Kiro's POV
Isang dangkal na lamang ay magdidikit na ang labi namin ni Malcolm pero kahit pa gusto ko siyang tulakin ay parang nagyelo na ako sa pwesto ko at hindi maigalaw ang aking katawan. Napansin kong ipinikit niya ang kaniyang mata ng biglang--
"Malcolm may masakit pa ba sa'yo--" Mabilis kong naitulak si Malcolm kaya bumagsak ito sa lapag. Nanlaki ang mata ni Vincent at napahawak sa kaniyang bibig na tila ba nagulat ito sa kaniyang nasaksihan.
"M--mali k--ka ng iniisip." Nauutal kong sagot at nagmadaling lumabas ng clinic habang ang bilis pa rin ng t***k ng puso ko. Put* nakakahiya! Napahilamos ako sa mukha ng maisip kung ano ang nasaksihan ni Vincent at paniguradong gulong-gulo iyon sa kaniyang nakita. Naglakad na ako papuntang court para magsimulang maglinis dahil pakiramdam ko na kapag bumalik lamang ako para ipaliwanag ang nangyari ay magiging awkward lang. Aish! Hinayupak ka talaga, Malcolm! Ano ba'ng tinakbo ng kokote mo?!
Para na akong timang na naglilinis dito sa court habang bumubulong. Paano kung ipagkalat ni Vincent ang nakita niya? Gulo ang resulta niyon. Ilang minuto lang ay dumating na si Malcolm at nagsimulang maglinis rin. Tahimik lamang kaming dalawa na naglilinis ng binasag ko na ang katahimikan.
"P--pinaliwanag m--mo ba kay Vincent ang nakita niya?" Kinakabahan kong tanong at huminto naman siya sa paglilinis at tumango.
"Yeah," maikling sagot nito at nagsimulang maglinis muli.
"Ano'ng reaction niya? Sinabi mo ba na nililinisan mo lang ang sugat ko?" Sunod-sunod kong tanon at bagot naman niya akong hinarap.
"Calm down, Kiro. He would not tell to everyone what he had seen." Kalmang aniya. Tumango-tango naman ako dahil alam kong hindi iyon ipagkakalat ni Vincent.
Ng matapos na kaming maglinis ay bumalik na kami sa classroom ngunit bawat daan na nadaraanan namin ay napapansin ko ang mga tinginan ng ibang estudyante. May dumi ba sa mukha ko? Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at wala namang problema.
"Bakit tumitingin sila sa'tin?" Bulong ko kay Malcolm at nagkibit balikat naman siya.
Pagkarating sa room ay mabilis na lumapit sa akin si Rico at bakas sa mukha nito ang taranta.
"Mabuti dumating ka na, totoo bang muntikan ka ng halikan ni Malcolm?" Pabulong na tanong ni Rico kaya nanlaki ang mata ko.
"Ano?! S--saan mo naman n--nalaman ang kwentong 'yan?" Napatingin ako sa paligid at naabutan kong nakatitig sa akin ang buong klase.
"Kalat na ngayon sa buong campus." Nalaglag panga na lamang ako. Hinayupak ka Vincent! Inikot ko ang aking tingin ng namataan ng mata ko si Vincent ay masama ko itong tinitigan. Nagtaas ng balikat lamang ito pero ramdam kong nagsisinungaling siya. Siya ang nagpakalat sa lahat na muntikan na kaming maghalikan ni Malcolm.
"Walang katotohanan ang mga nabalitaan mo," hinarap ko si Malcolm na nasa tabi ko habang walang reaction. "Sabihin mo sa kanila na hindi totoo ang nalaman nila." Pagpupumilit na bulong ko kay Malcolm. Tinitigan naman niya ako kasabay ng pagbulong.
"Don't make the things obvious, Idiot." Malalim na aniya. Nagdikit ang kilay ko.
"Sabing may pangalan ako, KI-RO! Kiro ang pangalan ko hindi idiot." Bulong na sigaw ko sa kaniya.
"Ehem," tikhim ni Rico dahilan para mapansin ko na ngayon ay lahat na sila nakatingin habang magkaharap kami ni Malcolm na animo'y may pinagtatalunan. Napaayos ako ng tayo.
"Sorry." Iyan lang ang tanging nasabi ko hanggang sa dumating na ang prof namin at nagsimula na itong magturo.
Binabagabag pa rin ako at hindi ko magawang magfocus sa tinuturo dahil sa tsimis na kumakalat. Gusto kong sumabog sa inis dahil pahamak talaga ang Vincent na 'yan. Kailan tatahimik ang buhay ko kahit saglit lang.
"Mr. Delos Santos." Mabilis akong napatayo ng marinig ang galit na boses ni miss.
"Yes miss?" Nanlilisik ang mga mata nito.
"Stand outside, now!" Utos niya. Nakayukong lumabas ako ng classroom. Sinapo ko na lamang ang aking noo dahil nagkaganito pa ako ay sa oras pa ni miss dahil ayaw niya sa subject na walang nakikinig. Napahinto ako sa pag-iisip ng marinig muli ang sigaw ni miss sa galit kaya napasilip ako sa salamin ng pinto dahilan para madapa ako ng may bumukas nito. Ouch! Napaangat ako ng tingin ng mapansin na may sapatos ang nasa harap ko. Napansin ko ang lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at dahan-dahan tumayo.
Napangiti na lang ako sa kanilang lahat at humingi ng tawad. Napansin ko na lumabas rin si Malcolm at tumayo sa gilid kaya bumalik ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ako magtataka na palalabasin siya sa subject--
"Buti nga." Insultong bulong ko at mukhang narinig naman niya iyon.
Tahimik na nakatayo lamang kaming dalawa hanggang sa natapos na ang klase ni miss at pinapunta kami nito sa faculty para kausapin. Nakayuko lamang ako habang pinapagalitan ni miss.
"Sa susunod na mangyari ulit ito ay hindi ko na kayo papapasukin muli sa klase ko, maliwanag Mr. Delo Santos and Mr. Dela Vega?" Napatango-tango naman ako at napansin kong wala man lang reaction ang mukha ni Malcolm kaya binunggo ko ito. Napangisi naman siya at tumango.
"Thank you miss."
"Sige na, bumalik na kayo sa classroom niyo." Aniya. Hinatak ko na ang uniporma ni Malcolm dahil baka magbago pa ang isip ni miss at mapahamak pa ako.
Binitawan ko na siya ng makalabas na kami ng faculty.
"Si Vincent ba ang nagkalat?" Tanong ko sa kaniya at tinitigan lamang niya ako. "Tinatanong kita, napipe ka na ba o nabingi?" Nagdikit naman ang kilay niya.
"I'm not inarticulate or deaf, idiot."
"May pangalan ako sabi." Nagtitimpi na talaga ako sa lalaking ito.
"Yeah, siya ang nagpakalat and I don't want to deny that. If I deny the gossip, they will accuse me I'm not telling the truth." Aniya habang seryoso ang mukha. Napaisip ako dahil kahit kailan ay hindi ako manalo-nalo sa mga sagot niya. Pagdating sa argumento ay siya lagi ang may punto.
"Tsk, panalo ka na." Sabay lakad ko para bumalik na ng classroom. Napahinto ako ng mapansin na hindi sumunod si Malcolm. "Tatayo ka na lang ba diyan?" Napangisi naman siya at nagsimulang maglakad na rin.
Pagkarating sa room ay maraming mga mata ang nakatingin sa aming dalawa pero hinayaan ko na lamang ang mga katanungang bumabagabag sa kanila. Kung ipapaliwanag ko lang ang lahat ay baka hindi sila maniwala sa sasabihin ko. Sanay na ako na kahit pa ipaliwanag mo ang gusto nilang malaman ay hindi ka pa rin paniniwalan. Stating the fact.
Natapos ang klase kaya niligpit ko na ang mga gamit ko. Napatingin kami sa pinto ng makita si Yumiko na naghihintay.
"Tapos ka na bang magligpit, Kiro?" Tanong ni Rico at tumango naman ako.
"Totoo bang birthday mo?" Napaikot kami ng tingin ng marinig ang boses ni Oliver habang nakaakbay kay Malcolm.
"Bakit hindi mo man lang kami inimbitahan kaarawan mo pala." Sumbat ni Vincent. Pansin kong napakamot sa batok si Rico.
"Sorry hindi ko kasi alam na gusto niyong sumama sa party kaya nahihiya akong imbitahan kayo--" hindi na niya natuloy pa ang sasabihin ng masayang lumapit si Michael at inakbayan siya.
"Party tatanggihan namin? Aba, hindi kami uurong diyan." Sabay kindat nito kay Rico. Napansin ko na hindi komportable si Rico na hinawakan siya ng iba kaya tinulak ko si Michael. Alam kong hindi siya sanay na hinahawakan ng ibang tao at iyon ang isa sa mga katangian niya.
"Ito ang address ng bahay nila, kung gusto niyo pumunta." Sabay sulat ko sa papel ng address nila Rico. Mabilis namang kinuha ni Michael ang papel at iwinagayway iyon.
"Susunod kami, diba boss?" Sabay sagi nito sa balikat ni Malcolm. Nakatingin ng diretso si Malcolm sa akin kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Why didn't you tell me--"
"Mauuna na kami sumunod na lang kayo!" Hindi ko na pinatapos pa si Malcolm at hinatak na si Rico at Yumiko nag-aalalang tanong ni Yumiko
"Ayos ka lang ba, Kiro?" Nag-aalalang tanong ni Yumiko.
"Hindi, paano magiging okay 'yan eh nakatira sa iisang bahay silang dalawa nia-- Hmm!" Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Rico.
"Ahh nagugutom lang." Pagsisinungaling ko. Mukhang nakuha ni Rico ang punto ko kaya tinanggal ko na ang aking kamay.
"Tama gutom lang siya kanina pa he-he-he, tara na at baka naghihintay na sila mama."
"Okay sabi niyo eh."
Nagsimula na kaming maglakad tatlo at sumakay ng bus. Nagpresenta na si Rico na sumakay kami ng bus para makarating kaagad sa bahay nila. Ng makarating na kami sa bahay nila ay bumungad sa amin ang malaking bahay nito. Nalimutan ko nga palang sabihin na may kaya ang pamilya ni Rico dahil ang papa niya ay isang manager ng companya.
Sumalubong sa amin ang malakas na tugtog at unti-unting dumarami ang mga tao. Siguradong bisita iyon ng magulang niya. Ilang minuto lang ay dumating na rin ang mga nag-aaral sa Hustone University na imbitado sa party.
"Magpalit ka muna, Kiro." Sabay abot ng damit ni Rico sa akin.
"Salamat dito." Nagpaalam muna ako sa kanilang dalawa para dumiretso ng restroom. Tinignan ko muna kung may tao sa loob at ng mapansin na wala ay nagpalit na ako ng damit. Naabutan ko si Kiro na kausap ang mga malapit sa pamilya nila.
"Wow, ngayon lang kita nagsuot ng ganiyan Kiro at mas lalo kang gumwapo." Pagpupuri ni Yumiko dahilan para mamula ang aking pisngi.
"Binrush up ko lang ang buhok ko at sinuot ang polo, ayos ba?" Pakiramdam ko kasi ay hindi bagay sa akin itong formal attire. Nagthumbs up naman siya at ngumiti ng malapad.
"Ayos na ayos!" Masiglang aniya. "Sila Malcolm ba 'yon?" Sabay turo niya sa likuran ko. Napaikot ako ng tingin at tama siya. Si Malcolm kasama ang tropa niya suot ang mga naggagandahang polo.
"Wah! Nandito sila Malcolm!"
"Lapitan mo na malay mo mapansin ka."
"May kaklase pa lang gwapo si Rico, sh*t parang gusto kong lumipat ng school!" Bulungan ng babae sa paligid at puno ng paghanga ang mga mata nito.
"Mas lalong gumwapo si Malcolm, hindi ba?" Tanong ni Yumiko sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya at naabutan kong nakatingin ito sa akin habang nakangiti.
"Mas gwapo pa ako diyan." Natawa siya sa sinabi ko at tinap ang balikat ko.
"Oo naman." Sabay kaming natawa sa isa't-isa pero nawala ang ngiti sa labi ko ng mapansin na papunta sa pwesto namin si Malcolm.
"Mukhang nagkakasaya ang love bird ah." Tukso ni Vincent.
"May gusto ka ba kay Kiro?" Tanong ni Edmon kay Yumiko at mukhang nagulat siya.
"Tigilan niyo nga siya--" naputol ang sasabihin ko ng sumagot si Yumiko.
"Kaibigan ko lang si Kiro." Sabay ngiti nito sa kanilang lima.
"Good, dahil hindi papayag si-- ouch! Bakit ba ang hilig mong mangsiko?" Singhal ni Michael kay Edmon.
"Nakarating na pala kayo," singit ni Rico. Binati nilang lima si Rico at inabutan ng regalo hanggang sa nagsimula na ang party.
Hindi ko maiwasan mapangiti ng makitang ang saya sa labi ni Rico kasama ang mama at papa niya. Ano kayang pakiramdam ng may nanay? Simula ng bata kasi ako ay nasanay ako na si papa lang ang nakakasama ko sa bahay. Tuwing tinatanong ko kay papa ang tungkol kay mama ay sinasabi lang nito na matagal ng patay kahit pa ang katawan nito ay pinacremate.
"Kiro ayos ka lang?" Napatingin ako kay Yumiko na bakas sa mukha ang pagtataka. Mabilis kong pinunasan ang luha na tumulo sa mata ko.
"Yup, gusto mo ng wine?" Alok ko sa kaniya. Naguguluhang tumango naman siya kaya nag-excuse muna ako para kumuha ng basong may laman na wine. Pero ng kukuha pa lang ako ay may kamay ang pumigil sa akin.
"Hindi ka pwede diyan." Saad ni Malcolm kaya mabilis kong tinanggal ang kamay nito.
"Bakit kailangan mong pakialaman ang gusto kong gawin?" Kumuha na ako ng basong wine at nilagpasan siya. Tsk, bakit ba ang hilig niyang mangialam sa ginagawa ko? Hindi ba ang daming babae ang nagkakandarapa sa kaniya? Bakit hindi na lang iyon ang pagtuonan niya ng pansin kesa ako. Aish, nakakainis!
Inabot ko na kay Yumiko ang wine at nagpasalamat naman ito. Dumating na sa amin si Rico at nakisalo para makipagkwentuhan, minsan naman ay tinatawag siya ng mga pinsan niya kaya naiiwan kaming dalawa ni Yumiko.
"Ngayon ko lang napansin na ang bait pala ni Rico, 'di ba?" Tanong ni Yumiko sa akin at sumang-ayon naman ako dahil iyan ang totoo. "At ang gwapo niya ngayong gabi." Mabilis akong napatingin sa kaniya dahil sa mga salitang binitawan niya. Mukhang narealize niya rin ang mga salitang binitawan niya. "A--ah n--ngayon ko lang kasi nakitang nakausot ng ganiyan si Rico." Nauutal na sabi niya kaya hindi ko maiwasan ang matuwa kaya ginulo ko ang buhok nito.
"Ayos lang, hindi ko naman sasabihin na may nararamdaman ka sa kaniya." Napanguso naman siya kaya kinindatan ko ito. Naglaho ang pag-uusap namin ni Yumiko ay may biglang humarang sa gitna naming dalawa. Nandito na naman si Malcolm habang masamang nakatingin sa akin.
"Umuwi na tayo." Galit na utos niya. Namilog ang mata ko at mabilis na tinakpan ang kaniyang bibig.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo?!" Bulong ko dito kasabay ng pagtakip sa bibig nito. "Ahh Yumiko maiwan muna kita." Tumango naman kaagad ito kaya hinatak ko si Malcolm palabas sa bahay nila Rico. Maraming mga tao ang napatingin sa aming dalawa kaya nakaramdam ako ng hiya.
Ng mapansin na wala ng tao sa paligid at hinawakan ko sa dalawang balikat si Malcolm.
"Pwede bang huwag kang magpahalata na may koneksiyon tayong dalawa, pinapahamak mo ako Malcolm!" Singhal ko sa kaniya. Tinabig nito ang kamay ko at itinulak ako kaya naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa puno. Masamang tinitigan ko ang mga mata nito dahil kung may kapangyarihan lang sana ako na makakapagpawala ng tao ay uunahin ko na siya. Hinarang nito sa dalawang gilid ko ang kamay niya.
"Do you like Yumiko?"
"Ano ba'ng klaseng tanong 'yan?! Kung may gugustuhin man akong tao it's none of your business, Malcolm." Nagulat ako ng bigla nitong sinuntok ang puno at nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa akin.
"No! IT IS MY BUSINESS, Kiro." Madiin na aniya. Ng itulak ko siya ay hindi ako nagtagumpay dahil sa lakas nito. Tila nanigas ang buo kong katawan ng biglang lumapat ang labi nito sa akin. Ramdam ko ang lambot ng labi niya hanggang sa mapusok na gumalaw ang mga iyon. Kahit ano'ng piglas ko ay hindi ko magawa dahil pilit nitong ipinapasok ang kaniyang dila sa akin. Hindi ko na mapigilan pa ang galit kaya naitulak ko siya at mabilis na sinuntok sa mukha.
"Ano'ng ginawa mo, Malcolm? Nababaliw ka na ba?!" Sigaw ko sa kaniya. Napansin kong pinunasan nito ang gilid ng kaniyang labi.
"Yeah, I'm crazy Kiro." Kasabay ng pagngisi niya. Ng susuntukin ko siyang muli ay nahuli nito ang aking kamay at inikot dahilan para mapunta siya sa likuran ko.
"Bitawan mo ako Malcolm!" Sigaw ko pero parang walang naririnig ito. Nanigas ako ng maramdaman ang dila nito sa aking batok. "Malcolm hinayupak ka talaga!" Nagpupumiglas ako dahil parang kakaiba ang ginagawa nito mula sa aking bato kaya siniko ko ito sa kaniyang tiyan at tuluyan niya akong nabitawan.
Ng hawakan ko ang aking batok ay naramdaman ko ang basa doon na siguro'y galing sa kaniya. Ngumisi na parang nang-iinsulto.
"You're mine now, Kiro." Kinwelyuhan ko ito habang ramdam ko ang pangangatog ng aking kamay sa galit.
"Ano'ng ginawa mo Malcolm?! Bakit mo ako nilagyan ng hickey sa batok!" Binitawan ko na lang siya dahil kahit ano'ng pilit ang kausapin ko sa pugong ito ay hindi kami magkakaunawaan. Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sumabog sa inis. "Huwag na huwag mo ng susubukang lumapit pa ulit sa'kin, Malcolm." Pagbabanta ko sa kaniya at tuluyan ng umalis. Napakuyom ako habang naglalakad paalis.
"Kiro ayos ka lang ba?--"
"Kailangan ko ng umuwi Yumiko pasabi na lang kay Rico na salamat." Magsasalita pa sana siya pero naglakad na ako palayo at pumara ng taxi.
Nasira na naman ang araw ko ng dahil sa Malcolm na 'yon. Bakit ba ganito siya kagalit sa akin para guluhin ang buhay ko? Pilit kong pinunasan ang parte sa aking batok kung saan hinalikan niya kahit na alam kong wala ng dapat pang punasan pa. Pagkarating sa bahay ay ni'lock ko ang pinto at umakyat sa itaas. Pagtingin ko sa gilid ng aking batok ay nagmarka nga iyon dahil sa halik ni Malcolm.
Dumiretso ako ng cr para maligo at kinuskos ng sabon ang gilid ng batok pero walang nangyayari at hindi iyon tumatalab. Ng matapos na akong magbihis ay kinalma ko ang aking sarili at bumuntong hininga. Kasalanan ko rin kung bakit niya ginugulo ang buhay ko, Kung sa simula pa lang ay hindi na ako lumaban pa sa ginagawa niya ay hindi mangyayari sa akin ito. Ilang minuto rin bago ako kumalma at narinig ang pagbuksan ng pinto sa ibaba.
Dumiretso ako roon at tama nga akong si Malcolm ang pumasok. Sinalubong ko siya at hinarangan. Ngumisi lamang ito sa akin kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na prankahin siya.
"Ano ba'ng ginawa ko sa'yo para ganituhin mo 'ko?" Panimula ko. "Ganito ka ba kagalit sa akin para pahirapan ako at guluhin ang buhay ko, Malcolm?" Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha ko. "Sumusuko na ako sa larong ito masaya ka na? Kaya tumigil ka na sa mga pinaggagawa mo sa'kin." Pagmamakaawa ko pero hindi ko inaasahan ang sasabihin nito na nagpagulo sa akin.
"Paano kung sabihin ko sayong gusto kita kaya nagkakaganito ako? Oo pinahirapan kita at pinagtripan pero hindi mo ba alam kung bakit ako ganito? Ano ba'ng ginawa mo sa'kin para baliwin mo ako ng ganito sa'yo?!" Aniya kasabay ng paghigpit ng hawak niya sa dalawang balikat ko. "Don't tell me to leave you dahil kahit ano'ng sabihin mo ay hindi ako papayag na layuan ka. You make me crazy Kiro kaya panindigan mo." Madiin niyang sagot dahilan para nanlalaking matang napatulala ako sa kaniya.
Ilang minuto rin bago niya dahan-dahang binitawan ang aking balikat habang ang malulungkot nitong mata ay umiwas. Naglakad na siya palabas ng bahay at naiwang nakatayo ako. Totoo ba ang mga narinig ko? Nanaginip lang ba ako? Sinampal ko ang aking pisngi at naramdamang sumakit iyon. Hindi ito panaginip.
Ni'lock ko na ang pinto ng bahay dahil alam kong hindi na papasok muli si Malcolm. Nagdikit ang noo ko dahil sa naiisip.
"Isa na naman ba ito sa trip niya?" Napapikit ako ng mariin at dahan-dahang dumilat. "Ano ang akala niya maniniwala ako sa mga sinabi niya? Tsk, hindi niya ako madadaan sa mga paarte niya dahil isa ito sa mga plano niya."
Palalabasin niyang may gusto siya sa akin para pagkaguluhan ako ng mga babae niya. O di kaya'y gusto niyang mahulog ako sa kaniya tapos kapag nahulog na ang loob ko ay kaagad iiwanan na sugatan. Akala naman niya mahuhulog ako sa katulad niyang masama ang ugali. Siguradong kinikilabutan na iyon sa mga salitang binitawan niya. Geez! Tumaas balahibo ko sa mga salitang binitawan niya.
Umakyat na ako sa kwarto para matulog pero hindi ko alam ng mapatitig ako sa kwarto ni Malcolm. Napailing na lamang ako at naglakad na papasok sa loob ng kwarto ko. Tinext ko si Yumiko kung bakit kinailangan kong umuwi dahil mukhang naguluhan din siya sa kinilos ko kanina.
To be continued...
A/N: Natapos ang magandang update na may naiwang lip bite ni Malcolm HAHAHA LT sa'yo Kiro, sana all manhid xD