While she's on her way to school, Riri is in deep thoughts that she didn't notice that Selene is infront of her. Literal na bumagsak ang panga ni Selene dahil nilampasan lang siya ni Riri sa halip na mapansin siya nito, sa inis ay hinablot niya ang dulo ng buhok nito para magising dahil baka nag i-sleep walking ito. Malakas na napa-aray si Riri sa ginawa ni Selene.
“ Arayyyyy... sino?-" hindi makapaniwala si Riri sa ginawa ni Selene sa kanya dahil nakangisi lang itong nakatingin sa kanya na ipinag takha naman niya. “ Ba't nanghahablot ka nalang bigla Selene! masakit yon ah! ” mangiyak-iyak na sabi ni Riri na ikakonsenya naman din ng kaibigan. Agad naman siyang nilapitan nito at masuyong niyakap.
“Sorry beh, kasi naman, akala ko naglalakad ka ng tulog eh. hehehe" nakangusong sabi ni Selene at nag peace sign pa. Natawa nalang si Riri dahil parang seahorse na tignan ang kaibigan dahil sa pagnguso nguso nito.“ May problema ka ba? wala ka sa sarili eh.”
“ Hay.. kasi naman Sel, wala pa akong mapag applayan para sa OJT natin. Buti ka pa, may mapapasukan kana at tsaka diba next week na tayo magsisimula?.” malungkot na saad ni Riri. Alam kasi ng kaibigan kung bakit ito hindi makapag OJT sa kompanya ng Tito Leandro nito, dahil iyon sa malditang si Rachel Guevarra. Selene really hates seing her bestfriend like this, so she decided that she'll accompany her later after lunch.
“ ah sosss.... yun lang pala, wala kang mapasukan? E di sasamahan kita mamaya total naman halfday lang tayo. Tutulungan kitang magjowa hunting!!! ay este company hunting with jowable boss hahaha!!” malawitch na tawa ni Selene na siya namang ikatawa din ni Riri dahil marami ang nakatingin sa kaibigan. Nabawasan naman ang lungkot ni Riri dahil mayroon siyang kaibigan na maaasahan at mapagkakatiwalaan.
Sinaway naman ni Riri si Selene dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao. “ Tara na nga pinagtitinginan na tayo.” tawa lang ang tugon nito dahil wala itong pakialam sa paligid.
---
Past 1pm na sila umalis upang maghanap ng kompanyang mapapasukan ni Riri. Panay naman ang daldal ni Selene kung ano-ano, her last straw is the T.Williams Company the very known company all over the country. As soon as she think about it she grab Selene without a warning and Selene almost lost her balance because of a sudden action of Riri.
“Hoy!! Riri tangna naman oh!! hoy kung makaladkad ka naman parang aso lang kinaladkad!” Malakas na sigaw ni Selene at natauhan naman din kaagad ang kaibigan na kimi lang ngumiti.
“hehe. Pasensya na, na excite lang ako kasi baka maunahan ako don sa pag aapplayan ko."
“hay!! hindi nga halata eh, nakalimutan mo ata tao kasama mo hindi aso! hmp!" natawa nalang si Riri dito at humingi ng paumanhin.
“Sorry na, labas tayo ngayong sabado-"
“Libre mo?!"
“Kanya-kanyang bayad no! hahaha"
“Heh! nakakapagtampo ka talaga! minsan na ngalang tayo gagala di kapa manglilibre!" kunyaring tampo niya kay Riri na agad namang ikinatawa niya dahil nataranta ito sa inakto niya.“ Syempre itchoss lang, ito naman taranta agad. Para namang magtampo talaga ako sayo, e di, di nako makakakopya ng assignment kung nagkataon" Asar niya kay Riri na ikinasimangot naman nito.
“ Yun lang pala habol mo sakin Selene? kaya ka lang ba nakipag kaibigan sakin dahil may mapagkopyahan ka?" Selene was taken aback of what Riri said, and she looked serious when she said those to her. While on the other hand, Riri was just messing up with her. When Riri notice the panic look of her friend ay agad niya itong tinawanan ng ubod ng asar.
Maluha luha naman siyang kinurot ni Selene dahil sa ginawa niya dito.”ahhhh!!! kainis ka. pinakaba mo ko!! alam mo namang mahal kitang gaga ka!” agad naman siyang niyakap ni Selene dahil sa takot na baka totoo talaga siyang galit. Pero hindi parin humuhupa ang tawa si Riri na kinainis na ng kaibigan.
”Alam mo naman na di ako marunong magalit diba? tsaka naalala ko lang lagi kong nadadaanan na kompanya, yong kinukwento ko sayo?” nangiting kwento niya sa kaibigan na para siyang walang ginawang kalokohan. pinaningkitan naman siya ng mata ng kaibigan dahil parang may nararamdaman itong kakaiba.
"Oo naman!! sinong makakalimot dun sa kompanyang pinag papantasyahan mo eh, bukam bibig mo! Nako! pag talaga matandang panot na manyakis yan, Ewan ko nalang sayo.”Asar na saad niya kay Riri na ikinasimangot naman agad nito.
“Alam mo ang Basag momentom ka talaga Selene." akmang iiwan niya ito nang bigla siya nitong akbayan.
“ Parang may nakikita akong magandang pangitain kaibigan!! maraming papabols dun!! ayyy sabihan mo ko agad hah! jojowain ko lahat ng gwapo dun tas pag aawayin ko sila sa beauty ko! hahaha" tamad naman niya itong binalingan dahil sa pinag sasabi nito.
” So, Madam Awring ka na pala ngayon? hmmm Bagay sayo pag may bandana ka.” Inis na tiningnan siya ni Selene kaya agad siyang humiwalay dahil alam niyang kukurotin siya nito. Mabilis na tumakbo si Riri dahil baka maabutan siya ng kanyang butihing kaibigan.