya kaagad akong umiiwas. "Kiro." Tawag niya sa pangalan ko. "Hm?" Biglang may kinuha ito sa kaniyang bulsa dahilan para makunot ang aking noo. "For you." Aniya sabay lahad ng isang maliit ng box. Nanliit naman ang mga mata ko at tinitigan ang bagay na nakalahad sa harapan ko. "Ano 'yan?" "Can you just accept it?" Napanguso naman ako dahil mukhang magagalit na naman siya. Kinuha ko na lang sa kamay nito ang maliit na box at binuksan. Nagliwanag ang mata ko ng makitang ang laman niyon. Mabilis na nilabas ko mula sa maliit na box ang keychain na m&m. "Kaarawan ko ba ngayon? Hahaha." Nagdikit naman ang dalawa niyang kilay. "Salamat dito." Sabay tingin ko muli sa keychain na m&m. Hindi ko alam pero natutuwa ako sa keychain na 'to.  Napansin ko na tumayo na mula sa pagkakaupo si Malcolm at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pants. "I have to sleep now." Parang wala akong narinig at hindi siya sinagot dahil sa sobrang tuwa ko sa keychain na m&m. Napansin kong napakamot naman siya sa batok at umakyat na sa itaas.  Pakiramdam ko ay ang saya ng araw ko ngayon. Ngayon lang may tao ang nagbigay sa akin ng m&m na merch dahil lahat ng mga damit ko na gano'n ay galing sa bulsa ko. Umayat na ako sa kwarto at napahiga sa kama habang patuloy na tinititigan ang keychain. Kahit papaano ay mabait din pala ang pugong 'yon. Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanap ng trabaho. Naisipan ko kagabi na hindi muna ako papasok ngayong araw para maghanap ng papasukan lalo na't medyo nababawasan na ang pera ko kahit sa ipon. Ayaw ko naman na manghingi pa kay papa dahil nakakahiya na sa kaniya. Nagsuot na lang ako ng polo at pants kasabay ng pagbrush up ng buhok ko. Pero bago ako umalis ay naghanda na ako ng almusal ni Malcolm. Siguradong tulog pa ang isang iyon dahil mamaya pang 7 ang class. Nag-iwan na rin ako ng notes sa refrigerator para kung sakaling mabasa niya ay alam niya kung nasaan ako.  Baka kung ano pa kasing isipin niya at hanapin ako. Ginawa ko ng big letter ang 'HUWAG MO NG AKONG HANAPIN' minsan pa naman kakaiba ang utak niyan. Tsk. Nagsuot na ako ng sapatos para magsimulang maghanap ng trabaho. Kaya mo 'to Kiro makakahanap ka rin ng trabaho. Bulong ko sa sarili at sumakay na ng bus.  Nagsimula na akong maghanap ng trabaho. Halos lahat ng mga pinapasukan ko ay sinasabi na bakit hindi na lang ako mag-artista tutal naman ay may itsura ako ngunit kaagad akong tumatanggi. Kaya ang nagiging ending ay sinasabi na tatawagan na lang ako.  Hindi pa rin ako tumigil sa paghahanap ng trabaho at naghanap ng mga pwedeng pasukan. Hanggang sa napansin kong alas onse na pala ng hapon kaya kailangan ko ng magtanghalian. Napaikot ako ng tingin para maghanap ng karinderya hanggang sa nakakita ako at umorder ng pagkain. 'di pala madali ang maghanap ng trabaho. Napaikot ako ng tingin dahil tila halos lahat ng mga tao dito ay napapatingin sa akin na para bang may problema sa mukha ko.  Tinitigan ko naman ang sarili ko sa salamin ang mukha ko at gwapong mukha ko lang ang nasa repleksiyon. "Hindi ba't ikaw si Kiro?" Kunot noong tanong ni lola dala ang mga pagkain na inorder ko. Kahit naguguluhan ay napatango na lamang ako. "Naku hinahanap ka ng nobyo mo." Aniya at ngumuso sa tv na nasa likuran ko. Napaikot ako ng tingin hanggang sa nakita ko ang litrato ko sa news dahilan para malaglag panga ako. Put* bakit nandiyan ang picture ko?! At may nakalagay na missing?!  Biglang nag-init ang ulo ko ng maisip kung sino ang may pakana at hindi nga ako nagkamali ng biglang nakita ko si Malcolm sa news. "If you see this person, please contact me." Nag-aalalang aniya pero ramdam kong nagpapanggap lang siya na kunwari ay malungkot. Napakuyom ako sa inis dahil ano na naman bang tumakbo sa utak niya? At may pabuya pa talaga ng 50,000. Seryoso Malcolm? 50,000 para sa makakakita dahil nawala lang ako?! Mabilis kong sinukbit ang bag at nagmamadaling tumakbo pauwi sa bahay. Narinig kong tinawag pa ako ni lola pero hindi na ako nag-abala pang huminto. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Inis. Malcolm! To be continued... A/N: engeng katulad ni Malcolm HAHAHA~ Nawala ka lang nasa news ka na at LT iyong may nakalagay na MISSIN tapos may pabuya HAHAHA
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD