Kiro's POV
Dalawang araw na simula ng hindi bumalik si Malcolm sa bahay at tila gusto kong magdiwang sa saya dahil pakiramdam ko ay nakawala ako mula sa hawla. Kahit ang mga estudyante sa Hustone ay nagtaka dahil sa hindi pagpasok ng limang pugo na hinahangaan nila. Tsk, mamumuti lang ang buhok nila kakahintay sa harapan ng gate. Bulong ko sa isipan habang nangingiti ng parang wala sa sarili.
"Oy Kiro!" Sigaw ni Rico kaya nabalik ako sa huwisyo.
"Bakit kailangan mong sumigaw." Singhal ko sa kaniya. Napa-peace sign naman ito kaya napahiga na lamang ako sa isang bench dito sa kubo na tinatambayan naming tatlo. Lunchbreak ngayong oras kaya naisipan naming tatlo na dito na lang kumain tutal ay baka puno ang cafeteria, mas maganda ng maging sigurado. Hindi pa rin ako maka-move one sa ginawa ni Malcolm kaya nakakaramdam ako ng irita sa tuwing naaalala ang ginawa niya. Hindi ko na rin kinuwento kina Yumiko at Rico ang tungkol sa bagay na iyon dahil paniguradong maguguluhan lang sila sa sitwasyon.
"Nabalitaan niyo na ba kung bakit hindi pumapasok sila Malcolm nitong nagdaang araw?" Tanong ni Yumiko sa amin. Pinikit ko lamang ang aking mata at hindi na sumagot dahil ayaw ko ng pag-usapan ang pugong 'yon.
"Hindi, di'ba Kiro nakatira ngayon si Malcolm sa bahay ninyo? Baka lang naman alam mo kung bakit hindi pumapasok silang lima--" Mabilis akong napadilat at napaupo. Bakit ba walang preno ang bibig niya?!
"H--hah? N--nakatira ngayon si Macolm ssa inyo, Kiro?" Naguguluhang tanong ni Yumiko dahilan para marealize ni Rico ang salitang nabitawan niya. Napabuntong hininga na lamang ako at tumango.
"Pero dalawang araw na siyang hindi umuuwi sa bahay kaya wala akong alam sa kung ano ang nangyayari sa kaniya. At wala na akong pakialam doon." Sabay higa kong muli at ipinikit ang mata. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi na muli silang dalawa nagtanong pa.
"Sasabihin ko sa inyo pero huwag niyong ipagkakalat sa iba ang tungkol dito maliwanag?" Bulong ni Yumiko at siguradong silang dalawa lang ni Rico ang nag-uusap. 'Di ko alam pero kahit papaano ay nakaramdam ako ng kuryosidad kung bakit hindi pumapasok ang pugong 'yon. "Lumayas siya sa bahay nila."
"Ano?! Lumayas si Malcolm sa kanila?" Gulat na sigaw ni Rico at tinakpan naman ni Yumiko ang bibig nito.
"Huwag ka ngang sumigaw." Aniya.
Lumayas si Malcolm sa kanila? Ano namang naisipan ng pugong 'yon at lumayas? Napansin kong hinatak ni Yumiko si Rico papalayo kaya agad akong dumilat at pinigilan sila.
"Saan kayo pupunta?" Nagkatinginan silang dalawa.
"Alam naman namin na kinamumuhian mo si Malcolm kaya lalayo na lang kami para hindi ka na mairita sa'ming dalawa. Di'ba, Yumiko?" Napatango-tango naman si Yumiko sa sinabi ni Rico. Sumignal ako na lumapit silang dalawa na kaagad naman nilang sinunod at pinaupo.
"Makikinig ako." Mahinahon kong sagot. Kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha ni Yumiko kung magsasalita ba ngunit wala na siyang nagawa pa kung hindi sabihin ang lahat.
"Ang totoo niyan ay magkapitbahay lang kami ni Malcolm kaya ng mapadaan ako noong isang araw sa bahay nila ay narinig ko ang galit na boses ng papa niya," paliwanag niya. "Dahil siguro sa mababa niyang grado at pakikipag-ayaw. Minsan nga umuuwi ng may pasa sa mukha ang lalaking iyon. Kaya ng sumilip ako sa bahay nila ay hindi ko inaasahan na masaksihan ang pagsuntok ng tatay niya sa kaniya." Napatakip sa bibig si Rico dahil sa gulat. "Tapos kinabukasan ay nabalitaan ko na lang sa kasambahay nila na lumayas si Malcolm sa kanila."
"Grabe pala magalit ang tatay ni Malcolm." Takot na sambit ni Rico.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konsensiya sa mga ginawa ko sa kaniya. Bakit 'di ko man lang inalam ang sitwasyon niya. Siguradong pinagalitan siya ng tatay niya ng dahil sa sugat na natamo niya ng sinapak ko ito sa mukha. Aish! Ano ba itong nagawa ko?! Napatayo ako mula sa pagkakaupo dahilan para mapatingin silang dalawa sa akin. Kailangan kong ipaliwanag sa tatay niya ang lahat.
"Saan ka pupunta-- Hoy Kiro!" Tawag ni Rico pero hindi ko na sila pinakinggan pa at tumakbo palabas ng school.
Humanap muna ako ng tiyempo na hindi nakatingin ang guwardiya at dali-daling tumakas. Pumara kaagad ako ng taxi.
"manong sa--" tila napahinto ako ng marealize na hindi alam ang address ng bahay nila Malcolm. Napamura na lang ako sa inis at dali-daling tinawagan si Rico.
[Nasaan ka ba Kiro--]
"Pumunta ka ng office at hanapin mo ang card ni Malcolm siguradong nalagay doon ang address ng bahay nila."
[Ano?! Baliw ka na ba Kiro? Gusto mo bang maguidance ako dahil diyan sa pinaggagawa mo?!]
"Please Rico kahit iyon lang," pagmamakaawa ko. Narinig ko sa kabilang linya ang pagbuntong hininga nito.
[Pag ako talaga napahamak KIro mapapatay na kita--]
"Itext mo sa akin ang address ngayon na." Putol ko at pinatay na ang tawag. Naguguluhan si manong sa kinikilos ko ang ngumiti naman ako. Ilang minuto rin ko nareceive ang text ni Rico at ipinakita ito kay manong. Mukhang alam naman niya ang sibdivision kaya nagsimula na siyang magmaneho at parang hindi ako mapakali sa inuupuan ko hanggang sa nakarating na kami kaya inabot ko kay manong ang bayad. 'Di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba ng nasa harapan na ako ng gate nila Malcolm. Napabuga muna ako ng hangin bago nagdoorbell.
"Nariyan po ba si Ms. Dela Vega?" Tanong ko.
"Sino ho sila?"
"Ahh pasabi po kaklase ni Malcolm, si Kiro." Napatango naman siya at pinapasok ako sa loob. Pinaupo ako nito sa isang sofa dahil tatawagin lamang raw ng kasamabahay si Ms. Dela Vega. Napatayo ako ng makitang pababa ng hagdan ang mama ni Malcolm.
"Kiro? Ikaw ba 'yan? Bakit napadalaw ka?"
"Gusto ko lang po sana kayong kausapin tungkol kay Malcolm," panimula ko. Nagulat siya ng lumuhod ako sa harapan niya at dahan-dahan napayuko. "Patawad dahil alam kong kaya napalayas dito si Malcolm ay dahil sa akin, wala po siyang kasalanan at ang totoo niyan ay kaya siya umuwi dito ng may sugat dahil sa akin." Unti-unti ng bumabagsak ang butil ng luha sa aking mata dahil alam kong kasalanan ko ang lahat. Dali-dali niya akong ipinaupo sa sofa.
"Wala kang kasalanan Ijo," umiling naman ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Humihingi po ulit ako ng tawad sa nagawa ko." Niyakap niya ako at hinagod ang aking likuran pero mas lalo lang akong napaiyak.
"Hindi mo kasalanan kung bakit pinalayas si Malcolm dahil gusto lang siyang turuan ng leksiyon ng kaniyang ama, Kiro." Saad nito. Kumalas na ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luha. "Mukhang kailangan ka niya ngayon. Kailangan niya ng masasandalan." Aniya. "Alam kong hindi mo kasalanan ang nangyari kaya sana ay alagaan mo ang anak ko, okay?" Ngiting sabi nito. Napatayo na ako at tumango.
"Ako po ang bahala sa kaniya." Napangiti naman ito hanggang sa hinatid na niya ako hanggang sa labas ng village. Nagpaalam na ako dito at pumara ng taxi para umuwi ng bahay. Pakiramdam ko ay naroon ang pugong 'yon.
Ng makarating na ako sa bahay ay bumaba na ako ng taxi at nagmadaling pumasok sa loob para hanapin si Malcolm. Nilibot ko na ang buong kwarto pero hindi ko ito makita kahit sa kwarto niya ay wala ito.
Nasaan ka na ba! Naiinis kong bulong sa sarili at mabilis na kinontact si Rico para itanong kila Vincent kung alam nito kung nasaan si Malcolm pero kahit ang mga ito ay hindi rin alam. Naglakad-lakad na ako kung saan-saan para lang mahanap siya hanggang sa napahinto ng makita ang taong kanina ko pa hinahanap. Nanlaki ang mata ko at napangiti. Si Malcolm! Maglalakad na sana ako para lapitan ito ng mapahinto ako dahil may babae ang biglang umupo sa kaharap nito. Isang magandang babae na napakadisente ng kasuotan at mababakas dito na isang anak mayaman.
Nanliit ang mata ko ng makitang nagtatawanan ang dalawa ito dahilan para maglaho ang awang nararamdaman ko sa kaniya. Pinalayas na siya sa kanila tapos nandito lang pala siya sa restaurant nakikipaglandian sa babae? Tsk, mali ako ng inisip.
"Kiro?" Saad ng isang boses mula sa likuran ko. Napaikot ako ng tingin at nagulat ako ng makilala kung sino siya.
"C--Carson ikaw pala," kasabay ng pagngiti ko. "Patawad kung umalis kaagad ako sa arcade." Paghingi ko ng despensa.
"It's okay, alam ko naman emergency 'yon. By the way bakit nandito ka sa labas?" Tanong nito.
"A--ah tungkol diyan, w--wala l--lang tumitingin lang ako ng pwedeng pagtambayan. Sige mauna na ako--" maglalakad na sana ako papalayo ng pigilan ako nito.
"Sandali!" Pigil niya at hinawakan ang aking kamay. Ng marealize nito na hawak niya ang kamay ko ay dali-dali niya itong binitawan. "P--pwede b--bang makuha ang number mo." Sabay kuha niya ng cellphone mula sa bulsa at nilahad sa harapan ko. Napangiti naman ako at tumango. Kukuhanin ko na sana sa kamay niya ang cellphone ng may kamay ang pumigil sa akin. Ng tignan ko ang may ari ng kamay na 'yon ay naglaho ang ngiti sa labi ko at napalitan ng walang emosyong mukha.
Hinatak nito ang kamay ko papasok sa loob ng restaurant at sapilitang inupo sa kaharap niya.
"What are you doing?" Aniya at bakas sa boses niya ang irita. Inikot ko ang aking tingin kaya mabilis akong tumayo.
"Ayaw kong makaistorbo sa usapan niyo ng bisita mo." Madiin kong sabi at maglalakad na sana papalayo ng hatakin niyang muli ang aking kamay at inupo. "Anak ng! Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko?!"
"Stop shouting, Kiro." Ngising sambit nito at ngayon ko lang narealize na maraming mga tao ang napapatingin sa pwesto naming dalawa. Nahiya tuloy ako bigla dahil sa lakas ng pagsigaw ko ng dahil kay Malcolm. Pinagsaklop ko na lang ang aking braso at padabog na umayo ng upo. "What are you talking about-- oh that girl. Wait, are you jealous?" Sinamaan ko ito ng tingin.
"Hindi ako nagseselos, sadyang ayaw ko lang makisawsaw sa usapan niyong dalawa." Ngumiti ito ng nang-aasar. "Totoo ang sinasabi ko!" Mahinang sigaw ko.
"Okay, you said. What do you want to eat, my treat." Aangal pa sana ako ng kumulo ang tiyan ko ng napakalakas kaya rinig niya iyon. "I need to order now." Mabilis niyang tinawag ang waiter at siya na ang umorder ng mga pagkain. Napanganga ako ng marinig ang mga inorder nito na sobrang dami.
"Why are you walking with that man?" Seryoso nitong tanon kaya napatingin ako sa kaniya.
"Sino?"
"The man you are talking--"
"Ahh 'yon ba, si Carson nakilala ko sa arcade." Sagot ko at sakto namang pagdating ng mga pagkain kaya sinimulan ko ng lantakan ang pagkain. Sobrang sarap! Dinuro ako nito na parang nagtitimpi na hindi magalit.
"You! Are you flirting with other man?!" Napahinto ako sa pagkain at tinitigan siya ng nanliit ang mga singkit na mata.
"Ano naman sa'yo kung nakikipagflirt ako sa lalaki? At tsaka mabait naman si Carson tsaka cute pa--" naputol ang sasabihin ko ng bigla nitong hinampas ang lamesa. "Aba't! Kitang kumakain ako, Malcolm."
"So that's true you're flirting with him?!" Pagkukumpirma niya.
"No! Mukha ba akong makikipaglandian sa kapwa ko lalaki? Ikaw nga nakipaglandian sa ibang babae pinuna ko ba? Tsk." Bulong ko ng huling salita.
"What did you say?"
"Wala, sabi ko kumain ka na lang." Sabay subo ko sa bibig nito ng kutsra na may lamang pagkain. Hindi na siya nagsalita pa at kumain na lang din dahil mukhang pareho kaming dalawa na gutom. Mahigit isang oras rin kami kumain bago nagpahinga habang ako naman ay abala sa pag-inom ng milk tea. "Kumakalat ngayon na lumayas ka sa inyo."
"Yeah," maikli nitong sagot. Bumuntong hininga naman ako at umayos ng upo.
"Let's have a deal." Sambit ko dahilan para makunot ang noo nito. "Pumapayag na akong tumira ka sa bahay pero may rules."
"I hate rules."
"Aba't! Bakit ikaw may rules tas ako wala?! Tsk, I hate rules daw kahit milyong rules na ata ang pinatupad sa school." Kasabay ng pagngisi ko.
"Hindi ko magagawa ang gusto ko because of that rules," depensa niya. Hanggang sa wala na siyang nagawa pa kung hindi ang sundi nang gusto ko. "Aish! Deal." Napangiti ako ng malapad.
"Good, mamaya ko na sasabihin ang mga rules na gusto ko." Ilang minuto lang ay may lumapit sa pwesto naming dalawa and it's Carson. Nilapag niya sa harap ko ang isang card kaya kinuha ko ito at tinitigan.
"Maybe we can talk sometimes and I want to treat you too." Aniya. Napakamot naman ako sa batok at nakangiting tumango.
"Sure, itetext na lang kita--"
"You may go now." Putol ni Malcolm na tila pinapaalis si Carson. Natawa na lamang si Carson dahil sa kinilos ni Malcolm.
"Call me." Sabay signal nito sa akin hanggang sa sinundo na ito ng mga tropa niya at bago siya umalis ay kumaway ito sa akin. Ngiting kumayaw din ako at ngayon ko lang napansin na ang sama ng tingin ni Malcolm sa'kin.
"What?"
"Damn! Why there's a lot of people interested at you?" bulong nito.
"Hah? May sinasabi ka ba?" Umiling naman siya.
"Nothing."
Teka tama ba ang narinig ko kanina o guni-guni ko lang na may sinabi siyang gano'n? Nagkibit balikat na lamang ako hanggang sa sabay na kami ni Malcolm umuwi ng bahay. Habang nasa bus ay napansin kong tinawagan siya ni papa at tinatanong nito kung wala ba akong ginagawang katarantaduhan. Tinitigan ko si Malcolm ng nagbabanta-- subukan niya lang sabihin kay papa--
"No, actually he's with me now." Parang nakahing ako ng maluwag dahil sa sagot nito. Nagpatuloy lamang silang dalawa sa pag-uusap. Ng matapos ang usapan ay pinagsaklop ko ang dalawa kong kamay sa aking dibdib.
"Sino ba talaga ang anak niya sa'ting dalawa?" Sabay nguso ko. Bigla nitong pinisil ang pisngi ko at pinaglaruan iyon. "Ano ba'ng ginagawa mo?"
"Ngayon ko lang napansin na mas cute ka kapag nagtatampo." Parang nalunok ko ang sarili kong laway at dali-daling inalis ang kamay niya.
"What the! Huwag mo nga akong hawakan, kinikilabutan ako sa'yo." Geez! Bakit bigla akong kinabahan at ang bilis ng t***k ng puso ko? May sakit na ata ako nito.
"Ang sweet nila."
"Sinabi mo pa, at pareho pa silang gwapo. Sayang!" Bulungan ng mga tao sa paligid.
Napatingin na lang ako sa bintana nitong bus dahil parang hindi ko kayang titigan si Malcolm. Sweet? Hindi ba sila nandidito sa mga sinasabi nila? Aish!
Pagkarating sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto para maligo at ng tinanggal ko na ang aking pantalon ay napansin kong may nahulog na papel. Hindi ko alam pero natawa na lang ako sa sarili ko ng mapansin na number iyon ni Carson. Nakangiting nailing na lang ako at pinulot ang papel kasabay ng palagay niyon si sidetable habang nakatapis lang ng tuwalya sa aking bewang. Napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa niyon si Malcolm.
Unti-unting ngumiti ang labi nito dahilan para marealize ko kung ano ang tinititigan niya. Ang katawan ko. Bigla kong tinakpan ang aking katawan dahil hindi ko gusto ang mga tinginan niya.
"Ano na namang kailangan mo?" Nanliit ang aking mata ng nakatingin lang siya sa akin at hindi nagsasalita at bigla naman itong naglakad dahan-dahan papalapit sa akin kaya mabilis kong ihinarang ang kamay ko. "Huwag ka ngang lumapit!" Pagbabanta ko pero parang walang narinig ito hanggang sa isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. Ngumisi ito at itinuro ang alaga ko sa ibaba.
"How big that is?" Namilog ang mata ko sa tanon niya dahilan para mag-init ang ulo ko.
"Get out!" Sabay tulak ko sa kaniya palabas ng kwarto. Ng makalabas na siya ay malakas kong isinara ang pinto at ni'lock. Put*! Anong tanong 'yon?! Sinapian na naman ba siya ng kalibugan niya?
Napatingin ako sa aking ibaba at ng mapansin iyon ay kahit hindi ito nagwawala ay halata ang bakat nito. Teka, huwag mong sabihin na na-iinggit siya dahil mas malaki sa'kin kesa sa kaniya? Bigla akong natawa ng malakas. Hindi naman niya kailangan mainggit kung ano ang pinagpala sa akin dahil may solusyon na sa mga ganiyan.
Habang naliligo ay para akong timang na tumatawa sa naiisip. Ng matapos na akong maligo ay nagtapis na ako ng tuwalya. Pagkabukas ko ng pinto ay napahinto ako at nagdikit ang kilay. Ni'lock ko na ang pinto pero paano siya nakapasok sa kwarto ko?
"Paano ka nakapasok dito?" Ipinakita niya sa akin ang susi ng kwarto ko kasama ang sa kaniya. Napatayo siya at ngumiti. Bigla akong kinabahan sa pagtayo niya hanggang sa unti-unti niyang hinubad ang pang-itaas niya kahit ang sando nito dahilan para bumungad na namn sa'kin ang katawan niya. Napanguso na lang ako dahil bakit kailangan niya pang ipakita sa akin ang katawan niya? Mas lamang siya sa pangangatawan dahil sa akin ay sakto lang kahit pa may six pack abs. "Nagpapainggit ka ba?"
"No, I want you to see my whole body." Nalaglag panga ako ng hinubad niya pati ang pantalon nito kaya ang natira ay ang boxer short niya na ben10. Napalunok ako ng makita ang umbok niya sa ibaba na tila nagwawa mula sa loob ng boxer short. Binabawi ko na ang sinabi ko na naiinggit siya sa akin dahil kung hindi ako nagkakamali ay mas malaki ang sa kaniya. Wah! Ano itong iniisip ko? No!
"Magsuot ka nga and baduy." Kasabay ng pagtalikod ko pero ng maglalakad na ako papasok ng cr ay bigla niya ako nitong niyakap mula sa likuran. Nanigas ang buo kong katawan dahil mas hinigpitan niya ang kaniyan sarili mula sa aking likod kaya ramdam ko ang matigas na bagay. Tumaas bigla ang balahibo ko kaya mabilis ko siyang itinulak kaya nakaalis ako mula sa pagkakayakap.
Narinig ko ang biglaang pagtawa niya kaya napakuyom ako sa inis. Alam kong sinadya niyang idikit iyon at hindi ako nagkakamali. Mabilis akong dumiretso sa cr at napayakap sa sarili. Hu-hu-hu put* ngayon lang ako nakaranas ng gano'n. T*ngna talaga niya!
Halos sinabi ko na sa isipan ko ang lahat ng bathala para lang mawaglit sa isipan ko pero kahit ano ang gawin kong paglimot ay naalala ko ang matigas na bagay na 'yon na parang sirang plaka. Pagkalabas ko ng cr ay mabuti na lang wala na si Malcolm kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain. Alas otso na pala ng gabi at sakto naman ng pagkulo ng tiyan ko. Kaso pagdating ko sa ibaba ay napansin kong naghahanda na si Malcolm ng pagkain pero hindi pa rin mawala sa labi nito ang ngiti. Kaya busangot akong umupo.
"Ang libo mo talaga kahit kailan." Sambit ko sa kaniya at natawa naman siya bigla.
"That's natural for us, Kiro." Kasabay ng pagtawa nitong muli.
"Fvck You!" Iyan lang ang nasabi ko at kumain na lang dahil sa gutom na nararamdaman.
Kahit sa pagkain naming dalawa ay hindi nawawala ang ngiti nito labi at minsan naman ay sinasabi niya na hindi siya makapaniwala na matambok ang aking pwetan dahilan para mabulunan ako. Tama nga ang naiisip ko. Hindi magandang kasama si Malcolm dahil baka kung ano-ano'ng ituro niya sa'yo. Sinalpak ko na lang sa bibig nito ang pagkain.
"Tumigil ka na nga sa mga kabalastugan mo nasa harapan tayo ng pagkain." Natawa na lamang siya sa reaksiyon ko kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ng matapos na kaming kumain ay ako na ang nagpresenta na maghugas ng mga pinggan at umakyat na siya sa kwarto. Aaminin kong gusto kong magalit sa kaniya pero parang may pumipigil sa akin na bawian siya dahil sa pinagdadaanan niya. Ang komplikado ng sitwasyon niya ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako itinuon na lang ang sarili sa paghuhugas ng pinggan.
To be continued...