MABILIS ang bawat hakbang ni Zandro palabas sa garden upang tunguhin ang kaniyang sasakyan. Pakiramdam niya ay umuusok ang kaniyang tainga sa inis at galit. Umuwi siya sa kaniyang bahay at doon uminon nang uminom ng alak. Hangga't maaari kailangan niyang umiwas baka biglang dumilim ang kaniyang paningin at kung ano ang magawa niya kay Danica. At sa kauna-unahang pagkakataon ay nasuntok siya ng kaniyang ama dahil lang sa babaeng iyon. Dahil alam niya simula't sapul ay si Danica na ang gusto ng mga magulang niya para sa kaniya, bagay na inayawan naman niya simula noong lokohin siya nito. Nang dahil sa babaeng iyon ay sumubok siyang maghanap ng kalinga sa iba hanggang sa natagpuan niya si Rita. Para sa kaniya walang makakatumbas sa galing ni Rita magpaligaya sa kama. Hindi niya alam kung

